CHAPTER 2

1446 Words
CHAPTER 2                "My real name is Generoso Imperial." Nagsalubong ang kilay ko sa narinig. Pagkatapos ay napabungalit ako sa katatawa. Iyon bang tawang hindi ko maunawaan kung bakit ako natawa. Hindi ko alam kung normal ba iyon pero tingin ko ay nasa wastong katinuan pa naman ako. It's just that I can't help it but to laugh.                "P-pasensya ka na, ha? Natatawa lang ako talaga sa pangalan mo." Pero hindi ko talaga maipaliwanag kung bakit ako natatawa. Siguro ay dahil sa napakaluma ng pangalan niya o parang pamilyar ito sa akin. Hindi ko lang alam kung saan ko narinig ang pangalan niyang Generoso.                "Okay lang, kaya ayaw ko sa pangalan ko kasi maraming natatawa." Doon ko lang unti-unting nabawi ang sarili ko sa nakakalunod na pagtawa. Ilang segundong katahimikan ang namayani sa aming dalawa bago ko basagin iyon.                "Pero alam mo, nagtataka lang ako."                "Bakit?" tanong niya.                "Bakit dito ka pumuwesto sa akin gayung napakadami namang bakanteng upuan sa paligid?" Luminga-linga pa siya at tiningnan nga naman ang paligid. Obvious naman kasi na ako lang ang nandito sa labas.                He just shrugged his shoulder. "Ewan, hindi ko rin alam. Siguro, dahil nag-iisa ka and I saw the sadness in your eyes."                "Sadness?" Mukha ba akong malungkot? Anong sinasabi niyang sadness?                "Kahit ipakita mo na masaya ka, kita ko sa mga mata mo ang lungkot." Medyo nainis na ako sa mga sinasabi niya. But he's right. Madalas itinatago ko ang bigat ko sa dibdib ko. Well, daily routine ko na rin yata ang umarteng masaya kahit malungkot.                "Alam mo, masyado kang judgmental," sabi ko bago pa ako lamunin ng kalungkutan.                Saglit na katahimikan ang nanaig sa gitna naming dalawa. Naka-concentrate lang ako sa ginagawa ko pero kita ko sa isang parte ng mata ko na nakatingin lang siya sa akin.                "Alam mo, madalas kitang makita rito. Taga-rito ka ba?" tanong niya. Should I answer? Wala naman sigurong mawawala. Mukha naman siyang mabait at mapagkakatiwalaan..                "Diyan lang ako nakatira sa katapat na building." Itinuro ko ang apartment na tinitirhan ko.                Pero ngumiti lang siya. Iyon bang ngiti na parang may pag-aalala. But seriously, ang weird niya. "Please, let me know if you need someone to talk to. Here's my card." Inilapag niya sa mesa ang kapirasong calling card na may pangalan niya at cell phone number. "Diyan lang ako nakatira sa kabilang building ng apartment mo. I hope we can see each other again."                Iyon lamang at umalis na siya. Nagkibit-balikat na lang ako, sinundan ko siya ng tingin habang papalayo at nang mawala na siya sa paningin ko ay ibinalik ko ang sarili sa aking ginagawa. Saglit akong napatigil sa pagtipa sa keyboard nang rumehistrong muli sa aking utak ang pangalan niya. Pamilyar talaga, e. Siguro nakita ko lang ang pangalan na iyon sa isang magazine. Ewan, mas gugustuhin ko pang tapusin ang trabaho ko kaysa isipin ang weirdong lalakin na 'yon.     *****                Habang nakahiga ako sa kama, nakatulala pa rin ako. Mas tumatatak sa isipan ko ang hitsura ni Gino. Ewan ko ba, parang may koneksyon kaming dalawa kahit saglit pa lang kaming nagkakasama. Wala naman akong matandaan na nakilala ko siya. But the moment I saw his face, para bang may nagtutulak sa akin na kilalanin siya. Hindi ko namalayan na nakatulog na pala ako sa malalim na pag-iisip.                "Lex, I need to let you go." I heard his voice pero hindi ko gaano maaninag ang kanyang mukha. There's a man in front of me, hindi ko lang sigurado kung sino. Wala rin akong ideya kung anong hisura niya. I don't remember na may kaibigan akong lalaki and I never had a relationship with a guy. Pero bakit ganoon ang nararamdaman ko? Bakit ang sakit sa dibdib habang naririnig ko ang mga katagang iyon? Hindi ko maunawaan.                "No, please... huwag mo akong iwan." Iyon ang mga salitang awtomatikong lumabas sa labi ko. Though I can't see his face clearly, I am afraid to lose him. Ramdam ko rin ang mahigpit na hawak ng kamay niya na unti-unting bumibitaw. At sa bawat paglubay ng kanyang palad sa akin ay para bang sumasabay sa pagbigat ng dibdib ko. Hindi ko siya kilala pero ayaw ko siyang mawala sa tabi ko.                "I'm sorry, Lex." That was the final sentence I've heard from him. Hindi ko man lang nagawang habulin siya o pigilan man lang sa pag-alis. Nang bitawan niya ang mga kamay ko ay parang dinurog ang puso ko. Again, hindi ko na naman maunawaan kung bakit. Hanggang sa tuluyan na lang tumulo ang luha ko. Napaluhod ako sa sakit habang pinagmamasdan siyang naglalakad papalayo sa akin.                Napasinghap ako nang imulat ko ang aking mga mata. Panaginip lang pala. Hindi ko mawari kung anong klaseng panaginip iyon. Siguro ay dala lang iyon ng malalim kong pag-iisip sa script na ginagawa ko. Mabuti na lang at natapos ko overnight ang script ko for my next movie project kaya matiwasay akong makakaharap kay Miss Sandra ngayong araw.   *****                "Bakla, ano, kumusta? Natapos mo ba?" Ito kaagad ang salubong sa akin ni Ivana nang makapasok ako sa board room. Halata sa mukha niya ang kaba dahil paniguradong mabubulyawan na naman kami kung wala akong mape-present sa boss namin.                "Don't worry, natapos ko." Kumpiyansa pa ako sa sarili ko nang sabihin sa kanya ang mga salitang iyon.                "Thank God," wika niya. Napahawak pa siya sa dibdib niya na tila ba nakahinga nang maluwag. Ivana is one of the director of this TV Network company — ang CNA Network. Palagi kaming nagkakasama sa mga movie projects at sa kanya ako palaging na-a-assign kapag may movie project ako kaya naging mag-best friend kami simula noon. Pero kahit script writer lang niya ako, hindi ako itinuring ni Ivana na isa lang sa mga staff niya. I am the only one who named him Ivana. Other people are calling him Direct Ivan. Tago ang pagiging bakla niya at kahit isang beses ay hindi siya nagsuot ng damit pambabae. But because he is a gay, mas gusto niyang makipagrelasyon sa straight na lalaki instead of having a relationship with bisexual guys. Gusto daw niya ay 'yong mga lalaking gagawin siyang prinsesa kahit bakla siya. So as his best friend, all out support ako para sa kanya.                Mga ilang minuto rin ang hinintay namin bago mabasa ni  Miss Sandra ang script ko. Kahit daw mga thirty-six sequence lang ang magawa ko for now ay babasahin niya kasi nga urgent ang movie na gagawin. Tiwala naman siya na magagawa ko nang matiwasay ang trabaho ko kay kampante ako sa ginawa kong script.                "So, what do you think, Miss Sandra?" Nakangiti pa akong tiningnan siya. Alam ko namang ma-i-impress siya sa gawa ko pero tinanong ko pa rin iyon. I don't know. I just want to hear some complement from her. Para naman mabuo ang umaga ko ngayong araw. Panigurado kasing magiging toxic na naman ang araw na ito for me.                "You know what, Lexi. I think you need to take a break. I know your potential as a senior writer here pero mas gusto ko munang ibigay sa iba ang project na ito." Umawang ang bibig ko sa mga sinabi niya. Does it mean she is not impressed with my script? Kita ko kasi sa mga mata niya ang pagkadismaya.                "W-why? Anong mali? Maganda naman ang ginawa ko, ah. Sinunod ko naman po kung ano ang nasa concept ng movie? May problema po ba?" naguguluhan kong wika. This is the first time that I heard her disppointed.                "Hindi kasi papatok sa viewers ang ganitong story. Gusto ng mga viewers ang kuwento na may masayang katapusan at hindi ang ganitong tragic ending. Masyado ring open-ended ang kuwento mo kaya... I am sorry but I can't accept this." Nawindang ako sa mga narinig                "Miss Sandra, reality check lang. Hindi naman talaga lahat ng kuwento ay nagtatapos sa happy ending at gusto ko lang ma-realize ng mga manonood na hindi totoo ang fairy tale sa totoong buhay!" pagpupumilit ko.                "Pero alam mong movie ratings ng network ang nakasalalay rito!  Hindi papanoorin ng mga viewers ang isang pelikula kung malungkot ang ending ng k'wento! Gusto mo bang langawin ang movie mo. Sayang lang ang itatayang pera ng mga producers dito!"                'Pucha namang ratings 'yan! Puro sugarcoated na lang ba ang ipalalabas? Hindi ba p'wedeng magpakita ng k'wentong sasampal sa mga tao ng realidad?' Gusto kong magwala sa loob ng opisinang iyon at sigawan ang boss ko. Pero dahil mahal ko pa ang trabaho ko ay huminga ako nang malalim upang mapakalma ang sarili.                "This is so ridiculous," pabulong kong wika pero punong-puno ang dibdib ko ng hinanakit. Lumabas na lang ako ng opisina niya na gusot na gusot ang mukha at dismayado.                              
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD