Sa ilang minuto naming paglalakad ay nakasalubong namin ang isang grupo. Deritso nilang tinatahak ang gubat na tila ba ay hindi nila kami nakita. Halos hindi manlang sila nag-abalang tumingin sa amin kaya ganoon din ang ginawa namin at nagpatuloy na sa paglalakad. "Whoa! Is that even necessary?" hindi makapaniwalang giit ni Brandon. "Just let them do what they want. As long as wala silang nilalabag sa mga rules then that's okay," wika rin naman ni Belle. "Hey Anthony! Ang tahimik mo yata masyado, pre." tinapik naman ni Brandon si Anthony na wala nang ginawa kundi ang gumamit ng kanyang cellphone. "Let's just keep moving," maikli niyang sagot kaya hindi nalang namin siya pinagtuonan ng pansin. "Where in this forest are we gonna find those things?" reklamo naman ni Belle. Minsan may ug

