"Can you just stay here with me?" Mahigpit ang pagkakayakap ni Gino sa akin mula sa likuran ko matapos kong maligo. First day ng shoot namin today kaya kailangan kong pumunta nang maaga. Napangiti ako sa kanyang malamyos na boses na tila ba naglalambing. Saglit kong itinigil ang pagpapatuyo ng aking buhok gamit ang tuwalya at humarap sa kanya. Ipinulupot ko ang aking mga kamay sa kanyang leeg habang siya naman ay nakahawak sa magkabilang parte ng baywang ko. Nagmistula kaming sasayaw sa isang romantic music sa puwestong iyon. Tinitigan ko siya sa mga mata at binigyan ng matamis na ngiti. "Babe, I have to do my job today. Don't worry, mabilis lang naman ito. Uuwi din ako kaagad pagkatpos ng shooting. Okay?" I tapped his cheeks and kissed hi

