"Lexi..." At isang panaginip lang pala ang pag-amin niya. Iminulat ko ang aking mata, hindi ko namalayan na nakatulog na pala ako sa sasakyan. So, all this time ay buong biyahe pala ay nakatulog ako. Hindi ko tuloy alam kung matutuwa ako o madidismaya sa nangyari. Akala ko talaga totoong inamin ni Gino na gusto niya ako. "Hmmm?" Dahan-dahan kong ibinaling ang tingin ko sa kanya. Mumukat-mukat ko pang iminulat ang aking mga mata. Nakita ko na lang na nakatigil na kami sa harap ng building. "Nandito na tayo," pakli niya. Saka lamang ako nag-inat nang katawan at tiningnan ang sarili sa salamin. "Mukhang maganda ang napanaginipan mo, ah?" bigla niyang sabi. Natigilan ako. Sa pagtataka ay tum

