"Gino!" Kaagad kong ibinaba ang bungkos ng bulaklak na ibinigay ni Daniel sa mesa at lumapit sa kanya. Kitang-kita ko kasi na biglang nanlisik ang mga mata niya nang makita ang mga bulaklak na iyon. Habang si Ivana naman ay hindi halos alam ang gagawin dahil sa pagpaasok ng dalawa. "Hi, babe," he said then kissed me on my forehead. Nakita naman ni Daniel ang ginawang iyon ni Gino sa akin. Nabakas sa mukha niya ang pagtataka kaya lumapit siya sa aming dalawa. "Did you call her babe?" tanong niya kay Gino. Hindi ko malaman kung bakit bigla na lang akong kinabahan nang magkatitigan sila. Nakita ko sa mga mata nila ang matalim na tinginan sa isa't isa na para bang nagpapahiwatig na may hindi magandang mangyayari.

