Nagmistulang bago muli ang bahay matapos kong linisin ito. Sinadya kong abalahin ang sarili ko sa mga bagay na alam kong makakapagbigay sa akin ng katahimikan upang makalimutan ang mga gumugulo sa aking isipan. I am still wondering what is happening to me. Alam kong normal pa naman ang takbo ng utak ko, pero hindi ko alam kung bakit sa tuwing kaharap ko ang lalaking iyon ay tila ba nababaliw ako. Ang hirap ding isipin na sa tuwing magkakasama kami ay parang hindi ko kayang lumayo sa kanya. Para bang may koneksyon kami ni Gino na hindi malinaw sa akin. Sa saglit na pag-alala ng mga sandaling nangyari sa amin ay tila ba nababahala ako. Paano kung may koneksyon nga talaga kami? Paano kung mahal ko nga siya pero hindi ko kayang pangatawanan an

