"Hindi ko ma-imagine na si Daniel Buencamino ang gaganap na lead actor sa next movie project natin. Gosh! Nakaka-excite!" Hindi maitago ni Ivana ang kilig nang mabalitaan namin kung sino ang magiging bida sa aming movie project. Kahit ako ay nagulat at natuwa nang makita ko siya kanina sa meeting. Hindi ko maalis sa aking utak kung gaano siya kaguwapo. Kanina kasi, habang nasa meeting kami, hindi ko maiwasan ang mapatitig sa kanya habang binabasa ang script. Detalyado pa sa aking isipan kung gaano kapungay at kaamo ang kaniyang mga mata na sa tuwing matatamaan ng liwanag ay mas lalong tumitingkad ang pagka-brown nito. Hindi rin nakaligtas sa aking paningin ang mapanga niyang mukha na lalaking-lalaki ang dating at ang mapupula niyang labi na parang ang sar

