Chapter 12

2270 Words
"Ako nga, si Shannelle Mixcel Han," sagot ko. "Shannelle?" nakakunot-noong tanong ni Thirdy. "Oh, 'di ba tama ako? Iyan din sinabi niyang pangalan sa akin kahapon," nakahalukipkip na sabi ni Ace. Napahilamos si Thirdy sa mukha at tila hindi pa rin makapaniwala. "Paano ka napunta sa katawan ni Tulips?" tanong niya. "Ah! Totoo ba talaga 'to? Nakababaliw na talaga!" inis niyang sigaw at panay na ang pabalik-balik ng lakad ngayon. Napabuntong-hininga ako. Yeah, it's really unbelievable but it happened. "Hindi ko alam, basta nang magising ako sa hospital nagulat ako na nasa ibang katawan na ako at ibang mundo," paliwanag ko. "Ibang mundo?" Tiningnan niya ako na tila ako na, ang nababaliw ngayon. "Ilang ulit ko nang sinabi pati sa hospital, na galing akong taong 2030 at hindi ko alam kung bakit bumalik ako sa 2005." Napangiwi siya. "So, sinasabi mo galing kang future? Paano namang mangyayari 'yon?" tanong niya. "Oo nga! Mas maniniwala pa yata ako kung sasabihin mong ligaw na kaluluwa ka," dagdag ni Ace. Napahinga ako nang malalim para pigilan ang inis. Ginawa pa akong ligaw na kaluluwa! Umupo muna ako dahil nangangalay na akong nakatayo. "Look, kids! Listen, okay? Let me talk first." Ginamit ko na ang pormal kong pakikipag-usap sa mga bata. Nanlaki pa ang mga mata ni Thirdy sa narinig pati si Ace na parang magpoprotesta pa pero pinigilan na lang ang sariling magsalita at tumango. "I'm telling the truth, I'm from the future." Humugot muna ako nang malalim na hininga. "And I'm not a f*****g student anymore. I'm already on my right age. I'm a 30 years old independent woman, who is a registered psychologist, a part time writer, and managing a flowershop." I'm not bragging. I just wanted them to realise that I'm not just a simply ordinary student like them. "I don't really know, what kind of sorcery that I came back here. In fact, I don't like here! I'm a busy person. I really wanted to go back, but I don't know how." Malakas akong napabuntong-hininga. "Tapos na akong magpaliwanag. Bahala na kayo, kung ayaw niyo pa rin akong paniwalaan." Tiningnan ko ang reaksyon nila. Tila, hindi pa rin ma-absorb ng utak nila ang mga sinabi ko. Nanatili silang tahimik. "Teka, teka lang! 30 years old ka na, po?" Tila hindi matanggap ni Thirdy ito at naiilang na dinagdag pa ang 'po' Natawa naman ako at tumango. Napagulo siya sa buhok. "Ang tanda mo na po pala. Tapos, ang ewan lang, nasa katawan ka ni Tulips." Tumango ako. "Oo nga, eh." Nilipat ko ang tingin kay Ace pero nanatili pa rin itong tahimik at halatang may malalim na iniisip. Hindi na rin kami nakapag-usap pa dahil dumating na ilang kaklase namin at nagtuloy-tuloy na ang klase. Inaayos ko na ang mga gamit ko nang lumapit si Ace sa upuan ni Thirdy at may binulong dito. Malayo sila kaya ipinagsawalang bahala ko na lang ang usapan nila. "Tara na po," yaya ni Thirdy. Naiilang pa siyang napakamot sa ulo. Napangiti ako. "You can still call me Tulips, para hindi naman magtaka ang ibang tao kapag pino 'po' mo ako," sabi ko. "Ah, okay," sagot niya. Medyo magaan na rin ang loob ko dahil mukhang naniniwala na rin sila sa akin. Lalo na si Thirdy. "Bakit dito tayo dadaan?" tanong ko nang inaakay nila ako padiretso sa kabilang hagdanan. "Ah, mas malapit kasi ito sa parking lot," sagot ni Thirdy. "Eh, si Spade? Baka, hinihintay tayo noon sa room," "Hindi 'yon, nahuhuli naman laging lumabas 'yon kasi class president siya kaya mauna na tayo umuwi," paliwanag ni Thirdy. Kami nga ang pinakaunang klaseng pinauwi sa 4th year mukhang ang first section ay lagi ngang nahuhuli. Wala pang bawas ang mga bisikletang nakaparada sa area nila. "Ah, baka gusto mo pong sumama sa amin tutal maaga pa naman," yaya ni Ace. Nagulat pa ako dahil ngayon lang siya nagsalita at himalang ang galang pa. "Saan ba kayo pupunta?" tanong ko. "Doon po sa tambayan namin nila Tulips, sa may hacienda. May mga kabayo din doon," paliwanag ni Thirdy. Nakuha naman nito ang interes ko. Matagal ko na rin gustong sumakay ulit ng kabayo. Ang huling pagsakay ko kasi ay noong pumunta kaming namasyal ni Grant sa Baguio. "Okay, pero i-text ko lang muna si nanay para makapagpaalam ako," sabi ko. Tumango naman sila. Kinuha ko ang keypad na cellphone sa bag ko. Pero ilang sandali lang akong napatitig dito. Shit! Hindi ko nga pala alam paano gamitin ito. Hindi ko naman kasi naranasang gumamit ng ganitong cellphone dahil ang unang nabiling cellphone sa akin ay touchscreen na. "Bakit, may problema po ba?" kuryosong tanong ni Thirdy. Napansin na siguro ang pagtitig ko lang dito. Ni hindi ko nga alam kung anong pipindutin para buksan. Naiilang akong ngimiti. "Hindi ko alam kung paano gamitin, eh," sabi ko. Nanlaki naman ang mata niya. I may looked so stupid now. "Hindi na kasi sikat ang ganyang klaseng phones sa 2030, puro touchscreens na," paliwanag ko. Para isalba naman ako kahit paano sa kahihiyan. "Ah, okay. Ako na po." Sabay kuha ni Thirdy at siya na mismo ang nagkalikot habang tinitingnan ko naman ang mga buttons na pinindot niya. "Tapos na," nakangiting sabi niya nang siya na mismo ang nagtipa ng mensahe kay Nanay. Napangiti ako. "Thanks!" "Tara na!" yaya ni Ace at tila nagmamadali kaya sumunod na rin kami. Marami na rin kasing mga estudyanteng naglalabasan. Napangiti ako dahil ang sarap ng hangin sa paligid. Hindi pa kasi ganoon karami ang mga sasakyang dumadaan dito. Mas marami ang gumagamit ng bisikleta kaya pollution free pa. "Ang sarap ng hangin!" masayang sigaw ko. "Bakit sa future po, ganito pa rin ba?" biglaang tanong ni Thirdy. Napailing naman ako. "Sad is, hindi na. Lalo kung nasa city ka nakatira. 2030, is so modernized and high-tech technology all over. Wala ka nang malalanghap na ganito kasariwang hangin dahil puro usok na nagmumula sa samut-saring mga sasakyan," sabi ko. "Ay, ang pangit din naman pala sa future," aniya. Napatango ako. Nalipat ang tingin ko sa nauunang si Ace. May nakasuot ulit na headset sa tenga niya at hawak na naman ang parisukat na bagay na kuryosong tinitingnan ko kanina. "Nga pala Thirdy, anong tawag diyan sa hawak ni Ace?" tanong ko. "Ah, yan. Walkman, ang tawag diyan." "Walkman..." ulit ko at pilit inaalala kung alam ko ba ang bagay na iyon pero hindi talaga. "Wala ba niyan sa future?" tanong niya. "Hindi ko sigurado eh, siguro meron pa rin naman pero hindi na kasikatan at wala nang gumagamit kaya hindi ako pamilyar sa bagay na iyan," sagot ko. Napatango-tango naman siya. "Ano pa lang gamit niyan?" tanong ko. "Ginagamit yan, para makinig ng music. Maraming lamang songs ang disk niyan. Pwede rin yan gamitin para sa mga documents sa computer." Napatango-tango ako. "New release nga lang na brand yan kaya binili kaagad ni Ace dahil maganda raw." "Bakit hindi ka bumili?" tanong ko. Napakamot naman siya sa batok. "Hindi naman ako mahilig sa music katulad ni Ace." Mahilig sa music si Ace. Malungkot akong napangiti. Grant, loves music too. He loves to sing and sometimes he even wrote a song for me. Inalis ko ang lungkot na lumukod sa loob ko at pilit na itinuon na lamang ang atensyon sa dinaraanan namin. "Malayo pa ba?" tanong ko. Nang maramdaman ko na ang p*******t ng paa ko sa kakapadyak. Hindi pa naman ako masyadong sanay magbisikleta. "Malapit na po!" Ang laki ng ngiti ni Ace na lumingon sa akin. He is weird. A kind of bipolar. Napakunot-noo ako nang marating na namin ang maluwang na espasyo at natatanaw na mula rito ang mga bundok. Oo, may dalawang kabayo akong nakitang kumakain sa may damuhan pero mukhang hindi naman ito mukhang hacienda. Oh, ito na talaga ang hacienda? At iba lang ang inaasahan kong hitsura. Tumigil kami at ipinarada muna ang mga bisikleta bago sumunod kay Ace na naglalakad, diretso sa maliit na kubong gawa sa kawayan at pawid. Kinatok ito ni Ace. "Tatang Kulas! Nandito po ba kayo?" Patuloy lang siya sa malakas na pagkatok. Nilingon ko si Thirdy. "Sino ba iyon? Bakit kailangan pa niyang katukin?" naguguluhan kong tanong. Napabuntong-hininga naman si Thirdy at pilit na ngumiti. "Albularyo." Nanlaki ang mga mata ko kasabay nang paglingas ng galit sa dibdib ko. "Hindi pa rin kayo naniniwala sa akin?" malakas kong sigaw sa sobrang galit. These kids! Nagpanggap lang ba silang naniniwala sa akin kanina? Napaiwas ng tingin si Thirdy. "Ideya ito ni Ace, kasi napakaimposible talagang nangaling ka sa future baka ligaw na kaluluwa ka talaga at wala lang maalala," sabi niya. Bwisit! Sa dami ng kwento ko kanina about sa future hindi pala siya naniniwala? Tangina! "Ah! I shouldn't trusted you!" sigaw ko at nagmamadaling pabalik sa bisikleta ko. Uuwi na lang ako kahit hindi ko kabisado ang lugar. Basta makaalis lang ako sa bwisit na lugar na ito! I can't believe, niloko ako ng mga batang ito! "Hoy, Thirdy! Huwag mo hayaang makaalis 'yan!" Rinig kong sigaw ni Ace kaya mas binilisan ko pa ang paglalakad halos takbuhin ko na ang distansiya ng pinagparadahan namin ng mga bisikleta. "Bitiwan niyo ako!" Pagpupumiglas ko nang abutan nila ako at pilit na pinapabalik. "Kailangan mapaalis ka namin sa katawan ni Tulips!" sigaw ni Ace. Pilit akong lumaban sa kanila. Ilang kalmot, tadyak at suntok na rin ang natamo nila mula sa akin pero sadyang wala talaga akong laban sa lakas nila. Sa huli, sumuko rin ako. Wala na akong lakas at tanging mga pagmumura na lang ang nagagawa ko. Masyadong mahina ang katawan ni Tulips. Buhat-buhat ako ni Ace habang mabilis na itinatakbo pabalik sa kubo. "Tatang Kulas! Paalisin niyo po ang masamang kaluluwang sumapi kay Tulips!" sigaw niya. "Gago! Mga sinungaling! Mapagpanggap!" Patuloy ako sa pagsisigaw sa sobrang galit sa kanila. Isa lang ang naging lesson sa akin. Huwag na huwag magtitiwala sa mundong ito! Ang tanga ko, na naisip na naniniwala sila sa akin. "Ibaba mo siya, hijo," kalmadong utos naman ng matandang lalaking tila ermitanyo sa haba ng balbas. Masama ang tinging ipinupukol ko sa kanilang dalawa. Habang nakaupo ako sa sahig. May pinahid na langis sa noo ko ang matanda. Pagkaraan ay may kinuha siyang mga dahon-dahon. "Aray! Ano ba yan tatang? Ang baho naman!" sigaw ko dahil hindi ko kaya ang amoy ng dahong hinahampas niya sa akin. "Kung sino ka mang kaluluwang sumapi sa batang ito! Lumayas ka sa katawan niya!" "Sige, tatang kulas! Palayasin mo ang masamang kaluluwang iyan!" Napairap ako. Todo cheer pa siya! "Gago! Hindi ako masamang kaluluwa! Saka ko hindi ko sinadyang mapunta sa katawan ni Tulips!" Hindi ko mapigilang mapasigaw. "Tignan mo, nagmumura pa tatang. Palayasin mo yan, hindi ganyan ang kaibigan namin!" May binubulong na kung anong dasal ang matanda. Habang iniikutan ako at patuloy na hinahampas ng dahon. "Tatang may holy water kayo? Isaboy niyo na lang kaya sa kanya para bumilis ang pag-alis niya. Mukhang nasasaktan na siya diyan, eh," naaawang sabi ni Thirdy. Isa pa 'to? Akala mo ang bait-bait. Sunod-sunuran naman sa baliw niyang kaibigan. "Hindi 'yan masasaktan Thirdy! Kaluluwa 'yan, eh!" Pagtanggi ni Ace at itinuloy na naman ang nakakarinding pagcheer niya sa matanda. Napakuyom ako sa kamao. "Sinabi ng galing nga akong future! Sa 2030! At sa tingin mo gusto ko rito sa pesteng year na ito? Walang internet, walang bonggang technology at walang kwenta ang mga gamit at tao!" malakas kong sigaw. "Aba't!" Akmang sasampalin niya ako pero nanatili lang sa ere ang kamay niya at hindi niya rin itinuloy. "Kawawa mukha ni Tulips." Pagbawi niya. Nilingon ko ang matanda nang tumigil ito sa paghampas ng dahon sa akin. "Tatang, pagod ka na po ba? Magpahinga muna kayo," nag-aalalang sabi ko. Napangiti naman ito. "Hindi ka naman masamang kaluluwa," sabi niya. "Pero kailangan pa rin kitang mapaalis sa katawang ito." "Okay po, gusto ko na rin namang bumalik sa mundo ko," sabi ko. Itinaas niya ang mukha ko at pumikit saka may kung anong dinadasal ulit hanggang sa bigla niyang itinapat ang dalawang daliri sa noo ko. Gumaan naman ang pakiramdam ko dahil sa ginawa niya. Minulat ko ang mga mata ko nang makaramdam ng ginaw. Nanlaki ang mga mata ko nang nasa ibang lugar na ako. Nasa loob ako nang makapal na mga yelong may nakakabit na mga salamin. Nasaan ako? Diretso lang ako sa paglalakad. Hanggang sa may nakita akong nakalutang na katawan sa labas ng makapal na yelong kinalalagyan ko. Lumapit ako rito. Nanlaki ang mga mata ko sa gulat nang malinaw na makita kung sino ito. Ako. Ang katawan ko ang nakalutang sa tubig. Pilit kong kinatok at butasan ang yelo para makalabas ako, pero wala. Naiiyak na ako, ito na siguro ang tiyansa ko para makabalik. Kailangan ko nang makabalik. Patuloy ako sa pagsuntok sa yelo, umaasang makakalabas ako. Hanggang makaramdam ako nang pagkahilo at tuluyang nandilim ang paningin ko. May mga naririnig akong mga boses. Mahinang bulungan. Nakabalik na ba ako? Dahan-dahan kong minulat ang mga mata ko. Just to be welcome with another disappointment. "Tulips!" "Sa wakas, gising ka na!" "Tulips, okay lang ba?" "Tulips, ikaw na ba 'yan?" Sunod-sunod na tanong nila. Lihim akong napangisi. Face my revenge, kiddos! Inosente ko silang nginitian. "Oo, ako nga, pwede ba kayong lumapit. Hindi ko kasi kayo marinig," mahinang bulong ko. "Ah, sige." Nang sa wakas ay malapit na sila sa akin. Agad kong hinila ang mga buhok nila. Gamit ang magkabilang kamay ko. "Mga gago! Malas niyo dahil ako pa rin ito!" Sigaw ko habang pahigpit nang pahigpit ang paghila ko. Para mas ramdam nila ang sakit ng anit nila. Lintik lang, ang walang ganti!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD