Chapter 19

2254 Words
Nakaririnig ako ng mga bulungan pero hindi ko sila maintindihan. Sinubukan kong igalaw ang daliri ko habang pilit pinapakinggan ang mga boses. Nasa infirmary na kaya ako? Dinala kaya ako nina Thirdy at Ace dito? Kahit nahihirapan, pilit ko pa ring sinusubukang buksan ang mga mata kong tila may kung anong nakadagan, ang bigat-bigat. Pero may naunang taong bumukas nito, bumungad sa akin ang nakasisilaw na liwanag. Hanggang unti-unting luminaw ang boses. "Gising na ang pasyente!" Inaaninag ko ang paligid. Puti lahat, saka maraming tao sa kwarto. Malabo pa ang paningin ko habang tinitingnan ang mga tingin ko'y mga doctor. Ang isa ay, kinakaway pa ang kamay sa tapat ng mga mata ko. "Shan!" Kumabog ang dibdib ko sa narinig. Is this real? Someone called my real name! Hanggang sa unti-unting luminaw ang paningin ko. "Shan! Thank god, gising ka na!" umiiyak na sabi ni Tita Grethel at agad akong niyakap. Totoo ba ito? Nakabalik na ako! "Shan, kilala mo ba ako?" umiiyak pa ring tanong niya. Tumango ako. "Tita Grethel..." mahinang sambit ko habang tumutulo na rin ang mga luha sa saya. "Ate, salamat gising ka na! Huwag mo kaming iiwan, huh," umiiyak ding sambit ni Shyna. Matipid akong napangiti. "Oo, hinding-hindi. Huwag ka na umiyak." Pagpapatahan ko. Shyna is a strong girl. Ngayon ko nga lang siya nakitang umiyak ng ganito. Nalipat ang tingin ko sa nagpupunas din ng luhang mga workers ko at mga kabarkada ko. "How are you feeling, Ms. Han?" "I'm fine, doc, pero kumikirot lang ang braso at hita ko," sagot ko. Napansin kong sobrang malala siguro ng natamo ko dahil maraming bendang nakalagay sa akin pati ang mga nakakabit na kung ano-anong aparatus. "It's because of the gunshots wound. Sobrang masuwerte ka, Miss Han. Dahil walang natamaan sa 'yong vital organs at kahit malalim ang bangin na tinalunan mo. Nakayang lumaban ng katawan mo, kaya ka nag-survive," seryosong paliwanag niya. Ah, I remember! May mga lalaking humabol sa akin sa highway habang pauwi ako sa resort. Kinukuha nila sa akin ang kwintas. Itatanong ko na lang sa kanila mamaya, kung may nakita sila. "Na-coma po ba ako? Ilang months?" diretsang tanong ko. Bigla namang nagtawanan ang mga kaibigan. "Sira ka talaga! 2 weeks ka lang na coma! Gusto mo pa ng 1 month!" natatawang sabi ni Myles. 2 weeks lang ang nakalipas dito habang sa napuntahan kong mundo. I spent 2 months! Pero, totoo bang napunta ako sa ibang mundo o panaginip lamang iyon? "Kailan po ako makalalabas?" tanong ko. "You will still stay here for about a week, Ms. Han for your recovery and also we will still conduct other tests to make sure, that you are really fine." Napatango ako. "Okay doc, thank you po." Nang lumabas na ang mga doctor at nurses ay nilapitan na nila ako. "Grabe ka! Alam mo, pumasok na kami kanina kasi nag-aagaw buhay ka na, tapos signal mo pala 'yon kasi gigising ka na," natatawang sabi ni Sunny. "Ilang beses mo kaming pinakaba, girl!" Halata pa rin ang takot sa mukha ni Mel at niyakap na ako. "Oo nga, dagdag pa 'yang punyetang ventilator! Diretso nang diretso ang line. Pinapatay ka na, kahit buhay ka pa naman!" Napagulo pa sa buhok halata ang inis na sigaw ni Myles. "Super agree Ma'am Myles! Ayaw pa namin mawalan ng napakabuting amo 'no. Mabuti, gising ka na po, Ma'am Shan," ani Mikee. "Don't worry, hindi ko naman kayo iiwan, eh. How about the flowershop?" tanong ko. "Tinapos po muna namin lahat ng mga rush orders. Saka po namin pansamantalang sinara, Ma'am Shan," seryosong paliwanag ni Christine. Napangiti ako. "Mabuti naman at hindi niyo basta-bastang sinara ang flowershop." Napakaswerte ko talaga sa mga trabahante ko. Hindi nila ako binigo. "Nga pala Shan, kilala mo ba ang gumawa nito sa 'yo? May kaaway ka ba, anak?" nag-aalalang tanong ni Tita Grethel. Napabuntong-hininga ako. "Wala po akong kaaway Tita. Basta ang naalala ko kinukuha nila sa akin ang isang kwintas tapos ayaw kong ibigay tapos binaril na nila ako." "Nakilala mo ba ang mga mukha nila?" tanong niya ulit. Pilit kong inisip, ang alam ko natanggal ko ang hoodie ng lalaking leader nila pero masyadong malabo ang mukha niya ngayong inaalala ko. Tila nabura sa memorya ko ang mukha niya. Bigong napailing ko. "Malabo po, hindi ko na maalala," sambit ko. "Problema 'yan, hanggang ngayon wala pang lead ang mga pulis sa gumawa nito sa 'yo. Kung bakit kasi pinaalis mo ang mga pulis na pinabantay namin sa 'yo, eh," ani James. Napayuko ako. Tama siya, kung hindi sana ako nagpadalos-dalos. Maaring hindi iyon nangyari. "I'm sorry, masyado akong naging kampante." Paghinging tawad ko. "No need to say sorry, Shan. It's not your fault. Huwag mong pansinin itong sinabi ng mokong na 'to." Sabay inis na siniko ni Myles si James. "But, I think he's right, though." Hindi ko mapigilang sabihin. "Teka, teka lang! Hindi ba kayo nagtataka. Paanong nahulaan ni Grant na may masamang mangyayari sa birthday ni Shan? At, ibinilin niya sa atin na kailangan may magbantay na pulis?" kuryosong tanong ni Mikael. Napunta sa kanya ang atensyon naming lahat. s**t! Hindi ko masyado itong inisip noon, pero oo nga! How did Grant know about this? "Oo nga 'no! Napakaimposible 'di ba? Like, sobrang creepy!" Eksaheradong pagsang-ayon ni Sunny. "Guys, hula ko lang ito, ah. Pero, hindi kaya, may kaaway siya tapos ikaw ang idinamay?" nakangiwing sambit ni Mikael. "Gago! Parang hindi mo naman kilala si Grant. Napakabait noon, hindi 'yon nakikipag-away. Kaya, napakaimposible 'yang sinasabi mo." Pagtutol ni Myles. Tama si Myles, hindi ganoong tao si Grant. Kahit kailan hindi ko pa nga nakitang may nakaaway siya saka napakapasensyoso niyang tao. "Nga pala, may nakita bang kwin-" Hindi ko na naituloy ang tanong ko nang may kumatok at may pumasok na mga pulis. "Miss Han, kami ang nakatokang mag-imbestiga sa pagresolba ng shooting incident na nangyari sa 'yo. Pwede ba naming mahingi ang iyong statement?" Bakit tila deja vu ito? Naranasan ko na ito sa kabilang mundo. Tumango ako. "Sige po, Sir," sagot ko. Nalipat ang tingin ng dalawang pulis sa mga kaibigan ko. "Pwede bang lumabas muna ang iba at tanging ang kamag-anak lang ng biktima ang maiwan." Agad namang tumalima ang mga kaibigan at workers ko na kung maka-usyoso kanina wagas. Pinanood ko lamang sila habang isa-isang lumabas. Si Mikael nga lang ang naiwan at mukhang walang balak lumabas kung 'di pa binalikan at hinila ni Myles ay hindi talaga aalis. "Kumusta po ang imbestigasyon niyo Sir, may lead na po ba kayo sa gumawa nito sa pamangkin ko?" agarang tanong ni Tita Grethel. "Nandito nga rin po kami para ibalitang may witness na lumantad. Kasalukuyan itong nangangahoy nang makita ang nangyari sa 'yo, Miss Han." Nanlaki ang mga mata ko sa narinig. "Talaga po?" Tumango-tango ang mga ito. Salamat naman, mukhang mas mapapabilis ang pagresolba ng kaso. "Kasalukuyang siyang nasa witness protection program ng PNP. May gusto lang kaming malaman, Miss Han. Nakilala mo ba ang gumawa nito sa 'yo? O, may nakaaway po ba kayo?" Mabilis akong umiling. "Wala po akong nakaaway, Sir saka kahit pilit kong alalahanin hindi ko na maalala ang mukha ng taong bumaril sa akin. Basta, mga armado silang lahat," sagot ko. "Ayon sa salaysay ng witness, ang tanging palatandaan daw sa leader ng mga lalaki ay may tattoo itong rosas sa may kamay at may maliit itong peklat sa kaliwang pisngi. Nasa 5'11 ang tangkad at mahaba ang buhok. Ito ang composite sketch ng suspek, side view lang ang nakita niya kaya hindi nakita ang kabuuang mukha." Kinuha ko ang iniabot nilang sketch at tinitigang mabuti. Nanlaki ang mga mata ko nang pumasok sa isipan ko ang malabong imahe. Itong-ito nga ang suot nitong hoodie, saka mahaba nga ang buhok. "Tama po! Ito ang leader ng mga armadong lalaki. Ito rin ang umagaw sa akin ng attache case at naunang bumaril sa akin." "Kung ganoon, tama ang sinabi ng witness. May ilang gamit din kaming nakuha. Baka, alam mo ang mga ito, Ms. Han." Nanlaki ang mga mata ko nang ilabas nila ang lumang notebook na iniregalo sa akin. May ilang punit na rin ito. Kasama ang litrato na hindi naman naano. "Nakuha namin ang mga 'yan nang matagpuan namin ang mga nasusunog na kotseng ginamit sa paghabol sa 'yo, Miss Han. Mukhang mayaman at matalino ang suspek, nilinis niya ang mga ebidensiya. Ilang araw pagkatapos mangyari ang shooting incident, natagpuan namin ang mga sunog na kotse sa kabilang barangay lang kung saan ka natagpuan. At, pawang walang mga plate number. Doon din namin nakita ang sunog na attache case. Himala ngang hindi nasunog itong notebook at litrato." Shit! Sino ba ang lalaking 'yon? At bakit kilala niya ako? "Kasama 'yan sa box na iniregalo sa akin at ang kwintas noong birthday ko. Sa totoo lang Sir, ang gusto nga talagang kunin sa akin ng mga armadong lalaki ay ang kwintas." Paliwanag ko. Nagkatinginan sila at may kinuha sa bulsa ang isa sa mga pulis. "Ito ba ang tinutukoy mo, Ms. Han?" tanong niya. Tinitigan ko ang kwintas na hawak niya. "Opo, 'yan nga!" Gulat kong sabi. Mabuti at hindi nahulog sa tubig. "Nahulog ito sa kamay niyo nang itinatakbo kayo sa hospital." Nahihiwagan ko itong hinawakan. Ano bang misteryong bumabalot sa kwintas na ito? Totoo bang ito ang dahilan kung bakit napunta ako sa ibang mundo? O, kung totoo bang napunta talaga ako doon o panaginip lamang? Parang mababaliw na ako sa mga naiisip! "Anong meron sa simpleng kwintas at 'yan ang gusto nilang makuha?" kuryosong tanong nila. Napabuntong-hininga ako."Iyan din ang gumugulo sa isipan ko, Sir. Papatay sila, dahil lamang sa kwintas na ito. Saka, sabi niyo nga mukhang mayaman ang gumawa nito sa akin at kung tutuusin, hindi naman bilyones ang presyo ng kwintas." Paliwanag ko. "Kung ganoon, sobrang importante talaga ng kwintas na 'yan sa suspek. Iyan, ang pwedeng gamitin sa kaso. Sa tingin ko, siguro mas mabuting kami na ang maghawak sa kwintas, Ms. Han," sabi ng isa sa pulis. Tama nga, ibibigay ko na lang ito sa kanila. Kaso, tila pinapaso ako ng kwintas sa tuwing tatangkain kong ibigay sa kanila. Parang naka-glue nga rin itong nadikit sa kamay ko. "Anong problema, Ms. Han?" Napangiwi ako saka pilit na ngumiti. Fuck! What's wrong with this creepy necklace? Kahit anong pilit ko ayaw maalis sa kamay ko. "Ang kwintas ang sagot sa lahat ng katanungan mo." Bigla na lang pumasok sa isip ko ang sinabi ni Tatang Kulas. Napabuntong-hininga ako at sumuko na rin. Tutal, mukhang ayaw ng kwintas na ibigay ko siya sa kanila. "Mukhang mas mabuting ako na lang po ang maghawak nito, Sir. Siguradong susugod at hahabulin pa rin ako ng suspek dahil alam niyang nasa akin ang kwintas." "So, sinasabi mo Ms. Han na gagawin mong pain ang sarili mo?" Tumango-tango ako. "Opo, parang ganoon na nga. Kapag nabulag siya sa pain, saka niyo po siya hulihin," suhestyon ko. "Pero masyadong mapanganib 'yan. Mas mabuting kami na lang ang maghawak ng kwintas." Pagtanggi nito. "Oo nga, Shan! Ibigay mo na lang sa kanila," untag ni Tita Grethel. Halata ang pangamba. Umiling ako halata ang determinasyon. s**t! Kahit naman kasi gusto kong ibigay sa kanila. Parang kinukuryente naman ako ng kwintas sa tuwing tatangkain kong tanggalin. Kalaunan, napabuntong-hininga rin ang isa sa mga pulis. Nakitang hindi ko talaga ibibigay sa kanila. "Sige Ms. Han, kung 'yan ang gusto mo basta ingatan mong mabuti ang kwintas. Nga pala, may itatanong pa kami Ms. Han, tungkol ito sa litrato. Ang isa sa mga lalaki ay ang inyong boyfriend na si Grant Ashton Del Valle hindi po ba?" Sabi ko na nga ba. Iyon din ang maiisip nila. Agad akong napailing. "Hindi po 'yan si Grant, Sir. Kasi luma na ang litrato at nangyari pa noong 2005, eh 7 years old pa lang si Grant noon. Kaya kamukha niya lang po ang lalaki. Hindi ko nga alam, kung bakit pinadala sa akin 'yan." Paliwanag ko. Napatango-tango naman sila. "Tinitingnan din kasi namin ang anggulo na maaring may kaaway ang iyong boyfriend at ngayong nalamang patay na siya, ikaw ang sinisingil." Napakunot-noo ako. "Hindi po 'yon maaring mangyari, Sir. Kasi napakabuting tao ng boyfriend ko, wala siyang kaaway." Agad kong pagkontra. "Sige po, aalis na kami Ms. Han. Salamat sa inyong kooperasyon. Babalitaan ka na lang namin, kung may improvement na sa imbestigasyon. May itinalaga na rin pala kaming pulis na magbabantay sa 'yo dito sa hospital." "Salamat po," mahinang sabi ko. Natutulalang pinagmasdan ko ang mga pulis nang umalis na sila. Punong-puno ng impormansyon ang utak ko. Lalong gumulo ang isip ko, napakadaming tanong! "Sino ba itong mga batang nasa litrato, anak? Hindi ba talaga ito si Grant? Eh, kamukhang-kamukha!" Nalipat ang tingin ko sa hawak na litrato ni Tita Grethel. "Oo nga, ate! Parang si Kuya Grant talaga!" manghang sabi rin ni Shyna. Kinuha ko ito. "Hindi ko nga po sila kila—" napatigil ako at nanlaki ang mga mata. Napatakip ako sa bibig sa gulat. Hindi ako pwedeng magkamali sa nakikitang banner na nasa likuran nila. Hindi ko masyadong binigyang pansin noon. "Welcome to Clarkson Academy's 20th Founding Anniversary!" basa ko. It's Clarkson Academy! Our school! Bakit hindi ko ito naisip? Si Ace ang nasa litrato! And their uniform says it all. The five teenagers in the picture are: Ace, Spade, Tulips, Thirdy and an unknown girl. With its date, September 30, 2005. Fuck the sorcery! This picture proves that they are really existing! Now, the question is, did I time travelled to their year?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD