11- She's Annoying, He's Annoying

1475 Words
On the way to the entrance of the mansion, kasama naman na pumasok ni Dustin ang ilan sa mga tauhan niya. Pilit nitong inasikaso ang mga nagbabagang problema at sunod-sunod na mga tawag at request sa kompanya, pasasalamat na lang din ni Dustin dahil kahit sa balita tungkol sa pagkawala ng eroplano ng ama nila ay hind pa rin naapektuhan nang lubos ang stocks ng kompanya nila. Wala pa rin namang balita at update tungkol sa ama nila at kahit tungkol kay Storm ay wala rin. Labis na nag aalala ang Lolo nito dahil buong araw nang hindi nagpapakita si Storm na kahit tawagan ito ay hind rin naman sumasagot sa tawag ng kahit kanino. Agad din na inasikaso ni Dustin ang mga kinakailangan sa kompanya upang hindi mas lalong gumulo kapag sa susunod na araw ay hindi pa rin sila makatanggap ng update sa ama nito at sa location kung saan si Storm. Mismong si Dustin na rin ang nakakaalam na dapat ‘wag na munang hanapin si Storm kahit nag aalala rin siya sa kapatid nito dahil kilala niya naman ang kuya niya; alam nito ang ginagawa niya at hinihiling din nito na maayos ang lagay ng nakakatandang kapatid niya. Kasalukuyan namang nakatambay pa rin si Rain sa bahay nila kasama ang pamilya nito. Hindi pa rin naman siya nakakarinig ng tungkol sa tatay ni Storm lalong lalo na dahil hindi pa nakikita ang eroplano nito. Gusto niya rin sana na makiramay at tumulong na rin kahit papaano sa paghahanap kay Storm ngunit pinapahinga lamang siya ni Lolo Elmer. Kinausap din kaagad ni Rain ang kaniyang mga magulang tungkol sa pagpapatayo ng negosyo ng mga ito dahil matagal na rin naman nila gusto ito. “Ate, nga pala saan ka ngayon nakatira. Ang sabi sa ’kin ni ate Michelle eh umalis ka raw sa apartment na tinitirahan mo sa downtown,” saad naman bigla ni George dahilan upang mapatingin kaagad ang mga magulang nito kay Rain. “Umalis ka sa apartment na ‘yon? Bakit, anak? Eh saan ka ngayon nakatira kasi ang dami ngayong mahal na mga titirahana sa city eh,” ani ng ama ni Rain. Kahit gustong-gusto n anito sabihin sa buong pamilya niya at lahat ng katotohanan sa mga ginagawa niya ngayon ay kailangan pa rin niyang itago ito. “AH… about dyan po eh may libre po akong tinitirahan sa kakilala ko po na kaibigan din ng kaibigan ‘ko. Malapit lang din po yon sa pinagtatrabahuhan ko kaya hindi rin siya marihap sa ‘kin na magbyahe. Ngayon po eh sana makastart na kayo ng kung ano man yung gusto niyong ipatayo na negosyo na kahit anong available dyan.” . Pagsapit ng alas dyes ng gabi, kaagad na bumalik si Rain ng condo ni Storm. Pagdating niya doon ay ganoon pa rin naman na wala ang binata sa loob. Dahil sa sobrang pag aalala na ng dalaga ay naisipan nitong umalis patungo ng mansion ng mga Dela Vega. Papalabas na sana ito ng unit nang madatnan niya ang isang pamilyar na mukha na kakalabas lamang ng elevator. “Storm, ikaw ba yan?” Nang marinig ng binata ito ay kaagad din naman siya napatingin kay Rain na may pag aalala sa mukha. Hindi alam ni Rain kung ano ang nangyari rito ngunit sa mukha pa lamang ni Storm ay halata na wala itong pahinga buong araw. Ikinagulat din ni Rain dahil nilampasan lamang siya ni Storm at hindi na ito pinansan sabay na pumasok sa loob ng unit. Sumunod din si Rain dito at hindi na nagsalita pa dahil alam niya na sa sitwasyon na ito ay mas mahalaga na hindi na niya dagdagan pa ang problem na iniisip ni Storm ngayon. Nanatili si Rain sa living room ng bahay habang pinanood na lamang niya si Storm na pumasok sa kwarto nito. Lumipas ang gabi na sobrang tahimik sa loob ng condo, gising pa rin si Rain at hindi makatulog sa dami ng bagay na tumatakbo sa isip nito. Napatingin ang dalaga sa orasan nito at nakita na ilang oras na pala ang lumipas simula nang makauwi si Storm. Agad din na kinuha ni Rain ang cellphone nito upang ipaalam kay Lolo Elmer na nakauwi na si Storm dahil nakalimutan nitong padalhan ng mensahe kanina. Sa paggamit ni Rain ng cellphone nito ay naramdaman niya ang dahan-dahan na paggalaw ng kaniyang buhok, kinilabutan naman ito sa takot ngunit nang dali dali nitong hinarap ang kabilang side ng hinihigaan niya ay nakita naman niya si Storm na malagkit na ang tingin nito sa kaniya. Laking gulat ng dalaga sa presensya ng binata sa likod niya lalo na dahil ang lapit na naman nito sa mukha niyang hindi mawari kung ano ang kailangan nito. Mabilis na naman na napaupo si Rain sa pagkakahiga nito ngunit agad din naman siya na hinila ulit pahiga ni Storm. “Stop moving, let me kiss you,” bulong ni Storm. “Huh? Hoy anong pinagsasabi mo dyan, magpahinga ka na sa loob pagod lang yan, Storm,” mahinahon na saad ni Rain at sabay na inilayo ang mukha ni Storm mula sa kaniya ngunit agad din naman ito pinigilan ng binata. “Don’t go, please. I… I can’t breath j-just stay here,” pamimiit ni Storm sa kaniya. Hindi na lang din nagpigil si Rain at hinayaan na lamang si Storm sa ginagawa nito. Yumakap nang mahigpit ang binata sa kaniya habang pilit namang nilalapit ito si Rain sa bisig niya dahilan upang manlaki ang mga mat ani Rain. Ngayon lamang nakita ni Rain na gumanito si Storm, alam niya na ang mga pinagdadaanan ngayon ni Storm ngunit hindi talaga ito sanay sa ganitong kalagayan ng lalaki. Ilang minuto ang lumipas na nakayakap pa rin si Storm kay Rain, nakahiga pa rin naman ang dalaga sa sofa nito habang si Storm ay nakayakap sa baywang nito. Ramdam niya ang malalim na mga paghinga ni Storm ngunit hindi niya alam kung nakapikit bai to o nakamulat dahil madilim at lahat ng ilaw sa condo ay nakapatay, maliban na lamang sa ilaw na nanggagaling sa silid tulugan ni Storm. “Storm? Bangon dyan lalamigin ka dyan kung hindi ka aalis,” bulong ng dalaga. “No, let me stay here.” “Lalamigin ka dyan eh, napaka uncomfy rin ng posisyon mo dyan. Mas mabuti pa na doon ka sa kwarto mo magpatuloy sa pagtulog mo. Sasakit dyan yung likod mo eh, pero if you want dito ka na lang sa tinutulugan ‘ko-“ “No, stay here.” Agad na nagbukas ang mga ilaw sa living room, nagkatinginan kaagad ang dalawa habang makikita pa sa mata ni Storm na parang sobra ang pagod nito. Hinayaan na lang din ni Rain ito ngunit nang babangon na sana ang dalaga upang ayusin ang kumot nito ay napatili kaagad siya nang maramdaman ang pag patong ni Storm sa katawan niya. “Stay still, you smell so good right now,” ani Storm habang inaamoy ang leeg ni Rain. Nanlaki kaagad ang mga mata ng dalaga nang may naramdaman na katigasan sa harapan ni Storm, agad siya na napatingin sa binata ngunit nakasara na ang mga mata nito. Pilit naman ni Rain na ginising ito dahil sa biglaang pangyayari, kahit anong gawin ni Rain ay hindi pa rin niya makakaya ang kabigatan ni Storm sa mga oras na ‘yon. Ngayon lang din na experience ni Rain ito dahil sa buong buhay niya ay hindi pa rin talaga siya nakaka-boyfriend o ng kahit na related sa mga lalaki. Dagdag pa nito dahil ngayon lang din siya nakaramdam ng matigas na sandata na kasalukuyan na nakadikit sa kaniya ngayon. “Stop pushing me, will you? Gusto ‘ko na pumatong sayo at wala ka nang magagawa don,” saad ni Storm. “Ah ganon, pakalmahin mo na muna ‘yang alaga mo eh tinutusok ako eh. Maawa ka naman sa ‘kin ang bigat-bigat mot apos papatong ka pa sa ‘kin edi nasagad na ‘yang carrot mo dito sa ‘kin,” pagrereklamo ni Rain dahilan upang mapatawa na lamang si Storm sa mga sinasabi nito. “Why are you so annoying. Asawa kita kaya may karapatan ako sayo which is dapat alam mo na ‘yon. I can also do whatever I want with you.” “Sa totoo lang, ang sama mong asawa ewan ko sayo napaka sadista mo.” “So, you’re treating me like your husband na?” “Wala akong may sinabi na ganyan, syempre may deal tayo, kinasal tayo sa papel at dapat lang na tratuhin natin na parang mag asawa ‘yung isa’t isa kasi sabi mo na rin ‘yan sa akin diba.” Hindi na nagsalita pa si Storm at nanatiling nakapikit sa loob ni Rain habang nasa ibabaw pa rin ito na nakapatong sa dalaga.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD