"Shan, wala ka bang napapansing kakaiba kay Ace?" mahinang tanong ni Thirdy sa akin. Ibinaba ko ang kasalukuyang binabasa kong libro dahil may quiz daw kami sa El Fili.
Napakunot-noo ako at nilingon si Ace.
Nakayuko ito sa upuan niya at mukhang natutulog.
Napailing ako. "Wala naman, bakit ba?"
"Lagi siyang mukhang puyat tapos natutulala. May problema kaya siya, sa tingin mo?" Napatingin ako ulit kay Ace. Napapadalas nga ang pagiging antukin niya pero mukha pa rin naman siyang normal.
"Siguro, ikaw ang bestfriend niya. Bakit hindi mo kaya siya tanungin?" Napabuntong-hininga siya.
"Malihim 'yan, eh. Itatago niya talaga ang problema niya. Pati nga si Spade, hindi alam tinatakbo utak niyan," aniya.
"Pero, parang mas improving nga siya ngayon, eh. Ang tataas ng mga nakukuha niya sa mga quizzes pati recitation. Baka, nag-aaral lang siyang mabuti kaya mukhang laging puyat." Paliwanag ko.
"Halla! Oo nga, no! Mukhang masama talaga 'to." Tila takot na takot pa siya.
Napakunot-noo ako. "Paanong naging masama? Eh, mabuti nga 'yon at nag-aaral na siya."
"Hindi mo naiintindihan, eh. Mula elementary namin, hindi talaga 'yan nag-aaral. Swertehan lang lahat ng nakukuhang scores niya. Hindi kaya, may malubha na siyang sakit at mamatay na?"
Binatukan ko nga. "Nag-aral lang, mamatay na? Siraulo ka talaga!"
"Tsk, hindi mo kasi siya kilala, eh," nakangusong sabi niya at hinaplos ang ulo niya.
"Alam mo, Thirdy kung maganda naman ang pagbabago niya. Hayaan mo na lang baka mausog," nakangising sabi ko at kinuha ulit ang libro ko.
Nilingon ko siya nang nanatili siyang nakatayo sa tabi ko.
"Mag-review ka na lang!" Pagpapaalis ko. Nakangusong bumalik din naman siya sa upuan niya.
"Tulips." Napabaling ako sa harapan ko.
"Bakit?" tanong ko kay Jason.
"Pakopya naman mamaya, oh."
"Oo nga, hindi kami nakapag-review, eh," dagdag din ni Carl.
Napangisi ako at lumapit sa kanila saka inakbayan.
"Pakopyahin mo lang kami. Ililibre ka namin ng lunch," bulong nila. Ang lakas ng loob, susuhulan pa ako!
Matamis ko silang nginitian. "Iyon lang pala, sige ba!" sagot ko.
Napangiti sila at nag-apiran pa.
"Ayos, thank you Tulips." Napatango-tango ako at nginisihan sila.
"Kung may masisilip kayong sagot ko." Dagdag ko. Na nagbura sa mga ngiti nila.
Bumalik na ako sa upuan ko at nagbasa ulit. Ang dami pa namang i-memorize tapos gusto nila pakopyahin ko lang. Ang swerte naman nila kapag ganoon!
Nagulat ako nang may sumipa sa upuan ko.
"Ang damot mo, ah! Akala mo kung sino ka!" sigaw ni Carl. Napabaling tuloy lahat sa amin ang atensyon ng mga kaklase namin.
"Ang angas mo na, ah! Dati-rati makita mo nga lang kami. Takot na takot ka na, bakit may ipagyayabang ka na?" Napakuyom ako sa kamao para kalmahin ang sarili ko. Hindi lang pakokopyahin ganito na.
"Pare, babae 'yan." Pigil ng ilang kaklase namin.
"Pake ko kung babae, 'yan!" Sasampalin niya na sana ako pero napigilan ito ni Ace.
"Pare, binigyan tayo ng isang oras para mag-review. Kaya, huwag mo siyang sisihin kung ayaw ka niyang pakopyahin," kalmadong turan ni Ace habang unti-unting ipinipilipit ang kamao nito.
"Ah! s**t!" Malakas na mura nito na umaalingaw-ngaw sa buong classroom namin.
"What's happening here?" Binitiwan lang ito ni Ace nang dumating na si Sir Alicuman, teacher namin sa El Fili.
"Wala po, Sir!" agad na sagot ng mga kaklase ko. Nakakatakot pa naman si Sir.
"Go back to your respective seat! And bring out 1 whole sheet of paper. Walang hingian!" istriktong sigaw niya.
Tila may dumaang anghel sa sobrang tahimik ng buong classroom. Napatingin ako kay Ace nang mapansing wala pala siyang papel.
"Pahingi," mahinang bulong niya.
Napabuntong-hininga ako. Tiningnan kong maigi ang kilos ni Sir para makahanap ako ng tiyempo para mabigyan siya ng papel.
Nang tumalikod si Sir at mabilis kong binigay sa kanya ang papel.
"Hey, you!" Napadiretso pa ako sa pag-upo sa gulat. Seryoso siyang humarap sa amin at may itinuro.
Nanlaki ang mata ko at napayuko ng sa direksyon namin ito nakaturo. Patay! Napakagat na lamang ako sa labi sa kaba.
"Hindi ba, sinabi ko noon may mata ako sa likod, you Mr. Mendez and Mr. Gonzales! Sabi ko walang hingian ng papel. Get out!" Napabuga ako sa hangin. Akala ko, nahuli na ako!
Kakamot-kamot sa ulong inis na lumabas sina Carl at Jason. Humihingi pala sila kay Jonah ng papel pero hindi naman sila binigyan.
At, nagsimula na nga ang madugong quiz namin. m****o, dahil kahit nag-review naman akong maigi. Nagugulantang yata ang brain cells ko tuwing sumisigaw si Sir ng ballpens up.
"Sana nga, at tumaas na ang mga nakuha niyo ngayon. Kumpara sa last quiz niyo na si Mr. Zarriaga lang ang naka-perfect. Goodbye class!"
"Goodbye, Sir!" Walang lakas naming sagot.
Dismayado akong napasandal sa upuan ko. Bakit kasi ang bilis kong kabahan? Hindi maganda ito, dapat sa next quiz namin bumawi na ako.
"Nakakainis si Sir, sigaw nang sigaw. Nakakalimutan ko tuloy isasagot ko!" inis na sigaw ni Thirdy habang naglalakad kami papunta sa cafeteria.
"Same lang tayo," nakasimangot kong sabi.
"Ikaw, Ace. Kumusta quiz? Highest ka na naman pala noong last quiz natin. Akalain mo 'yon, nabawi mo na 'yong nakuha mong itlog dati," nakangising sabi ni Thirdy.
"Syempre! Nag-aral ako, eh!" proud niyang sabi.
"Pero, lagi kang tulog pagdating sa room. Nag-aaral ka sa bahay niyo tapos nare-retain pa rin sa utak mo?" nakakunot-noong tanong ko.
"Oo nga! Paano mo 'yon nagagawa? Hindi mo pa inuulit sa room basahin." Pagsang-ayon ni Thirdy.
Inakbayan naman niya kami.
"Kasi po, meron akong utak na kayang tanggapin lahat ng ideas at mananatili na doon. Ibig sabihin, kapag nag-focus akong basahin ang mga lesson. Nasa utak ko na lang, hindi na aalis. I have a genius mind!" nakangising sabi niya at tumatawang tumakbo na.
Natulala ako.
I've heard that from someone. Those exact words.
"Love, paano mo nagagawang ma-memorize lahat 'yan? Tinitingnan ko pa lang parang makakalimutan ko na kaagad. Tapos, sabi ng mga kaklase mo puro perfect scores ka pa sa mga exam niyo," manghang sabi ko habang tinitingnan ang maraming formulas na kasalukuyan niyang inaaral.
"Love, alam mo, maniwala ka man o hindi pero kapag nag-focus akong basahin ang mga lesson ko. Naiiwan na doon sa utak ko, hindi ko na makakalimutan pa. Kaya nga lahat ng sinasabi mo naaalala ko, eh. Kahit sa pinakamaliit na detalye pa," seryosong sabi niya.
"Totoo? Ibig sabihin, may photographic memory ka!" manghang sabi ko.
"Maybe, but I preferred calling it my genius mind!" tumatawang sabi niya.
"Hoy, natulala ka na! Tara na." Napatingin ako kay Thirdy. How could this happened? Paanong pati ang mga sinasabi nina Grant at Ace, ay parehong-pareho?
Kung noon, namamangha pa ako at isinasawalang bahala pa dahil baka nagkataon lang. Ngayon, nalilito at nababahala na ako.
What's the connection of Ace to Grant?
Ito ba ang misyon kong sinasabi ni Tatang Kulas? Tungkol ba kay Ace?
