Chapter 20

1767 Words
"Ikaw ah, Shan! Sino ba itong Ace Shield Zarriaga? Na-coma ka lang may nakilala ka ng new guy?" Kuryoso at natatawang tukso ni Myles habang tinitipa at panay scroll sa kanyang laptop. Bigla ko na lang kasing naisip na ipahanap sila sa f*******:. Kanina pa kami naghahanap at nakailang pakita na siya ng mga iba't-ibang profiles pero hindi pa rin 'yon si Ace. "Gosh! Suko na ako! Wala talaga! Lahat na ng keyword ginamit ko na." Eksaheradong nagpunas pa siya ng pawis. Napabuntong-hininga ako. "Sige, huwag na siya. Ang i-search mo na lang ay Rose Tulips Lee." Utos ko ulit. Napanguso naman siya mukhang ayaw na akong sundin. Kaya nag-puppy eyes na ako para pumayag lang siya. "Hay! Sige na nga!" Suko niya. "Ganito ba ang spelling?" tanong niya sabay pakita sa akin. Tumango ako. Mabuti na lang at siya lang ang dumadaw sa akin ngayon. Nag-limit na rin kasi ang hospital ng mga kaibigan kong dadalaw sa akin. Isa o dalawa na lang ang pinapayagan kada araw. "Ito ba 'yung Rose Tulips Lee?" Iniharap niya sa akin ang laptop niya. Kung hindi ako nagkakamali mga nasa 40 o 41 na ang edad niya sa ngayon. Napailing ako. "Hindi." May pinindot pa siyang mga profiles pero hindi talaga si Tulips iyon. f**k! Kahit naman tumanda sila makikilala ko pa rin. "Ito may nahanap ako ang name niya, Daisyree Rose Lee baka kamag-anak 'yan." Napabuntong-hininga ako at sinilip. Isang babaeng mukhang mga early-30's pa lang ang edad. Mahaba ang buhok at ang mata ay parang pamilyar sa akin. "I-scroll mo nga, tingnan natin 'yung ibang pictures." Utos ko. Maganda ito at mukhang mayaman. Sa nakikita naming mga post niyang pictures ay nahulaan na naming modelo ito. "Bongga ang awra, modelo!" Hindi mapigilang papuri ni Myles. "Teka, itigil mo nga riyan." Pagpapatigil ko ng may kumuha sa aking atensyon na isang litrato. Nilapit ko ang laptop para mas lalo kong matitigan ito. Kumabog ang dibdib ko habang unti-unting napapatunayan ang kaninang kutob ko. I love you, Mama. Kahit konting panahon pa lang tayong nagkasama. I will cherish everything. Now, rest in heaven and be happy with ate. Nakalagay sa caption nito. Parang hindi ako makahinga. Hindi ako pwedeng magkamali kahit matanda na, sigurado akong si Nanay Daisy ang ginang na kasama sa litrato! Ibig sabihin, hindi nag-iisang anak si Tulips at may kapatid siya. Pero ang talagang bumabagabag sa akin ay ang caption. Malinaw na malinaw na sinasabi niyang patay na si Nanay Daisy at pati rin si Tulips? Maaring si Tulips nga ang tinutukoy niyang 'ate'? Pero, paano? s**t! I need to dig deeper. Kailangan kong malaman kung nasaan na sila ngayon sa future. O, kung pwede makaharap ko sila. "Hoy! Anong problema? Natulala ka na!" Nag-aalalang untag ni Myles sa akin. Humugot ako ng malalim na hininga. "Okay lang ako, try mo nga i-search rin Pierre Spade Zarriaga and Lance Thirdy Saavedra." Pakiusap ko. Gusto niya pa sanang magtanong pero tinikom niya rin ang bibig. Siguro dahil napansin niya ang desperasyon ko. Wala kaming nahanap kay Spade kaya sinunod namin si Thirdy. Kinuha ko na ang laptop at ako na mismo ang naghanap. Panay scroll ako at nawawalan na ng pag-asa hanggang sa may nakita akong post. Thank you for inviting Mr. Lance Saavedra. Your L.T Coffee and Bar is the best! We will surely come back! Tinipa ko ang pangalan ng bar at hindi nga ako nabigo at nahanap kaagad ang page nito. Naka-base pala ang business sa U.S at marami na rin itong branches doon. Dumiretso kaagad ako sa pictures, I have this gut feeling that Thirdy is the one managing this. "Hindi ko talaga alam ang mga pinaghahanap mong tao. Sa tagal nating magkaibigan, ngayon lang na wala akong kilala." Litanya ni Myles pero hindi ko siya pinansin at panay pa rin ang pag-scroll ko. "Gotcha!" Saya kaagad ang lumukod sa dibdib ko nang sa wakas makita ang litrato ni Thirdy. Seryoso itong nakaupo sa kanyang swivel chair habang may tambak na folders sa table niya. Introducing our handsome CEO, Lance Thirdy Saavedra. The man behind L.T Coffee and Bar. Basa ko sa caption. Napangiti ako, tingnan mo nga naman. Hindi ko akalaing sobrang successful na niya. "Wow, ang gwapo naman niya!" Tili ni Myles. Napangiti rin ako, sang-ayon ako. Kung noon gwapo na siya ngayong tumanda parang lalong naging gwapo. Ang napansin ko lang wala na ang jolly personality niya. Sa picture pa lang mararamdaman mo na ang intimating at boss aura niya. "Paano mo nakilala 'yan, Shan? Share mo naman! Pakilala mo ako, pwedeng-pwede ko na 'yan ipalit kay Mikael!" excited niyang sabi kaya inirapan ko nga. Matagal na rin sila ni Mikael at malapit na rin sigurong magpakasal. Kahit aso't-pusa alam kong mahal na mahal nila ang isa't-isa. "Matanda na ito saka imposible kung wala pang pamilya," sabi ko. "At isa pa! Malapit na kayong magpakasal ni Mikael." "Tsk, asa! Hindi pa nga siya nag-propose, eh," nakangusong sabi niya. Tinapik ko ang balikat niya. "Hintayin mo lang, malapit na 'yon. Sigurado ako," seryosong sabi ko. "Huwag nga natin siya pag-usapan nababadtrip lang ako! So, paano mo nga nakilala itong gwapo?" tanong niya. Napabuntong-hininga ako. Dapat ko bang sabihin sa kanya na bumalik ako sa 2005 at doon ko sila nakilala. "Uy, ano na? Paano mo siya nakilala?" Ngumiti ako at hinawakan siya sa balikat. "Myles, I know hindi mo ako paniniwalaan pero ang totoo. Nakilala ko siya ng mag-time travel ako pabalik sa 2005." Natigilan siya at parang hindi pa gets ang sinabi ko hanggang sa bigla na lang niya akong binatukan. "Huwag mo nga akong pagtripan. Kaloka ito!" nakasimangot niyang sabi. Napabuntong-hininga ako. Sabi ko nga, hindi siya maniniwala. "Kostumer ko dati sa flowershop," sabi ko na lang. "Ay, ganoon? May binibigyan din ng bulaklak. Huwag na din," bigong sabi niya. Hindi rin nagtagal at nagpaalam na rin siya. Mag-isa ulit ako sa kwarto. Umalis na muna kasi si Tita dahil may kailangang asikasuhin sa resort habang si Shyna ay may pasok naman kaya tuwing weekends na lang nakadadalaw. Hindi rin ako natatakot dahil may dalawa namang pulis na laging nakabantay sa labas ng kwarto ko. Napatingin ulit ako sa laptop ko at sa huli, itinuloy na din ang plano ko. Una akong nagpadala ng mensahe sa tingin kong kapatid ni Tulips. Hopefully, nasa Pilipinas siya at mabasa ang mensahe ko. "Hi, Ms. Lee! I'm Shannelle Mixcel Han. I just wanted us to meet, if you have time. I know your mother and your sister, it's saddening that I've found out that they are already in heaven. Gusto ko lang malaman kung anong kinamatay nila. Hope, you can read this and reply. I'm in the Philippines by the way." Napahinga ako ng matapos ko itong ma-i-send. Sana lang mabasa niya. Siya muna, siguro kapag nagkita kami saka ko isusunod si Thirdy. Napatingin lang ako sa kisame. Ilang linggo na rin ako sa hospital. Kasalukuyang inoobserbahan pa rin. Ang sabi ni doc, malapit na rin akong makauwi. Hinihintay ko lang ang resulta ng ibang tests sa akin. Naghihilom na rin ang mga sugat ko at nakapaglalakad na rin ako. Hindi katulad dati na may saklay pa ako at kailangan pang alalayan. Napalingon ako sa laptop nang tumunog ito. Nakaramdam ako ng excitement nang makitang may mensahe sa messenger ko. Agad ko itong binuksan. "Hi, Miss Han. I don't know you but since you know my sister and mother. I will meet you, maybe next week because I'm still in Europe right now." Napangiti ako. She immediately replied! "Thank you, I'm excited to meet you. Just message me the place and time you wanted us to meet." Excited ako at the same nakararamdam ng lungkot. Sa reply niya pa lang kinumpirma na niyang patay na talaga sina Nanay Daisy at Tulips. At base sa caption niya, nauna pang namatay si Tulips. 'Yon ang gusto kong malaman kung anong kinamatay niya? Dahil kung tutuusin bata pa siya. Hinawakan ko ang necklace ko at tinitigan. "What's really my mission, huh? I'm so confuse." Nawawalang pag-asang tanong ko. Agad ko naman itong inilagay sa b*a ko nang mapansing may papasok sa kwarto ko. Ito ang oras na dapat tulog na ako at kailangan nila akong i-check. Kapag nahuling hindi pa ako tulog siguradong pagagalitan na naman ako ng masungit na nurse. Pinikit ko ang mata ko nang marinig ang mga yapag. Pero pasimple ko rin itong sinisilip. 'Yong nurse nga na masungit. Pinakiramdaman ko lang siya habang naglalakad palapit sa akin. Akala ko, i-check niya ako pero hindi, sa may mesa at unan ko siya dumiretso tila may hinahanap. "Nasaan na ba ang kwintas na 'yon?" Mahina lang 'yon pero dahil malapit siya malinaw kong narinig ang sinabi niya. s**t! Kitang-kita ko ang nanginginig niyang kamay. Habang maingat na tinatanggal ang kumot ko at kinakapa ang kama kung meron. Napatigil lang siya nang tumunog ang cellphone niya. Nakahinga ako nang lumayo ito sa akin. "Ano po, papatayin ko na siya ngayon? Pero, ang usapan kukunin ko muna ang kwintas. Huwag po, okay sige po. Susunod na ako." Napatiim bagang ako. They are using her! Balisa siya habang papalapit sa akin habang hawak-hawak ang isang syringe. s**t! Sumunod siya, papatayin niya talaga ako! "I'm sorry," bulong niya pero bago niya pa tuluyang maituruk ito sa akin, hinablot ko na ang kamay niya. Dahilan para mahulog ang syringe. "Sinong nag-utos sa 'yo para patayin ako?" madiing tanong ko. "Bitiwan mo ako! Ah!" Lalo siyang napasigaw dahil lalong humigpit ang pagkakahawak ko sa kamay niya. Nagmamadali namang pumasok ang mga pulis dahil sa pagsigaw niya. "Ang babaeng ito gusto akong patayin!" sigaw ko. Lumapit ang isa rito at agad na hinawakan habang ang isa ay pinulot ang syringe. "Sabihin mo, sino ang nag-utos sa 'yo?" mahinahon kong tanong. Napailing-iling lang siya habang umiiyak. "Huwag kang matakot kapag sinabi mo, hindi kita kakasuhan." Pakiusap ko. "Bitiwan niyo muna ako at sasabihin ko." Nanghihinang pakiusap niya. Pinakawalan naman siya ng pulis, sabagay hindi rin siya makatatakas dahil may dalawang pulis namang pipigil sa kanya kung sakali. Lumapit ako sa kanya. "Sabihin mo, sino?" tanong ko. "Ang nag-utos sa akin..." Bumuntong-hininga siya. "Pasensya na, pero papatayin nila ang pamilya ko kapag nagsalita ako!" umiiyak niyang sigaw at sa isang iglap mabilis na inagaw ang syringe at walang pasubaling isinaksak sa sarili. Ilang sandali lang ay bumagsak na siya sa sahig at sigurado ako wala ng buhay. Napatulala akong napasalampak sa sahig. Gusto kong sumigaw! Why? Bakit kailangang mangyari ito? What kind of manipulative monster is behind this? Ayaw niya pa ring tumigil! At ang masakit, may dinamay pa siyang inosenteng buhay.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD