Chapter 11

2700 Words
"Anak, ito pala ang cellphone mo. Nakalimutan kong ibigay sa 'yo kagabi." Nalipat ang tingin ko sa iniaabot na cellphone ni Nanay. As expected, isa itong Nokia keypad phone. The usual, famous cellphone in this year as I remembered when I was a kid. "Salamat po," sabi ko at kinuha ito. Natapos na akong magpalit at nagsusuklay na lang ng buhok. Mga alas singko pa lang kanina ay ginising na ako ni Nanay kaya nauna na akong kumain bago naligo. "Alis na po ako!" Paalam ko at sumakay na sa bisikleta ni Tulips. Mabuti na lang marunong ako nito kahit paano. "Mag-ingat ka, anak." "Opo!" sigaw ko pabalik at kumaway. Ayon kay Nanay Daisy, dito sa Las Viejas iisa lang ang malapit na eskwelahan. Ito ang Clarkson Academy, halos lahat daw ng nag-aaral dito ay mayayaman kaya masuwerte raw ako dahil scholar ako. Mabuti nga at napakiusapan ni Nanay ang principal ng Clarkson na pwede pa rin akong pumasok kahit halos dalawang linggo na akong absent dahil nga sa nangyari kay Tulips na aksidente. Ang nagmamay-ari sa eskwelahan din ay isang environmental advocate kaya nga ang main transportasyon ng mga studyante ay bisikleta. Pinapayagan lang daw ang kotse kapag masyadong malayo ang lugar ng estudyante. Palabas na ako sa street namin nang makita ang tatlong lalaking nag-aabang sa akin. Sinabi rin ni Nanay Daisy na rito talaga sa parteng ito naghihintay sila kay Tulips. Hindi ko nga inaasahang sumama at sasabay rin si Ace dahil sa nangyari kahapon. Pero nang magsalubong ang mga mata namin ay masungit siyang umiwas ng tingin habang palapit ako sa kanila. May nakasuot na headphones sa tenga niya na nakasaksak sa isang parisukat na bagay. Hindi ito pamilyar sa akin. "Good morning, Tulips!" masayang bati ni Thirdy. "Good morning din!" bati ko. Matipid naman akong nginitian ni Spade. "Wow, himala nakatirintas ka? Pero bagay rin naman sa 'yo kasi kita na mukha mo. Dati kasi lagi kang nakalugay na halos natatakpan na mukha mo," puna ni Thirdy kaya may nalaman na naman akong pagkakaiba namin ni Tulips. Mahaba kasi ang buhok niya kaya kung nakalugay ako. Sobrang init. "Hindi ka ba nag-aalala? Baka hindi na maging straight lahat buhok mo?" tanong ni Spade. "Hindi naman siguro, saka mainit kasi kung nakalugay ako," sagot ko. Kita ko ang sandaling gulat na dumaan sa mga mata niya. Big deal ba talaga na dapat nakalugay ako? Kaso mainit, eh. Nakahinga lang ako nang magyaya na si Thirdy na umalis na kami dahil baka malate pa kami. Nauuna ang tahimik na si Ace at nahuhuli naman ako. Kuryoso akong nakatingin sa parisukat na bagay na hawak niya. Ano kaya 'yun? Klase rin kaya ito ng lumang cellphones. Nawala lang ang atensyon ko rito nang nasa gate na kami ng eskwelahan. Namamangha ako sa ganda ng European inspired style na estruktura nito. Very classy and sophisticated. Hindi ko rin mapigilang pagmasdan ang tila langgam na pagdami ng mga estudyanteng pumapasok. It feels surreal that I will be back to school and study again. Ini-scan muna namin ang kanya-kanyang student IDs bago tuluyang nakapasok sa gate. Lalo akong namangha nang makarating kami sa parking lot ng school. May designated part nga ang mga bisikleta at kahit ang dami ngang nakahilerang iba't-ibang klase bisikleta, organisado pa rin ito dahil sa bawat year level kung saan ka napapabilang ay doon lamang dapat iparada ang iyong bisikleta. "Dito muna lang sa tabi ko, iparada yan," sabi ni Spade. "Nakareserve na kay Mandy yang sa tabi mo, Spade," sabat naman ni Ace. Nagbago naman ang timpla ng mukha ni Spade. Halata ang sobrang inis. "Akin na, dito na lang sa tabi ko," sabi ni Ace at masungit na basta na lang hinila ang bike ko. "Pero naka-reserve na rin ata 'yan," sabi ko dahil may nakalagay na ring reserve doon pero ngumisi lang siya at walang habas na sinipa ito. "Wala akong pake, dapat wala naman talagang magtatabi ng bike sa akin," masungit niyang sabi at nakapamulsang naglakad na. "Pagpasensyahan mo na siya Tulips, mukhang inis pa rin 'yan sa 'yo. Mahirap pa naman 'yan suyuin, isip-bata kasi!" napailing-iling pang sabi ni Thirdy. Sumunod na rin kami. May flag ceremony pa raw, eh. Habang naglalakad kami sa school napansin ko ang palihim na pagnanakaw tingin ng ilang babaeng estudyante sa dalawang lalaking kasama ko. Hindi naman kasi maipagkakailang may mga itsura sila. Bukod sa gwapo ay agaw pansin din ang angking tangkad nila. Thirdy has a boy next door aura. He has a very charming eyes and sweet smile. He is also very masculine for his age. Spade on the other hand, is like an ideal genius guy with his thick eyeglasses it adds more sexiness in him. He looked very rough and serious. While Ace, nevermind. Just a random guy who completely has the looked of Grant, that is the thing I really hate. He got all his qualities, deep cute dimples, sleepy eyes and even his boyish smirk. "Spade, baby!" Napaatras pa ako nang may biglang lumitaw na babae. Tinangka niya pang halikan sa pisngi si Spade pero agaran naman niya itong naiwas. Maganda naman ito at papasang model dahil sa ganda ng katawan at tangkad. Mukha ring mayaman. Nilingon ko si Thirdy at nahuli kong napapailing-iling sa tabi ko at hindi maipinta ang mukha sa nakita. "Sino yan, girlfriend ni Spade?" mahinang bulong ko kay Thirdy. I thought he likes Tulips, or it's just the way he acts towards her and no deeper meaning. Hindi ko maintindihan ang mga kabataan noon. May mga pa fall na rin pala. "Hindi niya yan girlfriend, Tulips. Hay, basta, mahirap ipaliwanag. Tara na nga lang!" Hinila na lang niya ako. Habang si Spade ay tila may gustong sabihin sa akin pero hindi na niya itinuloy. I feel bad for Tulips if ever they have a mutual feelings with each other. "Thirdy, may gusto akong itanong sa 'yo." "Ano 'yon?" tanong niya at bahagya nang bumagal ang paglalakad. Malapit naman na kasi kami sa dinarausan ng flag ceremony. "Gaano mo na kakilala kaming tatlo?" tanong ko. "At paano tayo naging malapit sa isat-isa?" kuryosong tanong ko. Napatawa naman siya. "Grade six ako, noong makilala ko kayo dahil kay Ace. Transferee kasi ako noon, baguhan dito kaya napagdiskitahang i-bully tapos dumating si Ace haha. Akala mo kung sinong superhero na ipinagtatanggol ako kaso ang liit-liit din niya kaya ang ending. Nabugbog din ang gago kaya pareho kaming maraming pasa 'nun." Napangiti naman ako. They have a beautiful memories of meeting each other. "Tapos, ipinakilala na niya kayong dalawa ni Spade at mula noon hindi na tayo mapaghiwalay na apat." "But among the three of us, you're more to close to Ace, right?" tanong ko na hinaluan ko ng panunukso. "Ang gagong 'yun, hindi ah!" nakangusong tanggi niya. "Talaga? Sino den?" Hindi pa rin nawawala ang panunukso ko. Ngumiti naman siya at sumuko na. "Sige na, si Ace na." Napailing-iling ako at natawa. "Mahirap pakisamahan si Ace, isip-bata, seloso, tampuhin, at kapag may gusto siya. Gusto niya nakukuha na niya kaagad at ayaw paghirapan. Pero kahit ganoon ang ugali niya, totoo siyang tao. Hindi siya takot magsabi nang hinaing niya at wala siyang pakialam sa sasabihin ng iba. Makikipagpatayan siya para maipagtanggol ang mga malapit sa kanya." Lumaki ang ngiti ko. Their friendship is on different level, I think something that is so strong that can't easily break no matter what. "You have an ideal friendship, Tulips is so lucky to have you in her life." Ngayon ko lang na realize na sobrang boring ng buhay ko noong highschool ko. Puro aral lang noon at dahil hindi ako masyadong nakikipagkaibigan. Lagi lang noon akong mag-isa. Naging makulay lang naman ang buhay ko nang magcollege na at nakilala ko na si Grant. "What did you say? Eh, ikaw naman si Tulips." Napailing lang ako at matipid na ngumiti. Saka tumakbo na at dumiretso na sa line formation. Nakilinya ako sa mga babaeng katapat ng linya ni Ace pero nagulat ako nang basta na lang niya akong hinila. "Hindi diyan, dito sa kabila," masungit niyang sabi. "Ah, okay thanks," sabi ko pero tila hindi niya 'yun narinig at tumingin na lamang sa harapan. Habang nakakunot-noo pa rin at mukhang malalim ang iniisip ni Thirdy nang sa wakas ay tumabi na kay Ace. Nang makitang tinitignan ko siya ay tila gusto ulit magtanong pero dumating na ang isa sa mga teacher at nagbibilang ng mga estudyante kaya napatingin na ako sa harapan. Napatigil ito nang makarating sa tapat ko. "Oh, it's good you're finally here Ms. Lee, are you okay now?" tanong nito. "Opo, Ma'am," sagot ko. "Try to cope up to your subjects, ah," seryosong paalala niya. Tumango na lamang ako. Malapit na matapos ang flag ceremony nang dumating si Spade. Nakita ko dahil sa peripheral vision ko. Nakilinya siya sa katapat kong linya sa kabila. Hindi ba sila magkaklase nina Ace? Nang matapos na ang flag ceremony ay agad na akong lumapit sa direksyon noong tatlo. Hindi ko naman kasi alam kung nasaan ang room namin. Basta ang alam ko lang, pareho-pareho na silang 4th year highschool nina Tulips. "Sama na ako sa inyo, hindi ko alam kung saan ang room, eh," sabi ko. "Kay Spade ka sumabay Tulips kayo ang magkaklase," saad ni Thirdy. Kaya pala sa iba siya nakilinya kanina. "Tara na," matipid kong nginitian si Spade. Pero bago pa kami tuluyang makalayo may sumigaw na sa pangalan ko. "Ms. Tulips Lee!" Napalingon kami. "Bakit po?" magalang kong tanong. Base sa uniporme niya ay isa ito sa mga teacher pero mukhang baguhan pa lang dahil batang-bata pa. Mukhang mas matanda pa ako sa kanya. "Ngayon ko lang nalaman na pumasok ka na. Gusto ko lang sabihin na nailipat ka ng section kaya hindi ka na sa first section. Sa 2nd section ka na at ako ang magiging adviser mo," paliwanag niya. Oh, first section? Kung ganoon matalino nga pala talaga si Tulips. "Ibig sabihin, magiging kaklase ka namin Tulips!" masayang sigaw ni Thirdy. Napangiti naman ako sa sinabi ni Thirdy. Atleast magiging kaklase ko naman sila. "Ah, okay po salamat," nakangiting sabi ko. Sumabay na rin si Ma'am Velasquez sa amin, Araling Panlipunan teacher daw pala namin siya. Isang fresh graduate pero board passer na kaya nakuha agad. Nilingon ko si Spade nang mapansin kong nanatili siyang tahimik at malalim ang iniisip. "Pwede ba tayong mag-usap? Mabilis lang," sabi niya nang malapit na kami sa mga rooms. Nagpaalam ako kay Ma'am at sa dalawa saka sumunod sa kanya. "Anong sasabihin mo?" tanong ko. "Gusto ko lang linawin, hindi ko girlfriend si Mandy. Iyong nakita mo kanina, hindi ko alam kung bakit niya ginawa iyon." Nanlaki ang mata ko nang hinawakan niya ang kamay ko. "Ikaw ang gusto ko Tulips alam mo naman 'yun at bago ka pa naman magka-amnesia umamin na ako sa 'yo." Ramdam ko ang pagmamakaawa niyang paniwalaan ko siya sa tono pa lang ng boses niya. Ano ba naman ito? Nasangkot pa ako rito. Ako ang maiipit nito, eh! Ano naman pake ko sa love affairs ni Tulips? Ang hirap kasi nakikigamit lang ako ng katawan at hindi ko alam ang totoong nararamdaman ni Tulips. Kung gusto niya rin si Spade? Paano kung hindi pala? Naiilang akong ngumiti. "Hindi ko alam, Spade. Pasensya ka na, alam mo namang wala akong maalala. Kaya hindi ko alam kung anong tamang sasabihin ko," malungkot kong sabi. Hindi pwedeng magpadalos-dalos ako. Hindi porket nababaitan ako kay Spade ay makikialam na ako at bibigyan siya ng senyales para umasa. Lalo't wala akong karapatan sa katawang ito. I thought my present life without Grant is already a headache. Pero mukhang mas masakit sa ulo ang daranasin ko rito. Ang daming involved na tao sa buhay ni Tulips isang maling desisyon ko lang, maapektuhan na siya ng husto. And until now, I don't know if I have the ability to affect and change the future of these people because of my presence here. I think it's better that I go back. Sana makabalik na ako sa madaling panahon. "Naiintindihan ko Tulips, pero gusto ko lang sabihin 'yun sa 'yo para malinawan ka at hindi ka mag-isip na baka hindi nga ako seryoso sa 'yo." I don't know, kung maniniwala ba ako sa pinagsasabi niya? Ang mahirap kasi kay Spade ang hirap niyang basahin. He has this cold facade that too much for everyone to read. Kahit nakangiti siya ay hindi ko alam kung totoo talaga ito dahil minsan hindi umaabot sa mga mata niya. His eyes completely covered him to not show his real emotions. "Salamat, sige mauna na ako." Paalam ko at mabilis nang tumakbo papunta sa rooms. Sinisilip ko ang bawat rooms na madadaanan ko dahil hindi ko nakita kung saan pumasok 'yung dalawa. "Dito, Tulips!" Napangiti ako nang makita si Thirdy na nakatayo sa labas ng isang room at mukhang hinintay nga ako. "Pasok ka na bilis!" sabi niya. Dahan-dahan akong pumasok. Napalingon naman sa akin si Ma'am Velasquez. "Okay, class. You have a new classmate. Naaksidente kasi siya kaya ngayon lang siya nakapasok. Magpakilala ka na, hija," masayang sabi niya. Nilibot ko ang tingin sa buong klase at lahat naman sila ay nakatingin sa akin. Siguro nasa mga 25 to 30 ang karami ng estudyante. Pumunta na ako sa harapan. "Hi, I'm Rose Tulips Lee! 16 years old of age. Nice to meet you, hope we can all be friends!" Maikling pagpapakilala ko. "Class, anong sasabihin niyo sa kanya?" "Nice to meet you, Tulips!" Iba't ibang reaksyon ang binigay nilang pagbati. Some sound so bored, some are excited and happy while others are just purely lazy greetings. "Ms. Lee, sa bakanteng upuan sa tabi ni Mr. Zarriaga ka na lang umupo." Tumango ako at dumiretso na sa may bandang dulo kung saan katabi ng upuan ni Ace. Nang makita ako ni Thirdy ay nag goodluck sign pa ito at nginuso si Ace. Na may kung anong sinusulat sa notebook. Magkalayo pala sila ng upuan. Kaya pala, mababa ang nakukuhang grades ni Ace. Panigurado, hindi nakakakopya ito. Tsk, kailangan ko ba talagang suyuin itong isip batang 'to? "Uy, Ace sorry pala kahapon," sabi ko. Pero tila hindi niya ako narinig. Hinawakan ko ang braso niya para pansinin ako pero mabilis niya itong tinanggal tila takot at mabilis na hinila ang upuan niya para makalayo sa akin. Gago ba ito? Ang arte naman! Napasimangot ako. Rinig ko ang mahinang pagtawa ni Thirdy. Mukhang nakita ang ginawa nitong isip-batang kaibigan niya. Tumingin na lang ako sa harapan at nakinig na lang sa itinuturo ni Ma'am Velasquez. Bahala siya. Nagtake down notes na rin ako. Para hindi ko makalimutan ang mga lessons. Habang nandito ako sa katawan ni Tulips kailangan hindi ko pabayaan ang grades niya. Kahit na sa totoo lang tinatamad na akong mag-aral. Dahil puro aral na ang ginawa ko noong highschool ako. Dahil sa sobrang pokus ko sa pakikinig at pagsusulat. Hindi ko napansin ang oras hanggang marinig ko na lang ang pagtunog ng school bell hudyat na recess time na. "Tara na, Tulips!" Agad na yaya ni Thirdy. "Teka, ayusin ko lang gamit ko," sabi ko. Pero nagulat ako nang bago ko tuluyang maisara ang notebook ko upang ipasok sa bag ay kinuha na niya ito. Nakakunot-noo siya at inilapit pa ang mukha sa notebook ko tila isang eksperimento. "Akin na yan! Ano bang tinitingnan mo?" tanong ko at pilit kinukuha ito mula sa kanya. Pero bago ko pa makuha ay may umagaw na nito. Nilingon ko si Ace. Katulad ni Thirdy ay napakunot-noo rin ito at marahas na inililipat ang bawat pahina ng notebook ko. Unti-unting kong naintindihan kong anong tinitingnan nila. Ang mga sinulat ko. They are checking my penmanship! Nagsimula na akong kabahan nang magkatinginan sila at tila nagkakaintindihan kahit na walang lumalabas na salita. Napaatras ako nang sabay silang humakbang palapit sa akin. Hanggang sa tuluyang mapasandal na ako sa blackboard. Kami na lang tatlo ang naiwan dito sa room kaya mukhang wala na akong rason para makatakas pa. "Hindi ka talaga si Tulips, no? Sabihin mo, sino ka?" madiing tanong ni Thirdy. Maniniwala na ba sila sa akin kapag sinabi ko ang totoo? Sana nga. Para kahit paano, maramdaman ko namang malaya ako.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD