"So, what's your decision right now?" tanong sa akin ni Gino. Matapos akong ipagtabuyan ni Aling Bebang, hindi ko na alam kung saan ako pupunta ngayon. Yakap ang aking mga nagkalat na mga damit at tangan ang rice cooker ay walang gana akong lumabas ng building. Ganito lang pala ang sasalubong sa akin. Sana naman sinabihan ako ni Aling Bebang na paaalisin na niya ako. May contact number naman ako sa kanya, bakit hindi niya ako tinawagan? "Hindi ko alam... kung maghahanap pa ako ng malilipatan ngayon, mahihirapan ako." Walang kasiguraduhan kung makakahanap ako ng malilipatan ngayon. Saka hapon na rin, hindi pa nga ako nag-aagahan o nanananghalian. Inalok naman ako ni Gino kanina na kumain muna pero tinanggihan ko kasi ang laking abala n

