CHAPTER 3

1098 Words
CHAPTER 3                                "I think you need to take a break." It was me mimicking Miss Sandra. Nakakainis naman talaga. All of a sudden bigla niyang ire-reject ang script ko. Worst thing, nakahanap kaagad sila ng kapalit. Isang amateur writer lang ang naman ang ipinalit sa akin. I mean, what the heck! I almost spend my whole life in this company and now they have the guts para palitan ako ng ganoon lang. Tapos sa isang junior writer pa. Hindi ba nakakainsulto 'yon?                "Beks, relax. Siguro mas tama ngang magbakasyon ka muna. You have to relax." I am with Ivana here at the coffee shop trying and to figure out what's happening on earth. Hindi ko pa rin talaga matanggap na bigla na lang akong itatapon sa kung saan just because hindi ko naabot ang expectation nila.                "Baks, naman. Isang buong gabi kong pinaghirapan ang script na iyon. Then all of a sudden bigla nila akong papalitan. Nakakainsulto, ha?" maktol ko.                "Naiintindihan kita, but you know what. I have an idea." marahan kong ibinaling ang tingin ko sa kanya. I am curious now on what he is going to say.                "What?"                "You can get an inspiration sa lugar na pagdadalhan ko sa iyo. Besides, may isa pa tayong movie na gagawin, hindi ba? So this is the right time to unwind. I have a friend in Pangasinan, binigyan niya ako ng one week free accommodation sa resort niya kasi doon kami nag-shoot last year and because of that, mas maraming tourist ang nagpunta sa resort niya. Pero dahil nga busy ako  sa schedule here in Manila... sa iyo ko na lang ibibigay ang free accommodation." Medyo na-convince ako. Matagal na rin akong hindi nakakapagbakasyon. Pantanggal init ng ulo na rin siguro.                "Paano ang trabaho ko?" Wala akong kasiguraduhan na may babalikan pa akong trabaho if I will accept his offer.                "Ako na ang bahala kay Miss Sandra, the only thing that you can do now is to enjoy and get an inspiration." Kumpiyansa naman akong maisasalba ako ni Ivana. Kaya pumayag na lang ako sa alok niyang one week vacation.                Minsan lang ito mangyari sa buhay ko kaya hindi ko na palalagpasin pa. Kaagad akong nag-impake ng gamit pagkauwi ko at bumili ng ticket papuntang Pangasinan. Medyo malayo rin ang lalakbayin ko. Ang sabi kasi, mga apat hanggang limang oras ang biyahe mula Manila papuntang Pangasinan. Maliban na lang kung hindi mabigat ang traffic. Pero kiber na lang, ang mahalaga ay makakapagbakasyon ako at makakalayo sa mga toxic na tao sa buhay ko. Salamat kay Ivana. Pero sa totoo lang, medyo duda ako kung makakabalik pa ako sa trabaho at ang mas malala baka mapalayas na talaga ako ni Aling Bebang sa apartment ko. Inalok na ako noon ni Ivana na sa kanyang condo manuluyan pero tinanggihan ko. Ayaw ko kasing isipin ng mga katrabaho ko na sumisipsip ako sa direktor namin. Napakarami pa namang mata sa field ko. Hindi ako artista pero ginagawan nila ako ng issue. Wala naman akong pakealam sa kanila. Ang mahalaga sa akin, matino ako habang sila may topak.                Pagkatapos ng milya-milyang layo ng tinakbo ng bus ay nakarating din ako sa terminal ng Pangasinan. Pero siyempre, kailangan kong magbiyahe ng ilan pang oras para marating ang sinasabing beach resort na pagmamay-ari daw ng kaibigan ni Ivana. Hindi naman ako nagkamali sa ganda ng lugar na ito. Medyo liblib nga lang ang beach dahil napakalayo ng biyahe at kung hindi ako nagkakamali ay gubat ang dinaanan ng sinasakyan kong tricycle bago marating ang aking paroroonan. And here I am now, amazed by the beauty of nature.                'Patar White Sand Beach Resort'                Ang lugar kung nasaan ako ngayon ay isang paraiso. Napakaganda ng asul na dalampasigan at pinong mga buhangin na tila ba nagsasalubong. Dumagdag pa sa kagandahan ng paligid ang napakaaliwalas na panahon. Walang nagbabadyang ulan ngayon kaya ang sarap pagmasdan ng paligid. Sa entrance pa lang kasi ng beach ay bubulaga na sa iyo ang banayad at mahinahong alon ng karagatan na para bang musika sa aking tainga. Tila ba nakalimutan ko ang aking mga problema at pagod.                "Hi, ma'am. Welcome to our beach resort. May I have you reservation, please?" bungad sa akin ng isang babae sa entrance ng resort. Saka ko lang naalala na kailangan ko pa lang magpakilala sa crew ng resort na ito para ma-avail ko ang free accommodation.                "Ah... Miss, ako nga pala 'yong friend ni Direk Ivan?" medyo nahihiya kong tugon.                "Oh! You must be Miss Lexi?"                Napangisi ako. "Ako nga."                "Ma'am, please follow me po. Ang sabi po kasi ng boss namin gusto n'ya munang makita kayo bago ko kayo ihatid sa room ninyo," paliwanag niya. Kailangan ko talagang makita kung sino ang may-ari ng napakagandang resort na ito. Para na rin makapagpasalamat. And whoever that person is, siya ang savior ko.                           "Okay, sige."                "Welcome to our resort, Ma'am. Let's go?" magiliw niyang wika. Ang friendly din naman pala ng mga crew rito. No wonder marami talagang turistang magpupunta sa lugar na ito. Bukod kasi sa napakagandang ambiance ay napakabait din ng mga tao. I hope ganoon din ang kanilang boss.                "Sir, nandito na po si Miss Lexi." I saw a man watching the shore. Nakatalikod siya kaya hindi ko kita kung ano ang hitsura niya. But I am sure na moreno siya, at sa lapad ng balikat niya maging sa laki ng braso niya. Sigurado akong madalas ito sa gym.                "Thank you, Mina. Iwanan mo muna kami." As I heard his voice parang may pumasok kaagad sa isipan ko. Pamilyar ang boses na iyon. Hindi ko lang alam kung saan ko siya narinig. His masculinity matches with the body he has. Malagom at malaki. But I cannot assure na straight itong lalaking ito. Remember, friend nga siya ni Ivana.                "Hi, Lexi." Halos lumaglag ang panga ko nang humarap siya. He is wearing an orange and black stripe polo na hindi nakabutones kaya kitang-kita ng abala kong mga mata ang hati ng kanyang dibdib at ang nagsusumigaw niyang mga abs. Pero ang mas nakakagulat ay kilala ko kung sino ang nasa harap ko ngayon. Pero noong una kaming magkita ay hindi naman siya ganoon kaguwapo sa paningin ko. Dumagdag pa ang suot niyang white shorts na above-the-knee at halos bumakat na ang santol. But I need to compose myself. Hindi ko dapat ipahalata na naglalaway ako sa mala-Adonis na nilalang sa harap ko. But seriously, I am drooling with his well-built body.                "G-Gino? Gino Imperial?" But in the end, umarte na lang ako na nagulat dahil kilala ko siya. Hindi dahil naglalaway ako sa katawan niya. 
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD