Chapter Eight “The Hearts”

3698 Words
Batid ni Asher na nawawala na siya sa sariling inhibisyon habang mabilis ang mga hakbang na binabagtas ang daan pabalik sa cabin. Labag sa loob niyang buhatin ang babae pabalik sa cabin ngunit tila may sariling isip ang katawan niyang maingat itong ibinabalik. Naramdaman niya ang pagbigat ng katawan ni Amethyst, palatandaan na tuluyan na itong nawalan ng malay. Sinulyapan niya ito at muli parang sinasakal siya sa nakikitang mga sugat at dugo nito sa katawan kasabay ng mga tinig na paulit-ulit na bumabalik sa isip niya. 'Kuya, ang daming dugo ni Ashley!' 'Kuya, mabubuhay pa ba si Ashley?' 'Kuya Asher... Tulungan mo ako... G-gusto ko pang mabuhay.' Mariing ipinilig ni Asher ang ulo para palisin ang mapait na alaala. Binilisan niya ang paghakbang at nang marating ang cabin ay halos talunin niya ang mga baitang para makaakyat kaagad. Idiniretso niya si Amethyst sa silid nito at marahang inihiga sa papag. Umungol ito na tila nasasaktan pero nananatiling walang malay. Nang mailapag niya si Amethyst sa higaan ay doon lalong tumindi ang pagtatalo ng isip niya. Maraming galos at gasgas ang katawan nito, putok ang sentido kung saan umaagos ang dugo, at base sa pagtakbo nito kanina ay may bali rin sa braso ito. Napapikit niyang naisabunot ang dalawang kamay sa buhok. "Peste! Peste talaga!" paulit-ulit niyang mura. Hindi niya alam kung para sa babae iyon o para sa sarili niya. Hindi niya maaaring dalahin ang babae sa hospital kaya ang tangi na lang paraan ay siya ang gumamot dito. Binalingan niya ito bago malalaki muli ang hakbang na lumabas siya ng silid at tumungo sa kusina. 'Bahala na!' inis na bulong niya sa sarili. ‘Hindi siya maaaring mamatay.’ ***** NANG UNTI-UNTING magkamalay si Amethyst ay hindi siya magkaintindihan nang gagawin. Hindi siya sigurado kung aling parte ng katawan niya ang masakit. Basta ang alam lang niya ay kahit anong igalaw niya ay may kumikirot. Gusto niyang gumalaw dahil nakakaramdam na siya nang pangangalay ngunit sa isang munting kibo ay sanlibong malalaking kirot ang iginaganti sa kaniya. Sinusubukan niya ring imulat ang mga mata ngunit may kung anong mabigat roon na nagpadagdag pa sa tila nangangapal niyang ulo. 'Oh Lord, what's happening to me?' "Ganiyan ka na nga, gusto mo pa ring gumalaw," malamig at may parurunggit na ani Asher dahilan para mapatigil si Amethyst sa pagnanais na pagkilos. Nakapikit man siya ay rinig niyang nasa malapit lang ang tinig nito. "A-asher..." bulong niyang tila naninigurado. "Huwag kang mag-alala. Kung si Brock na ang may hawak sa'yo, tiyak naghihingalo ka na ngayon. Maswerte ka at kailangan pa kita kaya hahayaan muna kitang mabuhay." Napalunok siya sa maaasim na salita nito. Hindi man niya nakikita ang mukha nito ay batid niyang puno iyon ng pait at panlilibak sa kaniya. "Sabihin mo," dinig niyang anito kasabay nang paggalaw ng hinihigaan niya palatandaang umupo ito sa gilid. "Kailan mo pa plinano ang pagtakas mo kanina?" Pinagdiit niya ang labi. "Nagbabait-baitan ka lang ba para paniwalain akong hindi ka gagawa ng kalokohan?" may riing tanong pa nito pero nanatiling tahimik si Amethyst. Tiyak namang kahit anong sabihin niya ay wala nang silbi para dito. Sa tono pa lang nang pagsasalita nito at base sa kakaibang hatid ng presensiya nito, batid niyang galit na galit sa kaniya si Asher. "Mas magiging madali para sa'yo kung namatay ka na tutal hindi ka pa rin makakatakas dito," pagpapatuloy nito. May kung anong mabigat na bagay ang tila dumagan sa dibdib niya dahil sa sinabi nito. Pagkatapos nang nangyari kanina, mapalad at buhay pa siya. Gayunman, may pait ang katotohanang buhay man siya ay tila walang silbi iyon. Nakuyom niya ang palad sa gilid. The raw feeling of pain and bitterness began to show its claws, ripping her shield. Ang kaninang p*******t ng katawan ay pinangibabawan nang p*******t ng dibdib niya. Tunay nga palang mas masakit ang sampal ng katotohanan. Naramdaman niya muli ang paggalaw ng papag at sa pagkakataong iyon ay tila tumayo na ito. "Ngayon, tumatahimik ka na. Napatunayan mo na bang hindi talaga Siya nakikinig sa'yo?" tanong nito sa lalong pinatigas at nanlilibak na tinig. Sa oras na iyon, sa kabila nang panghihina ay nagmulat siya ng mata. Hindi nga siya nagkamali nang sapantaha nang mamulatan at masalubong ang itim na itim na mga mata nito. Malamig ang mga mata ni Asher habang nakatingin sa kaniya. Hindi niya maunawaan ngunit sa likod ng magagandang mga matang iyon ay may tila napakalalim at madilim na karagatang nakatago. "Ilang araw ka ng narito pero hanggang ngayon ay wala pa ring pakialam ang mga magulang mo sa'yo. Sabagay, bakit nga ba nila pag-aaksayahan ng panahon at pera ang taong unang tumalikod sa kanila." Dagling napaawang ang mga labi ni Amethyst sa sinabi ni Asher. "A-ano—" "Kung abandunahin ka man nila, hindi ko sila masisisi. Sino bang unang nang-iwan?" Tila patalim na paulit-ulit na inuuunday ni Asher kay Amethyst ang mga salitang binibitawan nito. "H-hindi mo alam ang sinasabi mo," nanginginig ang mga labing bulong niya. Pinipilit niya lang magsalita pero sa totoo lang ay hindi na niya maunawaan ang nararamdaman. Kumakapal ang ulo niya, sumasakit na para bang sasabog iyon anumang oras. Tumaas ang sulok ng labi nito. "Hindi ko alam? Marami kaming alam." Hindi pinansin ni Amethyst ang p*******t ng katawan at umiling-iling siya, sunod-sunod at desperado. "Y-you are just saying that." "Mamamatay ka man dito. Hayaan ko man ang katawan mo sa gitna ng gubat, tiyak wala rin silang pakialam. Sayang lang at masiyadong nainip si Brock at ikaw ang kinuha niya. Nasayang lang ang pagod namin sa'yo," pagpapatuloy nito na lalong lumapad ang ngisi, palatandaang nasisiyahan ito sa kung anumang nakikita sa mukha ni Amethyst. Mariing lumunok siya para pawiin ang p*******t ng lalamunan at ang pag-iinit ng sulok ng mga mata. 'Stop listening to him, Amethyst! ‘Wag mo siyang pakinggan!' "Kung nakikita mo ang sarili mo ngayon, baka pagsisihan mong hiniling mo pang mabuhay," dagdag pa ni Asher. Piniling ipikit na ni Amethyst ang mga mata. Ayaw niyang pakinggan ang mga sinasabi nito. Hindi niya maaaring hayaang lamunin siya ng mga salita nito. Hindi niya maaaring hayaan ang sariling maniwala sa mga sinasabi nito. Hindi! "Sige, umiyak ka lang. Mabuti nang habang maaga ay alam mong sa mundong ito, kapag mahina ka, wala kang silbi! At kahit anong dasal ang gawin mo, walang nakikinig sa'yo. Walang ibang tutulong sa iyo." Hindi siya tumugon sa mga sinabi nito at nanatiling nakapikit. Sa isip niya ay paulit-ulit na kinokontra ang sinasabi nito. 'Stop listening to him, Amethyst! As long as you're with God! Who can be against you? Keep that in mind!' "Siguro naman, magtatanda ka na sa ginawa mo. Sa susunod na gawin mo pa uling tumakas, hahayaan kong ang mga hayop na ang lumuray sa katawan mo." Iyon ang huling mga salitang narinig niya mula rito bago narinig ang mga yabag na sinundan nang pagsara ng pinto at pagtunog ng mga lock sa labas. At nang tuluyang tumahimik ang paligid, doon tuluyang humulagpos ang natitirang pagpipigil ni Amethyst sa sarili. Umaagos ang masaganang luha sa magkabilang gilid ng mga mata niya, kasabay ang impit ng hikbi. Sinubukan niyang tumagilid ngunit kahit ang katawan niya ay kinukutya siya dahil sa bawat galaw niya ay may mumunting kirot na dumadaloy sa bawat himaymay ng katawan patungo sa loob ng dibdib niya. Iniangat niya ang maayos na kamay patungo sa dibdib at kinuyumos ang damit sa tapat noon. 'Oh Diyos ko, nanghihina na ako. Kasama kita pero bakit ganito ang nararamdaman ko? Kasama nga ba talaga kita? Bakit hindi kita maramdaman? Nasaan ka? Bakit hinayaan mo itong mangyari? Anong plano mo?' There were a lot of questions, but she couldn't find any answer. She couldn't hear any answer. ‘Is she really alone now? Lahat ba ng mga sinabi ni Asher ay totoo? May dapat pa ba akong panghawakan?’ ***** [GALLERIA'S SECURITY AGENCY HQ] Gulo ang buhok, gusot ang damit, at nanlalalim ang ilalim ng mga mata ni August na nakatulala sa malaking salaming dingding ng HQ ng GSA. Mula sa kinatatayuan ay tanaw niya ang papalubog ng araw, tanda na sasapit na naman ang gabi, at magiging maramot na naman ang antok sa kaniya. Simula nang ma-kidnap ang bunsong kapatid niyang si Amethyst ay hindi niya magawang pumikit man lang. Hindi niya magawang magpahinga habang alam niyang nasa panganib ang munting prinsesa nila. Palaging sumasalit sa isip niya ang larawan nito habang buhat ng naka-bonnet na lalaki. At hayun siya, walang magawa. "Sir August," untag ni Ace sa kaniya mula sa likuran. "Kailangan ninyo po munang magpahinga. Sasabihin ko na lang po sa inyo kapag may nakuha na kaming impormasyon." Si Ace ang personal bodyguard niya na nakuha niya mula sa GSA. Mas bata ito sa kaniya ng ilang taon at halos kaedad lang ni Amethyst pero dahil sa nakitaan niya ito ng galing, dedikasyon, at sipag ay kinuha niya itong bodyguard sa kabila ng pagitan ng edad nila. "’Wag mo akong pansinin. Gawin ninyo ang kailangan ninyong gawin para mahanap ang kapatid ko at ang kidnapper na iyon. Kailangang makauwi ng ligtas ang kapatid ko," hindi lumilingong aniya. "Pero, Sir, wala pa po kayong pahi—" "I can't rest right now knowing my sister is in danger," he butted in then turned to face Ace. Hindi sumagot si Ace pero hindi nakalingat sa kaniya ang pagkuyom ng palad nito. August knew what Ace was thinking right now. "Mabuti pa'y lumakad ka na muna. Andito ako sa GSA, so I'm safe here." Pinasadahan niya ng tingin ang lalaki mula ulo hanggang paa bago nagpatuloy. "Also get some rest tonight. Hindi mo magagawa ng maayos ang trabaho mo kung ganiyan ka." Kuyom pa rin ang palad na tumango si Ace. "Masusunod, Sir," kalmado at tahimik nitong ani bago nagyuko ito ng ulo. "Nasa quarter lang po ako, maraming bodyguard sa paligid at ku—" "Ace, this is GSA, and the owner of this is our ancestors, I know where and who's to call. So, leave now," he reprimanded. "Yes, Sir!" Ace gave him another bow before he turned towards the door. Ace was about to hold the doorknob when he suddenly pivoted to look at August. "I'm sorry, sir, if I wasn't able to protect her." August plastered a small smile. "No. Stop putting the burden on your shoulder." His gaze went in haze as he remembered Amethyst's beautiful face and the way she moved wearing her veil and habit. "I should be the one who does that. I shouldn't have let her leave that night. But still, it happens and no one knows it will." Bumalik ang tingin nito kay Ace. "Someone was watching and guarding my sister wherever she is now. Hindi ko alam kung nasaan siya pero alam kong hindi siya pababayaan nito." Hindi nagsalita si Ace at sa halip ay binigyan lang siya ng munting tango bago tuluyang lumabas ito ng silid. Nang tuluyang makalabas ito ay muli siyang humarap sa salaming dingding, pilit inaalala ang nakangiting mukha ng kapatid. 'Oh God, you're watching my sister now, right? She's safe, right?' Ipinikit ni August ang mga mata, humihiling na sana ligtas nga ang kapatid niya, nagdarasal na sana kagaya dati, hindi ito pababayaan ng Diyos. NANUNUYO na ang lalamunan ni Amethyst sa uhaw pero hanggang ngayon ay wala pa ring dinadala si Asher na tubig o pagkain sa kaniya. Dumagdag pa ang lalong pangingirot ng sugat sa may sentido niya at ng mga sugat sa buong katawan niya. Hindi niya tiyak kung anong oras na pero sa pumapanglaw ng liwanag at lumalamig ng paligid ay batid niyang gumagabi na. At hindi niya mapigilan ang awang unti-unting sumisilip sa loob ng dibdib niya para sa sarili. Tila sumasabay ang puso niya sa nanghihinang katawan. Magsisimula na naman sanang tumulo ang mga luha niya nang biglang bumukas ang pintuan kasabay nang pagpasok ng liwanag sa buong silid. Marahan niyang ipinaling ang ulo at nakita si Asher na may dalang gasera sa isang kamay at pinggan ng pagkain sa kabilang kamay. Blangko ang ekspresiyon ng mukha nito habang nakatingin sa kaniya hanggang sa maipatong nito ang gasera at pinggan sa mesa. "Kung gusto mong kumain, kailangan mong bumangon diyan," malamig nitong ani sabay talikod. Sinundan niya ito ng tingin nang lumabas ito ng pintuan. Nanatiling nakabukas ang pintuan ng silid pero nawala na ito sa paningin. Hindi pa ito nagtatagal na nawawala sa paningin niya ay nalanghap niya ang mabangong amoy ng pagkain. Nagugutom na rin siya pero mas matindi ang p*******t ng katawan niya. Sinubukan niyang gumalaw ngunit kaagad siyang napaigik ng maramdaman ang tila matutulis na karayom na tumusok sa may braso niya. Bunga ng kabagsak niya kanina ay hindi maikakailang nabalian siya sa kaliwang braso. “Iyan ang napapala ng katulad mong hindi nag-iisip,” malamig na komento ni Asher na hindi niya namalayang papasok na pala ng silid. May dala itong malaking mug ng tubig at maliit na palanggana. “Dahil sa ginawa mo, mas naging pabigat ka. Lalo ka pang naging pasanin ko,” pagpapatuloy nito. “I-Ikaw ang nagdala sa akin dito,” aniya sa mahinang tinig na tila ba sapat na ang mga salitang iyon bilang paliwanag. Nilingon siya nito habang ibinababa ang mga hawak sa mesa. Naniningkit ang mga mata nito. “Nagagawa mo pa ring maging matapang ngayon?” may riing tanong nito para makadama siya ng kaba. Mapalad siya at binalikan siya nito kahit pa ang rason nito ay dahil sa pera ngunit nakita niya kanina kung paano ito magalit, at sa mga oras na iyon ay wala siyang sapat na lakas para harapin ang galit nito. Sa bandang huli, pinili niyang manahimik. “Ngayon, tatahi-tahimik ka.” Nag-iwas siya ng tingin dito. “Tss. Bumangon ka riyan at kumain ka,” utos nito sa kaniya. “Nahihirapan akong gumalaw,” tila may bikig sa lalamunang pag-amin niya. Wala siyang narinig na salita mula rito kaya ibinalik niya ang mga mata sa lalaki. Nakatitig ito sa kaniya habang nakatingin sa mukha niya o mas tamang sa may itaas ng ulo niyang nababalutan ng gasa. Nabawasan ang malamig at matigas na ekspresyon nito at may kakaiba na naman siyang nakikita sa mga mata nito. At hindi niya maunawaan kung ano iyon na tila hinihigop siya pailalim. Napalunok siya at kahit tila walang kasiguruhan, naglakas-loob siyang magsalita. “Pwede mo ba akong tulungang bumangon?” Bumaba ang tingin nito sa mukha niya at sinalubong ang mga mata niya. Halos hindi siya humihinga nang naging blangko ang mga mata nito. ‘Oh God, please touch his heart. Walang imposible sa’yo.’ Humalukipkip si Asher habang nakatitig kay Amethyst. Hindi siya makapaniwalang nagagawa pa ring makipag-usap at makiusap ng babae sa kaniya sa kabila ng sitwasyon nito. May takot man siyang nababanag sa mukha nito ngunit ang kaninang kakaibang takot sa mga mata nito na nagpapawala ng kislap ng pag-asa ay tila nawala na. Sa halip, bumalik na naman ang kakaibang kislap na iyon. “Paano kung ayaw ko? Kasalanan mo kung bakit ka nagkaganiyan.” “I won’t force you,” she said calmly. Asher c****d his head to the side. “Sa palagay mo ba ay makakaya mo pang intindihin ang sarili mo sa ganiyang estado?” Ipinikit nito ang mga mata, isang bagay na madalas nitong ginagawa at tanging nagagawa nito ngayon bago nagsalita. “I know I can’t, but maybe I’ll survive the other way around.” Umarko ang isang kilay niya. “Swinerte ka lang kanina na nakaligtas ka.” “It wasn’t luck. It’s guidance and protection,” Amethyst whispered as she opened her eyes. Pagak na tumawa si Asher bago yumuko para magkalapit sila. “Protection? Wala ka ba talagang ideya kung anong kalagayan mo ngayon? Sa itsura mong iyan, iniisip mo pa ring ginagabayan ka! Nababaliw ka na ba o sadyang may tama na iyang utak mo?” “Sa’yo na nagmula, kung napalayo pa ako ay baka hindi lang ito ang tinamo ko. Pero heto at buhay pa ako.” Tumuwid nang tayo si Asher at umiling-iling habang nakatingin sa kaniya na para bang nababaliw na siya. “Mukhang wala ka talagang ideya,” sarkastikong anito bago walang sabi-sabing yumuko ito at pinangko siya. Napairit si Amethyst nang maramdaman ang sunod-sunod na kirot sa ulo, braso, at sa ilang bahagi pa ng katawan na sinundan ng pagpulupot ng malalakas na braso sa kaniya. “Asher! A-anong gagawin mo?” hindi magkaintindihang irit niya. “Ipapakita ko sa’yo kung ano ka ngayon para magising ka sa kahibangan mo!” tugon nito bago inilang hakbang ang aparador na may salamin sa harap. Hindi pa siya nakakabawi sa ginawa nito ay bigla na lang siya nitong ibinaba sa dalawang paa niya at mabibilis ang mga kamay na hinawakan siya sa maayos na braso at sa likuran niya upang hindi siya matumba. “Ngayon, tingnan mo ang sarili mo,” utos nito sa kaniya. Dahil nasa harapan na sila ng salamin ay hindi niya mapigilang titigan ang sariling repleksiyon. Nababalutan ng gasa ang ulo niyang may bahid pa ng dugo, may gasgas at gahir sa baba ng mata at pisngi niya. Idagdag pang nangungube ang kabilang pisngi niya sa kabila ng pamumutla niya. Sira ang manggas ng suot niya sa kabilang kamay dahil kinailangang balutin ni Asher ang nabalian niyang braso at kita niya ang ilang mumunting sugat doon. Dahil iyon pa rin ang suot niyang damit ng sinubukan niyang tumakas ay may bahid ng dumi ang ilang bahagi at halos sira-sira na. Ibinalik niya ang tingin sa mukha. Gulong-g**o ang buhok niya at tila ibang babae ang nasa harapan niya ng mga oras na iyon. Buhat nang pumasok siya ng kumbento ay hindi na niya binigyan ng pansin kung anong hitsura niya. Gayunman, sa mga sandaling ito ay may habag na kumalat sa dibdib niya nang makita ang sarili. Sa isang kisapmata, tila hindi si Amethyst o Sister Amy ang babaing nasa harap niya. Hindi niya makilala ito. “Ngayon mo sabihing pinoprotektahan ka Niya,” nangungutyang anito mula sa likuran niya. Nagtaas siya ng mga mata at mula sa salamin ay sinalubong niya ang mga mata nito. “Ngayon mo sabihing may nagbabantay sa iyo.” “Hindi mo nauunawaan ang sinasabi mo,” bulong niya habang nakatingin dito. “H-hindi mo nauunawaan,” papahina ang tinig na dugtong niya. Humigpit ang hawak nito sa braso niya kasabay nang paniningkit ng mga mata nito. “Buhay ako at ibig sabihin noon ay may dahilan pa ang Diyos