Ilang ulit pinag-isipan ni Amethyst ang plano niya. Ilang ulit niyang hinabi sa isip ang gagawin. Ilang ulit niyang ipinagdasal na sana'y magtagumpay siya sa balak. At ngayon ay gagawin na niya ang lahat ng plinano. Walang katiyakan ngunit gusto niyang subukan.
Prenteng nakaupo si Amethyst sa gilid ng papag, nakaabang sa pagbukas ng pinto at hinihintay ang pagpasok ni Asher. Alam niyang ilang minuto na lang at papasok na ito. Hindi nga siya nagkamali nang marinig ang pamilyar na tunog ng bakal mula sa labas sa t’wing inaalis nito ang padlock. Tumayo siya kasabay nang pagbukas ng pinto at pagpasok ni Asher. Hindi gaya ng mga nakaraang umaga, hindi pa ito nakakaligo at hindi pa rin nakakapalit ng damit.
Pagkakita nito sa kaniya na tila naghihintay ay lalong lumalim ang kunot ng noo nito. Nauunawaan na kaagad nito ang ibig niyang sabihin.
“Bwiset, agang-aga, ah,” iritadong anito.
Hindi siya nagsalita. Kung ikukumpirma niya ang sinasabi nito ay para na rin siyang literal na nagsinungaling. Sa halip nagtanong siyang, “Pwede ba akong pumunta ng cr?”
“Mamaya ay hahayaan na kitang magkalat diyan. Nakakainis ka na.”
Napalunok siya hindi lang dahil sa sinabi nito kundi dahil kapag hindi siya nagtagumpay ay baka tuluyang hindi na siya makalabas ng kwarto na iyon kahit kailan, hanggang sa huling hininga niya. O baka iyon na nga ang maging katapusan niya.
Nevertheless, she wanted to try. Even though, it might cause her life.
“Please…” she stared at him. “I-I… j-just wa—”
“Bwiset talaga,” pabalang na anito at sinenyasan siyang lumabas.
With a lot of practice, Asher moved her in front and let her lead the way while he’s at her back, watching her every move. When they reached the bathroom, she immediately went inside and locked the door with the tiny nailed hook. She turned on the faucet but didn’t do anything except stared at the window above. Maybe Asher didn’t think what she was thinking right now. Masiyadong kampante ang binata na wala siyang gagawin na kahit ano.
Sa pagkakataong ito, huminga siya nang malalim. She clenched her fist and without further ado, she lifted her foot above the faucet and began her plan.
NAKAHALUKIKIP si Asher habang nakasandal sa dingding sa labas ng pinto ng banyo. Rinig niya mula sa kinatatayuan ang lagaslas ng tubig mula sa loob. Sa ilang araw nilang magkasama ng madre sa cabin ay naging masunurin ito. Wala itong angal sa mga pinagagawa niya. Hindi rin ito sumasagot kahit ano pang sabihin niya. Hindi niya tiyak kung idinadaan siya nito sa bait-baitan o talagang napakadali lang para dito ang sumunod.
Humikab siya bago umalis sa pagkakasandal at sinulyapan ang mga nakakalat na mga tools malapit sa kusina. Hindi pa nga pala niya nalilinis iyon. Sanay siyang maraming ginagawa at naiinip na siya sa cabin kaya kung ano-anong ginagawa na lang niya. Inayos niya ang tangke ng tubig noong unang araw nila doon kaya may tubig silang nagagamit. Ang pinagkakaabalahan naman niyang ayusin ay ang powerhouse sa likod ng cabin para magkakuryente.
Abala siya sa pag-iisip kung ilang gallon ng gasolina ang bibilhin niya sa sunod na kukuha siya ng supply sa bayan nang makarinig ng malakas na kalampag sa loob ng banyo. Patuloy pa rin ang lagaslas ng tubig at sa hinuha niya’y apaw na iyon sa timba.
“Hoy! Anong nangyayari diyan?” malakas na tanong niya.
Wala siyang narinig na tugon kaya inilapit niya ang tenga sa pinto. Wala siyang naririnig maliban sa lagaslas ng tubig.
Kinalampag niya ang pinto. “Hoy! Anong nangyayari diyan?”
Muli, wala siyang narinig na tugon dahilan para mag-apaw ang inis niya. Hindi yata ay masiyado siyang nagiging magaan sa madreng ito. Masiyado niya itong pinagbibigyan at pinapaboran kaya tumitigas ang ulo. Dala nang inis, malakas na hinampas niya ang pinto. Gumalaw iyon pero hindi bumukas.
“Kapag hindi ka sumagot, sinasabi ko sa’yo, papasok ako sa ayaw at sa gusto mo,” banta niya ngunit wala pa rin siyang nakuhang sagot. Ilang sandali pa siyang naghintay ngunit nang wala pa ring tumuugon ay tuluyan ng humulagpos ang natitira niyang pagtitimpi.
‘Malapit na! malapit na!’ sunod-sunod na bulong ni Amethyst nang tuluyang makasampa sa bintana. Tumingin siya sa baba, sa labas ng bintana, at tila gustong umikot ng paningin niya. Ang taas ng babagsakan niya ay nagpadagdag sa takot at kabang nararamdaman niya.
‘Oh God, please, help me out.’
Pilit pa rin niyang pinatatatag ang kalooban nang marinig ang sigaw ni Asher mula sa labas. “Kapag hindi ka sumagot, sinasabi ko sa’yo, papasok ako sa ayaw at sa gusto mo,” malakas na pagbabanta nito.
Lalong tumindi ang takot niya. Sa ikalawang pagkakataon, tiningnan niya ang mga damong maaaring kabagsakan.
“Lord, ikaw na ang bahala sa’kin,” aniya at naghanda nang tumalon.
Itinukod niya ang siko sa pasamano at dahil hindi naman kalaparan ang parisukat na bintana, wala siyang magagawa kundi ang magpatihulog na una ang itaas na bahagi ng katawan. Mas mabuti ng ganoon kesa ang makulong siya sa lugar na iyon ng walang kasiguruhan.
Handa na siyang magpatihulog nang bigla namang bumukas ang pinto.
“Lint@k!” dinig niyang mura ni Asher nang makapasok ng banyo at makita siya.
Mabilis itong kumilos at hinawakan siya sa may binti. Dala ng kagustuhang makatakas ay ipiniksi niya ang paa, nanipa, at nagwala. Nangunyapit siya upang hindi tuluyang mahila nito.
“Hayaan mo na ako!” sigaw niya habang hindi inaalis ang mahigpit na pagkakakapit sa bintana.
“Walanghiya ka! Hindi ka pwedeng umalis!” sigaw nito at lalong diniinan ang pagkakahawak sa kaniya.
“No!” she shouted, and without another thought, she gave him a strong kick. Hindi siya sigurado kung saan tinama ang lalaki maliban sa narinig ang bahagyang pag-igik nito at ang pagluwag ng hawak nito sa binti niya.
Out of desperation, she gave him another kick and when his grip loosened, she lifted her body through the small window and let her upper body fall down first. The moment she fell from the window, she felt the cold air around and the next thing she knew, her body stumbled hard on the grass.
Amethyst let out a small scream as she rolled on the moist grass. Namimilipit siya sa sakit habang nakahiga pa rin sa damuhan at hawak ang kaliwang braso. Namimilipit pa rin sa sakit na dahan-dahan siyang tumayo at nagsimulang maglakad palayo. Hawak ang braso na nasaktan, iniligid niya ang tingin sa paligid. Hindi niya alam kung saan pupunta. Hindi niya rin nakabisa ang daan noong gabing dinala siya roon ni Asher ngunit dala nang matinding kagustuhang tumakas ay tumakbo siya sa bahaging mas maraming puno. Sa gayon, magkakaroon pa siya nang pagkakataong makapagtago mula kay Asher.
Tumakbo nang tumakbo si Amethyst. Kailangan niyang makatakas, kailangan niyang lumayo. Hindi maaaring maaksaya ang pinaghirapan niyang plano.
Dala ang mga isiping ito, mabilis siyang tumakbo.
IF madness from hell was true, Asher was feeling it now while he stormed out of the bathroom, prowling towards the direction of the backdoor.
“Walanghiya kang babae ka!” nagtatagis ang bagang bulong niya habang hawak ang balikat na nasipa ni Amethyst. Hindi pa tuluyang naghihilom ang tama ng b***l doon pero heto at pinuntirya pa ng babae.
“Lintek lang walang ganti!” galit pang aniya habang mahigpit na nakaikom ang mga kamao.
Halos takbuhin niya ang pinto at tumalon palabas para makarating sa likuran ng cabin. Damuhan ang paligid ng cabin at mukhang malaking bagay iyon dahil nang makarating siya sa likuran ay tumatakbo na ang babae palayo. Sa kasamaang-palad, tinutunton nito ang maling daan.
Napangisi si Asher nang makitang hawak ng babae ang braso nito. Inabot niya ang b***l sa bewang, ikinasa habang patuloy na sinusundan ang babae.
“Sige, takbo lang. Akala mo ba’y makakatakas ka dito!” sigaw niya at walang sabi-sabing pinaputok ang b***l malapit sa direksyon ng babae.
“Ahhh!” napahiyaw si Amethyst dala nang gulat. Nilingon nito si Asher at nang mapagtantong malapit lang ito’y mas lalong nagmadali sa pagtakbo.
“Akala mo ba’y basta ka na lang makakaalis dito?” nangungutyang ani pa nito.
Nauunawaan ni Amethyst na walang kasiguruhan ang ginawa niyang pagtakas. Batid niyang maari siyang masaktan or worse, mamatay siya dahil sa ginawa niya ngunit desperasyon ang nagtutulak sa kaniyang gawin ang bagay na iyon.
“Diyos ko, tulungan mo po ako,” bulong niya habang binabagtas ang kakahuyan. Matatas na ang d**o at salamat sa mga puno dahil tila malaking bagay iyon para bahagyang mailigaw si Asher.
“Sige, tumakbo ka lang dahil kapag naabutan kita, humanda ka sa’kin,” pagbabanta nito. “Sisiguraduhin kong mananagot ka sa akin.”
Napakagat-labi si Amethyst at mas binilisan pa ang takbo. Nagsisimula na siyang mapagod, kinakapos na rin siya ng hininga, idagdag pang masakit ang braso at balikat niyang siyang unang tumama sa lupa nang bumagsak siya. May mga kirot din siyang nadarama mula sa binti at paa dahil ng mga siit at maliliit na kahoy na gumagahir sa balat niya.
‘Hindi ako pwedeng sumuko’, walang tigil na bulong niya. ‘Hindi pwede…’
“Takbo!”
Mas tumindi ang kaba niya nang tila mas naging palapit ang tinig nito.
‘Oh God! Please, help me!’
Patuloy lang siya sa pagtakbo habang patuloy din naman sa pagsunod si Asher. Walang katiyakan ang tinutunton niyang direksiyon. Mga puno at matataas na d**o ang nasa paligid niya at hindi na niya alam kung saan susuot. Walang palatandaan ng daan.
Bahagya siyang lumingon habang patuloy sa pagtakbo para tiyakin kung gaano na kalayo sa kaniya si Asher. Halos hindi man lang ito tumatakbo pero tila paliit nang paliit ang distansiya sa pagitan nila.
“Kung ako sa’yo, titigil na ako!” malakas na banta nito. “Pinapagod mo lang ang sarili mo.”
Hindi niya iyon pinakinggan at mas binilisan pa ang pagtakbo. Kumaliwa siya nang mapansing mas mababa ang mga d**o doon.
“Tumigil ka! Bwiset!” naging desperado ang tinig nito pero hindi siya nakinig. “Sinabing huwag ka diyan!”
Akmang lilingunin niya muli ito nang sa isang hakbang niya ay dumulas ang paa niya at bago pa siya makabawi ay tuluyan na siyang nahulog.
“Ahhhh!” Isang malakas na sigaw ang mabilis na kumawala sa lalamunan niya. Hindi niya alam kung anong nangyari maliban sa kasunod ng pagdulas ng mga paa niya ay ang sunod-sunod na paggulong niya pababa. Dama ni Amethyst ang bawat tusok ng kung ano-anong bagay na nasa lupa sa balat niya, ramdam niya ang mahapding paghiwa ng matatalas na siit sa laman niya at nang tila bumabagal na ang paggulong niya, isang malakas at makapanaw-ulirat na sakit ang nadama niya nang tumama ang ulo niya sa matigas na bagay. Kasunod ng sakit ay ang tila kakaibang ikot ng paligid. Nanlalabo ang paligid niya kaya mariin siyang pumikit.
Walang alam si Amethyst sa nangyayari sa kaniya maliban nang tuluyang tumigil siya sa paggulong ay pilit niyang iminulat ang mga mata. May kung anong mabigat at mainit na likido sa gilid ng mga mata niya. Pinakiramdaman niya ang buong katawan at wala siyang ibang naramdaman kundi sakit, hapdi, at kirot. Ibinuka niya ang bibig dahil tila kakapusin siya ng hangin. Gusto niyang sumigaw upang humingi ng tulong pero walang tinig na lumabas mula sa lalamunan niya.
‘Oh Jesus, why is it happening to me?’ she whispered as the pain kept on surging inside her.
*****
Ang nagpupuyos na loob kanina ni Asher ay mas lalong nag-alab nang makita niyang dumulas pababa si Amethyst. Dinig na dinig niya ang malakas na sigaw nito ngunit sa halip na maawa ay mas lalo pa siyang nainis.
‘Madadala ka na ngayon!’
Mabilis na sinundan niya ang daang tinatakbuhan ni Amethyst kanina bago nagpadulas pababa kung saan naabutan niyang nagpagulong-gulong ito. Gustuhin man niyang pigilan ito ay huli na. Nakatihaya na si Amethyst sa lupa at kahit hindi pa siya tuluyang nakakalapit ay malaya niyang nakikita ang mga galos nito sa katawan lalo’t higit ang umaagos na dugo mula sa may mata at sentido nito. Hindi na siya magtataka dahil sa gilid nito ay naroon ang isang bato.
Walang salitang nilapitan niya ito. Unti-unting nagmulat ng mga mata si Amethyst. Tumingin ito sa kaniya. Ang kanang mata nito ay may sugat sa itaas at hindi nakalingat sa kaniya ang pagngiwi nito ng pilit nagmulat ng mga mata. Umupo siya sa gilid nito at pinasadahan ito ng tingin.
“Ano? Wala pa akong ginagawa pero mukhang nakuha mo na ang parusang dapat sa’yo pagkatapos mong tumakas,” nang-iinsultong aniya dito. “Alam mo ba ang tawag diyan?”
Gumalaw ang lalamunan nito at base sa takot, sakit, at lungkot na nakikita niya sa mga mata nito’y naglalaho na ang pag-asang madalas niyang makita kapag pumapasok siya sa silid para dalahan ito ng pagkain. Pag-asang hindi niya maunawaan kung saan nanggagaling.
“Karma ang tawag diyan. Baka naman madadala ka na niyan,” kutya pa niya bago tumayo. Ibinalik niya ang b***l sa bewang. “Dahil ginusto mo namang tumakas, pagbibigyan kita. Gusto mo sa labas? Sige, dito ka sa labas,” nakangising aniya habang nanlilibak na nakatitig kay Amethyst. “Ito naman ang gusto mo, hindi ba?”
Hindi makapaniwalang tinitigan ni Amethyst si Asher pagkatapos marinig ang sinabi nito. Sa kabila ng sakit at panghihina na nararamdaman niya ay nauunawaan niya ang gusto nitong mangyari.
‘He’s going to leave me like this. Oh God, why? Am I going to die like this? Is this really the end?’
Nang akmang tatalikod na ito’y pilit niyang iginalaw ang mga daliri at dahan-dahang itinaas ang namamanhid na kamay. Ibinuka niya ang mga labi pero walang kahit anong tunog ang lumabas doon. Tila kahit ang tinig niya ay tuluyan nang nawala.
“Kung iniisip mong maaawa ako sa’yo, nagkakamali ka. Ginusto mo iyan kaya magtiis ka diyan.”
Namamanhid na ang katawan niya sa sakit at tila naglalaho na rin ang pag-asang meron siya sa loob. Ngunit kailangan niyang subukan. Habang may munti pang buhay na natitira sa kaniya, patuloy siyang magtitiwala, patuloy siyang kakapit. Pilit niyang ibinuka ang bibig at nagsalita. “A…s…her…”
Pinaningkitan lang siya nito ng mga mata bago walang salitang tumalikod. Tumulo ang masaganang luha sa magkabilang mga mata ni Amethyst habang pinapanood itong naglalakad palayo. Sa buong taon niyang nasa kumbento ay inisip niyang handa na siyang mamatay anumang oras lalo pa’t unti-unti na niyang natupad ang pinapangarap niya. Ngunit ng mga oras na ito, naroon sa loob niya ang matinding kagustuhang mabuhay. Gusto pa niyang mabuhay. Gusto pa niyang humingi ng tawad sa mga magulang. Gusto pa niyang mayakap at makita ang mga kapatid. At higit sa lahat, gusto pa niyang maglingkod ng matagal sa Diyos.
‘I still want to live, Lord. I still want to live. Please, hear me out! Listen to my cry. Listen to my plea. Listen to your child…’
Sa ikalawang pagkakataon ay sinubukan niya muling magsalita. “As…her… T-Tulungan mo a…ko, p-please.” Pinangangapusan siya ng hangin sa bawat salitang lumalabas sa bibig niya pero hindi siya pwedeng sumuko. “M-mma…aa…wa ka.”
Natigilan sa paghakbang si Asher nang marinig ang pagtawag ng babae. Akmang hahakbang muli siya palayo ngunit muli itong tumawag.
“A-Asher…”
Labag sa loob na nilingon niya ito at hindi niya inaasahan ang sasalubong sa kaniya. Punong-puno ng pag-aasam at nagmamakaawang nakatitig ito sa kaniya. Lumuluha ito habang pilit iginagalaw ang isang kamay. Itinataas iyon na para bang sa ginagawa nito ay magagawa siyang maabot.
“A-asher...” She called repeatedly, and the moment she did, a familiar surge of feeling came back rushing at the back of his spine.
“I...I s-still w...want t-to live...” hirap na anas nito.
‘K-Kuya A-asher... G-gusto ko pang mabuhay... Tulungan mo ako...’
Napakurap siya habang nakatingin sa babaing nakaratay sa lupa, duguan, lumuluha, nagmamakaawa, at puno ng sakit ang mga mata. Pamilyar sa kaniya ang senaryo na iyon, ang bawat detalye ng kahapon.
‘Kuya… Tulungan mo ako…’
Napalunok si Asher kasabay nang paninigas ng katawan. Sinundan iyon ng isang pamilyar na tinig. Tinig na umiiyak at nagmamakaawa.
‘Kuya… Tulungan mo ako…’
“Hindi ka totoo,” wala sa loob na bulong niya sa kawalan. Para siyangg mababaliw habang diretsong nakatingin sa nakahiga pa ring katawan ni Amethyst. Ngunit ang labis niyang ipinagtataka ay hindi katawan ng dalaga ang nakikita niya… katawan ito ng isang munting bata… Batang nagmamakaawa habang duguan.
“A-asher...”
Ikinurap-kurap ni Asher ang mga mata at bago pa niya maisip ang ginagawa, malalaki ang hakbang na nilapitan niya si Amethyst at mabilis na pinangko.
‘Bahala na!’ sigaw ng utak niya.
Nakakapa si Amethyst ng pag-asa ng buhatin siya ni Asher. Gayunman, ang sakit ng katawan at panghihina ng loob niya ay tinatalo siya. Ang kaninang napapikit na mga mata nang buhatin siya ni Asher ay muli niyang iminulat. Nanlalabo ang paningin na tumitig siya sa mangasul-ngasul na langit.
‘Tell me, Oh God, why is it happening to me? May nagawa ba akong mali? Tell me, God, please... What do you want me to do?’
Feeling dizzy, Amethyst closed her eyes again and let her senses leave her. Though, before she totally faded away, her mind drifted into something...
She was imagining Job, crying, pleading in pain, turning to God as he praised and asked, “Oh God, what is mankind that you make so much of them, that you give them so much attention, that you examine them every morning and test them every moment?”
*****