UNANG sapit ng weekends ay kaagad na umalis si Rain upang bisitahin ang kaniyang pamilya. Hindi na ito nag paalam pa kay Storm dahil wala rin naman silang may gagawin ngayong weekends, ganoon pa rin naman na babalik sa opisina si Storm upang magtrabaho kagaya ng lagi nitong ginagawa. Nang nilisan niya ang condo ay hindi alam ng dalaga na kaagd siyang hinahanap ni Storm nang magising ito.
Nagtaka naman ang binata kung saan na naman nagpunta itong si Rain, alas sais ng umaga pero wala na ito sa condo niya. Nakita rin naman niya ang binili niyang mga branded na damit na hindi pa rin nagagamit at nakasandal lamang ito sa gilid ng sofa.
Mabilis na napatingala si Storm nang marinig ang pag ring ng cellphone nito, nakita niyang maagang napatawag ang headmaid ng bahay nila kaya naman agad na sinagot ni Storm ang tawag, "Tiya, what are you calling all of a sudden?"
"Young Master, naaksidente po ang eroplano na sinasakyan ni Sir Gabriel. Wala pa naman po'ng update pero ngayon lang pong umaga nangyari. Hinahanap ka po rito sa mansion," pagbalita ng babae. Agad na binaba ni Storm ang tawag at kumuha ng coat nito sabay na nilisan nang mabilis ang condo.
Hindi na mawari kung ano ang mga tumatakbo ngayon sa isip ni Storm, parang hindi kapanipaniwala na ganoon na lamang ang mangyayari sa kaniyang ama. Habang mabilis ang pagmamaneho nito ay nakikinig lamang si Storm sa mga balita tungkol sa nawawalang eroplano ng nag iisang Gabriel Dela Vega. Kahit makakasama ito sa stocks nila ay hindi na lang ito pinansin ni Storm at pinaharurot pa lalo ang sasakyan nang mabilis.
Sa kabilang purok naman ng Paranaque ay naglalakad papasok si Rain sa bahay nila nang madatnan niya ang nanay nitong nandidilig ng mga halaman niya.
"Ma!"
"Oy Rain anak, ang aga mo naman yata ngayon. Pasok ka sa loob, natutulog pa ang papa mo dyan, si George naman eh inutusan ko na muna na mamili ng mga malulut," saad naman ng nanay nito. Paminsan minsan lamang siya sa bahay nila at sa tuwing ipalam ni Rain na pupunta siya ay agad na naghahanda ng masasarap na pagkain ngunit pinipigilan kaagad ni Rain ang in anito na 'wag masyadong gumastos dahil pera rin naman ng mga magulang niya iyon.
"Kamusta naman ang trabaho, anak? Sigurado ka ba na hindi ka nagkakasakit doon, may mga gamot ako rito na makakabuti sayo tsaka dalhin mo na muna mga 'yan para naman may magamit ka kasi ngayon eh hindi na talaga gumagana iyang mga gamot galing botika eh."
"Ma, 'wag kang mag alala para sa 'kin kasi matanda na po ako at kaya ko na rin 'tong sarili ko. Ang dapat niyong intindihin ay ang sarili niyo tsaka kayo rito nila papa at ni George. Mabuti po 'yung kalagayan ko, nag iipon na rin ako sakaling may mga gastusin rito sa bahay," saad ni Rain sabay kuha ng wallet nito sa bag na hawak niya, "Ito po yung fifteen thousand, 'yan na lang po yung natitira ko na pera pero nag iwan naman ako ng five thousand para sa sarili 'ko. Sa susunod ko na sahod eh malapit na rin naman kaya gusto 'ko na magpatayo ulit kayo ni papa ng shop para sa mga sapatos na ginagawa niyo dati."
Agad na nanlaki ang mga mata ng ina ni Rain matapos masabi ito ng anak niya. Simula kasi nang makagraduate at makapagtrabaho si Rain ay ito na ang nagtaguyod ng lahat ng kanilang pangangailangan, kahit noong college si Rain ay marami itong pinuntahan na mga job recruiter para mag part-time para hindi na siya dumagdag pa sa mga gastusin nila sa bahay kaya malaki ang utang na loob ng ina niya sa kaniya dahil sa mga nangyari.
"Magandang umaga pilipinas, sariwang balita mula sa Linwins International, ang sasakyang himpapawid ng Chairman ng Landmayers Corporation na si Gabriel Dela Vega ay pinaniniwalaang nawawala ngayon lamang alas kwatro ng umaga. Ayon sa mga agent at nagtatrabaho kay Gabriel ay papunta ng Japan ang private jet nito nang biglang nag anonsyo ang piloto ng Chairman na kailangan nilang mag emergency landing sa pinakamalapit na airport ngunit hanggang ngayon ay hindi pa rin nababatid ang exact location ng eroplano nila-"
"Ma, alis na muna ako text lang kita mamaya importante kasi 'to ma," mabilis na nilisan ni Rain ang bahay nila at nagbantay ng tricycle. Gulat na gulat ito sa narinig niya mula sa TV, ngunit mas nag aalala siya ngayon para kay Storm na kahit ay minsan lang ito magpakita ng emosyon ay may nararamdaman pa rin naman ito.