"Hoy! Ano ba? Tara na! Nakalinya na 'yong mokong, oh!" Wala na akong nagawa ng hilahin na ako ni Thirdy.
"Bakit ang tagal niyo?" tanong niya.
"Paano ito, bigla na lang natulala. Ano bang problema?" kuryosong tanong ni Thirdy sa akin.
Napailing-iling naman ako at matipid na ngumiti.
"Wala, may naalala lang ako. Sige, paki-order-an niyo na lang muna ako. Punta lang akong comfort room." Paalam ko. Nagkatinginan sila at halata ang kalituhan pero hindi na ako nagtagal, at mabilis nang naglakad padiretso sa C.R.
I need to freshen up. Naguguluhan talaga ako.
May mga naabutan akong mga babae sa comfort room. Tiningnan nila ako mula ulo hanggang paa pero hindi ko na lang sila pinansin dahil hindi ko naman sila kilala at dumiretso sa sink para maghilamos.
Napatingin ako sa sarili sa salamin. Tulips face is really so angelic, calm.
Kabaligtaran ng nararamdaman ko ngayon.
Panay lang ako basa sa mukha ko para mahimasmasan at kumalma. Masyado ng magulo ang isip ko.
Napalingon ako sa pinto, nang malakas itong isinara. Napakunot-noo ako ng ikandado nila ito.
Nakahalukipkip na inikutan ako ng mga babae.
Anong problema nila?
"Sa wakas! At na tiyempuhan ka rin namin, Tulips. Ang sabi-sabi, ang angas mo na raw, ah."
"Hindi ko alam ang sinasabi mo at hindi ko kayo kilala," seryosong sabi ko.
Natawa naman ang mga ito.
"Ah, oo nga pala na amnesia ka!" Lalo silang napahalakhak.
"So, kailangan pala naming ipaalala sa 'yo ang mga pinaggagawa namin sa 'yo!" Panay tulak nila sa akin hanggang sa mapasandal na ako sa pader.
"Ngayon mo ipakita sa amin ang angas mo o baka gaya ng dati iiyak ka na naman at hihingi ng tulong sa mga Zarriaga."
Sumasakit na nga ulo mas sumakit pa ng sabay-sabay nila akong sinabunutan.
"Tama na! Ano bang problema niyo?" sigaw ko habang pilit tinutulak sila at tinatanggal ang mga kamay nilang nakasabunot sa akin.
"Sinabi na namin noon sa 'yo na huwag ka masyadong magpabebe, eh!
"Palihim kang lumandi! Ngayon pati mga lalaki kinakausap mo na!"
"Mahirap ka lang, eh. Hindi ka nga nababagay dito mag-aral!"
"Gold digger! Kinaibigan mo lang ang mga Zarriaga dahil alam mong mayaman sila!"
"Yung mama mo ay isang hamak na trabahador lang naman sa plantasyon!"
"Oo nga! Isang alila! Kaya, dapat alila ka rin namin dito!"
Tuluyang naubos ang pasensya ko nang marinig ang pang-iinsulto nila kay Nanay Daisy.
"Ah!" sigaw ng babaeng unang nasabunutan ko ang buhok.
"Lumalaban ka na talaga, ah!"
"Oo! Lalo't wala naman akong kasalanan sa inyo!" sigaw ko habang nakikipagsagutan ng sabunot at kalmot sa kanila.
"Akala mo, kaya mo kami, huh?"
"Aray! Bitiwan mo ako!" sigaw ko ng may malakas na humila sa buhok ko dahilan para matumba ako. Dinaganan niya ako at sinampal-sampal.
Pilit kong sinasalag ang kamay niya. Pakiramdam ko, namamaga na ang pisngi ko na tinatamaan niya. Ang hapdi!
Hindi ko akalaing ganito katinding pambu-bully ang nararanasan ni Tulips.
Hindi ako pwedeng panghinaan ng loob.
Sinipa ko ang babaeng nakadagan sa akin at malakas din siyang inundayan ng sampal.
"Tigilan mo si Ashley!" Pigil nila.
May humila ulit sa buhok ko. Kahit nanghihina, nakipagsabunutan pa rin ako hanggang sa malakas na bumagsak ang pinto.
"What are you doing to Miss Lee? All of you, go to the office!" Dumagundong ang pagsigaw ng isang lalaki.
Nanghihinang napasandal ako sa pader. Habang nanlalabo ang mga mata kong nakatitig sa lalaking tumatakbo papunta sa direksyon ko.
Napangiti ako. "Ace..." mahinang tawag ko.
I wish, you're my Grant in this world.