Nang makalabas na ako ng kwarto ni Anthony ay agad akong tumungo sa labas para puntahan si Ate Flor at Joy. Nadatnan ko naman sila sa kusina na naghahanda ng pagkain para sa tanghalian. "Cassandra, kumusta naman ang pagpapakain mo kay Sir Anthon?" tanong sa akin ni Joy. Tinulungan ko naman sila sa paglilinis ng mga gulay. "Ayon, iniwan ko nalang doon sa mesa ang pagkain niya dahil alam ko namang kahit nandoon ako ay hindi niya naman kakainin 'yon," malungkot kong pahayag sa kanila. "Unang araw mo palang sa pag-aalaga kay Sir, pero parang sumusuko ka na Cassandra ah," wika naman ni Ate Flor kaya napangiti naman ako bigla. "Hindi kaya, Ate Flor. Sinisigurado kong sa pag-aalaga ko kay Sir Anthony ay magiging mas mabuti na ang lagay niya. Magtiwala lang po kayo sa akin at ibabalik ko ang