Kumalat sa buong broadcasting company ng balita tungkol sa pagkawala ng eroplano ni Gabriel Dela Vega, lahat naman ng mga nakakakilala rito ay nagulat sa balitang narinig nila at ilan naman ay kumalat na rin sa social media.
Linking towards the other platforms, there are a lot of interviewer na nakatayo sa labas ng kompanya ng Landmayers Corporation. Ilan sa mga ito ay hihanap ang mga anak ni Gabriel, hindi rin alam ni Dustin kung ano ang masasabi nito dahil labis din ang pag alala niya sa ama. Hindi rin nita macontact ang nakakatandang kapatid nito at hindi rin alam ni Dustin kung saan na nagtungo si Storm sa mga oras na iyon.
Lumipas ang ilang oras na nagtagal, hindi na mapigiligan ni Dustin at naisipan nitong lumabas, pinaalis din naman kaagad ng mga tauhan nila ang mga nakapakang na mga reporter at paparazzi sa labas ng kompanya.
Kaagad na nagsidatingan ang lahat ng mga nag inquire sa kompanya, lahat ng mga ka partner na corporation at empire sa Landmayers ay sinusubukan na rin nila mag reach out sa mga Dela Vega ngunit itasan kaagad sila ni Dustin na 'wag na muna ito sagutin dahil sa sobrang risky ng buong sitwasyon.
.
Nagtungo si Rain sa condo ni Storm ngunit nang makarating siya ay hindi na niya mahanap ang binata sa loob, sinubukan din niya itong tawagan ngunit hindi rin ma reach ang number nito. Hindi mawari ni Rain ngunit labis siyang nag aalala kay Storm.
Kahit magkasama sila palagi at nag aasaran ay hindi pa rin niya kilala nang buo ang lalaki kaya hindi niya talaga alam kung saan ito. Maari ring nasa mansion siya pero mas marami pang lugar ang posibleng naroroon si Storm kaya hindi niya kailangan pang isipin kung saan ito dahil hindi talaga niya malalaman.
Ang tanging nagawa na lamang ni Rain ay magbantay ng iba pang update at balita tungkol sa nangyari sa eroplano ni Gabriel Dela Vega.
Evening came, kalmado ang panahon ngunir ang balita tungkol sa Chairman ng Landmayers Corporation ay ganoon pa rin. Hanggang ngayon ay hindi pa rin alam ni Rain kung saan si Storm, kahit sa balita ay hindi niya ito makita na tanging si Dustin lamang ang nakausap ng ilang mga reporter sa labas ng kompanya ng Landmayers.
Lahat ng tao ay hinahanap na si Storm at kung saan man ito ngayon. Dahil hindi rin naman makakatulong si Rain sa sitwasyon ay bumalik na lang ito sa bahay nila upang makasama ang mga magulang nito at kapatid sa kaunting oras, hindi rin naman niya maaaring sabihin sa kanila ang nangyayari ngayon dahil mas lalong magkakagulo ang lahat kapag nalaman ng mga magulang niya na kasal na pala siya; at sa isang anak ng pinakamayaman negosyante pa sa buong bansa.
Sa harap ng hapag kaininan, nag uusap-usap lamang si Rain at ang panilya nito nang agad naman siyang nakatanggap ng tawag mula sa isang unknown number na ito naman ay sinagot nang dalaga at sabay na nilisan ang kusina.
"Hello?"
"Rain, Hija. This is Lolo Elmer, Storm's grandfather, I don't have time to tell you how I got your number pero matanong 'ko lang kung alam mo ba kung nasaan si Storm? Kasama mo ba siya ngayon?" Nag aalalang pagtanong ni Lolo.
"Ay hello po... Lo, Storm's not with me po pero sigurado ako na may ginagawa po siyang importante ngayon. Kung makikita 'ko po siya or makauwi siya mamaya eh sasabihin po agad sa inyo."
"Thank you, dear. Mag stay ka lang dyan, Storm is very unpredictable kaya naman hinahayaan 'ko lang siya especially sa sitwasyon na 'to ngayon na kahit ako na pamilya niya eh hindi ko macontrol ang apo 'ko na iyon. Let me know of you're with me ha, salamat ulit nang marami, Rain," pagbati ni Lolo Elmer kasabay nang pag baba ng tawag nila.
Napahinga na lamang si Rain nang malalim dahil sa gulo ng mga nangyayari ngayon.