CHAPTER TEN

1560 Words
“Bilib naman ako sa’yo. Nagawa mong palambutin agad ang daddy ko?” “Ako pa? What can a Mondragon not do?” pagmamayabang ni Yvo. “Honestly, nagtataka ako kung bakit nag-effort pang manakot ng daddy ko, para agad din namang lumambot sa’yo. Surely, hindi iyon dahil sa mayaman ka. Hindi naman iyon mukhang pera.” “I don’t know either.” “I’ll have to ask them some other time. Anyway, maaga tayong pinakawalan nina mommy ngayon. I didn’t expect this. Saan mo gusto pumunta?” nakangiting tanong niya. “Napagod ako sa interview ng parents mo. How about my place?” “A-ayoko doon.” mabilis siyang nag-iwas ng tingin. She looked at the car’s window instead. Bakit ayaw mo? Kasi ayaw mong maalala ang namagitan sa inyo ng gabing iyon? Gimme a break Lira! Kastigo ng sarili niya. “H-how about my place?” “Okay.” Habang nasa daan ay patuloy pa rin siya sa pag-iisip. Ano kayang iisipin ng mga magulang niya oras na maghiwalay sila ni Yvo? What would other people think of her? A month is not that long. She sighed. “Ang lalim noon ah.” Napalingon siya kay Yvo. His eyes were glued on the road, pero batid niyang pinapakiramdaman siya nito. “Wala ito. May naisip lang ako.” “Si Rico ba?” “Paano namang nasingit sa usapan si Rico?” kunot-noong tanong niya. “Forget about him. Gaano ba kahirap gawin iyon?” “H-hindi naman kasi—” “Nevermind.” pinaharurot nito ang sasakyan. Hanggang sa makarating sila sa condo niya ay hindi na ulit sila nag-usap. Isa iyon sa mga hindi niya naiintindihan sa binata—his mood never failed to irritate her. One moment he’s sweet, tapos magsusungit naman ito. Hindi kaya may sakit itong split personality? Nauna na siyang bumaba at hindi na hinintay pa na pagbuksan siya nito ng pinto. Akala nga niya ay hindi na ito susunod sa kanya. Ipinagpatuloy niya ang paglalakad hanggang sa marating niya ang elevator. Muntik pang maipit ang kamay ni Yvo nang tangkain nitong humabol sa kanya. Narinig niya ang halos magkakapanabay na pagsinghap ng mga kasama niya sa loob. Kung dahil iyon sa muntikang pagkaka-ipit ni Yvo o dahil sa kagwapuhan nito ay hindi na niya alam. Basta ang alam niya ay mas lalong uminit ang ulo niya dahil pinagpapantasyahan ng iba ang boyfriend niya. Wow naman! Kung maka-boyfriend naman siya, wagas! Umisod siya para makapasok si Yvo. Tumabi ito sa kanya. Masama ang tingin nito habang hinihimas ang kamay na muntikan ng maipit kanina. She just gave him a crisp smirk. Umisod ito ng mas malapit sa kanya. Siya naman ang tumingin ng masama rito, sabay isod palayo. Napansin niya ang pagtatagis ng bagang nito. “What’s your problem, huh?” hindi nito napigilang itanong sa kanya. Napalinga siya sa paligid. All eyes were on her now. Hindi niya tuloy matapatan ng pagsusungit ang tanong ni Yvo. “Let’s talk later.” “Dapat lang! I need to know why you are acting like this.” At siya pa ngayon ang kataka-takang nag-iinarte sa harap nito? Eh kung iumpog kaya niya ito sa pinto ng elevator para matauhan ito? Sino ba sa kanila ang naunang nag-inarte at biglang hindi namansin? Siya ba? Nakakainis! Hindi pa man tuluyang bumubukas ang pinto ng elevator ay mabilis nang nahawakan ni Yvo ang kamay niya. He dragged her out of the lift as soon as the door opened. Tahimik na lang siyang sumunod rito at hinayaan itong dalhin siya sa tapat mismo ng condo niya. Binuksan niya iyon at mabilis na pumasok sa loob. “Ano ba’ng problema mo?” sumunod si Yvo sa kanya. “Ikaw.” “What?” “Ikaw, ano’ng problema mo?” “I asked you first.” “Wala akong problema. Baka ikaw, meron.” padarag siyang sumalampak sa sofa. “Kung wala pala, bakit hindi ka namamansin?” humalukipkip ito sa harap niya. “At ako pa talaga ang hindi namamansin?” tinaasan niya ito ng kilay. At that instant, Yvo stiffened. Sa wakas, mukhang naisip na rin nito na hindi naman talaga siya ang unang hindi namansin. He tried to open his mouth but chose to close it. Then she heard his heavy sigh. Kasunod niyon ay naupo ito sa tabi niya. “So, that was it?” “What?” “Kaya ka ba biglang nag-walk out ay dahil feeling mo, hindi kita pinapansin?” Parang ibinabad sa kumukulong mantika ang pisngi niya dahil sa sobrang pag-iinit nang marinig ang panunukso sa tono nito. “O-of course not.” “Eh bakit ka biglang nagwalkout?” “B-bakit, masama—” And in a split second, sakop na ng mga labi nito ang mga labi niya. Hindi iyon ang unang beses na nahalikan siya nito. Of course, they’ve even shared a night before! Pero pakiramdam niya ay iyon ang unang halik na natanggap niya mula rito. Iyong feeling na, ibang iba ito sa unang halik na iginawad nito sa kanya noon. The kiss was different. Para bang sa ibang tao nagmula ang halik na iyon. It was the gentlest kiss she’s ever had. His hands gently cupped her small face. Naramdaman niya ang paglalim ng mga halik nito. There was no rush, but definitely, there were desire and passion in his kiss. His lips left hers, kaya napaungol siya. But then, she felt his hot breath temptingly fanning on her neck. Napalunok siya. Just as she thought, bumaba ang mga labi nito sa leeg niya. Napaigtad siya sa sensasyong ipinapadama nito. He planted small and wet kisses onto her neck, getting its way up to her face. Pinaliguan nito ng mumunti at nakaliliyong mga halik ang mukha niya—from her eyes, down to her nose, up to her eyebrows, then to her cheeks, but not to her lips. Uhaw na nag-aantay ang kanyang mga labi. She knew that he was just teasing her, and it irritated her! “Y-yvo!” she hissed, her voice hoarse. “What?” nakangising anito nang tumigil ito saglit sa paghalik sa kanya. “Hmmm…” he continued his lips’ conquest. Sa pagkakataong iyon, muling bumaba ang halik nito patungo sa leeg niya. Then, his lips lingered on her collarbone. Napasinghap siya, sabay napasabunot sa malambot nitong buhok. And just when his lips were on its way down to her chest, kusang humarang ang mga kamay niya at naitulak ito. Hindi makapaniwalang napatitig sa kanya si Yvo. Mas lalo siyang nanginig nang mapansin ang hitsura nila. Yvo was atop of her. Nakahiga na pala sila sa sofa? She didn’t even notice. Pilit niyang itinutulak si Yvo palayo, pero hindi man lang ito natinag. “G-get off me!” muli niyang sinubukang itulak ito. “What’s wrong?” “T-this is not right.” ibinaling niya ang mukha ng biglang bumaba ang mga labi ni Yvo sa kanya. “Y-yvo, please! G-get off me.” “Paano namang naging mali ito?” hindi pa rin ito tumayo, sa halip ay niyakap siya nito ng mahigpit. His face nuzzled on her neck. Kahit naiinis ay bigla siyang natawa, his naughty bites tickled her. Hindi pa rin nito nakakalimutan ang kahinaan niya. Tinampal niya ito sa likod. “Tatayo ka ba o sisipain kita?” “Papakagat na lang ako.” “Y-you, pervert!” Malakas at malulutong na halakhak ang pumuno sa condo niya matapos ang sigaw niyang iyon. Tumatawang tumayo si Yvo at iniwan siyang namumula habang nakahiga sa sofa. Natigil ito sa pagtawa ng mapadako ang tingin nito sa kanya. “Aren’t you getting up? Bilisan mo, baka magbago ang isip ko.” flames of desire flickered into his eyes again. Nag-iinit ang pisnging inayos niya ang sarili. Bumangon siya sa pagkakahiga at naupo. Nang tumabi sa kanya si Yvo ay bigla siyang napayakap sa katawan. Nakita niya ang panliliit ng mga mata nito. Tiim-bagang na hinarap siya nito. “Now what was that for?” asik nito. “Y-you’d better go.” taboy niya. “W-what?” “G-gabi na.” For the second time, he looked shocked. She looked away. Pagkunwa’y narinig niya ang mabigat na pagbuntong-hininga nito. “I think I’d better go.” he uttered in a hurt tone. “Y-yvo.” “Pasensya ka na. Hindi na mauulit.” tumayo ito at walang lingong-likod na tinungo ang pinto. Kasingbilis ng mga pangyayari ang pagkawala nito sa paningin niya. She sighed. Hindi na niya alam ang dapat niyang isipin. Nothing goes with her plan. Lahat na lang pumapalpak. Tinungo niya ang kanyang kwarto. Mas lalo siyang nakadama ng kabigatan ng loob ng makita kung ano ang nasa ibabaw ng kanyang cabinet. Whisper with wings. Napkin iyon. Napapikit siya. Kagabi lang ay dinatnan na siya ng kanyang buwang dalaw. It was out of her plans. Akala niya ay aabot pa ng isang buwan bago dumating iyon. What now? Ano na ngayon ang mangyayari sa kaniya kapag nalaman ni Yvo na hindi nga siya buntis? Iiwan na ba siya nito? Ano na lang ang sasabihin niya sa mga magulang? Oh crap! Naalala niya ang eksena nila ni Yvo kanina sa sala. Kung sakaling nakalimot siya, malamang na bistado na siya ni Yvo. Bakit nga ba kailangan pa niyang itago iyon sa binata? Bakit kasi siya pumayag sa suggestion nito in the first place? Siraulo ka kasi. Napaupo siya sa kanyang kama. Kinuha niya ang isang unan na naroon at mahigpit na niyakap iyon. She has an idea why she’s afraid to tell him. Kasi, nagsisimula ng mahulog ang loob niya kay Yvo. She’s never believed in a whirlwind romance before. Sabi nga niya noon kay Vivian, mas boto pa rin siya sa traditional love story. Kagaya ng nangyari sa kanila ni Rico noon. Talagang nirequire niya na ligawan siya nito ng isang taon bago niya ito sinagot. Katwiran niya ay kailangan muna niyang makasiguro at makilala ito ng husto. Pero bakit ngayon ay tila nagbago na ang paniniwala niya? Was it because of Yvo? Kelan lang ba niya ito nakilala? Two weeks ago? Padabog na ibinagsak niya ang katawan sa kanyang kama. She stared blankly at the white ceiling. Ano kayang mangyayari bukas? She just hoped that everything would fall into place. Tsaka na niya pro-problemahin ang puso niyang baliw, ang mahalaga ay makaalis sila ni Yvo sa sitwasyong pareho nilang ginustong ayusin.  
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD