Chapter 9

1705 Words
"Ito ang bahay natin, anak," masayang sabi ni Nanay Daisy na tila tour guide ko habang itinuturo ang bawat parte ng malaking bahay na may kalumaan na. Mukhang ipinamana na ito sa kanya ng nakaraang henerasyon. Malinis nga ito at organisado ang lahat ng bagay na makikita. At kahit luma na ang bahay mukhang matibay naman ang pundasyon nang pagkakagawa nito. "Dalawa lang po ba tayong nakatira rito?" Hindi ko maiwasang maitanong habang paakyat kami sa hagdanan. "Oo, anak," simpleng sagot niya. Eh, nasaan kaya ang tatay ni Tulips? Hindi ko naisip itong itanong sa kanya sa hospital dahil sa dami ng gumugulo sa isipan ko. "Wala po ba akong tatay?" tanong ko. Napatigil siya sa paglalakad at hinarap ako. Malungkot ang mga mata niya at tila pinipigilan lang ang sarili upang hindi tuluyang maiyak. "Bata ka pa lang, iniwan na tayo ng tatay mo kaya ako na ang mag-isang nagpalaki sa 'yo." Tila lumambot naman ang puso ko sa narinig. She's a great mother, then. Napakaswerte ni Tulips sa nanay niya. I can see traces of guilt and sadness in her eyes. Napangiti ako at hinawakan ang kamay niya. "Ang bait at responsible niyo rin pong nanay. Napakaswerte ko, at kayo ang naging nanay ko." Ni tulips. Kita ko ang pagkislap ng mga mata niya sa narinig. "Talaga, anak?" hindi makapaniwalang tanong niya. Tumango ako. "Kahit kailan, hindi ko ito narinig mula sa 'yo at hindi ko naisip na maririnig ko ito ngayon. Hindi mo alam, kung gaano ako kasaya ngayon dahil sa sinabi mo. Salamat, anak," maluha-luhang sabi niya. Then, Tulips is maybe not showy to her. "Sana magtuloy-tuloy ng mabuti ang pakikitungo mo sa akin. Hindi ko man gusto ang nangyari sa 'yong aksidente pero tila may magandang dulot din pala ito. Ang maging maayos ang relasyon nating dalawa. Sana kapag bumalik na ang alaala mo ay hindi ka magbago. Hindi mo na rin hangaring magpakilala at sumama sa iyong ama." Nanlaki ang mga mata ko sa mga nalaman. I can't believe, they are not close. And Tulips even have that idea to leave her mom. What's that kid thinking? Then, I need to slowly know what kind of person Tulips is. And, what is her reason to act like that? Do I need to meddle to her business? Even her relationship to her mom? Nakikigamit lang ako sa katawan niya. What if, she doesn't like what I'm doing? Ang sakit sa ulo talaga. Kung bakit kasi ako napunta sa lugar na ito? Anong role na gagawin ko dito? Ang daming tanong! Pero wala namang sagot. Nakakainis! "Anak, okay ka lang ba? May masakit ba sa 'yo?" Nabalik ako sa realidad at nilingon siya. Puno nang pag-aalala ang mukha niya at agad pang umalalay sa akin. Agad akong umiling. "Wala po, nay. Okay lang po ako." Nakahinga naman siya. "Mabuti kung ganoon, nandito na nga pala tayo sa kwarto mo." Pinihit niya ang seradura habang nanatili naman akong nakasunod sa kanya. Inilibot ko ang paningin ko sa kabuuan ng kwarto. Malawak ang kwarto at organisado rin ang lahat ng gamit na makikita. "Wala akong ginalaw sa mga gamit mo. Dahil alam kung ayaw na ayaw mo noon. Winalisan ko lang ito," paliwanag niya at sinimulang hawiin ang kurtina at binuksan ang mga bintana. Agad pumasok ang liwanag sa kwarto. "Nga pala, aalis muna ako mamaya anak para diligan ang mga bulaklak sa plantasyon. Mabilis lang din naman." "Plantasyon?" kuryosong tanong ko. "Katiwala kasi tayo anak ng mga Zarriaga sa plantasyon nila ng mga bulaklak." Zarriaga? "Ang mga Zarriaga ang isa sa pinakamayamang haciendero at pamilya rito sa Las Viejas. Ang kambal mong kaibigan ay mga anak nila." Tila nahulaan niya agad ang tanong sa isipan ko. Pero hindi ako makapaniwalang mayaman pala ang dalawang iyon. "Napakabait ng mga batang iyon hindi ko nga lubos maisip na naging malapit kayong magkakaibigan. Mula pagkabata hanggang ngayon hindi pa rin kayo mapaghiwalay na apat. Pati ang batang Saavedra." "Si Thirdy po?" tanong ko. Tumango siya. "Napakaswerte mo sa mga kaibigan mo. Kaya nga, panatag ako kapag papasok ka na dahil alam kong kasama mo naman sila." Yeah, Tulips is just so lucky to have a loving mom and three guy bestfriends. "Tara, sa baba anak. Magluluto na muna ako ng tanghalian natin." Bago pa siya tuluyang makalabas sa pintuan hinawakan ko na ang kamay niya para pigilan siya. "Pwede po ba akong sumama sa plantasyon, Nay?" agaran kong tanong. I wanted to see in my own eyes the beautiful flower plantation that I saw in Tulips memory. "Pero sabi ng doctor kailangan mong magpahinga." Inakbayan ko naman siya. "Ayos na po ako, Nay! Malakas na ako!" kumpyansang sabi ko at ipinapakita pa sa kanya muscle sa braso ko. Ngunit wala talagang makikita rito dahil patpatin ang katawan ng batang ito. Napailing-iling siya at tumawa. "Sige na po, pumayag ka na," pilit ko. "Oh siya, sige na nga." Pagsuko niya. Napangiti ako. Pagkatapos nga namin kumain ng tanghalian ay dumiretso na kami sa plantasyon. Nanatili akong nakatingin sa dinaraanan namin habang nakasakay sa tricycle. Nakakamangha, this small town is beautiful. I can feel the peace and warm vibes of this place. I hope, it is still is, even in 2030. "Wow!" namamanghang bulalas ko habang binubusog ang mga mata sa mga nakikita. There are a lot of flowers. Sobrang dami. This place is a paradise. "Anak, maglibot-libot ka na lang muna. Magdidilig lang ako." "Tulong po ako!" prisinta ko. Agad naman siyang umiling. "Marami kaming nagdidilig dito, anak. Saka, huwag mo munang pwersahin ang sarili mo." Pakiusap niya. "Okay po," malungkot kong sabi. Gusto ko kasi sanang i-try magdilig din dahil mukhang enjoyable ito. Lalo't ang daming bulaklak. Hinawakan niya naman ang kamay ko. "Anak, kapag malakas ka na kaya mo ng gawin 'yon. Kahit ilang ulit pa, pero ngayon huwag mo na." "Okay po, naiintindihan ko po," saad ko. Napangiti naman siya. "Mauna ka na, ipasyal mo ang sarili mo." tumango naman ako at nagsimula nang maglibot. Sa laki ng plantasyon, kung hindi ako nagkakamali mga dalawa o tatlong hektarya siguro ito. Marami pang mga bulaklak na nadadaanan ko na hindi pamilyar sa akin. Kung sana lang may cellphone ako para makunan ko ng litrato ang lahat ng magagandang bulaklak na nakikita ko ngayon. "Wow, green rose!" namamanghang sabi ko nang makita ito. Napakaraming nakatanim. This is an in demand flower in my flowershop but it's really hard for us to get many of these. So, it's always out of stock. Napakahirap kumuha ng ganitong bulaklak habang dito sobrang dami lang. Diretso lang ang paglalakad ko. Fascinating everything I'm seeing. Hindi ko na nga alam kung nasaan ako, tuluyan na akong napalayo sa entrance. Lumukob ang saya sa puso ko nang sa wakas makita ang bulaklak na kanina ko pa hinahanap. Bumilis ang paghakbang ko habang papalapit dito. Agad akong napangiti nang nanuot sa ilong ko ang napakabangong amoy nito. Bunch of many lavenders. Nagniningning ang mga mata ko habang nakatingin dito. Sa dami ng nakatanim tila nasa isang fairytale na lugar na ako. Parang katulad sa mga kwento ng mga babasahing pambata o storybooks. Na may isang prinsesang naliligaw sa ganito kagandang lugar at may biglang lilitaw na prinsipe. Kung ito ay nag-e-exist pa rin sa 2030. Siguradong isa na itong parte ng mga lavenders na sikat na prenup location. Hindi ko napigilan ang sarili ko at pumitas ng ilang piraso. Hindi ko man lang naitanong kay Nanay Daisy kung pwede akong pumitas pero hindi naman siguro masama kung kaunti lang. Limang piraso lang ang pinitas ko at tila adik ko pa itong inamoy-amoy. Napakabango talaga. Gusto ko rin ang amoy ng ibang bulaklak gaya ng rosas ngunit para sa akin ang amoy ng lavender, ang pinakamabango. These flowers always calms my nerves. This is heaven! Umupo ako at pinagmasdan ang mga ito. Nakakapanghinayang talaga, I can have an instagrammable pic here. Pero wala. Napabuntong-hininga ako. I should just enjoy this place. "Yes! Panalo ako, nandito ka lang pala!" Napalingon sa pinanggalingan ng boses. Si Ace na naman! "Sino nga naman mag-aakalang nandito ka? Hahaha, mabuti na lang napagtripan kung pumunta rito," napailing-iling niyang sabi at umupo sa tabi ko. "Bakit ba?" kuryosong tanong ko. "Nagpustahan kasi kami kung sinong unang makahanap sa 'yo, may premyo. Lagi ka naman namin nahahanap sa parte ng mga tulips at rosas, eh. Kaya panigurado doon naghanap 'yong dalawa. Mabuti na lang tinamad akong maghanap kaya rito ko natripan pumunta. Tapos, sakto nandito ka!" natatawang sabi niya. "Sinuwerte ka rin," natatawang saad ko. "This place is a paradise. Sobrang ganda!" Hindi ko maiwasang sabihin habang hindi nawawala ang pagkamangha ko. "Oo, para nga sa akin ito ang pinakamagandang parte ng plantasyon," pagsang-ayon niya. "Exactly! Ito ang pinakamaganda, mabuti nagtanim sila ng maraming lavenders. You know what, I always wish to go to place like this. Full of my favorite flower." Bigla ko tuloy naalala. Grant, promised me to marry me in a place full of lavenders. This place, is a perfect fit to be our wedding place but sadly, I know his promised will never come true. My dream wedding will never happen because... I already lost my groom. "Favorite mo ang lavenders? Akala ko ba Tulips kasi doon hinango ang pangalan mo. Ibang-iba ka na talaga, parang hindi ako sanay, tila ba ibang tao ka na at hindi ka namin kilala." Hindi talaga. Dahil hindi naman talaga ako si Tulips. Even the small details they know our difference. Mula pagkabata pa nila kilala ang isa't isa kaya kahit siguro magpanggap ako bilang Tulips. There will be still small details that will reveal our differences. Napabuntong-hininga ako at seryoso siyang nilingon. "Maniniwala ka ba sa akin kung sasabihin kong hindi ako si Tulips?" seryosong tanong ko. Mataman kong tiningnan ang magiging reaksyon niya. Napakunot-noo naman siya at bahagya pang natatawa. "Huh? Sige nga, kung hindi ka si Tulips, sino ka?" nakangising hamon niya. I smiled at him and formally extend my hand for a shake. "Hi! I'm Shannelle Mixcel Han. I came from the future, from year 2030 specifically." I know it's close to impossible that he will believe me but I think, there's nothing wrong if I try introducing myself. The real me behind this physical body.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD