"Thank you for tonight..." Hindi ko alam kung anong isasagot ko kay Gino. Actually, I feel so grateful na ganito ang trato niya sa akin mula nang magpunta ako rito. Pero hindi ko alam kung bakit ganito siya kabait sa akin. "No, ako dapat ang magpasalamat sa ginawa mo." Saglit akong natahimik. Ni-hindi ko siya matingnan sa mga mata. Ang totoo, hindi ko talaga kayang titigan siya. I don't know why. I mean, everytime I see his face... pakiramdam ko, matagal ko na siyang kilala pero ayaw kong makita ang mukha niya. "Gino?" "Hmm?" Doon lang ako nagkalakas ng loob na lingunin siya. "Ganito ka ba talaga magtrato ng mga bisita mo rito sa resort? I mean... you don't have to do this but I really appreciate it. Nagtataka l

