Chapter 8

1521 Words
"Nga pala, ito 'yong mga notes para hindi ka naman masyadong mahuli sa mga lessons. Basahin mo na lang sa bahay niyo," turan ni Spade sabay lapag sa lamesa ng dala niyang notebook. Lihim akong napangisi, this kid is just so considerate. "Thanks." Nginitian ko siya. I think he really likes Tulips based on the memories that I saw. I can also see and feel his gentleness towards me. Sad is, he didn't know that I'm not Tulips. "Spell effort, Ace!" Nagngiting-aso kaming tiningnan ni Thirdy at mukhang sisimulan na namang tuksuhin ang nanahimik na si Ace habang busy sa kapipindot sa cellphone niya. "Gago! Ang dali-dali hindi mo pa alam. E-F-F-O-R-T!" mayabang namang sigaw nito habang may pataas-taas pa ng kamay habang binibigkas ang bawat letra. "Gago ka rin! Ang hina talaga ng IQ mo! Ang ibig kong sabihin, pansinin mo ang effort ng kambal mo!" naiinis na sigaw ni Thirdy. "Anong mahina, huh? Mas mataas kaya ang grades ko sa 'yo sa Physics! Tandaan mo, 75 ka lang, tsong! At bakit ba lagi mong pinapakialaman yang kambal ko? Naiinggit ka, hanap ka na lang ng chicks mo at huwag mo akong guluhin.'' "Ang dami mong sinasabi! Ayaw mo lang maistorbo, mabangga sana yang snake mo!" Napailing-iling ako. "Spade, ganoon ba talaga sila?" natatawang tanong ko. "Oo, hayaan mo na lang. Huwag mo na lang silang pansinin. Nga pala, may naalala ka na ba tungkol sa nangyari sa 'yo noong gabing naaksidente ka?" kuryosong tanong niya. Sasagot na sana ako nang may kumatok sa pinto. Napatigil na rin sa pagbabangayan ang dalawa at sila na mismo ang nagbukas. Akala ko si Nanay Daisy na pero dalawang lalaki ang pumasok. "Mga pulis kami," pakilala nila sabay pakita ng kanilang ID. Agad naman akong tumuwid ng upo at maayos na hinarap sila. "Miss Lee, pwede ka ba naming makausap?" tanong noong matangkad. Matipid akong ngumiti at tumango. "May naaalala ka ba tungkol sa nangyari sa 'yo?" diretsahang tanong nila. "Meron po," sagot ko. "Pwede mo bang idetalye ito sa amin. Lahat nang naalala mo." Humugot ako ng isang malalim na hininga. "Ang naalala ko lang po ay may humahabol sa aking lalaki. Nagtago ako sa isang abandonadong gusali habang tinatawag niya ang pangalan ko at tumatawa." Napatigil ako tila bumabalik sa akin ang takot na naramdaman ko nang maranasan ko rin ang nangyari kay Tulips. "Nang malapit na siya sa pinagtataguan ko agad akong tumakbo palabas hanggang sa makarating ako sa kalsada. Nang biglang may mabilis na kotseng humarorot at bumangga sa akin. Bumagsak ang katawan ko sa damuhan tapos..." napakapit ako sa damit ko para kalmahin ang nanginginig kong kamay. "Tapos, lumapit sa akin iyong lalaki at bumulong ang sabi niya papatayin niya na lang ako para maging kanya na ako. May malamig na bagay din siyang idiniin sa leeg ko, tingin ko kutsilyo." Napahawak ako sa leeg ko at tila naramdaman ko pa ang tingin kong kutsilyong idiin sa akin. Wala na iyong marka, dahil sabi ng doctor gasgas lang ito at naghilom na. Rinig ko naman ang malakas na pagmumura ng tatlo dahil sa nalaman. "Mukhang matindi ang pagkakagusto ng taong ito sa 'yo, Miss. Nakilala mo ba kung sino iyong lalaking humahabol sa 'yo?" Napailing ako. "Madilim, hindi ko nakita ang mukha niya at habang hinahabol niya ako hindi ko na magawang lumingon sa takot na abutan niya." "Pero noong lumapit sa 'yo, wala ka bang nakita kahit kaunting palatandaan?" Napaisip ko. Ang alam ko pinilit kong tiningnan ang mukha niya. Kaso, nanlalabo na noon ang paningin ko kaya hindi ko nakita nang malinaw ang mukha niya. "Nanlalabo na noon ang paningin ko sir, kaya hindi ko siya namukhaan." Napailing-iling naman sila. "Wala ka bang napapansing taong umaaligid-aligid sa 'yo? O, taong tingin mo ay kakaiba ang mga titig sa 'yo?" Napatingin ako sa tatlo dahil hindi ko alam. Nagtaas naman ng kamay si Ace. "Opo! Sinasabi niya nga noon, na tila may laging nakatingin sa kanya." "Mukhang isa nga sa mga admirers mo ang suspek, Miss Lee. Nga pala, ang kotseng bumangga naman sa 'yo may nakita ka bang pagkakakilanlan nito, Ms. Lee? At kung nakita mo ang taong nakasakay nito?" "Pulang kotse ito," agaran kong sagot. Pilit kong inalala kung nakita ko rin ang plate number kaso hindi. Sobrang malabo lahat. Nakaka-frustrate pero tila wala silang makukuhang lead sa akin. Kahit pa, isinalaysay ko na lahat ng nangyari. "Iyon lang ang naalala ko at hindi ko rin nakita ang nagmamaneho pati ang plate number," tanging nasabi ko. "Base sa crime scene may natagpuan kaming bagay. Baka alam mo ito." Nanlaki ang mga mata ko nang makita kung ano ang bagay na hawak nila. The pear shaped aquamarine pendant. Paanong napunta ito rito? Naisama ko rin pala. Kung ganoon, hindi nila nakuha sa akin. "That's my necklace," agad kong sabi. Tumango-tango naman sila. "We already checked the fingerprints of this necklace, dahil akala namin pwede itong gamitin bilang ebidensiya ngunit wala dahil tanging fingerprints mo lang ang nakuha namin dito," Agad ko itong tinanggap nang ibinigay nila. Feels unreal, paano ko naisama ang kwintas na ito sa mundong 'to? "Ms. Lee, sasabihin na namin ito kaagad. Mukhang matatagalan kaming iresolba ang kaso lalo't madilim ang lugar at walang masyadong dumaraan kaya mahihirapan kaming makakuha ng witness." "Wala bang CCTVs doon, sir?" tanong ko. "CCTVs? Ano iyon?" naguguluhang tanong nila. Oh, s**t! Napakamot na lang ako sa ulo at naiilang na ngumiti. Nakalimutan ko, nandito nga pala ako sa year 2005! At mukha ngang wala pang CCTVs dito sa Pilipinas noon. Frustrating! I really came back to the past! "Ah hehehe, kalimutan niyo na lang po 'yung sinabi ko," awkward kong sabi. "Basta, i-update ka na lang namin Ms. Lee kapag may lead na kami at pwede mo rin kaming kontakin kapag may naalala ka nang pwedeng makatulong sa kaso." May pinunit na maliit na pirasong papel ang kasamahan nitong pulis kung saan nakalagay ang tingin kong numero nila. Tinanggap ko naman ito at tumango. "Magpapaalam na kami." "Thank you po, sir!" halos sabay-sabay pa naming sabi. Nang tuluyan silang makaalis. Agad namang nagsilapit ang tatlo sa akin. "Okay ka lang ba, Tulips?" tanong ni Thirdy. Tumango ako at napabuntong-hininga. "Ang ganda naman niyang kwintas? Sino nagbigay niyan sa 'yo?" kuryosong tanong ni Ace. "Oo nga, ngayon lang namin yan nakita." Napabuntong-hininga ako. "Regalo ni Nanay," pagsisinungaling ko. Agad naman silang naniwala. Hindi ko naman pwedeng sabihin na iniregalo ito sa akin ng hindi ko kilala at galing future. Hindi maalis sa akin at hindi mag-alala. I don't know, if they could solve this case. Walang ebidensiya, walang witness, at wala akong maalala. Kung sana lang ay bumalik lahat at makita ko kung anong nasa memorya ni Tulips baka may malaman pa akong pwedeng makatulong sa kaso. Pero sa ngayon, siguro nga ang kailangan ko munang gawin ay magpahinga at alagaan ang katawan niya. "Tingin ko talaga Tulips. Tama, 'yong hula ng pulis isa sa mga admirers mo ang gumawa noon," tila siguradong sabi ni Ace. "Oo nga! Tingin ko rin," sang-ayon din ni Thirdy. "Kasi 'di ba sabi mo tila may laging nakatingin sa 'yo sa school." Dagdag pa niya. Then, it could be! "Pero sa dami nang tumitingin sa kanya mahirap hulaan kung sino iyon," seryosong sabi ni Spade. "Yun lang," tumatangong pagsang-ayon ni Ace sa sinabi ng kambal niya. "Tingin ko nga may sira sa utak ang gumawa noon sa 'yo eh, kasi biruin mo papatayin ka niya para lang maging kanya ka nang tuluyan. Eh, pwede namang ligawan ka na lang niya hanggang sa tuluyang mapaibig ka niya. It's a win-win situation," tila matandang pagpapaliwanag ni Thirdy. Napangiti ako. He is right. "Aba! Aba! Tignan mo nga naman may tinatago ka rin pa lang katalinuhan. Akala ko puro babae lang laman ng utak mo," kantyaw ni Ace. Napailing na lang, heto na naman sila. "Gago! In born na akong matalino. At kahit mambabae ako mas mataas pa rin ang grades ko sa 'yo. Sadyang sa Physics ka lang mataas!" Natatawa na lang kaming pareho ni Spade habang pinapanood silang magbangayan. Tumahimik lang sila nang dumating na si Nanay Daisy at pinauwi na silang tatlo dahil malapit na rin namang gumabi. "Anak, nalinisan ko na 'yung bahay. Kaya makapagpapahinga ka na doon nang maayos kapag nakauwi na tayo. Naayos ko na rin 'yung mga gamit mo na pang-eskwela," malambing niyang turan. Katatapos lang naming maghapunan at nanatiling tahimik sa panonood sa mga bituin. Sa pamamagitan ng glass window ng hospital. "Salamat po, N-nay." Bahagyang nabasag pa ang boses ko dahil na rin sa sandaling paglukob ng lungkot. Naalala ko si mommy. Hinawakan niya ang mukha ko at hinaplos. "Mahal na mahal kita anak, at salamat hindi ka pa kinuha ng panginoon sa akin. Dahil kung nangyari iyon, hindi ko na alam kung anong gagawin ko," umiiyak niyang sabi sabay yakap nang mahigpit sa akin. Naiiyak ako. Dahil ngayon ko lang ulit naramdaman ang yakap ng tila isang tunay kong magulang. Kung nasaan ka man ngayon Tulips, huwag kang mag-alala. Aalagaan ko ang nanay mo at pilit kong gagampanan nang maayos ang pananatili sa katawan mo.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD