"Hello, I'm Ace Shield Zarriaga. Nice meeting you," seryosong sabi niya at tinanggap ang kamay kong nakalahad.
Ilang sandali lang ay lumabas na ang kanina niya pa pinipigilang tawa. Napahawak pa siya sa tiyan sa katatawa.
"Tama na nga, ang biro mo Tulips! Nasobrahan ka lang siguro ng gamot sa hospital. Kaya kung ano-ano na pinagsasabi mo," natatawa pa ring sabi niya.
Napabuntonghininga ako. Gaya ng inaasahan ko hindi pa rin siya naniniwala sa akin.
"Saka saan mo nakuha ang pangalang iyon? Pero in fairness, maganda naman. Anong pangalan na kasi?" tila nang-iinis pang tanong niya.
Napairap ako. "Shannelle Mixcel Han," madiing sabi ko.
"Shannelle Mixcel Han..." ulit niya at hindi pa rin nawawala ang pagtaas ng sulok ng labi niya.
"Ang gandang pangalan naman parang pagmamay-ari ng isang dyosang babae. Kaya hindi bagay ang pangalan na 'yon sa iyo, Tulips!" Tawa siya nang tawa at tumayo na. Bahagya pang lumayo sa akin. Inaasahan sigurong hahabulin ko siya dahil sa pag-aasar niya.
Tumayo lang ako at walang emosyong pinapanood siyang tumawa.
It is strange that even the sound of his laugh is the same to Grant. He is completely the doppleganger of Grant.
Napatigil siya tila hindi inaasahan ang reaksyon ko.
"Hindi mo ako hahabulin?" nagtatakang tanong niya.
"Ano ako bata? Tsk!" Inirapan ko siya at nilagpasan na lang. Medyo natagalan na rin ako sa kakalibot kaya baka hinahanap na ako ni Nanay Daisy.
Diretso lang ako sa paglalakad. Malayo pala talaga ang parte ng lavenders. Halos sa kadulo-duluhang bahagi na pala iyon.
"Tulips! Hintay naman!" malakas na sigaw niya. Napatigil ako sa paglalakad at nilingon siya.
He is getting in my nerves. Naiinis ako sa kanya pero hindi ko alam kung dahil ba sa hindi siya naniniwala sa sinabi ko o dahil sa pagiging immature niya?
This is one of the things, I really hate about myself. I easily get irritated. So, unnatural for a psychologist like me that must have a long patience.
"Galit ka ba?" agad na tanong niya. Umiling na lamang ako. Ayaw kong makipag-away sa makulit na batang ito.
"Galit ka, eh!" Nanlaki ang mata ko sa gulat nang kilitiin niya ako.
"Ano ba?" inis na singhal ko. Humalakhak lang siya at muli akong kiniliti.
"Hindi ko naman sinabing pangit ka ah, at sa akin lang mapagkakamalan kang baliw sa pinagsasabi mo," nakangising sabi niya.
Pilit pa rin akong umiiwas sa kanya habang tuwang-tuwa siyang sinusundot-sundot ang tagiliran ko.
Nauubos na talaga ang pasensya ko.
Nang tatangkain pa niya ulit sana akong hawakan. Inunahan ko na siya. Sinalo ko ang kamay niya at mabilis na ipinaikot.
"Ah! Aray! Tulips!" sigaw niya. Hinawakan ko siya sa balikat at bumulong sa tenga niya habang pahigpit nang pahigpit ang pagkakahawak ko sa kamay niya.
"You looked like Grant but I'm beginning to hate the fact, that you got his face," naiinis kong bulong sa kanya.
"Ano bang pinagsasabi mo? Saka bitiwan mo ako! Aray! Mababali na ata!"
"Hindi nga ako si Tulips. Ang pangalan ko ay Shan!" sigaw ko sa tenga niya saka siya marahas na pinakawalan.
Napaupo siya at masama ang tingin na napatakip sa tenga niyang sinigawan ko. Kalaunan, hinaplos ang kamay na nasaktan.
"Ang sama mo Tulips!" nakangusong sigaw niya. Hindi ko mapigilang matawa sa itsura niya. Kalalaking tao tila batang inagawan ng candy.
"Kung hindi ka lang babae, papatulan talaga kita. Naging bully ka na!" Nginisihan ko lang siya. Nagbago na ang mood ko napalitan na ng tuwa ang kaninang inis ko.
I'm sure, Grant is proud of me. I'm using again my knowledge in self defense that he taught me.
"Nandito ka lang pala, Tulips!" masayang salubong nina Spade at Thirdy sa akin.
"Hinanap ka namin sa may parte ng mga tulips at rosas, pero wala ka doon. Saan ka ba pumunta?" nakakunot-noong tanong ni Spade.
"Sa may mga lavenders," sagot ko.
Napansin ko rin na may hawak siyang bagong pitas na tulips at rosas.
"Para sa 'yo nga pala, alam ko paborito mo 'yan," nakangiting sabi niya sabay abot.
Naiilang akong ngumiti at tinanggap na lamang ito. "Salamat."
"Oh, anong nangyari sa 'yo, Ace?" Napalingon kami. Inalalayan na ngayong tumayo ni Thirdy si Ace.
Habang sobrang sama ng tingin na ipinupukol niya sa akin. Maamo ko naman siyang matamis na nginitian.
"Kasalanan ni Tulips, pinilayan niya ang kamay ko. Ang sakit..." tila batang sumbong niya.
"Huh? Si Tulips? Paano niya magagawa 'yon? Eh, napakahinhin niya," hindi makapaniwang sabi ni Thirdy.
"Oo nga, baka nadapa ka lang Ace, ayaw mo lang aminin," pagsang-ayon ni Spade. Lalong lumaki ang ngisi ko.
Nakita niya ito kaya lalo siyang napasimangot at sinamaan ako ng tingin.
"Gago! Mukha ba akong nagsisinungaling?" Napagulo pa siya sa buhok sa sobrang iritasyon. "At 'yang babaeng 'yan, mukhang hindi nga 'yan si Tulips!" Sabay turo niya pa sa akin.
Binelatan ko naman siya kaya lalong umusok ang ilong niya. "Kita niyo 'yun? Hindi siya si Tulips kasi ang kilala kong Tulips mabait at hindi nananakit!"
Lumalabas ang pagiging isip-bata ko nito. Ang sarap niya pa lang asarin.
"Ace, hindi ba may amnesia siya kaya ganoon. Talagang may pagbabago sa ugali niya. Hindi ka kasi nakikinig noong nagpapaliwanag si doc," sermon sa kanya ni Spade.
"Pero, inamin niya kanina sa akin na hindi siya si Tulips, Shannelle raw ang pangalan niya!" Lihim akong napangisi. Now, you remember my name.
Parehong napailing-iling ang dalawa.
Hinila na siya ni Thirdy. "Tara na nga lang! Ihatid na kita sa inyo. Masyado mo yata talaga dinamdam ang nakuha mong 0 sa El Fili."
Binatukan niya ito. "Gago! Maniwala kasi kayo sa akin!" Todo palag pa siya habang patuloy na hinihila ni Thirdy.
Hinarap ako ni Spade. "Pasensya ka na sa kanya, ah. Isip bata lang talaga iyon, masasanay ka rin."
"Hindi, okay lang," matipid kong sabi. Pareho ulit kaming napalingon sa direksyon nila Ace nang marinig ang histerikal at malakas niyang pagsigaw.
"Nay Daisy! Ipunta mo po sa albularyo si Tulips! Sinapian siya ng masamang espiritu!" Nanlaki ang mata ko nang isigaw niya 'yon nang makita si Nanay Daisy na palapit na sa akin.
Napabuntong-hininga na lang si Spade sa tabi ko.
Nakakunot-noo si Nanay nang makalapit na sa akin. "Pinagsasabi ng batang iyon?" tanong niya.
"Huwag niyo na lang po 'yung pansinin. Tara, ihatid ko na po kayo," anyaya ni Spade.
"Naku, hijo! Hindi na, nakakahiya naman."
"Okay lang po, dala ko naman 'yung kotse,'' pilit niya.
"Hindi na hijo, at saka nandyan na 'yung inarkila kong tricycle na sasakyan namin pauwi," agad na tanggi ni Nanay. Sakto natanaw na namin ang tricycle na sinakyan namin kanina.
"Ay sige po kung ganoon. Alis na rin ako, bye Tulips!" Kumaway na lang ako.
Nauna lang si Spade umalis nang ilang minuto bago kami.
"Anak, okay ka na ba talagang pumasok bukas?" Pang-ilang beses ng tanong ni Nanay. Katatapos lang naming kumain at kasalukuyang naghuhugas ng pinggan.
"Opo, ayos na nga ako, nay. Huwag na po kayo mag-alala sa akin. At saka, kasama ko naman 'yong tatlo, eh." Pagtitiyak ko. Napabuntong-hininga siya.
"Basta, kapag sumakit ang ulo mo. Sabihin mo sa akin at sasamahan ulit kita sa hospital." Tumango ako.
NAKATANAW ako sa bintana at pinagmamasdan ang bilog na buwan at maraming bituin sa kalangitan. Hindi pa kasi ako makatulog, siguro dahil namamahay din.
Dapat nga ay maaga akong matutulog dahil papasok na ako bukas pero heto ako nanatiling gising na gising.
Natapos ko na rin basahin ang notes na binigay ni Spade. Mukhang sasabak na naman ako sa mga madugong math subjects.
Ayaw na ayaw kong mag-aral pero heto ako ngayon mararanasan ko na naman ulit.
Napabuntong-hininga ako at tinanaw na lang muli ang kalangitan hanggang sa may sumagi na naman sa isipan kong masayang alaala.
"Grant, I can't sleep can you tell me a story," malambing kong sabi habang nakahiga ako sa mga binti niya. Nandito kasi kami sa rooftop ng apartment niya at kanina pa nagbibilang ng mga bituin.
"Ano bang klaseng story ang gusto mo?" tanong niya.
"Kahit ano," sagot ko habang hindi ko pa rin maialis ang mga mata ko sa mukha niya.
Kahit ilang taon na kaming magkarelasyon. Hindi pa rin nababawasan ang paghanga at pagkahumaling ko sa mukha niya.
His face is just so charming and irresistible.
"Okay, love. Do you know stars have a certain love stories too?" tanong niya. Nabuhay naman ang dugo ko. I haven't read or heard a*********s about stars. Kaya nakuha niya kaagad ang atensyon ko.
"Really?"
"Let me share you one, it is about the story of Altair and Vega. Have you heard about it?" Napailing-iling naman ako.
"No, wala pa akong nabasang kwento tungkol sa mga stars."
"Okay, I will start." Nakangiting nag-thumps up naman ako.
"Princess Vega was a celestial princess who fell in love to a mortal named Altair. They are happily inlove, not until Princess Vegas father finds out about their relationship, he is enraged that her daughter just fell into a mere mortal but upon knowing that Vega promised Altair that she will bring him up to the heaven with her."
"Are you asleep, now?" malambing niyang tanong at hinalikan ang nakanguso kong labi.
Napahawak ako sa braso niya at lalong ngumuso. Natawa siya at muli'y hinalikan ako. "Not yet, please continue," pa-cute kong sabi na tila bata.
Napangisi naman siya kaya lalong lumitaw ang magkabilang biloy niya na gustong-gusto kong nakikita.
"In the most cruel way, he granted it. The two lovers was placed in the sky as stars. Yet while they were both in the heavens, they were not together. The great Celestial River or milky way separated them."
Nakasimangot naman akong biglang bumangon. "Ang lungkot naman niyan!" reklamo ko.
Napahalakhak naman siya at napailing-iling sa reaksyon ko. "Itutuloy ko pa ba?" natatawa pa ring tanong niya.
"Syempre! Nakuha na interes ko, eh! Saka gising na gising pa rin ako," naiinis ng sabi ko.
"Okay, serious na." Pilit niyang pinapakalma ang sarili para hindi tuluyang matawa ulit dahil sa pag-irap ko.
"Yet each year, on the 7th night of the 7th moon, a bridge of magpies forms across the Celestial River. Though it would be for one night a year the two lovers are reunited as Altair dares to travel to his beloved."
"Sweet, Altair really love Vega.'' Napangiti na ako. I think I can sleep soundly tonight because of the way the story ended.
Hinawakan niya ang mukha ko at hinarap sa kanya. "Yeah, and like Altair even galaxy will take us apart. I will do everything to be back in your arms again."
"Promise?" nakangusong tanong ko.
"Promise," nakangiting sabi niya at hinalikan ang noo ko. "I love you, my love," bulong niya bago ako masuyong hinalikan sa labi.
Why every time I misses him? I always remember those moments that he is making promises.
Promises that he left unfulfilled.
I never thought, even that sad story. I still can't help but to feel the heavy envy in my chest.
Because Altair and Vega separated but can still reunited even just once a year.
Not like us.
That will never meet again.