Magkahalong kaba at takot ang nararamdaman ko ngayon habang binabasa ni Mr. Reyes ang script na pinaghirapan naming tapusin ni Yumi. Masusi niyang binabasa ang bawat linyang nakasulat sa folder na hawak. Hindi ko mabasa ang nasa isipan niya pero sa pagkunot ng noo niya, alam kong may mga hindi siya nagustuhan. Matagal ko nang kilala si Mr. Reyes. Nagsisimula pa lang ako rito bilang isang junior writer ay madalas ko na siyang nakakasama sa trabaho. Masyado siyang mahigpit pagdating sa mga ipinapasa sa kanyang script at maging sa konsepto ng pelikula. Pero nasanay na ako, alam ko na kung paano hulihin ang kiliti ng tulad niya. Kahit ang pagkunot ng noo niya habang binabasa ang script ay alam ko na ang ibig sabihin. "I like it. Pero masyadon

