bc

Shades of Love (University Series #01)

book_age18+
9
FOLLOW
1K
READ
love-triangle
BE
drama
bxg
mystery
loser
campus
highschool
enimies to lovers
war
multiple personality
naive
like
intro-logo
Blurb

University Series#1

Blurb:

From a lineage of lawyers, Celestine decided to pursue a different path; she wants to become a doctor. However, her parents hinder and oppose her decision. Celestine is studying at Haxord Nexus University, College of Law. Due to the pressure and high expectations from her parents, she strives to always maintain high grades and excel throughout the university. At an unexpected time, Zack suddenly arrives from HNU, College of Law. Zack becomes one of her academic rivals. Celestine considers Zack as her opponent and refuses to lose; she will do everything to surpass Zack. Because of this, they frequently clash and disagree on various matters. In an unforeseen event, Celestine falls for Sebastian.

This novel revolves around the love between two individuals amidst the pressures they experience in their lives, such as academic pursuits and family obligations.

chap-preview
Free preview
Prologue
"Zack! Gising naa!" Sigaw ni Mama habang malakas na kinakatok ang pinto ng kwarto ko. "Oo ma, susunod ako!" saad ko habang pinipigilan ang sariling matulog ulit. Habang pinipilit kong pigilan na makatulog, bigla kong naalala na kailangan ko pa lang lumuwas ng Manila para sa application ko ng Scholarship. "f**k! Ngayon nga pala yon, anong oras na!" Dali dali akong bumangon at kaagad na hinablot ang towel para maligo. "Hay! Malas talaga oh, ngayon pala yon!" naiinis na sambit ko habang dali dali sa pagsasabon. "Zack! Bilisan mo na, nakaready na ang almusal mo. Hay nako bata ka!" pagtawag ni Mama. "Ito na po, naliligo na, susunod po ako!" sigaw ko habang dali dali sa pagbuhos ng tubig at tinitiis ang lamig. Sa pagmamadali ko, muntikan pa akong madulas habang papalabas ako sa Cr. "s**t! Mamamatay pa ako ng wala sa oras, di pa pwede lord. Di ko pa natutupad pangarap ko." bulong ko sa sarili ko. Kaagad na akong nagbihis, hinablot ko nalang ang mga damit na susuotin ko kahit na gusot gusot to at parang dinaanan ng malakas na bagyo. Agad akong umupo sa kusina at dali daling isinubo ang pagkain. "Ma, kain kana rin po." pag-aya ko kay Mama pero busy sya, tinatapos nya pa ang kanyang niluluto. Parang may mga humahabol sa akin dahil sa bilis kong kumain. Maya maya pa, nagpaalam na ako kay Mama na aalis na ako at luluwas na sa maynilla. "Ma, alis nako ha, babalitaan nalang kita." "Sige nak, mag-iingat ka ha! Galingan mo, para sa pangarap, para sa pamilya, fighting!" wika ni Mama sabay ngiti at halik sa akin sa pisngi. "Yes Ma! Fighting, para sa'yo, sa pangarap at sa pamilya!" sambit ko habang abot langit ang ngiti. Dali dali ako sa pagtakbo at kaagad na sumakay sa tricycle para magpahatid sa sakayan ng bus. Marami ang pasahero nang marating ko ang Bus Terminal, nakipagsiksikan at patintero ako sa gitna ng init at dami ng tao para makasakay lang sa bus, at sa awa naman ni Lord ay nakasakay ako. Sa ilang oras na byahe, narating ko rin ang Manila. Dali dali akong bumaba at sumakay sa jeep. Ilang minuto lang, narating ko rin ang Haxord Nexus University, ang dream University ko. Mahirap makapasok sa University na to, lalo na sa kanilang scholarship program, kaya sisikapin kong galingan. Sakto lang naman ang dating ko, salamat at hindi ako late. Papasok na ako sa gate ng HNU campus, hinarang ako ng guard at tinanong kung saan ako pupunta. "Ops, dyan ka lang muna. Saan ka pupunta sir?" pagtatanong ng guard. "Ah kuya pogi, now po kasi ang schedule ko for scholarship examination po sa HNU, ito po oh, yung message sakin." pagpapaliwanag ko sa guard. "Ah okay, sige pumasok kana. Nagsisimula na ang exam, bilisan mo. Dire-diretsuhin mo lang yan, makikita mo ang main hall, dun ka pumunta." tugon ni kuya guard habang tinuturo sakin ang direction. "Thanks, kuya pogi!" wika ko sabay karipas ng pagtakbo. "Sige, Goodluck!" sigaw ni kuya guard. Sa pagmamadali ko, pawis na pawis ako nang marating ko ang main hall, nakita kong nagsisimula na ang orientation patungkol sa set up ng examination, agad akong pumasok at halos matumba pa dahil sa pagmamadali. "I'm sorry, I'm late po!" wika ko sa isa sa mga proctor. "It's fine, find your seat, magsisimula na ang orientation." saad nito. Matapos ang orientation, nagsimula na ang pag d-disseminate ng mga exams. Hinati hati kami at dinala sa ibat ibang rooms. Marami ang applicant ng Scholarship sa HNU, 500 applicants ang pumunta, ngunit 20 lang ang slot na ibinigay para makapasok sa HNU. "I will do my best! Lord, please." napapadasal nalang ako dahil gustong gusto kong makapasok sa University na to. Dinala kami sa isang room, nasa set c ako. Pagkarating namin sa room, kaagad na ibinigay ang test papers at pinanagutan na sa amin. 1 hour lang ang ibinigay nila. Nang makita ko ang test papers, medyo nahirapan ako sa pagsasagot. Marami ang hindi nakatapos sa exam dahil kinulang sila sa oras. Hindi ko mapagkakailang napaka hirap ng laman ng test, pero buti nalang ready ako at natapos ko sa loob lang ng isang oras. Maya maya pa kinuha at kinolekta na nila ang mga papel. "Do not leave yet, today you will find out the results of your examination. If you pass, you will proceed directly to the interview. For now, please wait in the waiting area, we will announce the passers later, as soon as we done checking it." saad ng proctor. Excited yet kabado ako. I'm hoping na isa ako sa mga makapapasa at makasasama sa 20 slots na yon. Dahil alam kong mukhang matatagalan pa ang result, nilibot ko muna ang HNU campus, napakalawak nito at sobrang ganda ng mga buildings. Para akong lumilipad sa hangin dahil sa sobrang sayang makatapak sa dating university na pinapangarap ko lang makita. "Hays, finally! Nandito na ako." bulong ko sa sarili ko habang ninanamnam ang bawat sulok ng campus. Sa pag-iikot ikot ko, hindi ko napansin ang isang babaeng nakasalubong ko kaya't nabangga ko ito. Natapon ang coffee na hawak hawak nya sa damit nya. "What the hell, ano ba!" sigaw ng babae na para bang nag-uusok sa galit. "I'm sorry miss, hi-hindi ko sinasadya." kabadong saad ko habang pinupusan ang kanyang damit. "Can you please not touch me, iww!" sambit ng babae sabay hampas sa mga kamay ko. Nabigla ako dahil sa malakas na pagkakahampas nya sa kamay ko. "Next time, watch where you're going! You're not blind, right? Don't act foolish here!" pagtataray nya habang tinataasan ako ng kilay at dinuduro duro pa. "Seems like you're new here huh, hmmm sabagay, galing ka yata sa squatter area eh." pang-iinsulto pa nito. Hindi ko na sya pinatulan pa dahil ayokong masira ang raw ko dahil lang sa kanya, at isa pa babae sya. Humingi nalang ulit ako ng sorry. "I'm sorry again, miss. I deeply apologize." pagpapakumbaba ko. Tinalikuran lamang sya ako sabay walk out. Inis na inis at galit na galit ang babae dahil sa hindi ko sinasadyang mabangga sya. Idinaan ko nalang sa tawa ang nangyari. Pagkatapos kong libutin ang Campus, bumalik na ako sa hall para maghintay ng result. Saktong sakto nang marating ko ang hall, nagsisimula na ang pag aannounce ng mga passers. Excited ako na may kasamang panghihina ng loob dahil baka hindi ako makapasa. Maya maya pa, bigla akong nabuhayan ng matawag ang pangalan ko. "Congratulations, Zack Aron Alvarez, you passed the Exam...." saad ng proctor. Abot langit ang tuwa ko at nagtatatalon dahil hindi ako makapaniwalang nakapasok ako sa 20 slot sa dami ng nag apply at naghintay for this examination. Nang makumpleto na ang 20 slots, inassist nila kami para sa interview. "Zack Aron Alvarez, right? So why do you want to enter this University? Why did you choose this one?" "I want to enter this University because it is my dream. I know that this university will greatly help me achieve my dreams, and I also know that I can contribute a lot to this University through my talents and academic performance. I chose this University because of the excellence and quality of the education system it upholds." taas noo kong sagot sa interviewer. "Hmp, alright. Congratulation, Mr Alvarez. You did great. You deserve it, you passed the interview. Congrats! Welcome to the Family, HNU!" masayang tugon ng Interviewer. Nagtatatalon ako sa tuwa dahil dito, para bang nananaginip lang ako. Sinubukan kong sampal sampalin ang sarili ko dahil hindi ako makapaniwala sa nangyayari. Pagkalabas ko ng Hall, habang naglalakad lakad ako papalabas sa gate ng HNU Campus, tinawagan ko si Mama at binalita sa kanya ang good news ko. Phone ringing..... Phone call answered .... "Maaa!" hiyaw ko sa tuwa. "Oh anak, bakit? Ano kamusta?" saad ni Mama. "Maa, nakapasa ako, maipagpapatuloy ko na ang pangarap ko! Wala na kayong gagastusin. Ma scholar na ang anak mo!" humihiyaw kong ibinalita sa kanya. Napasigaw sa tuwa si Mama. "Salamat sa dyos anak! Sa wakas, maipagpapatuloy mo ang pag-aaral at pangarap mo!" saad ni Mama habang mangiyak ngiyak dahil sa pagkatuwa. "Umuwi kana kaagad, ipagluluto kita ng paborito mo! hirit pa ni Mama sabay baba ng telepono. Kitang kita sa mukha ko ang saya at excitement dahil hindi na lang basta pangarap to, totoo nang sa HNU na ako papasok, at hindi na ako makapag hintay. Gagalingan ko at susubukan kong manguna sa overall ranking ng HNU. Pagkarating ko sa bahay, napayakap ng mahigpit sa akin si Mama dahil sa tuwa. Ngunit bigla na lamang itong napalitan ng lungkot nang malaman nyang mapapalayo na ako sa kanila. Need ko na kaagad bumalik sa Manila dahil magsisimula na ang Academic Year sa HNU. "Kararating mo lang nak, aalis ka agad. Ano ba yan, wala nang baby si Mama. Iiwan na kami." nalulungkot na wika ni Mama habang pinipisil pisil ang pisngi ko. "Ma diba napag-usapan na natin 'to. This is my dream, at isa pa po para sa pangarap natin to." saad ko habang niyayakap si Mama. "Hmm, sige na nga! Kumain kana dyan. Ihahanda ko lang ang mga gamit mo." malungkot na saad ni Mama.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

In Bed with The Governor-SPG

read
318.3K
bc

BAD MOUTH-SSPG

read
19.8K
bc

Devirginizing My Hot Boss

read
116.3K
bc

Heiress Bodyguard (Tagalog / SPG)

read
13.8K
bc

SYLUS MONTENEGRO

read
14.9K
bc

The CEO’s Nerd Secretary

read
50.0K
bc

My Evil Stepbrother Is My Ex

read
90.6K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook