Kasama ko ngayon si Ate Flor papunta roon sa lugar kung saan siya magtatrabaho, sabado naman ngayon kaya wala kaming pasok. Kinakabahan nga ako dahil wala naman akong alam sa mga gagawin ko, pero kailangan ko ang trabahong 'to para mabuhay. Ayoko rin namang maging pabigat na lamang sa pamilya nila Belle. "Ayos ka lang, Cassandra?" tanong sa akin ni Ate Flor habang nakasakay kami sa jeep. Ngumiti naman ako sa kanya, "Opo, Ate. Medyo kinakabahan lang po ako kasi hindi ko alam kung ano ang gagawin ko doon." Hinawakan niya naman ang isang kamay ko at ngumiti sa akin ng bahagya. "Magbabantay ka lang naman ng anak ni Madam na nadisgrasya noong nagdaang buwan. Suplado si Sir, pero mabait naman talaga 'yon kaya hinihiling ko sana sayo na habaan mo nalang ang pasensya mo sa kanya," wika niya pa

