Chapter 7

2077 Words
"Kumusta ang pakiramdam mo, hija?" "Mabuti naman po," sagot ko. Mag-isa ako ngayon dahil umuwi muna si Nanay Daisy para maglinis daw sa bahay namin. Uuwi na kasi ako bukas. "Pagtiisan mo muna, bukas naman pwede ka nang lumabas." Napangiti ako. Sobrang bored na rin ako rito. Hindi kasi ako agad pinauwi dahil pina CT scan pa ako. Para tuluyang malaman kung magaling na talaga ako. Ayon sa kwento nila, halos mag-iisang buwan daw akong na comatose. Sa lakas na rin nang pagkabangga sa akin o sa babaeng nagmamay-ari sa katawang ito. "Doc, I have a question." Agaw ko sa atensyon niya habang kasalukuyang ch-in-e-check ako. "What is it, hija?" tanong niya. Napanguso ako. I'm not really used hearing this doctor always calling me 'hija' when I think we are in the same age. "What is happening to me, doc? Bakit tila pakiramdam ko nasa ibang katauhan ako at hindi ako ito. Lahat nang pinapaalala nila sa akin ay hindi ko maalala at ibang ako, ang naaalala ko," tanong ko. This happenings keeps confusing me. Because in my mind, I'm trap in this girls' body. And I'm not her. Napabuntong-hininga siya. "Hija, maybe you are experiencing dream-reality confusion. This happens to patients who just wake up from coma." "Dream-reality confusion..." ulit ko. Because I know what it is. "It is difficulty or inability to determine whether an event or experience occurred during the waking state or whether it was part of a dream right, doc?" "Yeah, it is exactly like that, hija," gulat niyang sabi. "How did you know it?" Napangiti na lamang ako. Because I'm a registered psychologist. And I already studied about it. But what's the use in saying it? They would not believe me. "Hija, just think that those memories that you know and believe as your reality, are nothing but dreams. That, your mind created while you are in a coma state." Naiwan akong tulala. "It's just a dream...'' hindi naniniwalang ulit ko sa sinabi niya. Hindi ko na alam, kung sinong paniniwalaan? Nalilito na ako. Ano ba talaga ang totoo? Pati ang mukha ko, iba na o sadyang ako talaga ito at ang nasa isipan kong realidad ay tanging panaginip lamang. Pero tila mas matimbang pa rin sa aking isipan na hindi ako ito. Hindi ako si Rose Tulips Lee. Dahil ako si Shannelle Mixcel Han, 30 years old. Isang registered psychologist, part time writer, at nag-ma-manage ng isang flowershop. Hindi ko maintindihan kung paanong napunta ako rito. Kung saang lupalop ba itong lugar. Napatingin ako sa kalendaryong nakalagay sa lamesa ko. June 20, 2005 Iyon ang date na nakalagay. Pati ang taon dito kakaiba. It's still 2005 here, when in fact in my mind I'm in 2030. Kinuha ko ang salamin sa tabi ko at muling tinitigan ang repleksyon ko sa salamin. Wala sa loob na hinaplos ko ito. Isang mukhang hindi sa akin. Isang babaeng singit ang mga mata, maliit ngunit matangos ang ilong, mapulang labi at may mahabang buhok ang nakikita ko. Sobrang amo ng mukha at tila walang bahid ng kasamaan kung titingnan. We are totally opposite, not only by the looks but I think also in the personality. At hindi ko lubos maisip kung paano ako napunta sa katawang ito? Is this a kind of parallel universe? Did I time travelled? Nanlaki ang mga mata ko sa mga naiisip. "Did I time travelled after I jumped from the cliff?" parang tangang tanong ko sa sarili. Kung totoo man ang mga teoryang naiisip ko. Paano ako makakaalis sa mundong ito? "Baka mabasag 'yan, ah!" Napaangat ako ng tingin. It was Ace. Nakangisi ito sa akin habang nakatingin sa salamin na hawak ko. Agad ko naman itong binitiwan. Hindi ko namalayang nakatulala na pala akong nakatingin dito. Tiningnan ko ang likuran niya kung kasama niya rin ang dalawa. Pero wala, mukhang mag-isa siya ngayon. "Nahuli sila, scheduled cleaners kasi sila ngayon," aniya at tila nahulaan agad ang nasa isipan ko. "Nga pala, bibigyan ka na lang ni Spade ng notes niya para hindi ka ganoong mahuli sa lesson." Tumango na lang ako. Hindi ko mapigilang titigan siya habang seryosong inilalagay sa lamesa ang pagkaing dala niya. Awtomatikong kumukunot ang noo niya at napapanguso. Same expression with Grant. Parehong-pareho sila. Pinigilan ko ang sarili kong maging emosyonal. Magkaiba silang tao, Shan! Pagpapaalala ko sa sarili ko. Alam ko sa sarili ko na ayaw ko sa mundong ito at hindi ako nararapat dito pero tuwing nakikita ko ang mukha nina Ace at Spade tila awtomatikong napapanatag ako. Siguro, dahil taglay nila ang mukha ng lalaking mahal ko. At dito sa mundong ito. Binigyan ako ng pagkakataong muling masilayan siya. "Nga pala, gusto ko sanang humingi ng tawad sa iyo dahil hindi kita pinuntahan noong sinabi mong magkita tayo." Nakatitig lang ako sa kanya. "Sobrang nakokonsensya talaga ako, kung sana pumunta ako baka walang nangyaring masama sa 'yo." I don't know, kung anong sinasabi niya. But maybe the person who owned this body did this. "Wala iyon," sagot ko. "Pero, ano bang sinabi ko sa iyo noon? Kasi sa naalala ko may humahabol sa aking lalaki sa isang abandonadong gusali bago ako nasagasaan at hindi ko alam kung nasaksak din ba niya ako." Sa kanya ko lang ito idinetalyeng sinabi dahil kapag nalaman ito ni Nanay Daisy ay lalo siyang mag-alala. Ito ay base sa mga nakita ko bago ako tuluyang gumising. Na tingin ko, memorya ng nagmamay-ari sa katawang ito. I even felt the fear of this little girl while running and hiding. Nanlaki naman ang mga mata niya. "May ganoon pang nangyari? Bakit hindi mo sinabi sa amin kaagad?" "Ayaw ko kasing lalong mag-aalala lalo si Nanay Daisy." Nakita ko ang sobrang-sobra niyang pag-aalala at matanda na rin kasi ito. Napabuntonghininga siya. "That night, sabi mo magkita tayo sa flower plantation kasi may gusto kang sabihin sa akin kaso sabi ko hindi ako makakapunta. Kaya naman pala nagtataka ako kung bakit natagpuan ka malapit sa isang abandonadong gusali gayong ilang kilometro ang layo noon sa flower plantation." Napaisip ako sa sinabi niya. "Ibig sabihin maaring noong pauwi na ako nasalubong ko ang taong humahabol sa akin," hula ko. Napatango naman siya. "Mas magandang sabihin mo mamaya ito sa mga police, tingin ko pupunta sila dito para interbyuhin ka tungkol sa totoong nangyari sa 'yo." Napangiti ako at tumango. "Ang hirap kasi sa iyo Tulips, ang dami mong admirers," natatawang tukso niya. Nginitian ko na lamang siya. Well, this little girl is really beautiful. With her innocent look, no wonder she has many admirers. But it's not good when her admirers is so aggressive. Nakakatakot, lalo na ang taong humabol sa kanya at talagang gusto siyang patayin. "Ay! Oo nga pala, muntik ko nang makalimutan. May dala nga pala akong sopas kumain ka muna. Yung, paborito mo ito." Tumayo siya at kinuha ito sa lamesa. Muling pinagmasdan ko siya. Not even blinking, I really like watching the way he moves. His similarities to Grant is uncanny. "Ho! Mabuti mainit pa!" nakangiting sabi niya at tila nabunutan ng tinik. Matipid ko naman siyang sinuklian ng ngiti pero mabilis na nabura ang ngiti ko nang makita at maamoy ang sopas na dala niya. Napatakip ako sa ilong at halos bumaliktad ang sikmura ko. "Uy, anong problema?" natatarantang tanong niya. Senenyas ko naman siyang ilayo sa akin ang hawak-hawak niyang sopas. I don't like seafoods. I'm allergic to it and I really hate it. Kahit amoy pa lang bumabaliktad na ang sikmura ko. Nang hindi ko pa rin makayanan ang amoy. Tumayo na ako at agad na tumakbo papuntang comfort room. Doon ay sumuka ako nang sumuka. Kahit halos wala namang lumalabas dahil konti lang naman ang kinakain ko. Naramdaman ko naman ang paghagod niya sa likuran ko. "Okay na." Nanghihinang pagpigil ko sa kanya sa kakahagod sa likuran ko at agad nang nagmumog saka hinugasan ang bibig ko. Inalalayan niya ako. Kumapit ako sa pinto ng CR at nilingon siya. "Pwede bang itapon mo muna sa labas ang sopas na dala mo. Ayaw ko kasi ng amoy niya." "Huh? Eh, paborito mo 'yon, eh," naguguluhang sabi niya pero pagkaraan ay sumunod rin sa utos ko. Kakamot-kamot pa siya sa ulo habang dala-dala ito palabas. Naglakad naman na ako papunta sa higaan ko at umupo habang hinihintay siya. Sa lahat ba naman kasi ng klase ng sopas. Iyon pang sobrang ayaw ko ang binili niya. At paborito ni Tulips. Napabuntong-hininga ako. Even in taste of foods were different. "Okay ka na?" tanong niya. Tumango ako. Tumahimik siya at nanatili ang tingin sa akin at tila may malalim na iniisip. "Bakit ka ganyan makatingin?" tanong ko. Ang creepy kasi niya. Agad naman siyang umupo sa tabi ko. "Hindi naman sa pagiging tsismoso ko, ah." Tinakpan niya pa ang bibig na tila bubulong kaya inilapit ko ang tenga ko. "Pero umamin ka, buntis ka ba?" Nanlaki ang mata ko sa gulat at agad siyang binatukan. "Gago! Hindi!" Gulat na gulat siyang napahawak sa ulo niyang binatukan ko. Kalaunan, tila amuse niya akong tinitigan. Napahalukipkip ako. "At sa tingin mo kung oo man, sa lakas ng impact nang pagkakabangga sa akin. Hindi pa nalalag ang bata?" Napatakip siya sa bibig. "Ibig sabihin...ibig sabihin buntis ka talaga?" Naparoll eyes ako. Hindi raw tsismoso pero sa akto niya, halata naman. "Hindi nga sabi eh! Edi sana, sinabi na ng doctor at nalaman niyo na kaagad kahit noong naka coma pa lang ako," paliwanag ko. Napatango-tango naman siya. What to expect to an immature teenager. Sakit sa ulo! "Pero, ikaw ah!" Ngumisi siya. "Hindi ko alam na may ganitong side ka! Hahaha, ang Tulips na kilala ko kasi maamo at hindi nanakit," mapanuksong sabi niya. Natigilan ako at napaisip. Should I act like the way this little girl acts? "Uy! Mukhang seryoso usapan niyo, ah.'' Halos sabay pa kaming napalingon sa pintuan. "Ayos! May dala kayong pagkain!" Agad na salubong ni Ace sa dalawa. "Akala ko ba may dala ka? Mabuti na lang pala nagyayang bumili si Spade," nagtatakang tanong ni Thirdy. Napakagat ako sa labi at nakonsensya binili nga pala niya 'yon tapos basta ko na lang ipinatapon. "Eh, ayaw niya eh," sagot niya. Nalipat ang tingin ko sa dalang pagkain nila. Nakararamdam na rin kasi ako ng gutom. May iniwan din naman kasing pagkain si Nanay Daisy kaso malamig na 'yon at hindi ko ganoong kagusto. I realized I'm really picky. Nakahinga ako nang makitang chicken noodle soup ito. Not bad. Pwede ko nang pagtiyagaan. "Pasensya na Tulips, naubusan na kasi kami ng seafood soup," nakayuko at agad na sabi ni Spade. Napangiwi ako. Seafood soup again. "Hay! Iyon nga ang dala ko eh. Kaso, ayaw niya," sabat ni Ace. Nagkatinginan naman sila. "Hindi ba paborito mo 'yun?" nagtatakang tanong ni Thirdy sa akin. Natahimik ako, hindi ko alam kung anong isasagot ko. "Hay! Tama na nga ang tanong, hayaan niyo muna siyang kumain." Agad na pigil ni Spade na agad nagpakalma sa akin. Lumapit siya sa akin at agad inilipat sa mangkok ang sopas. Hahawakan ko na sana nang inilayo niya ito. "Ako na maghahawak. Mainit, susubuan na lang kita," nakangiting turan niya. "Pero, kaya ko naman." Agad na pagtanggi ko. "Hindi, ako na," pilit niya. Napatingin ako sa dalawang lalaking tumatawa at tila nanunukso. "Hayaan mo na si Spade, Tulips hahaha!" kantyaw nila. Kaya wala na akong nagawa at hinayaan siyang subuan ako. Iba pala ang pakiramdam kung alam mong mas bata ang gumagawa nito sa 'yo, nakakailang. Tila pedophile tuloy ang labas ko nito. "Ganyan ang tamang pagdiskarte sa babae Ace. Gumaya ka nga sa mga diskarte namin ng kambal mo para hindi ka tuluyang mabaliw sa kakaisip sa imaginary girlfriend mo." Pangangaral ni Thirdy kay Ace na umabot sa pandinig ko. "Eh, bakit ba? Malay mo, malapit ko na siyang makita. Kapag nangyari iyon ipapakilala kita kaagad at sinisigurado kong masasabi mong panis lahat ng mga nirereto mo sa aking babae!" "Kailan pa kaya iyon? Pero, sige na nga hihintayin ko." Hindi ko mapigilang hindi matawa. They are really childish immature teenagers. "Bakit?" nakakunot-noong tanong ni Spade. "Nakakatawa kasi ang usapan nila," sagot ko. Matipid naman siyang ngumiti at hinipan muli ang sopas saka isinubo sa akin. Pinagmasdan ko siya. They are really identical twins. Halos wala akong makitang pagkakaiba nila, maliban lang sa buhok at sa lalim ng boses. Spade and Ace have a spitting image of Grant. But, it will not change the fact that both of them are different from Grant.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD