"Really, may nangyari ulit sa inyo ni Gino?" Kung may gusto lang akong mangyari sa mga oras na ito, iyon ay ang lumubog sa kinatatayuan ko. Isigaw ba naman ni Ivana ang mga katagang iyon matapos kong ikuwento sa kanila ang nangyari sa amin ni Gino. "Oh my God, direk! Huwg kang sumigaw. Ang daming nakakarinig sa iyo, oh? Baka kung anong isipin nila," suway ni Yumi sa kanya. Sino ba namang hindi mahihiya sa ginawa niya. Hello! Nasa cafe kaya kami at ang dami ngayong tao rito na kumakain. Ito ang ayaw ko kay Ivana sa tuwing magkukuwento ako ng nangyayari sa buhay ko. Ang kulangn na lang ay ianunsyo niya sa buong Pilipinas ang mga nangyayari sa akin. Pero kahit na ganoon siya, hindi ko pa rin siya kayang itakwil bilang kaibigan. Siya na lan