kung bakit ako narito,” pagpapatuloy niya nang hindi ito nagsalita. Sa kabila ng mga bulong sa isip niya, ng mga takot at pangamba, sisikapin niyang manatiling nakatingin sa liwanag na ilang taon din niyang naging gabay. “Nahihibang ka na,” mariing bulong nito. “Malakas talaga ang naging pagkaalog ng ulo mo.” “Sabihin mo man iyan, hindi magbabago ang paniniwala ko.” Lalong humigpit ang hawak nito sa kaniya at tila hindi pansin nito iyon. “Alam mong hindi rin magtatagal ay mamamatay ka rito.” May pait siyang ngumiti. “Sinong nakakaalam ng mangyayari bukas maliban sa Diyos? Sino ang tao para malaman kung hanggang saan na lang ang buhay ng kapwa nila?” Hindi pa niya nagagawang tapusin ang huling salita ay bigla siyang hinila nito pabalik sa papag at pasalyang pinaupo. Napakagat-labi siya dahil sa sakit na pumuno sa katawan niya ngunit tila mas masakit makitang may mga taong pinagdiliman na ng paniniwala. “Baliw ka na! Hindi mo man lang ba naiisip na kung may halaga ka sa Kaniya! Kung nakikinig iyang Diyos mo sa’yo, naririto ka ba?” bulyaw nito sa kaniya. “Hahayaan ka ba Niyang nahihirapan kung totoo Siya?” Awtomatikong bumagsak ang mga luha niya dahil sa sinabi nito. Ayaw niyang mag-isip ngunit ang mga salita nito ay tila patalim na kayang pumasok hindi lang sa katawan kundi pati na rin sa puso’t isip niya. ‘Ayaw kong pakinggan siya, Lord. Hindi mo ako pinabayaan ‘di ba? Kasama pa rin kita ngayon, ‘di ba?’ “Gumising ka na sa pagkakatulog mo dahil baka magulat ka na lang at kinakain ka na ng paniniwala mong iyan,” sakastikong wika ni Asher habang nangungutyang nakatingin sa kaniya. Hindi na siya gumanti ng kahit anong salita. Alam niyang imposibleng tanggapin pa nito kung ano pang sasabihin niya. Halatang pinagsarhan na ito kahit ng munting liwanag. At iyon ang hindi niya maunawaan… ‘Ano bang nagtutulak sa isang tao para maging ganito Sa’yo?’ Nang mapansin ni Asher na hindi na siya magsasalita ay tinapunan lang siya nito ng masamang tingin at nagsimula ng maglakad patungo sa pinto. Hindi niya inalis ang tingin rito habang naglalakad palayo. ‘Hindi tao ang kalaban mo, Amethyst. Hindi siya… Sa mundong ito, hindi sila ang kalaban mo. Sila ay gaya mo lang… naliligaw rin… Mapalad kang natagpuan mo ang daan… ngunit siya ay hindi pa…’ Akmang isasara na ni Asher ang pinto nang tila may sariling isip ang bibig niyang tinawag ito. “Asher…” Kunot-noong binalingan siya nito. “Manah—“ “Salamat sa pagliligtas sa akin,” pilit pinasigla ang tinig na aniya. Hindi inaasahan ni Asher ang sinabi ni Amethyst kaya natilihan siya at tila napako sa kinatatayuang napatitig sa babae. May kung anong malakas at tila nakakabinging kabog sa may tenga niyang tila hinarangan lahat ng matitinis at nakakabinging tinig na bumubulong sa kaniya. “Salamat, Asher,” ulit pa ni Amethyst. Hindi nagsalita si Asher. Hindi rin nito binulyawan si Amethyst o pinarunggitan man lang. Bumalik sa pagiging blangko ang mukha nito at walang salitang kinabig pasara ang pinto. Natahimik ang paligid ngunit sa pagkakataong ito ay wala si Amethyst sa dilim. Inalis niya ang tingin sa pinto at tumingin sa gaserang nagbibigay ng liwanag sa silid na ilang araw ding palaging madilim tuwing sumasapit ang gabi. “Dinalhan niya ako ng ilaw, Lord,” bulong niya habang nakatingin sa gasera. Ilang segundo rin siyang nakatitig doon bago tumingin sa may pintong nilabasan ng binata. ‘Anong nangyari sa puso mo, Asher? Bakit ka nagkaganiyan?’ Pumikit siya at muling tahimik na bumulong, “Anong nais mong ituro sa akin? Anong gusto mong gawin ko?”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD