Malalim na ang gabi at wala nang ibang maririnig sa paligid kundi ang mahihinang ingay ng kuliglig at mahinang pagaspas ng hangin sa mga puno. Nakagaling na si Asher mula sa labas para sumagap ng sariwang hangin pero hindi mawala-wala ang nakakairitang estrangherong pakiramdam sa dibdib niya. Pumasok siya at napagdesisyunang mahiga sa mahabang upuan sa salas ng cabin. Gamit ang malamlam na ilaw ng munting gasera ay tinitigan niya ang kisame ng cabin at gaya kanina ay paulit-ulit na bumabalik sa alaala niya ang sinabi ng babae.
‘Salamat sa pagliligtas sa’kin…’
‘Salamat, Asher…’
Mariin niyang nakuyom ang kamao at itinakip ang braso sa may noo. Hindi siya pwedeng magpadala sa pagbabait-baitan ng babae. Minsan ng ginamit nito iyon para papaniwalain siya. Hindi na siya papayag na maulit na naman iyon.
Bumangon siya at akmang papatayin na ang sindi ng gasera nang makarinig ng sunod-sunod na ungol. Awtomatikong lumipad ang mga mata niya patungo sa pintuan ng silid kung saan nagmumula ang ungol. Ilang segundo niyang muling pinakinggan ang paligid, nagbabakasakaling nakakahirinigan niya lang iyon ngunit hindi naglaho ang mga ungol.
Dagling nagsalubong ang kilay niya at padabog na naglakad patungo sa pintuan ng silid. Kinalampag niya ang pinto sabay sigaw ng, “Manahimik ka diyan!”
Tila walang naririnig ang nasa loob ng silid dahil nauulinigan pa rin niya ang ungol nito na sinabayan pa ng pag-ingit ng papag.
“Peste! Abala na talaga ito!” inis niyang daskol at maagap na kinuha ang susi ng padlock. Inalis niya nag pagkaka-lock ng pinto, handa ng sigawan ito pero natilihan siya sa tanawing sumalubong sa kaniya. Sa isang iglap ang matinding pagkairita at inis ay naglahong bigla.
“Pesteng buhay ito,” inis na buga niya ng hangin.
PAYAPANG nakatulog si Amethyst ngunit nang magising siya ay hindi na niya maigalaw ang buo niyang katawan. Pakiramdam niya ay nangangapal ang ulo niya, sabay-sabay na kumikirot ang mga sugat, at bagama’t sobrang init ng katawan niya ay nilalamig siya. Ginaw na ginaw ang pakiramdam niya at kahit gusto niyang umamot ng kumot ay hindi niya magawa.
‘Lord, ano na pong nangyayari sa akin?’ bulong ng isip niya.
Hindi niya alam ang gagawin kaya sinubukan niyang humingi ng tulong ngunit kahit ang lalamunan niya ay masakit at nanunuyo. Ibinuka niya ang bibig upang magsalita ngunit impit lang ng ungol ang lumabas mula roon. Pinipilit niyang magsalita ngunit walang mabuong salita mula roon. Nagpabiling-biling siya habang hindi magkaintindihan sa gustong gawin.
NILAPITAN ni Asher ang papag na kinahihigaan ni Amethyst. Nakapamaluktot ito at nanginginig ang buong katawan habang panay ang ungol. Bagama’t may ideya na sa nangyayari ay hinawakan pa rin niya ang noo nito para makasigurado. Ganoon na lang ang pagkabigla niya nang mahawakan ang noo nitong sobrang init.
“Ano ba naman ito?” eksperadong bulong niya sa sarili.
Inilipat niya ang kamay sa pisngi nitong hanggang ngayon ay may pasa pa at napagtantong mainit din iyon. Ganoon rin ang braso at leeg nito. Kinapa niya ang kamay at binti nito. Nakakapaso ang init ng katawan nito.
“Naletse na!” inis niyang bulalas habang wala sa loob na naisuklay ang mga daliri sa buhok. “Bakit ba nangyayari ito? Bwiset talaga!” Hindi malaman ni Asher ang gagawin. Akmang lalabas ng silid para lang matigilan muli. Nabablangko ang utak niya.
Tinitigan niya ang maamong mukha nito at kitang-kita niya ang paghihirap na nakalarawan rito. Panay ang bulong nito na nagiging ungol lang kapag lumalabas sa mga labi. Niyuko niya ang dalaga at marahang niyugyog sa may balikat. “Hoy, anong nararamdaman mo?”
Pakiramdam niya ay wala siyang utak dahil sa ginagawa. Halata namang hindi maayos ang pakiramdam nito at hindi magawang magsalita pero nagagawa pa rin niyang tanungin.
“Gumising ka,” yugyog niya muli ngunit tanging ungol at panginginig lang ng katawan ang naging tugon nito.
Muli niyang pinasadahan ng tingin ang babae bago napipilitang tumayo. Nilapitan niya ang lumang aparador kung saan may ilang gamit na nakatago roon. Binuksan niya iyon at naglabas ng malaking plastic kung saan nakalagay ang isang kumot. Maingat at maalaga sa gamit ang namatay na asawa ng kaibigan niya kaya alam niyang may ilang gamit pang nakatago roon. Sinira niya ang plastic at ipinagpag ang kumot bago iyon ikinumot sa babae.
“Hayan na. Hindi ka na lalamigin diyan,” malamig na aniya at tinalikuran na ito.
Hindi pa siya tuluyang nakakalapit sa may pinto nang marinig ang bahagyang paglakas ng tinig nito.
“T-tu…long…”
Nilingon niya ito at kahit narinig niyang nagsalita ay hindi naman nagbago ang posisyon nito. “Gising ka na?”
“T-tu…long… T-tulu…ngan…mo a-ako…” Bahaw at nanginginig ang tinig na bulong nito habang nakapikit pa rin.
Napalunok si Asher dahil sa naririnig at nakikita niyang paghihirap mula rito. Hindi siya sanay na ganito. Mas sanay siyang kinatatakutan siya, hinihiya, inaalipusta o kinamumuhian ngunit hindi ang hinihingan ng tulong. Sino bang mag-aabalang humingi ng tulong sa isang talamak na kriminal? Kahit ang mga taong pinahahalagahan niya ay natatakot nang humingi sa kaniya ng tulong. Samantalang ang babaing ito, simula pa lang noong una ay nagagawang humingi ng tulong sa kaniya at pasalamatan pa siya.
“Matulog ka na lang diyan. Lilipas rin iyang lagnat mo,” malamig niyang ani, pilit inaalis ang estrangherong pakiramdam na kanina pa gumugulo sa isipan niya. ‘Desperada lang ito at hindi siya maaaring magpapalinlang…’
“P-ple…ase… I-ili…gtas m-mo ako…” bulong pa rin nito dahilan para maningkit ang mga mata niya.
‘Sinasabi na nga ba, nililinlang lang siya nito,’ sigaw ng isip niya.
“Kung iniisip mong maloloko mo ako ay nagkakamali ka. Matulog ka na at inaantok na rin ako. Ang laki nang abala ng ginagawa mo!” matigas niyang ani bago nagpatuloy sa paglalakad patungo sa pinto.
“K-kuya… t-tulungan mo ako…”
Awtomatikong napahinto sa paghakbang si Asher at sa hindi niya maipaliwanag na dahilan ay bumilis ang kabog ng dibdib niya na parang kumakalampag sa kaniyang tenga. Hindi pa rin niya nililingon ang babaing paulit-ulit pa rin ang pagtawag ng kuya.
Asher's jaw hardened in exasperation. Darn! But everything that’s happening began to make him out of his mind. Her voice was bringing back some old memories of the past, and it wasn’t helping him.
‘Kuya… tulungan mo ako…’
‘Kuya Asher, tulungan mo si Ashley… Hindi siya pwedeng mamatay…’
He closed his eyes tightly and the memories came back rushing.
Kumakabog ang dibdib habang nagmamadaling tumakbo si Asher patungo sa gigiray-giray nilang bahay. Hindi pa man siya nakakalapit ay kita na niya kaagad ang umpukan ng tao sa harap ng pintuan ng bahay nila.
“Anong ginagawa ninyo diyan? Magsialis kayo diyan!” sigaw niya at walang pasubaling binangga ang mga ito para makadaan siya papasok.
Nang makapasok siya sa loob ng bahay ay umiiyak na sumalubong sa kaniya si Ashton, isa sa nakakabatang kapatid niya.
“Kuya, si Ashley… Tulungan mo si Ashley. Ang dami niyang dugo,” umiiyak na ani Ashton habang nakalarawan ang magkahalong takot at pag-aalala sa mukha nito.
“Nasaan siy—“
“May sugat ang ulo niya, Asher, kailangan nating madala siya sa ospital,” si Julio ang tumugon, desperado at nagmamadaling lumabas mula sa pintong natatakpan ng kurtina. Buhat nito ang kapatid niyang si Ashley. Para siyang sinuntok sa sikmura ng makita ang itsura ng nakababatang kapatid. Umaagos ang masaganang dugo mula sa ulo papuntang mukha nito, nakalaylay ang isang kamay nito at kahit may malay pa ito ay batid niyang hindi na ito ang kapatid niya. Naglaho na ang masayahing Ashley bagkus ay napalitan ng takot na takot at puno ng pangambang Ashley.
“K-kuya… tulungan mo ako,” mahinang igik nito habang blangko ang mga matang nakatingin sa kaniya, lumuluha at nagmamakaawa.
“Ashley…” Parang binibiyak ang puso niya habang nakatitig sa kapatid na unti-unting sumasara ang mga mata.
“K-kuya A-august… t-tulungan mo ako…”
Parang binuhusan ng malamig na tubig si Asher nang muling marinig ang tinig ni Amethyst. Pinagpapawisan, nanlalaki ang mga mata habang patuloy sa pagkabog nang malakas ang dibdib na hinarap niya si Amethyst. Nakapikit pa rin ito, nanginginig ang katawan habang nakalarawan sa mukha ang matinding sakit.
“Ashley…” wala sa loob na bulong niya sa hangin.
Gaya kanina ay tila may sariling isip na kusang gumalaw ang katawan niya. Sigurado ang mga hakbang na lumabas siya ng silid, kumuha ng maliit na planggana nilagyan iyon ng maligamgam na tubig at naghanap ng malinis na bimpo bago bumalik sa silid.
Inalis niya ang laman ng kawayang mesa at ipinatong roon ang planggana. Lumabas muli siya ng silid at mabilis na naghalungkat sa bag na puno ng damit niya. Nang makita ang hinahanap ay nagmamadaling bumalik siya sa silid at umupo sa gilid ng papag. Inabot niya ang bimpo at piniga iyon habang nakatingin sa mukha ni Amethyst.
Isang buntonghininga ang pinakawalan niya habang inilalapat sa mukha ng babae ang bimpo. “Hindi ka mamamatay. Hindi. Kumapt ka lang. Narito lang ako,” mariing bulong niya na puno ng katiyakan.
ANG panlalamig kanina na nararamdaman ni Amethyst ay bahagyang nawala. May mainit na bagay siyang nararamdamang dumadampi sa katawan niya at nababawasan noon ang panlalamig at p*******t ng katawan niya. She felt someone moved her, though she knew it wasn’t her that makes her body moves.
“Kailangan mong magpalit ng damit,” bruskong ani ng tinig.
Naririnig niya ang tinig ngunit wala siyang maunawaan kaya tumango na lang siya biglang tugon. May naramdaman siyang malambot pero makapal na telang ibinalot sa kaniya bago muling nagsalita ang tinig. “Itataas ko ang kamay mo habang hinuhubad ko ang damit mo,” malamig man ang tinig ay naging papahina iyon habang tumatagal.
She’s totally sick. She couldn’t even make a move. Hindi siya sakitin pero kapag nagkasakit siya ay malala. Naaalala pa niya, noong bata pa siya, ang mga kuya niya ang madalas magpalitan nang pag-aalaga sa kaniya kapag maysakit siya. Hindi kasi mapakali ang mga ito kapag nagkasakit na siya. At noong nasa kumbento siya, si Sister Tirzah ang madalas nag-aasikaso sa kaniya kapag hindi niya na talaga magawang bumangon.
“Ibabangon kita, uminom ka kahit kaunti,” mahinahong utos muli ng tinig.
Katulad noong una, tumango siya. Naramdaman niya ang pag-angat ng katawan niya, ang pagpulupot ng matitigas at mainit na braso sa likod niya at hinayaan niya lang ang sariling sumandal doon. May lumapat na kung ano sa may labi niya at awtomatikong ibinuka niya ang bibig. Pumasok ang likido sa bibig niya pababa sa lalamunan at laking pasasalamat niya dahil nakadama siya nang kaginhawaan.
“Wag kang malikot. Ilalagay ko ito sa may noo mo para mabawasan iyang init ng katawan mo,” wika pa ng tinig habang inihihiga siya na sinundan ng pagpatong ng malamig na bagay sa noo niya. Napangiwi siya sa simula ngunit nang makaraan ay nakadama siya muli ng kaginhawaan.
“Magpahinga ka muna. Babalikan kita mamaya,” bumalik na ang malamig at seryosong tinig nang nagsasalita.
Gumalaw ang kinahihigaan ni Amethyst at dahil unti-unti ay nakakaramdam siya ng kaginhawaan ay tila hinihila na siya ng antok. May mga ingay at yabag siyang naririnig pero malayo na iyon sa pang-unawa niya. Ang dilim na kanina pa nakabalot sa kaniya ay tuluyan na siyang hinila.
Pagkaraan ng ilang oras…
“IBABANGON kita, kailangan mong kumain para makainom ka ng gamot.”
Inaantok at namimigat pa rin ang ulo na unti-unting nagmulat ng mga mata si Amethyst. Bumalik na naman ang tinig pero malabo ang tingin niya dito. Hindi niya mapagsino ang mukha nito.
‘Nakauwi na ba ako? Si kuya ba ito? I am calling him. Did he come?’
Hindi pa rin malinaw kay Amethyst ang nangyayari nang maramdaman ang maingat na pag-angat ng katawan niya. Ibinaba siya ng tinig at isinandal sa malambot na pumpon ng unan.
“Ganito ka pala kapag maysakit ka. Para kang ibong walang pakpak,” nangungutya ang tinig pero kakatwang may ngiti sa bawat salita nito.
She grinned. There’s no such thing as a bird that has no wings. Maybe a man that has no hands or feet and a bird who has wings but is afraid to fly.
“Tss. Mukhang magaling ka na at nagagawa mo nang ngumisi diyan,” malamig na ani ng tinig. “Ibuka mo ang bibig mo at nang matapos na tayo rito.”
Hindi siya tumugon ngunit nang may ilapat sa labi niya ay napilitan siyang ibuka ang bibig. Mainit-init iyon at kahit hindi niya malasahan ay nakakatulong ang munting anghang para maibsan ang p*******t ng lalamunan niya. Hindi na nagsalita ang tinig ngunit sa t’wing may ilalapat ito sa bibig niya ay ibinubuka niya ang bibig. Nakakailang subo pa lang nang maramdamang tila masusuka na siya kaya iniiwas na niya ang bibig dito.
“Isa na lang,” utos nito.
Nakapikit at nanghihinang umiling siya.
“Kailangan mo ito para gumaling ka,” pamimilit nito.
Umiling siya muli bilang tugon na ayaw na niya.
“Kapag hindi ka pa kumain, hindi ka gagaling…” pananakot ng tinig.
‘Lord, am I home now?’ bulong ng isip niya dahilan para mapangiti siya. She must be home. Maybe her brother found out where they were and got her that night.
“Hindi ako nakikipagbiruan sa iyo, babae,” inis na ungol ng tinig dahilan para mapangiti siya. It must be her Kuya Ayden. Their eldest brother was a grump one. Maybe he came back after he found out what happened.
“Bwiset, tama na nga at para kang nasisiraan ng bait diyan. Nasobrahan ka na ata ng lagnat,” inis na saad ng tinig. “Uminom ka na lang nitong gamot at tubig.”
Hindi pa siya nakakabawi ay naramdaman niya ang paghawak ng makalyong kamay sa baba niya. Hindi iyon marahas bagkus ay puno nang pag-iingat. “Lakihan mo ang nganga mo, hindi mo pwedeng iluwa itong gamot mo,” dagdag ng tinig at isinubo sa bibig niya ang maliit na kapsula. Nalasahan niya ang pait noon at akmang iluluwa nang magsalita ito kasabay nang paglapat ng baso sa bibig niya. “Uminom ka at lunukin mo kaagad iyan.”
Napilitan siyang gawin ang sinasabi nito at nang matagumpay niyang mainom ang gamot ay inihiga na siya nito. Hindi rin nagtagal ay nakatulog muli siya.
*****
“BUMANGON ka para makapagpalit ka ng damit,” yugyog muli ng tinig. “Hindi mo man lang ba napansin na basang-basa ka ng pawis? Akala ko ba gusto mo pang mabuhay?”
Hindi na gaanong masakit ang katawan ni Amethyst maliban sa munting kirot kapag nagagalaw niya ang kabilang braso sa tuwing magpapalit ng posisyon. Hindi na rin siya nakakaramdam ng lamig at nabawasan na rin ang p*******t ng lalamunan niya. Gayunpaman, nanghihina pa rin ang katawan niya at wala pa sa inhibisyon ang isip.
“Talaga oh,” inis na angal ng tinig na sinundan ng pagalaw ng katawan niya. Naramdaman niya ang paglislis ng malambot na tela mula sa katawan niya, ang pagbalot ng makapal na tela hanggang sa may dibdib niya at ang salitang pagtaas ng kamay niya para mahubad ang damit niya.
“Sobra nang pahirap ito,” reklamo ng tinig habang binibihisan muli siya. “Humanda ka sa akin kapag magaling ka na.”
Hindi siya tumugon at nang tuluyan nang natahimik ang paligid ay nakatulog na muli siya nang payapa.
Montenegro’s Mansion
“HANGGANG kailan mo kami iiwasan, August?” salubong ng ina ni August nang makita siyang pumasok sa mansion nila. Umuwi si August ng bahay para kumuha ng ilang damit pamalit pero hindi niya akalaing naroon pala ang ina.
“Hindi ko po kayo iniiwasan,” kalmado at diretsa niyang tugon.
“Hindi? Hindi ba pag-iwas itong ginagawa mo? Isang linggo ka ng hindi tumitigil ng bahay, ah. Uuwi ka lang para kumuha ng damit, ng gamit, at pagkatapos aalis ka na. Ni hindi mo man lang kami kinukumusta ng daddy mo rito,” sunod-sunod na litanya ng ina niya.
Walang balak makipagtalo si August sa ina kaya mahinahon pa rin siyang sumagot habang paakyat ng hagdan patungo sa silid niya. “I’m just busy looking for Amethyst.”
“Ginagawa ng pulis ang trabaho nila at pati na rin ang GSA. Hindi mo kailangang makisawsaw sa kanila.” Habang patuloy siyang naglalakad patungo sa silid ay patuloy rin ang ina niya sa pagsunod sa kaniya.
“Hindi ako nakikisawsaw sa kanila. Ginagawa ko ang obligasyon ko bilang kapatid ni Amethyst,” unti-unti nang nakakadama ng inis si August pero pilit niyang pinakalma ang sarili. Marami na siyang burden na dinadala. Ayaw niya nang idagdag pa na magkaaway sila ng ina.
“Hindi mo trabaho ang manatili sa GSA bente-kwatro oras, August. Hindi mo obligasyon ang mangalap ng mga impormasyon para makita si Amethyst. Trabaho iyon ng mga pulis at ng taga-Galleria, at binabayadan sila sa trabahong iyon,” deklara ng ina niya dahilan para harapin niya ito.
Hindi makapaniwalang tinitigan niya ang ina. Sa isang linggong nawawala si Amethyst, nakitaan man niya nang pag-aalala at takot ay miminsan lang. Buong akala niya ay itinatago lang iyon ng mga magulang niya ngunit pagkatapos ng ilang araw lang ay tila hinayaan na ng mga ito na pera ang gumalaw para sa kanila.
“Hindi nila papatayin si Amethyst or else wala silang makukuhang pera,” kalmado pa ring saad ng ina niya.
Umiling-iling siya. “Sinubukan na nila noon. May posibilidad na gawin nila ngayon.”
“Nangako sila at ka—“
“Mom, you also promised to them the first day that Amethyst had been kidn*pped that you would negotiate with them. But what did you do? You mobilized the Galleria and told them to go to the meeting place.” August didn’t want to, but he wanted to remind his mother of the first mistake that they made. Hanggang ngayon, labis niyang pinagsisisihan na inalis niya ang mga mata sa ina. Sa utos nito ay kumilos ang isang grupo ng GSA. Utos na lingid sa kaniya. Utos na naging dahilan kung bakit hindi na nila alam kung saan pa hahanapin ang kapatid.
“I just want to make sure na safe ka at si Amethyst,” paliwanag nito sa kaniya.
“I know, but see where it led us? Itinakas nila si Amethyst at ngayon, hindi natin alam kung saang lupalop ng mundo siya dinala ng kidnapper niya.”
Mataman siyang tinitigan ng ina bago ito tahimik na nagsalita. “Kaya ba ayaw mo nang tumigil dito? Kaya ba mas gusto mong manatili sa HQ ng GSA? Are you thinking na ginusto naming pumalpak ang pakikipagnegosasyon natin sa kanila?”
‘Oh God, here she goes again…’
“Hindi po iyon ang ibig kong sabihin,” maagap niyang paliwanag.
“No. That’s what it seems.”
“But it’s no—“
“No, August! I know you’re mad at me because I didn’t accept your sister when she came back that night. I couldn’t forgive her at that time. It’s hard for me knowing that the dreams I had for her just got ruined because she chose that life. And it’s harder for me to comprehend why it’s easy for her to leave us. Alam niya kung gaano kasakit sa’min nang umalis sina Ayden at Alexander pero ginaya niya pa rin sila.”
Napabuga ng hangin sa kawalan si August bago nilapitan ang ina na nagsisimula ng maluha. Their mom was in her 50’s— still lively, beautiful, and smart, but could be a pain in the head when she began to sulk.
“Mom…” pang-aamo niya dito at niyakap ito. Hindi naman ito pumalag at umiiyak na patuloy na nagsalita. “Masama ang loob ko kina Ayden at Alexander but gradually naunawaan ko rin ang lahat. However, it’s so hard for me to accept that Amethyst chose to be a nun.” Humiwalay kay August ang ina at tiningala siya. “I want your sister to have a happy life, to marry and have children, to live like a princess, and become a queen of our clan. Pero nang gabing bigla na lang siyang nawala, isa lang ang tumanim sa isip namin ng daddy mo.”
Hindi man nito itinuloy ang sinasabi ay naunawaan niya ang nais ipakahulugan nito. “Amethyst loves you. She loves us. Pinili niya man ang landas na iyon, hindi nagbago ang pagmamahal niya para sa atin.”
“I know now… Pero hindi mo ako masisisi noon. She’s our only girl, our only princess,” she persisted.
“Our sweet and strong princess,” he corrected, “a princess who wants to serve a magnificent king… And, there’s nothing greater than serving Christ, the King.”
Maang na napatingala sa kaniya ang ina. Hindi lingid sa kaniya na mula pagkabata ay lumaki ang mga magulang niya sa buhay na puro patakaran. His mother was a solemn heir and she grew in a place where there’s always a red line of limit. A set of rules and goals especially made by rich families. And because his mother married his father who’s a Montenegro and one of the richest clan, she must continue to bring that red line. Marahil, dahil hindi nagtagumpay ito sa dalawa niyang kuya ay nabaling ang lahat kay Amethyst.
“Kuya Ayden and Kuya Alexander chose the path where they will serve the country.” Hinaplos niya ang buhok ng ina na may ilang puting hibla na pilit sumusungaw. “I chose to stay here and help you. Amethyst chose a path where she could serve God.”
“Pwede siyang maglingkod kahit hindi siya madre…”
“Mommy, naaalala mo pa ba iyong mga panahong nag-aaway kayo ni daddy? Kahit magkagalit kayo, palagi mong sinasabi na mahal na mahal mo pa rin siya at kahit hindi siya Montenegro, you’re still going to marry him.”
Napakagat-labi ang ina niya habang marahang pinupunasan ang luha sa magkabilang sulok ng mga mata. “Para kang daddy mo. You’re twisting things in your favor.”
Ngumiti siya. “We can’t help it. I have the blood of Montenegro.”
“Yeah…” Tumango-tango ito bago sumulyap sa ibaba. Tumitig ito sa malawak na living room bago tumingin sa kaniya. “I’m sorry. Kung hindi ko pinaalis ang kapatid mo ng gabing iyon, hindi sa—“
“Wala pong may gusto nang nangyari,” putol niya sa sasabihin sana ng ina. “Ang mahalaga ay mahanap natin siya ngayon.”
“Pero hindi natin alam kung saan nat—”
“Ma’am Amira! Sir August!”
Naputol ang lahat ng sasabihin pa sana ng kaniyang ina nang marinig ang pagtawag ni Nana Pasing mula sa baba. Sumilip sila sa baba ng hagdan at nakitang humahangos ito galing sa labas at kahit mula sa itaas ay kitang-kita nilang mag-ina na hindi ito magkaintindihan.
“Andito kami sa itaas, Nana,” malakas na tawag niya.
“Bakit na naman kaya? Naging exagg na naman iyang si Nana Pasing,” umiiling na ani ng mommy niya.
“Bumaba po kayo diyan. Madali kayo!” malakas na tawag ni Nana habang nakatingala sa kanila.
Nagkatinginan silang mag-ina.
“Hindi kaya…” natutop ng ina niya ang bibig habang namimilog ang mga mata.
“Nandito na sila, ma’am!” dinig pang tawag ni Nana. “Sir Ayden! Sir Alexander!”
Pagkarinig pa lang ng pangalan ng dalawang kapatid ay napahawak sa braso niya ang ina. “Oh my,” his mother gasped as tears began to flow from her eyes.