CHAPTER 4

1514 Words
             "Kumusta ang biyahe mo papunta rito?" Hindi ko alam kung anong mararamdaman ko nang marahan niya akong lapitan. Gusto kong matunaw sa mga titig niya na tila ba nang-aakit. Gosh! Bakit ganit ang nararamdaman ko? E, pangalawang beses pa lang naman naming nagkita. I can't even stare at his eyes. Paano ba naman, hindi siya bumibitaw sa pagtitig sa akin. Nako-conscious tuloy ako. "O-okay lang naman..." Kaagad kong inalis ang tingin ko sa kanya. "Ang layo pala nitong resort mo," pasimple kong reklamo sa kanya. Wala naman akong balak magtagal sa resort na ito. Mga tatlo o hanggang apat na araw lang ay babalik na rin ako sa Manila. Kung tutuusin hindi ko naman talaga kasi tatanggapin ang alok ni Ivana na magpunta rito. Pero dahil nandito na rin lang ako... wala na akong magagawa. I will just enjoy my stay here, para naman hindi masayang ang pagpunta ko rito. "Mukhang napagod ka sa biyahe mo, let me take you to your room." He just take all may baggage at sinenyasan niya lang ako na sundan siya. I smirked. Ano bang nasa isip ng lalaking ito? Makukuha niya ako sa pagiging gentleman niya at pamatay niyang ngiti. Well... malalaman natin. Ang harot ko naman sa part na 'yon. But kidding aside, guwapo naman talaga siya.But still, hindi ako magpapahuli sa bitag niya. Malay ko ba kung babae ang bet niya. Baka bait-baitan lang 'tong lalaking ito. Hindi naman sa judgmental pero karamihan sa mga lalaking magaganda ang katawan ngayon, mga lalaki na rin ang gusto. Kaya hindi na ako magtataka kung mahuli ko, one time, na may kahalikan siyang kapwa lalaki. Marami akong kakilala na ganyan ngayon kaya hinding-hindi na nila ako maloloko ngayon. Hindi naman kalayuan sa dalampasigan ang room ko. Presko at maaliwalas ang hangin kaya sigurado akong makakapa-relax ako sa lugar na ito. And the room where he takes me is quite interesting. Parang Hawaiian inspire na kubo. Sa tapat naman ng bintana ng kuwarto nakatapat ang dalampasigan kung saan makikita mo ang paglubog ng araw. Nakakamangha. Ngayon ko lang nakita nang malapitan ang paglubog ng araw kaya hindi ko napigilan ang aking sarili na lapitan ito at pagmasdan. "Sinadya ko talagang dito ka dalhin para makita mo ang magandang sunset sa resort na ito," he said. I was amazed by the movement of the sun na nagre-reflect sa karagatan. Parang isang buhay na painting ang nakikita ko. "Wow!" Eksaktong alas-singko na kasi kaya hindi ko palalagpasin ang pagkakataong ito. Kaagad kong kinuha ang aking cell phone at kiuhanan ang paglubog ng araw. Mga ilang shots din ang nagawa ko bago ako mamili ng ipo-post sa i********: account ko. "Maiwan na kita, if you need something... nasa lounge lang ako," ani Gino. Ibinaba na niya ang bagahe ko sa tapat ng isang table bago lumapit sa akin. "Enjoy your stay here." "Thank you." Hindi ko pa rin siyang magawang tingnan nang diretso. Ngumit lang siya at pagkatapos ay umalis na. Pasimple ko pang tinitigan ang likod niya habang naglalakad papalayo. Hindi pa man siya gaanong nakakalayo ay bigla namang tumunog ang phone ko. Tumatawag si Ivana.  “Mukhang nag-e-enjoy ka, a?" bungad niya sa akin sa phone. Maybe he saw my post on i********:. “Oo nga, e. Thank you for this. Ngayon ko lang na-realize na kailangan ko talaga ng bakasyon." Simple akong napangiti nang dumaan si Gino sa harap ko. "I'm sure, hindi lang magandang tanawin ang makikita mo riyan." "What do you mean?" tanong ko. "Ano ka ba? Maraming boys diyan sa lugar na iyan. Sigurado akong pag-uwi mo rito, may bitbit ka nang lalaki." Napatawa na lang ako sa sinambit niya. Pero malay mo nga, may mahila din ako rito at maiuwi. Nasa beach ako at siguradong maraming hot boys dito. Pero hindi naman kasi iyon ang ipinunta ko rito. I just need to relax and make up my mind. "Loka-loka ka talaga. Sige na, ibaba ko na ito. Try kong magsulat," tugon ko. "Bakla, bakasyon ang ipinunta mo riyan. Hindi trabaho." "Pero ikaw na nga rin ang nagsabi, baka makapulot ako ng inspirasyon sa lugar na ito kaya hindi ko sasayangin ang pagkakataon," bawi ko sa kanya. Kung tutuusin ganito ang gusto kong lugar kapag nagsusulat ako. Tahimik lang. Walang ingay, polusyon o kung ano mang nakasasagabal sa pag-iisip ko. "Bahala ka nga. Pasalubungan mo na lang ako ng papa pag-uwi mo," aniya bago pinatay ang phone. Napailing na lang ako. Matapos ang usapan namin ay naghanap ako ng magandang puwesto para makapagsimula ng panibagong script. May na-pitch na na movie concept sa akin si Ivana kaya kailangan kong gawan iyon ng script. Mabuti na lang at sa labas ng cottage ko ay may terasa at eksaktong kaharap iyon ng dalampasigan. Magandang lugar para sa isang tulad kong manunulat ang lugar na iyon. Kaagad kong kinuha ang laptop ko at lumabas. Pagkalapag na pagkalapag pa lang ng laptop ko sa mesa na nasa terrace ay kung ano-anong ideya kaagad ang pumasok sa isipan ko. Sinimulan kong tipain ang bawat letra ng bawat salitang namumuo sa aking utak. Hindi ko na namalayan ang oras, alas-otso na ng gabi at halos nasimulan ko na ang kalahati ng movie sequence. Saglit akong tumigil upang makapagpahinga. Nakaramdam na rin ako ng lamig na dala ng hangin. Pero nagulat ako nang bigla na lang may maglagay ng towel sa likod ko na kahit papaano'y naibsan ang lamig na nanunuot sa aking balat. Kapagkuwa'y may inilapag sa mesa na bote ng alak ang taong naglagay ng tuwalya sa likod ko. It was him—Gino. "Gabing-gabi na pero trabaho pa rin ang inaatupag mo. Hindi ka ba napapagod?" Umupo siya sa harap ko. Ngumiti lang. Pero sa simpleng ngiti na 'yon. Gusto nang magwala ng puso ko. Bakit ang guwapo niya? At bakit ganito ako kabilis ang t***k ng puso ko kapag nasa harap ko siya? Hindi ko maunawaan ang sarili ko. "Madami pang kailangang tapusin, e." Saglit ko lang siyang tiningnan at ibinalik ang atensyon sa laptop ko. Hindi ko talaga magawang titigan siya nang napakatagal. Hindi ko na rin nagawang maibalik ang concentration ko sa ginagawa ko dahil kita kong nakatitig siya sa akin, nakangiti. Pinagmamasdan lang niya ako. Wala na tuloy akong naisip na kasunod na linya sa script na ginagawa ko. He just pushed down the monitor of my laptop na medyo ikinagulat ko. "Let's go?" "H-ha? Saan tayo pupunta?" "I bet hindi ka pa nagdi-dinner. Hindi pa rin ako nakain. Samahan mo na lang ako?" Dinner? Oo nga pala. Hindi pa nga pala ako nakakapaghapunan. "Sige. Itago ko na lang muna 'tong laptop ko." Tumango lang siya at hinintay akong makalabas ng cottage. "GOOD EVENING, Ma'am. Please, have a seat." Laking pagtataka ko na may nakahanda ng dinner table na nasa floating cottage. Tumingin ako kay Gino na kasalukuyang nasa likod ko lang. "Hindi ka naman masyadong nag-ready for this dinner," kantyaw ko sa kanya. He shrugged his shoulder and said, "Ganyan ako kapag may guest of honor." Pasimple ko siyang inirapan pero napangiti rin ako nang humarap sa mesa. Umupo ako sa bakanteng upuan kung saan makikita ang ganda ng karagatan at liwanag ng kalangitan na punung-puno ng mga bituin. "Enjoy your food, ma'am, sir," ani ng waiter matapos ihain ang mga putahe. "Thank you, Mark," wika ni Gino. Matapos iyon ay umalis na ang waiter na tinawag niyang 'Mark'. Kami na lang dalawa ang naiwan sa floating cottage noong mga oras na iyon. Hindi ko rin alam kung anong i-a-akto ko dahil sa hitsura ng lugar na pinagdalhan niya sa akin ay parang dinner date ang set-up. May mga ilaw sa paligid ng cottage na pinalilibutan ng mga bulaklak. Talaga bang ganito siya tumanggap ng guest of honor niya rito o palusot niya lang iyon para sumama ako sa kanya. Ang weird kasi. "Let's eat?" anyaya niya. Hindi naman ako tumanggi sa alok niya dahil nakaramdam na rin naman ako ng gutom. Pinagmamasdan ko lang din siya habang kumakain. Napakametikoloso ng lalaking 'to. Halata sa kanya ang pagiging disiplinado sa paraan pa lang ng pagkain niya. Bihira lang ako makakita ng lalaking ganito kapino ang kilos kapag kumakain. Ayaw kong isipin na bakla si Gino pero nagpapakita siya ng mga senyales. Hindi naman ako kokontra kung talagang gay siya, e. In fact, napakarami ko nang kaibigang bakla, at lahat sila... masaya kasama. Pero bakit parang kapag iniisip ko na bakla si Gino ay nanghihinayang ako? I mean, hindi ako kokontra sa gender identity niya pero kung magkaka-boyfriend man ako, siya ang perfect example ko. Ano ba 'tong iniisip ko? Erase! Erase! "May problema ba? Hindi ba masarap ang pagkain? Gusto mo papalitan natin?" Natigilan ako sa pagtitig sa kanya. Saka ko lang napagtanto na kanina pa pala ako natutulala sa kanya habang kumakain. "Aah... wala! May iniisip lang ako. Okay na ako rito. Huwag mo na papalitan." Tumango lang siya at bumalik sa pagkain. Nakatitig pa rin ako sa kanya pero panay ang subo ko sa pagkain. Wala akong pakealam kung anong lasa ng pagkain ko dahil tingin ko, mas masarap 'tong nasa harap ko.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD