Chapter Two “It Begins Here”
Five years later…
Sister Amy stared at the big mansion with a tall black metal fence. She knew she didn’t belong there anymore. Her family had forsaken her. Her clan out-listed her. But, she had to go there.
The cold wind of the night blew and she almost hugged herself between her habits. She let out a small sigh and prayed that her family finally accepted the path she walked in. It’s been five years, and even though they didn’t visit her in the convent, she made sure to always write letters to them. Letters were the only means of communicating with them. Her Kuya August wrote letters, and sometimes her other brothers visited her, but her parents didn’t.
All those years, it felt like she lost them… Or perhaps it’s the truth the moment she left her home.
Being a nun meant depriving yourself even from your family. On the other hand, she believed that God gave her parents like them because of a specific reason, and even serving the Lord was her priority, she still loved her family.
Amethyst began walking gracefully towards the gate and pressed the buzzer. After a few minutes, a tall man in a black suit appeared and examined her. “What can I do for you?” he inquired with respect but with a hint of authority.
A familiar feeling of seeing a bodyguard drew from her inside. It felt like there wasn't any change at all.
She smiled and answered, “I’m looking for August Montenegro.”
The bodyguard’s eyebrows drew together. He was about to speak when a familiar old maid came from his behind. Her smile widened the moment she saw her.
“Sino ba—” Natigilan ito sa pagsasalita at napapatda nang makita siya. “Oh, Mahabaging Diyos, totoo ba itong nakikita k
o?” hindi makapaniwalang sambit ni Nana Pasing.
“Kilala mo po siya?” tanong ng bodyguard sa maid na sumilip.
Nilingon ito ni Nana Pasing at hindi magkandatutong sumagot, “Aba’y oo. Iyan si Mam Amethyst. Hala! Bilis at buksan mo ang gate. Papasukin mo siya.”
Muli siyang nilingon ng bodyguard, tiningnan mula ulo hanggang paa bago pinagbuksan ng gate. “Ipagpaumanhin po ninyo,” magalang nitong paumanhin bago nag-bow sa kaniya.
“Hindi mo kailangang gawin iyan,” malumanay niyang utos sa bodyguard.
Tumuwid ito ng tayo at walang salitang pinapasok siya. Pagkapasok pa lang niya ng gate ay sinalubong na siya ni Nana Pasing ng yakap. “Hayy, salamat sa Diyos at bumisita ka. Hindi ko akalaing makikita at mayayakap pa kitang bata ka,” maluha-luhang sambit nito.
Gumanti siya ng yakap sa matandang katulong. Isa ito sa nag-alaga sa kanilang apat na magkakapatid. Ito rin ang kasangga niya noong nasa mansion pa lalo na at malalaman ng mommy niya na tumatakas siya papunta sa kumbento.
“Masaya rin ako po ako, Nana Pasing,” malakas niyang ani.
Naghiwalay silang dalawa ngunit nananatiling nakahawak ang matanda sa dalawang kamay niya habang ang mata nito’y pinagmamasdan siya. “Ilang taon kitang hindi nakita. Ang bilis ng panahon,” huminga ito nang malalim na para bang nagpipigil ng pagluha bago nagpatuloy sa pagsasalita, “natupad mo na ang pangarap mong magmadre. Hindi ka hinayaan ng langit na malayo sa Kaniya.”
“Tama po kayo,” pagsang-ayon niya rito bago napasulyap sa mansion. “Sina mommy at daddy po ba'y nandiyan?”
Hindi pa siya natatapos magtanong ay naglaho na ang ngiti sa labi ni Nana Pasing. Hindi na siya magugulat kung sakaling galit pa rin ang mga magulang niya sa kaniya. Inaasahan niya na iyon pero hindi maalis sa loob ng dibdib niya ang matinding pag-aalala.
“Nana…” marahan niyang wika. “Hindi ninyo po kailangang mag-alala.”
“Alam mo namang tutol na tutol sila sa desisyon mo,” malungkot nitong sambit. “Ayaw na ayaw ng mga magulang mo ang ginawa mo. Lalo na ang pagtakas na ginawa mo dati at ang pagpili mong pumasok sa kumbento.”
“Nauunawaan ko po,” masuyong wika niya. “Nauunawaan kong masama ang loob nila sa akin. Gayunman, kasama pa rin sila palagi sa panalangin ko. Hindi pa rin sila nawala sa isip ko. At gusto ko po sana silang makita,” aniya sa matanda.
“Umaasa rin akong magbabago ang puso nila.”
Ibinalik niya ang tingin sa mansion. “Nandiyan po ba sina kuya?” tanong niya.
“Katulad ng dati ay si Sir August lang. Iyong dalawa’y ayon alam mo na. Dumadalaw minsan rito at kinukumusta ang mga magulang mo pero alam mo naman ang ugali nila,” naiiling na kwento ni Nana Pasing.
Bunso siya sa kanilang apat na magkakapatid. Ang tatlo pa niyang kapatid ay puro lalaki. Ang dalawang kapatid niya’y iniwan ang mansion tulad niya upang pumasok sa army at navy habang ang kuya August naman niya ang naiwang kasama ng mga magulang upang mag-asikaso ng mga negosyo nila. Noong una’y akala niya’y napipilitan lang sumunod ang kuya August niya sa mga magulang dahil silang tatlo’y iniwan na ang mansion ngunit nang naglaon ay naunawaan niyang iba-iba talaga marahil ang tawag sa bawat tao. Naglilingkod sa bayan ang dalawa niyang kuya, siya ay nagmadre, at si kuya August niya’y piniling maging kaagapay ng mga magulang.
“Hayy, ano ba ito? Hindi man lang kita muna pinapasok.” Mabilis na iginaya siya ni Nana Pasing papasok sa loob ng mansion. Habang naglalakad ay iginala niya ang mga mata sa lugar na kinalakhan niya.
Malaking mansion. Malawak na harding nalalagyan ng napakaraming mga halaman at iba’t ibang klase ng bulaklak. Her mother loved flowers. Dahil gabi, mas napakagandang tingnan ng hardin dahil sa mga ilaw na nasa paligid.
Wala pa ring pagbabago sa paligid. Gaya pa rin ng dati ang larawan nito ngunit hindi ang sayang hatid ng paligid.
Nilingon niya ang bodyguard na nakasunod sa kanila. Tahimik itong nakatingin sa kanila. Ngumiti siya rito at tumango lang ito sa kaniya. Sa loob ng ilang taong nasa kumbento siya’y madalang pa sa patak ng ulan kung makatagpo siya ng lalaki kaya hindi niya mapigilang pag-aralan si Ace. Matangkad ito at napakaserysoso ng mukha, natural na demeanor ng isang bodyguard.
“Siya si Ace. Bagong personal bodyguard ng kuya August mo. Siguro ay nagra-round siya ng dumating ka,” paliwanag ni Nana Pasing nang mapansing nakatingin siya sa bodyguard.
“Bakit po kumuha si kuya ng bodyguard?” nagtatakang tanong niya. Nang mga bata pa sila ay ayaw na ayaw nila ng may nakabuntot na bodyguard sa kanila. Bukod doon, tila hindi nalalayo sa edad niya ang lalaki, which made it younger than her brother.
“Hayy, alam mo namang napakatalino niyang kuya mo at napakagaling sa negosyo kaya nam—“ Biglang tumigil si Nana at tinutop ang bibig. “Hay, ang daldal ko talaga,” bulong nito sa sarili.
Matanda na si Nana pero halatang magilas pa ito at maingay pa rin. Gusto niyang matawa rito pero natuon ang atensyon niya sa sinabi nito tungkol sa kuya niya.
“Nasa panganib po ba si kuya?” pag-uusisa niya.
Akmang magsasalita si Nana Pasing nang biglang lumabas ang Kuya August niya mula sa malaking pinto ng mansion. May hawak itong cellphone sa tenga pero wala sa loob na naibaba nito ang kamay nang makita siya. Natulala ito at maang na nagsalita, “Amethyst?”
Ngumiti siya rito sabay wikang, “Sister Amy.”
Napakurap ito at inulit ang sinabi niya, “Sister Amy?” Halatang naguluhan ito sa inani niya.
Ikiniling niya ang ulo at itinaas ang kanang kamay sa dibdib. “They gave me a new name.”
Lumawak ang ngiti nito at malalaki ang hakbang na nilapitan siya saka walang sabi-sabing niyakap siya. “Don’t care. For me, you’re still my little sister, our little Amethyst,” he whispered at the top of her head.
Niyakap niya ito at tinapik sa balikat. “Hindi na ako baby,” natatawang aniya. “I got older,”
Humiwalay ito sa kaniya at minasdan siya mula ulo hanggang paa. Hindi makapaniwalang tinitigan siya nito. Noong bumibisita ito sa kaniya kasama ng dalawa pa niyang kuya ay hindi pa siya nakasuot ng habit kaya hindi na siya magtataka kung ganito ito nagulat.
“It suits you,” he praised while grinning. “It’s a good thing you became a nun. At least, I don’t have to think how I would get rid of men away from you.”
“Kuya?” nanlalaki ang matang saway niya rito.
“Why? You’re maybe a nun, but you’re still beautiful. No, you’re gorgeous, especially now.” Humahanga at pinagmamalaki ang tingin nito sa kaniya.
“Kuya talaga. Ang dami mo pa ring alam,” naiiling na lang na aniya. “At hindi pa ako ganap na madre, novice pa lang talaga ako,” pagtatama niya.
“Oras na pala para subukan ang tatag mo rito sa labas,” komento ni Nana Pasing na binigyan niya lang ng tipid na ngiti. “Mukhang haharap ka sa maraming pagsubok.”
“At sisikaping kayanin ang lahat…”
“Whatever,” her brother said to her, then looked at Ace. “See her,” he jerked his chin to her, “she’s going to stay around the community. Alam mo na ang gagawin mo.”
“I understand,” Ace said quietly.
Naglipat ang tingin niya sa kapatid at kay Ace. “Is there something wrong?”
Bumaba ang tingin sa kaniya ng kuya niya. “Nothing,” he replied and touched her veil. “God has been watching you,” he murmured and though his eyes were on her veil, his mind seemed to drift off.
And, Sister Amy knew something’s wrong. “He’s also watching you.”
Hindi nawawala ang ngiting tumango-tango ito. “Mabuti pa at pumasok na tayo,” aya nito sa kaniya at naglakad na sila papasok ng mansion. May kabang bumalot sa katawan niya pero lihim siyang nagdasal na sana’y maging maayos ang lahat. Lalo na ang pagharap niya sa mga magulang.
“ANG natatandaan ko lang ay wala na akong anak na babae,” malamig na usal ng ama ni Amethyst.
Sa mga oras na iyon ay pakiramdam niya’y tuluyan na siyang inabandona ng mga magulang. Masakit man dahil mga magulang pa rin niya ang mga ito ngunit kung sakali man na papipiliin siya’y magpapatuloy pa rin siya sa bokasyong pinili.
“Ialis mo na iyan dito, August,” nanggagalaiting utos naman ng mommy nila. “Ayaw kong makita ang babaing iyan.”
Nilingon siya ng kuya niya at may tipid na ngiting tumango siya. Pero dahil kilala niya ang kapatid na hindi marunong sumuko ay hindi na siya nagulat pa sa sunod nitong sinabi. “It’s been years, hanggang ngayon ba naman ay hindi ninyo pa rin tanggap na ito ang gusto ni Amethyst? Hanggang ngayon ba ay dala pa rin ninyo ang galit na iyan?”
“Kung gusto niyang maglingkod, napakaraming paraan naman diyan na hindi niya kailangang iwan ang pamilya niya at pumasok sa kumbento,” naghihinanakit na sumbat ng kanilang ina. “Pwede siyang tumulong sa mga tao habang narito. Napakaraming pera ng mga Montenegro.”
“Mommy… Please, pakinggan ninyo muna po ako.” tawag niya rito. “Pangarap ko po ito, Mommy.”
“No!” she shrieked and pointed her painted finger at her. “Don’t call me that! Don’t call me mommy. Wala na akong anak na babae.”
“Mom!” hindi makapaniwalang saway ni August sa ina. “Anak ninyo pa rin siya.”
“Inalis na niya ang pagiging Montenegro niya nang pinili niya ang landas na iyan. Nang pinili niyang maging madre… Nang pinili niyang talikuran ang buhay na ito, inalis niya na rin ang karapatan kong maging ina sa kaniya,” malakas namang sabat ng ama nila. “Kaya wala na akong natatandaan pang may anak akong babae!”
Napapikit siya kasabay ng sunod-sunod na sakit sa loob ng dibdib. Inaasahan na niya iyon pero hindi pa rin maiwasang hindi siya masaktan.
“Ialis mo na iyan hanggang may paggalang pa akong natitira kahit man lang sa suot niya,” utos ng ama nila kay August.
Nagmulat siya ng mata at sumalubong ang nalulungkot na mga mata ng kapatid. Ibinaling niya ang tingin sa mga magulang. Matatalim ang tingin ng mga ito sa kaniya. Ngumiti siya at nagbigay-galang. “Aalis na po ako. Alam kong masama ang loob ninyo sa’kin ngunit hindi na po magbabago ang lahat. Ang hiling ko lang,” binigyan niya ng malungkot na ngiti ang mga ito, “maliwanagan kayo. Paalam, mom and dad.”
Hindi nagsalita ang mga ito at sa halip ay nag-iwas nang tingin sa kaniya. Nilingon niya ang kapatid at tinanguan ito. Laglag ang balikat nitong iginaya siya palabas ng mansion. Sumunod sa kanila sina Ace at Nana Pasing na tahimik na umiiyak. Halatang hindi rin kaya nito ang mga salitang binitiwan ng kaniyang mga magulang.
“I’m sorry about that,” August said in a quiet voice.
“It’s fine. Marahil naguguluhan pa sila.” Malungkot niyang saad.
“Umaasa ako palaging nagbago na sila pero parang malabo na,” frustrated na anito.
Nilingon niya ang kapatid. “May tamang oras ang lahat.”
Nagpakawala ito ng hangin na tila pinapakalma ang sarili. “I’ll be waiting for that day.”
“I am too.”
“Though, I’m hoping it isn’t too late for them to realize it.”
Tumigil siya sa paglalakad at hinarap ang kapatid. “May dahilan kung bakit nangyayari ang lahat ng ito. Perhaps, God is teaching us something. Let’s wait for God’s perfect time.”
“I know.” August sighed. “It’s getting late. Bakit hindi ka muna mag-stay dito?”
“Hindi na kailangan, Kuya. Ayaw kong gatungan ang galit nina mommy at daddy.” Ibinalik niya ang tingin sa loob ng mansion. “Pagkalabas ko, hindi ako mapakali. Sila kaagad ang gusto kong makita. I’ve missed them badly.”
“You know, you can stay for the night. Ako ang bahala kina mommy at daddy.”
“Huwag na, Kuya. Bibisita na lang ulit ako sa isang araw.” Inabot niya ang braso nito at iniakla ang braso niya. “Hatid mo na lang ako sa may gate.” Tiningala niya ito at ginawaran nang malapad na ngiti.
“Hanggang ngayon, idinadaan mo pa rin ako sa mga pangiti-ngiti mo.”
“Hindi, ah!”
Tumawa si August bago marahan siyang iginaya sa paglalakad. “Ano pa man, ikaw lang ang aming munting prinsesa.”
She giggled but didn’t say anything. Na-miss niya rin ang kaniyang kuya. And she wanted to savor this moment.
Tahimik silang naglakad hanggang makarating sa gate. “Ipapahatid kita kay Ace. Saan ka ba tumutuloy?”
“Hindi na kailangan. May taxi na naghihintay sa’kin,” pagtanggi niya bago kumalas sa kapatid.
“Wala po akong nakitang sasakyan sa labas,” sabat ni Ace dahilan para lingunin niya ito.
“Doon ko siya pinag-park sa kabilang daan,” pagpapaliwanag niya. “Gusto ko sanang maglakad-lakad bago makarating dito. Gusto kong magkaroon nang pagkakataon na mag-isip.” Ibinalik niya ang tingin sa kapatid. “Magiging okay lang ako kaya h’wag ka nang mag-alala.”
“Kahit sa sasakyan lang, ihahatid ka ni Ace.”
Umiling siya. “Give me this one, Kuya. Promise, I’ll be fine.”
“You sure?”
“Yeah,” she answered as she smiled, her eyes twinkling with happiness.
Napilitang tumango ang kapatid niya. Nagpaalam na siya rito sabay ng pangakong pupunta-puntahan niya ang kapatid para bisitahin kapag may libreng oras. Nagpaalam na rin siya kay Nana Pasing. Hindi pa rin mapigilan ang pagluha nito pero pinilt nitong pasiglahin ang sarili habang namamaalam sa kaniya.
Nagsimula na siyang maglakad palayo ng mansion pero nanatili ang kapatid niya, si Nana Pasing, at Ace sa labas ng gate para tiyaking ligtas siyang makakarating sa sasakyan. Nang makatanaw siya ng taxi na nakaparada hindi kalayuan ay nilingon niya muli ang mansion. Ang lugar kung saan siya lumaki at nagka-isip, ang lugar kung saan minsan ay bumuo siya ng mga masasayang alaala kasama ang pamilya. Nanghihinayang man, buo ang loob niyang hindi siya nag-iisa. Naniniwala siyang talikuran man siya ng buong mundo, hindi siya tatalikuran ng Diyos. Ilang segundo niyang tinitigan pa iyon sa pagbabakasakaling makikita man lang anino ng mga magulang ngunit bigo siya.
Sa huli, pinili niyang ngumiti. May panahon pa… Hindi siya dapat mawalan ng pag-asa. Magkakaayos rin sila.
Pumasok na ang kapatid niya at si Nana Pasing sa loob ng gate pero nagpa-iwan si Ace habang nakatingin sa kaniya. Ibinalik niya ang tingin sa taxi na nakaparada. Naglakad siya palapit rito ngunit ng ilang metro na lang ang layo niya’y natigilan siya sa nakita sa loob ng sasakyan.
“Oh God,” mahinang sambit niya dala ng gulat at takot. Ito pa rin ang pares na taxi na sinakyan niya pero iba na ang driver sa loob at tila may mga kasama pa ito.
Akmang hahakbang siya palayo rito nang biglang bumukas ang pinto sa backseat at lumabas ang isang malaki at armadong lalaki sa backseat. Natigilan siya at maang na napatitig sa lalaking papalapit sa kaniya. Sinubukan niyang humakbang pero naninigas ang mga binti niya.
“Sister, ‘wag na nating patagalin ito,” nakangising wika ng lalaki.
“Hindi!” sigaw niya sabay talikod para tumakbo pero huli na dahil mabilis siyang nahablot nito. “Tulong!” sigaw niya habang pilit kumakawala sa pagkakahawak nang hindi nakikilalang lalaki. Ngunt dahil malaki ang katawan ng lalaki at mas malakas ito sa kaniya ay wala siyang nagawa nang buhatin siya nito.
Walang pag-iingat na parang papel lang siya na binitbit nito pabalik sa taxi. Naalis ang belo niya sa ulo at bumagsak iyon sa semento. Hindi niya ininda iyon at sinubukan muling magwala pero mabilis na isinalya nito siya sa gilid ng taxi at sinikmuraan. Napaigik siya dahil sa ginawa nito at natigil sa pagpapasag. Parang lantang gulay na ipinasok siya ng lalaki sa taxi at dahil sa sakit ay hindi na siya nakagalaw o nakapanlaban man lamang.
“Hanep, bilisan ninyo. May bodyguard na nakatunog,” malakas na wika ng isa sa mga lalaki. Sinundan iyon nang unti-unting paggalaw ng sasakyan.
“A-anong gagawin ninyo sa akin?” tanong niya sa kabila nang panghihina.
“Kung ako sa iyo ay mananahimik na lang ako.”
“W-wala akong gina—”
“Sinabing manahimik ka na lang!” bulyaw ng lalaking bumuhat sa kaniya. Nakakatakot ang tinig nito kaya kaagad siyang natahimik at napasiksik sa kabilang bahagi ng taxi. Napakasakit pa rin ng sikmura niya ngunit kahit iyon ay sinubukan niyang balewalain.
“Lord, help me…” she whispered when she felt the taxi begin to move.
“Walang makakatulong sa’yo. May mga kasama kami at sila ang bahala doon sa bodyguard na iyon,” nakangising sabi ng lalaking sumuntok sa kaniya habang tinatalian siya sa kamay. “Isa pa, wala rin siyang magagawa.”
Inalihan siya ng takot at kaba nang maalala ang driver ng taxi at si Ace na nakamasid. Nagsimula muli siyang magwala pero walang sabi-sabing tinakpan ng isang lalaki ang bibig niya gamit ang isang tela. Nagpapasag siya hanggang kainin ng dilim ang paligid niya.
Oh God, please, help me… Ano ba itong nangyayari sa akin?