"So, you really are serious about this, Miss Sandra?" Kumiling ang aking mga mata kay Miss Sandra at awtomatikong tumaas ang aking kilay. I can't imagine myself messing around on the project with this rookie writer. Ano bang alam ng baguhan na ito? At saka bakit ganoon na lamang kalaki ang tiwala ni Miss Sandra sa kanya? Napakalaking insulto sa akin nito. "Yes, Lexi. Mukha ba akong nagbibiro?" she confidently said. "I can't believe na ipa-partner n'yo ako sa isang baguhan. Matatanggap ko pa kung isang senior writer ang magiging co-writer ko with this project. But with this..." bumaling ako sa babaeng nasa tapat ng glass door ng board room bago muling ibinalik ang tingin kay Miss Sandra. "This is very insulting." Napailing ako. Gusto kong m

