Rinding-rindi na si Lira sa panunukso ng lahat ng tao sa paligid niya. People have been teasing her because of Yvo, his majesty. Ang bruho kasi, kulang na lang eh magtransform into mighty bond dahil wala na itong ginawa kundi ang dikitan at landiin siya sa harap ng mga kinukunan niya ng litrato!
"Okay, give me your best smile Reigan. Good." utos niya. Natutuwa siya rito dahil ito lang ang bukod tangi sa mga kinuhanan niya ng pictures na talagang sinusunod lahat ng sinasabi niya. He could be a great model, with his looks and charisma, he could be a big hit. Hihingin niya ang isa sa mga pictures nito at ilalagay sa studio nila as a sample for future clients.
"That's enough. The pictorial's over."
Pareho silang napalingon ni Reigan sa lalaking bigla na lang nagsalita. Yvo's darkening face greeted them. Nakita niya ang pagngiwi ni Reigan. Bigla siyang nakaramdam ng inis sa pang-iistorbo nito. "Don't mind him. One last shot Reigan. Look at this way."
"You go, Reigan." matatag na utos ni Yvo.
"No. You stay." aniyang tinapatan ang pangungunot ng noo ni Yvo.
"I think I have to go." paalam nito. "Kuya Yvo, una na ako ha? Guys, tara! Let's go for a night swimming." yakag nito sa mga kasama. Hindi nagpahuli si Lexus na mabilis ding sumama, mukhang natipuhan na nito ang isa sa mga pinsan ni Cheska. Nakalimutan na siya nito!
Natilihan siya. She's not ready to face Yvo yet. Natigil ang balak niyang pag-alis ng bigla siyang hawakan ni Yvo sa kamay at hinihila paaalis.
"L-let me go." piksi niya.
"We need to talk."
Uh-oh. That's the last thing she wanted to do at that time. Hindi niya alam kung ano'ng dapat niyang sabihin rito. Hindi niya alam kung makakaya ba niyang sabihin na pwede na nilang tapusin ang pagpapanggap nila. Na wala ring pupuntahan ang lahat kung paaabutin pa nila iyon ng isang buwan. Na wala ring mangyayari sa kanya kundi ang mas lalong mahulog rito kapag hinayaan pa niyang magpatuloy sila.
"P-pwede bang bukas na lang? Pagod ako." she asked in a weak voice.
Narinig niya ang mabigat na pagbuntong-hininga nito. Mayamaya'y umiling ito bago siya hinarap. "Alright, let's have dinner together."
She stiffened. His eyes were pleading, as if begging her to please say yes. As much as she doesn't want to be with him, dahil gusto niyang takasan ang kumprontasyong nakaamba ngayon sa harap niya ay mas nangibabaw sa kanya ang pagka-miss niya sa binata.
"F-fine." patianod niya.
Dinala siya nito sa isa sa mga restaurant na malapit lang sa resort na tinutuluyan niya. The restaurant offered original Filipino Dishes, kaya maging ang mga kasangkapang nasa loob ay yari rin sa mga sinaunang kagamitan tulad ng kawayan at rattan. Bukod sa simple ay refreshing din ang lugar, overlooking kasi sa beach. He still remembered the things she liked. Nakaramdam siya ng kasiyahan sa naisip.
"Why did you change your number all of a sudden?"
Napatigil siya sa pagtusok ng hita ng adobong manok at napatitig rito. Ni hindi man lang nito hinayaang matapos siya sa pagkain. Napatikhim siya. "N-nawala iyong simcard ko."
"Did you really think I'd buy that?" asik nito. Halatang nagtitimpi lang ito.
"I told you, I needed time to think things over."
"Iniiwasan mo ba ako?"
She instantly fell silent after hearing his direct question. Had she said yes, ano naman kaya ang magiging reaction nito? She's afraid to know. Kung magsisinungaling siya ngayon, what would that make her look like? In the first place, hindi naman talaga siya pabor sa kasunduan nila diba? So, this is her chance to free herself from him.
"Let's stop." she uttered in barely a whisper.
Yvo angrily put his goblet down and indignantly stared at her. Nakita niya ang pagkuyom ng mga palad nito. "Why? Dahil ba hindi mo talaga kayang kalimutan si Rico? Can't you just move on? Get him out of your life! For Heaven's sake, forget about that jerk!"
She was astounded by his reaction. It was out of hand. Ano'ng drama nito? Paano na nasama sa usapan nila si Rico? She shook her head in disbelief. "This is not about Rico."
"Then what is it all about?"
She reached for the red wine beside her and took a sip. With a trembling hand, she wiped off the side of her equally trembling lips. "I told you diba, hindi ako buntis." she started.
"What?" mas lalong lumalim ang gatla nito sa noo.
"L-last week, before the night that almost something happened between us..." she flushed. "...dumating iyong monthly period ko." hindi ito kumibo. "Tapos na ang problema natin. Hindi ako buntis, it was already confirmed. Nasalo mo na rin ako sa pamilya ko, everything's solved now." aniya sa pinasiglang tinig. "Ako na ang bahala kina mommy."
"Ano ngayon ang gusto mong mangyari?" his face went blank, his eyes turned darker.
Ano nga ba ang gusto niyang mangyari? Huwag mo akong iwan, iyon ang gusto kong mangyari. Can you do that? Of course he couldn't. Bakit pakiramdam niya ay mas masakit pa ang katotohanang iyon kesa noong nalaman niyang may relasyon ang boyfriend niya at ang bestfriend niya? Iniwasan niya ang matamang titig nito. Ayaw niyang mabasa nito ang paghihirap ng kalooban niyang makipagkalas rito.
Wow, hanep sa term. Kalas? Kung makapagsalita siya e parang totoong may relasyon sila. Pinilit niyang pasiyahin ang mukha. "Let's stop this. Iyon ang gusto ko."
She's supposed to feel happy when she said those words. Dapat, nakahinga na siya ng maluwag diba? Kasi, sa wakas makakaalis na rin siya sa sitwasyong iyon. Pero bakit iba ang nararamdaman ng puso niya? Pakiramdam niya ay mas dumoble pa ang bigat ng dibdib niya.
Hindi na ito sumagot. Sa halip ay tinungga nito ang alak na nasa tabi lang nito. Hinayaan niya itong gawin iyon. It must've been great news for him. Siguro, ang saya nito kasi nabunutan ito ng tinik dahil hindi talaga siya buntis. She let him celebrate for the goodnews she's told him. Habang siya naman ay parang robot na pinipilit ubusin ang pagkaing nasa plato niya. How pathetic can she get?
They stayed like that for a while. Hanggang sa mapansin niyang mukhang nalalasing na si Yvo. Mapungay na ang mga mata at namumula na rin ang mukha nito. Nang subukan nitong salinan ng alak ang baso nito ay agad niya itong pinigilan. Awtomatikong dumapo ang tingin nito sa kamay niyang pumigil sa kamay nito, he spunned his gaze onto her face.
Tila napapasong binawi niya ang kamay. "L-lasing ka na."
"I am not." muli itong nagsalin ng alak sa baso, ignoring her worried look.
"Yes you are. Let's go. Umuwi na tayo." tumayo na siya.
"Gusto ko pang uminom."
Irritation flooded her face. Sa hitsura nito, mukhang handa itong makipagmatigasan sa kanya. Well, lucky for him, dahil wala siyang balak na makipag-tag of war rito pauwi. Not now, that her heart has just been broken. "Kung ayaw mo pang umuwi, bahala ka diyan. Basta ako, uuwi na ako!" inis na iniwan niya ito. Magcelebrate kang mag-isa mo!
"You aren't going anywhere." napa-igtad siya nang malingunan ang kamay ni Yvo habang mahigpit na hawak ang braso niya. "Not unless you're with me."
"U-umuwi na tayo."
He let go of her arm. Ngunit ang kamay nitong nasa braso niya ay dumulas lamang pala para gagapin ang kamay niya. "Let's take a walk for a while."
For the nth time, she just let him take her away. Nagpatianod na lang ulit siya. She wanted to say no, gusto niyang ipamukha rito na wala itong karapatang dominahin siya ng ganon. Pero wala siyang nagawa, or should she say, wala siyang ginawa. Dahil mas pinaboran niya ang sinigaw ng puso niya.
She wanted to be with him, kahit man lang sa kahuli-hulihang pagkakataon. Humantong sila sa beach. Kahit paano'y gumaan ang pakiramdam niya ng maramdaman ang malamig na hanging dumapi sa kanyang balat. She inhaled the salty scent. Hindi niya napigilang mapangiti.
"Are you cold?" tanong ni Yvo. Hindi na nito hinintay ang sagot niya. He took off his coat and enclosed it on her shoulder. Once again, she was touched. Ni hindi siya makausal ng mahinang thank you rito, pakiramdam niya kasi ay papalahaw siya ng iyak kapag sinubukan niyang ibuka ang bibig. She's getting too emotional again.
Muling namayani ang katahimikan sa pagitan nila. They silenty strode in the seashore. Even without words, Lira felt contented walking like that. Okay na sa kanya ang makatabi ito sa paglalakad sa tabi ng dagat, sa ilalim ng maliwanag na buwan at mga kumikinang na bituin, habang kahawak-kamay ang lalaking batid niyang may malalim na pitak sa kanyang puso. She didn't know that walking could be that fun...and romantic, until Yvo walked beside her.
"Do you really want to stop?" binasag nito ang katahimikan.
She wanted to say no. She wanted to take back the words she's told him a while ago. Pero alam niyang mali iyon. Ang tapusin ang kalokohan nila ang tama. Minsan talaga, mas nakakasakit pa ang tama kesa sa mali. "Y-yes."
"Ihahatid na kita."
Nakaramdam siya ng disappointment nang marinig ang sinabi nito. Ganon lang ba magtatapos ang lahat sa kanila?