MAINIT ang gabi at nakabukas ang sliding door sa balcony ng condo, nasa salas lang din si Rain habang nilalanghap ang sariwang hangin na nanggagaling sa balcony. Tahimik ang loob ng living room dahil mag isa lamang ang dalaga habang ginagamit nito ang cellphone niya. Dahil wala siyang pasok kanina ay napag isipan niyang sa condo na muna ni Storm magtagal.
Agad din naman sinimulan ni Rain at kinuha ang laptop nito. Kailangan na niyang simulan ang pag gawa ng article ukol sa pinakabatang heir ng pamilya Dela Vega ngunit dahil hindi pa naman niya nalalapitan at nakakausap ang bata ay hindi niya alam kung paano ito sisimulan.
Sa pagkakaalam ni Rain mula kay Storm ay may kapatid itong dalawa ngunit hindi na ito nagbigay pa ng ibang detalya, tanging nababanggit lamang ni Storm sa kaniya ay trabaho at minsan din ay hindi na ito nagsasalita pa. Paminsan-minsan din ay inaasar siya ng binata at hindi niya mawari kung ano ang tumatakbo sa utak nito dahil mabilis din naman ito mag iba ng modo.
Ngayong gabi ay mag isa lamang siya sa condo, hindi pa nakakauwi si Storm mula sa trabaho nito. Naramdaman din bigla ni Rain ang gutom kaya napag pasyahan nito na pumunta ng kusina upang magluto.
Sa lobby naman ng condo sa baba ay dumating si Storm na hawak-hawak ang isang box nga cake, masaya ang loob nito na pumasok sa loob ng elevator. Nang makarating ang lalaki sa condo ay kaagad din naman niya na hinanap si Rain sa loob.
Pagdating ni Storm ng kusina ay nadatnan din naman niya si Rain na may niluluto ito na hindi niya mawari kung ano. Pinanood niya ang dalaga na may hinuhugasan sa lababo, “Nagluluto ka rin pala,” bati ni Storm at sabay na naupo na nasa likod lamang malapit kay Rain.
“Ginabi ka, hindi na bago pero nakakagulat naman na nandito ka sa kusina kasama ako,” saad naman ni Rain. Palagi niyang sinusungitan ang binata ngayon dahilan naman para mapakurot si Storm ng noon nito ngunit ang hindi alam ng dalaga ay nagugustuhan din ng lalaki ang pagsusungit nito sa kaniya.
“I sort out a lot today kaya ginabi ako. Anong oras ka umuwi rito?” Tanong ni Storm.
“Hindi ako umalis wala akong duty kanina kaya nanatili ako rito sa condo mo. Kung may kailangan ka pang kainin eh sabihin mo lang sa ‘kin para mailuto kita, matutulog kasi ako nang maaga,” saad ni Rain habang nakatalikod pa rin ito sa binata
Hindi napansin ni Rain na tumayo si Storm mula sa pagkakaupo nito, lumapit ang lalaki sa likuran ni Rain at sabay na inamoy ang buhok nito mula sa likod, “You smell good,” bulong ni Storm dito na kaagad naman napalayo ang dalaga sa kaniya.
“Ginagawa mo? Adik ka ba,” natatarantang saad ni Rain ngunit mabilis nakuha ni Storm ang kamay niya at sabay na hinila ito sa dibdib ng binata.
“Stop resisting. You’re so cute when you’re mad, at isa pa tinanong mo ako kung anong gusto ko na kainin. What if I’ll tell you na ikaw yung gusto ko.”
Hindi inasahan ni Rain ang sobrang tuwid na pagsagot ni Storm sa kaniya. Alam niyang nagiging malapit na ang loob niya sa binata pero sa ganitong paraan ay nasa punto na siyang susuntukin na niya ito. Agad ni Rain na inalis ang pagkakahawak ni Storm sa kaniya at nilisan ang kusina, napatawa na lang din si Storm sa ginawa niya rito.
Hindi na nag abala pa si Storm na puntahan pa si Rain at tinapos na lamang ang lulutin kahit hindi niya alam ang planong ulam na lulutuin sana ni Rain.
Ngayon lang nangyari na pang-aasar ni Storm sa dalaga na kahit si Storm mismo ay nagulat sa inasta niya. Kasalukuyan naman si Rain na nasa balcony habang ginagamit ang cellphone nito. Kaagad na pinadalhan ni Rain ng text si Grace at pinaalam sa kaibigan niya ang nangyari, napatawa na lang din si Grace sa mga naikikwento ni Rain sa kaniya.
Matapos maihanda ni Storm ang kaniya niluto ay agad niyang pinuntahan ang dalaga sa living room at nakita itong may ginagawa sa laptop niya.
“Let’s eat,” ani Storm.
“Wait lang mauna ka na,” sagot naman ni Rain dito. Mabilis naman kausap si Storm at hindi na lang pinansin si Rain sabay na nilisan ang salas.
Sumunod na araw, sabay na umalis ang dalawa papunta ng trabaho ngunit sinigurado naman ni Rain na ihatid siya ni Storm malapit sa convenience store sa tapat lamang ng gusali ng Doux Editorial Company.
“Bakit dito ka bababa? Can’t I just bring you to your work? May tinatago ka ba sa ‘kin?” ani Storm.
“Wala ah, may bibilhin lang kasi muna ako since need din naman ng katrabaho ko ‘yun.”
“Ano ba yung kailangan niya? Why do you need to bring it to them eh may trabaho naman kayong pareho, malilate ka nito. Damn woman, why are you so kind. Ang bait mo sa ibang tao pero pag dating sa ‘kin eh ang sungit mo.”
“Mas masungit ka nga eh pinagsasabi mo dyan.”
“Fine.”
Sa pagdating nila sa harap ng convenience store na sinasabi ni Rain ay kaagad din naman na bumaba si Rain.
“Don’t disturb me kung wala kang importante na sasabihin,” saad naman ni Storm bago pinaharurot nang mabilis ang sasakyan nito.
“Yabang nito, sasakalin ‘ko na talaga ‘to malapit na,” bulong ni Rain sa sarili habang pinapanood ang sasakyan ni Storm na umalis.
Nang masigurado ni Rain na wala na ang sasakyan ni Storm ay kaagad ito na naglakad papunta ng building nila, naguguluhan pa rin naman si Rain kung ano ang mangyayari kapag nalaman ni Storm na nagtatrabaho siya sa isang broadcasting company. Oras nang makarating si Rain sa company ay kaagad itong pumunta ng desk niya.
.
"Gabriel, let me meet my grand daugther-in-law again, I want to know her more since this is really the first time that I have known Storm that he actually married someone," saad naman ni Lolo.
"Pa, don't worry I'll let Storm know na pumunta sila rito ulit. Busy pa kasi ang apo mo sa kompanya sa paparating na event next week. I might say I also like how Storm bring out that girl here, she's nice pero kailangan pa rin natin na alamin kung anong klaseng babae siya so we shouldn't be well about it."
"Okay gawin mo ang gusto mo pero I can sense how good that kid is. Kakausapin ko lang muna si Storm tungkol sa kasal nila at sa pamilya na rin ng babae."
Kasalukuyan na nasa malawak na garden ang mag-ama habang naglalaro ng golf ang mga ito. Napag usapan na rin ng matanda at ni Gabriel ang pagpalawak ng relasyon ng pamilya nila at ng pamilya ni Rain.
Kailangan din nila ipapublic ang relasyon nila Storm at ni Rain upang dagdag na rin ilaw sa pangalan ng kompanya nila.
.
"I love you."
"Huh?"
"Umayos ka nagrirecord ako."
Pinanood ni Rain ang dalawa niyang deskmate sa harap niya na naghaharutan, napairap na lang ito at nagpatuloy na lang din ito sa pagtype sa kaniya computer.
"Labas tayo mamayang gabi para naman makapag settle ulit tayo sa resto na gusto mo. Ikaw suggest kung saan tayo pumunta," saad naman ni Rafael sa girlfriend nito na si Jaqi.
"Guys, tigil niyo na muna 'yan nadidistract ako rito maawa naman kayo sa 'kin," saad ni Rain.
"Inggit ka lang wala kang boyfriend eh," saad naman ni Jaqi.
"Kaya nga, tigilan mo rin muna yang kakatype mo dyan kanina ka pa nagwowork dyan, hindi ka na nga nakabreak kanina eh ngayon hindi ka naman mag lalunch," ang saad naman ni Rafael sa kaibigan nila.
"Stress ka na beh, magpahinga ka naman maawa ka naman sa sarili mo," saad ni Jaqi at sabay na tinabihannsi Rain sa desk nito. Kanina pa kasi Rain na nagpapamukmok sa ginagawa niya at hindi naman maintindihan ng dalawa kung ano ang nangyayari sa kaibigan nila.
"Rain, may tumatawag sayo, si... Mister– Mister Sungit?"