"Frenny, congrats!" niyakap agad ako ni Belle ng makarating ako sa hotel. Masyado namang mabilis ang balita tungkol sa pagka-panalo namin. "Congratulations, Cassandra!" bati rin naman ni Melan. "Hindi nga rin ako makapaniwala na kami ni Luke ang mananalo," wika ko naman sabay upo sa kama. Nakaramdam naman ako ng pagkahilo sabay ng pagtunog ng tiyan ko. "Hey 9:30 na and you forgot to eat your breakfast. Tara sa dining area sasamahan kita." kinaladkad naman ako ni Belle palabas ng room namin. Nang makarating kami doon ay agad akong kumuha ng pagkain dahil kanina pa namimilipit ang sikmura ko. "Belle, ano ba ang mga patimpalak pagkatapos nito?" tanong ko habang nginunguya ang sausage. "We will gather at the dock sa kabilang parte ng resort na ito. There will be a hunting activity daw unt

