CHAPTER ELEVEN

1523 Words
"The client has confirmed the date." imporma ni Lexus. "When?" mabilis niyang usisa. "This afternoon. Actually, we'll still have to confirm if we could go there. Ang sabi ko kasi, tatanungin muna kita." "It's approved. Would we stay there for long? Saan nga kasi iyong location?" "Sa Bohol. We'll be staying there for a week or so. Depende sa pictorials." "Cool. Sa lahat ng transaction na hinawakan mo, dito lang ako natuwa ng sobra sa'yo." "May tinatakasan ka ba?" "A-ano ba iyang sinasabi mo?" patay malisyang aniya. "Malay ko naman." "Hanggang chicks na lang talaga ang alam mo." "Speaking of chicks. Maganda iyong client natin. Sayang lang, ikakasal na." "Pati ba naman ikakasal, pinapatos mo na rin? Patingin nga ng profile niya." Lexus handed her over the folder. "She's Francheska Aguila. Pretty, isn't it? Swerte ng mapapangasawa. Sexy pa at mahinhin." nakangising pagbibida nito. Tinignan niya iyong larawang nasa loob ng folder. Napangiti siya. Indeed, the lady was beautiful. No, understatement pa nga yata iyon. Mukha itong goddess. "Call her right away. Lilipad tayong Bohol ngayon din." *************** "Okay, chin up girl. Van, hold her right hand. Itaas mo ng konti iyong isang kamay mo. No, put it exactly on her tummy. Yes, that's right. Now, give me your best smile. Good. Isa pa. Both of you look at the sky. Great. One more time. Done! Perfect!" tuwang-tuwang nilapitan ni Lira sina Francheska at Van. "That was awesome!" bungad ni Francheska. "No, you guys are awesome. Bakit di na lang kayo magmodel? Papatok kayo." biro niya sa magkasintahang malapit ng ikasal. They were like a perfect couple. Parehong gwapo at maganda. They were obviously inloved with each other. Ngiti lang ang isinagot ni Van sa sinabi niya. As usual, natigilan na naman siya sa ngiti nito. He's got almost the same smile as...napapikit siya. Kung tutuusin, pamilyar ang mukha nito. Kung hindi lang ito dark-skinned, iisipin niyang kamag-anak ito ni Yvo. His features, except for his amber eyes were almost exactly the same as Yvo's. Siguro, namimiss lang niya ang binata kaya feeling niya, lagi niya itong nakikita sa iba. Napailing siya. "Goodluck for tomorrow. Matatapos na rin ang paghihintay mo." biro niya kay Van na biglang napangisi, habang si Francheska ay pinamulahan ng pisngi. "Thanks!" natatawang sagot ni Van. "Tomorrow's your big day. Layuan mo muna itong si Van at mag-beauty rest ka." "Sus, alam ko namang magiging maganda pa rin ako sa wedding pictures namin bukas e. Paki-edit mo na lang pag lumabas na panget." biro ni Francheska. Natatawang nagpaalam ang dalawa. Siya namang dating ni Lexus. Tumulong ito sa pag-aayos ng mga ginamit nila sa pictorial kanina. Umalis lang ito saglit dahil may importante itong tinawagan. Deadspot kasi sa lugar na kinaroroonan nila ngayon. Kailangan pang umakyat ng burol para magkasignal. "Siya nga pala. Nakatanggap ako ng text galing kay Tita Lina, hindi ka raw kasi matawagan. Kinakamusta ka." ani Lexus. "Okay, I'll give her a call later. Ready na ba ang lahat? Magiging busy tayo bukas." "Para namang baguhan ako sa propesyong ito." "Sinasabi ko lang. Madami kasing chicks bukas, baka iwanan mo na naman ako. Remember, trabaho muna bago iyang pambababae mo." ingos niya. "Siraulo!" natatawang inambahan siya ni Lexus ng hawak nitong camera stand na kasalukuyan nitong inililigpit. "Sobra sa isang lingo na tayo dito, di mo pa rin ako nililibre." Natigilan siya. Inalok sila ni Francheska na magbakasyon sa resort na pag-aari mismo ng pamilya nito habang hinihintay ang araw ng kasal nito, na hindi naman niya tinaggihan. Karaniwan namang ganon ang nangyayari sa mga lakad nila ni Lexus. Puro out of the town ang pictorial ng clients nila. It's like hitting two birds in one stone–nakakapagtrabaho na sila ay nakakapagbakasyon pa. Free of charge naman lahat kaya wala siyang dapat na ikabahala. At infairness, nag-eenjoy siya sa Bohol. Halos sa gabi na nga lang niya naaalala si Yvo e. She sighed. Who was she fooling? Kelan ba nawala sa isip niya si Yvo? Mukangtanga lang din siya e, ano? Hindi niya ipinagtapat na dumating na ang ebidensyang magpapatunay na hindi nga siya buntis dahil ayaw niyang iwan siya nito. Pero heto siya ngayon, tinatakasan naman ang binata. Hindi ba't katangahan iyong ginagawa niya? Simula ng muntikang mangyari sa kanila sa condo niya ay hindi pa sila nag-uusap ni Yvo. Umalis kasi siya agad papuntang Bohol. And she doubted it kung nagtanong si Yvo sa parents niya kung saan siya nagpunta. She deliberately changed her number, para hindi rin siya macontact nito. Pagkatapos ng assignment niya, haharapin na niya ito. Siguro naman, by that time ay makakaya na niyang sabihin rito na hindi nga siya buntis at pwede na siyang tantanan nito. Pwede na nilang tapusin ang kasunduan nila at higit sa lahat ay makakaya na rin niyang isaksak sa kokote niya na hindi sila pwede. Hinahanap nga kaya siya nito? Parang napasigaw ng "aray" ang puso niya doon ah. "Sus. Usapang libre lang e, nawala ka na agad sa huwisyo mo." Napakurap siya sa panunukso ni Lexus. "A-ah...Ano nga iyong sinasabi mo?" "Wala. Ang sabi ko, bilisan mo at baka kanina pa tayo hinihintay nina Francheska sa resort." "Tapos na ang pictorial nila, diba?" "Oo nga. Pero ang susunod namang magpi-pictorial ay iyong mga kasama sa entourage nila. Ano ba'ng nangyayari sa'yo at para kang naengkanto diyan?" "O-oo nga pala. Nasa'yo iyong invitation diba? Ni hindi ko na nahaharap na tignan man lang iyon." napailing siya. Si Lexus talaga ang may trabaho niyon, ang ayusin ang lahat ng mga dapat ayusin. Mas magaling kasi ito sa pakikipagdeal kesa sa kanya. Isa pa ay hindi rin siya nasa tamang katinuan nitong mga nakaraang araw. "Bilisan mo, baka nandoon na sila." "Eto na nga ako." Mabilis lang silang nakarating sa resort dahil malapit lang naman iyon mula sa pinaggalingan nila. Konti lang din ang mga gamit na dinala nila para sa pictorial. "Mauna ka na sa loob. Kunin mo lang iyong mga kaya mong dalhin. Ako na ang magsusunod nitong mga tripods mamaya." bilin nito bago umalis. Nakangising kinuha niya iyong pinakamamahal niyang DLSR at dumiretso sa loob ng resort. Goodluck sa muscles ni Lexus. Hindi naman siya nahirapang hanapin ang mga pakay dahil nakita niya agad sa kumpulan na iyon sina Francheska. Napangiti siya. Agad siyang naglakad palapit sa mga ito. Ngunit agad ding napalis ang matamis na ngiti niya nang masalubong ang dalawang pares ng maiitm na mga matang iyon. Agad na dumagundong ang kaba sa dibdib niya. Parang napako sa kinatatayuan ang kanyang mga paa. Nagtatakang lumapit sa kanya si Francheska. "Hey Lira, is everything alright?" Francheska worriedly asked. "Ah...n-no, I'm fine." she stammered. Ano'ng ginagawa ni Yvo doon? Crap! She was caught off guard. Hindi niya napaghandaan ang muli nilang pagkikita. Natilihan siya. "Come, I'll introduce you to my friends and other members of the family." yakag nito. Kinakabahang iniiwas niya ang tingin kay Yvo na mataman paring nakatitig sa kanya—habang nakakunot ang noo at naniningkit ang mga mata. Mukhang balak siya nitong kainin ng buhay. Napangiwi siya. Kung pwede lang tumakbo palabas ay ginawa na niya. "Guys, I'd like you to meet Lira, our official photographer. Siya muna ang bahala sa inyo." pakilala ni Francheska. "Hey Cheska, hindi mo naman sinabing maganda pala iyang photographer na kinuha mo. Had I known, edi sana mas nagpagwapo pa ako." pa-cute na anang isang maputing lalaki na may hawig kay Cheska. "It's a pleasure to meet you, Lira." C-cheska? Awtomatikong dumako ang tingin niya kay Yvo. Sa mabilis na pag-iwas nito ng tingin ay nakumpirma niya ang hinala. Bakit nga ba hindi niya naisip iyon? Lumipat ang tingin niya kay Van na mataman ring nakatitig sa kanya. Van...Ivan? She almost gasped. Dapat pala ay inusisa niya rin ang records ng mapapangasawa ng kliyente nila. Like a candle, she felt her knees breaking down because of Yvo's blistering stare. "Tumigil ka nga diyan, Reigan. Hindi pumapatol sa uhugin itong si Lira." saway ni Francheska. "Pasensya ka na sa kapatid ko, Lira. Anyway, Van and I gotta go. Kung may problema, just give me a call." "Ahm...t-tatawagan ko lang iyong partner ko para dalhin rito iyong mga gagamitin natin sa pictorial. Please excuse me." paalam niya. Ngunit hindi pa man siya nakakalayo ay may matigas na kamay na ang pumigil sa braso niya. She closed her eyes as he tightened his grip onto her arm. May ideya na siya kung sino ang humabol sa kanya. And as of that moment, hindi pa niya kayang harapin ito. "How can you leave like that?" nag-aakusang tanong ni Yvo. Dahan-dahan siyang lumingon paharap dito. Parang may nagbara sa lalamunan niya nang mapagmasdan ang napakagwapong mukha nito. It's been quite a while since she saw his pretty face. And she has to admit that she missed him like hell. Pinigilan niya ang sariling haplusin ang mukha nito. Sa pag-iwas niya ng mukha ay nakita niya ang nagtatakang tingin ni Cheska na sinundan pala sila ni Yvo ng tingin mula sa loob. The pain that engulfed her heart made her feel pathetic. "I-it was urgent. I had no time to tell you." "You could've called." "M-mahirap ang signal dito sa Bohol." "You changed your number." She stiffened. What's the use in denying, anyway? "I needed time to think." "Think about what?" binitiwan siya nito. "Us." "What about us?" "Can we talk about it later, please?" she pleaded. "Don't ever think of running again. You get me? I'd never let you get away with it." hinablot nito ang kamay niya at hinila agad siya pabalik sa loob. "Let's finish the pictorial quick." Wala na siyang nagawa kundi ang sumunod rito.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD