"Uminom muna kayo." Alok ni Tatang Kulas sa dala niyang bagong timplang kape. Agad naman akong kumuha, pagkaamoy ko pa lang alam ko ng kapeng barako ito. Masyadong matapang para sa akin pero ano naman, nakakahiya namang tanggihan.
Nilingon ko ang dalawang lalaki na parehong pabagsak na nakaupo at nakasandal sa pader. Nanatiling nakahawak sa ulo at masama ang tingin sa akin.
Ngumisi lang ako. Pakiramdam ko, dahil sa pagbalik ko sa nakaraan. Unti-unti rin akong bumalik sa pagkabata. Hindi ko na rin siguro maiiwasan dahil talagang puro mga bata pa ang makakasalamuha ko sa araw-araw.
Mahirap pa lang maging mature kung ang mga kasama mo ay immature.
Ni sa hinagap hindi ko naisip na magagawa kong magsabunot ng buhok. At sa dalawang lalaki pa!
Masyado kasi akong mabait noong highschool ko kaya wala naman akong na encounter na mag-ti-trigger ng sobrang galit at pagkainis ko.
Ngayon lang nangyari ito na naging bayolente ako at dahil na rin sa panloloko sa akin ng dalawang gagong ito. Dumagdag pa ang pagkabigo kong makabalik sa mundo ko.
"Tatang Kulas, may gamot ka po sa sakit sa anit?" tanong ni Thirdy.
Napahawak ako sa tiyan at hindi na napigilang mapahalakhak. That's what you get in messing with me, kiddos!
"Tingnan niyo Tatang Kulas! Kung gaano kasama ang ugali ng kaluluwang 'yan! Sinaktan na nga kami tapos may gana pang pagtawanan kami," inis na tila batang sumbong ni Ace.
"Sino ba may kasalanan? Saka, tingnan niyo nga kung sinong mas nasaktan!" Sabay pakita ko ng mga pasa at gasgas ko sa braso at hita dahil sa pwersahang pagpapabalik nila sa akin sa kubo.
Namumula rin siguro ang leeg ko at pati ang mukha dahil na rin sa dahong hinampas-hampas ni Tatang sa akin.
"Pasensya na rin hija, kung nagawa kitang hampasin ng mga dahon. Akala ko kasi masamang kaluluwa ka talagang sumapi sa katawang 'yan. Hindi ko agad nakita."
"Talagang masama siya, Tatang!" Sigaw ni Ace. Inirapan ko na lang siya at binalingan si Tatang.
"Okay lang po, Tatang, ginawa mo lang naman kung anong trabaho mo," saad ko.
Napangiti naman siya. "Mabuti na lang nakita ko ang iyong kwintas at naintindihan ko na kung bakit ka nandito." Nanlaki ang mga mata ko at wala sa loob na napahawak sa dibdib ko. Nakasuot pala sa akin ang kwintas, hindi ko nga maalalang isinuot ko pala ito.
"Talaga po? Pero anong koneksyon nitong kwintas ko? Alam niyo rin po ba kung paano ako tuluyang makakabalik?" sunod-sunod na tanong ko.
"Pasensya na, hija, pero hindi talaga kita matutulungang makabalik sa pinanggalingan mo. Isa lang akong ordinaryong manghuhula at albularyo. Masyadong malakas ang kapangyarihang nakabalot sa 'yo. Ang kwintas lang, ang alam kong may kasagutan sa mga tanong mo," saad niya.
Napatingin ako sa suot kong kwintas. Anong meron sa kwintas na ito? Ordinaryo lang naman itong kwintas kung titingnan.
"Pero 'yung ginawa niyo po kanina. Tila napunta po ako sa ibang dimensyon, nakita ko pa nga ang katawan ko. Sige na tatang, baka kaya niyo naman po, please." Pakiusap ko.
Malungkot itong umiling. "Ang ginawa ko lang kanina ay ordinaryong ritual nang pagpapaalis ng kaluluwa pero iba ang ipinakita sa akin ng kwintas na bumabalot sa 'yo."
"Ano pong ipinakita?" kuryoso kong tanong.
Nanatili namang tahimik ang dalawa at nakikinig lamang. Katulad ko ay gusto rin malaman ang misteryong bumabalot sa akin.
"Ikaw ay isa sa mga pinagpalang taong biniyayaan ng tadhana upang tapusin ang iyong misyon," saad niya.
Napakunot-noo naman ako. "Misyon?" tanong ko.
"Ang iyong puso ay puno ng pighati hindi ba? Binigyan ka ng kwintas nang pagkakataong sumaya ulit." Nanlaki ang mga ako sa tinuran niya. Binigyan ulit ako ng pagkakataong sumaya?
"Ano pong ibig niyong sabihin? Hindi ko maintindihan."
Napabuntong-hininga ito at may iniabot sa aking lumang nakarolyong papel.
"Kunin mo ito, iyan lang ang tingin kong makakasagot sa ilang katanungan mo," maikling sabi niya habang ako ay nanatiling nakatingin sa ibinigay niyang papel.
"Pwede na kayong umalis, at baka gabihin pa kayo." Napatango ako at tumayo na.
"Salamat po!" Sabay naming paalam.
Pero hindi pa ako tuluyang nakalalabas ng pintuan ay nag-iwan pa siya ng makahulugang kataga.
"Hangad ko sa panahong ito, mapagtagumpayan mo ang misyon mo at tuluyang mabago ang lahat."
Nilingon ko siya at kita ko ang pagdaan ng lungkot sa mukha niya.
Anong ibig niyang sabihin?
"Mabuti na lang, hindi maaga gumabi ngayon," turan ni Thirdy. Habang naglalakad kami papunta sa mga bisikleta. Tingin ko, mag-aalas sais na pero maliwanag pa rin.
Pero tila pinaglalaruan kami ng panahon dahil kararating pa lang namin sa highway ay biglang dumilim ang paligid at tila nagbabadya na ang ulan.
"Ano ba naman 'yan? Ang liwanag pa lang kanina, ah!" inis na sigaw ni Ace. Habang halos magkarera na kami sa pagpedal. Para lang hindi abutan ng ulan.
Malayo pa kami, kahit sa school man lang sana ang marating namin. Pero sa daan pa lang kami, nagsimula na ngang umambon at may kasama pang pagkidlat at kulog.
"Silong muna tayo sa waiting shed!" Sigaw ni Thirdy dahil talagang lumalakas na ang mga patak ng ulan.
Dumiretso na nga kami sa madadaanan naming waiting shed. Mabuti na lang at bakante ito.
Kung 'di, hindi kami kakasyang tatlo dahil maliit lang naman ito.
Para kaming kaawa-awang tatlong nakaupo sa waiting shed. Bukod kasi sa madungis kami at may ilang mga pasa pa.
"Ilabas mo nga, Tulips, 'yung binigay ni Tatang. Basahin muna natin," turan ni Thirdy na bumasag sa katahimikan namin.
Kinuha ko naman ito sa bag ko. Nagsilapit naman sila lalo sa akin nang sinimulan ko nang buksan ang nakarolyong papel.
Unti-unting akong napakunot-noo habang binabasa ang nilalaman nito.
Kamay pilit inaabot
Luhang pumapatak
Higpit ng yakap
Hindi matanggap na pulang tinta
Lupapay na kamay
Tibok ng pusong lumbay
Alingaw-ngaw ng sigaw
Isang prinsipeng nahuli'y tumataghoy
Pangako niya'y di mapapako
Ilang taon man ang nagdaan
Tibok ng puso'y maririnig
Bulaklak ay sisibol
Mga paang nagtagpo
Tibok ng puso'y hindi nagbago
Nakaraan ay baguhin
Katulad ng hinaharap
Pag-ibig na hindi malilimot
Kamatayan ay hindi hadlang
"Tula naman ito? Anong koneksyon ko rito?" naguguluhan kong tanong.
"Oo nga, anong koneksyon niyan sa'yo?" nakakunot-noo ding tanong ni Thirdy at binalingan si Ace. "Legit ba talagang albularyo si Tatang Kulas, Ace?" tanong niya.
"Oo, syempre! Siya nga pinakamagaling dito eh. Saka, magaling din na manghuhula 'yon. Nakita mo naman kung anong ginawa niya kanina," aniya.
"Oo nga pala! Kaninang nagsusulat siya," pagsang-ayon ni Thirdy at mangha pang hinaplos ang mga salitang nakasulat sa papel.
Binalingan ako ni Ace. "Alam mo bang isinulat kanina ni Tatang 'yan, habang hindi ka pa gumigising. Katakot nga siya eh, patuloy nagsusulat pero 'yung mga mata hindi nakatingin sa papel at huwag ka! Hindi siya kumukurap," manghang kwento niya.
Nanlaki naman ang mga mata ko at muling binasa ang mga nakasulat pero habang sinusuri ko ito ay isa lang ang naiisip kong interpretasyon.
Ang misyon ko ba ay dapat may baguhin ako sa mundong ito? Sa nakaraan? Ngunit, ano 'yon?
Natulala ako pilit iniisip, pero sadyang walang ideyang pumapasok sa isipan ko.
"Parang ang pinapahiwatig nitong tula ay walang hanggang pag-ibig." Nabalik lang ako sa huwisyo at napalingon kay Ace nang sabihin niya 'yon.
"Oo nga! Saka, ang lungkot noong unang mga linya. Parang kamatayan," saad ni Thirdy. Dumagsa naman ang kaba sa dibdib sa sinabi niya.
Kamatayan? Binasa ko ulit ang una at pangalawang saknong. Nagpapahiwatig nga ito na may mamatay.
What is this? Sinong mamatay? At anong konektado ko roon?
Hindi ko na napigilan si Ace nang bigla niyang inirolyo ito.
"Tama na nga! Nakakabaliw lang mag-isip!" sigaw niya at ipinasok sa bag ko.
"Paano na 'yon? Hanggang hindi natatapos ang misyon mo mananatili ka sa katawan ni Tulips? Paano naman siya nasaan ang kaluluwa niya?" sunod-sunod at kuryosong tanong ni Thirdy.
"Hindi ko alam, 'yon din ang hindi ko maintindihan," sagot ko.
"Hindi mo ba siya naririnig sa isip mo? O napapanaginipan man lang?" Napailing ako.
Dahil nandito ang kaluluwa ko sa katawan niya. Kaya palaisipan din sa akin kung saan napunta ang kaluluwa niya?
"Palaisipan nga sa akin 'yon. Kung nasaan siya?" Napabuntong-hininga ako at binalingan sila. "Nga pala, pwede niyo na akong tawagin sa totoong pangalan ko kapag tayo lang tatlo ang magkakasama. Gusto ko rin sanang itago niyo ang lahat nang nalaman niyo ngayon. At dapat tayong tatlo at si Tatang Kulas lang ang may alam nito." Pakiusap ko.
Mas kaunti ang nakakaalam, tingin ko mas ligtas.
"Okay lang sa akin, pero anong itatawag namin sa'yo?" nakakunot-noong tanong ni Thirdy.
Sasagutin ko na sana ang tanong niya pero inunahan na ako ni Ace.
"Tinatanong pa ba 'yan Thirdy! E 'di tawagin natin siyang..." tumigil pa siyang magsalita at talagang binitin pa para talagang kunin ang atensyon ko.
"Tita Shannelle!" nakangising sigaw niya. Sabay hawak sa tiyan niya at malakas na tumawa.
Ako talaga yata ang happy pill nito. Kainis!
Napasimangot naman ako at binatukan siya. "Gago! Tawagin niyo akong Shan!"
"Ang galing-galing mong magsalita ng gago! Tawagin din kaya kitang ga--"
"Subukan mo?" Hamon ko at mabilis na hinawakan ang kaliwang tenga niya.
"Tsk, ang unfair! Pwede sa babaeng sabihin 'yon tapos kapag kaming lalaki hindi pwede!" Inismiran niya ako at mabilis na tinanggal ang kamay kong nakahawak sa tenga niya. Swerte siya, hindi ko itinuloy na pingutin.
"Kasi, Ace, ang babae ginagalang at minamahal. Hindi nararapat na sabihan at tawagin natin sila ng ganoong masamang salita. Hindi porket minura tayo, mumurahin din natin sila." Napangisi naman ako at nagthumbs up kay Thirdy.
Mas mature na talaga ito magsalita at may sense ang mga sinasabi. Hindi katulad ng isip batang ito!
"Basta unfair pa rin!" napasimangot niyang sabi.
"Paano ka magugustuhan noong imaginary girlfriend mo kung magkita kayo? Kung ganyan ang pananaw mo." Tila matandang pangaral niya rito.
Agad namang nawala ang pagkakasimangot ni Ace at biglang umamo.
"E 'di, magbabago ako magustuhan niya lang ako. Ang tagal niya naman kasi magpakita sa akin."
"So, magbabago ka lang kapag nagkita na kayo? E 'di wala rin, paano kung hindi na magpakita sa'yo kasi naturned off na siya?" sunod-sunod kong tanong at palihim nang natatawa dahil sa pagbabago-bago ng ekspresyon ng mukha niya.
Napagulo siya sa buhok at tila ang laki ng problema.
"Oo na! Ako na pangit ang ugali. Kayo na mabait," mahinang bulong niya saka kami tinalikuran at inilahad na lamang ang palad sa labas, tila dinadama ang bawat patak ng ulan.
Natawa ako sa hitsura niya. Nagsesenti ang bata!
Lumapit naman ako kay Thirdy para tanungin siya. "Sino ba kasi 'yung imaginary girlfriend niyan? Artista ba?" mahinang tanong ko.
Napailing naman ito at mahinang natawa. "Hindi, napapanaginipan niya lang na babae. Tapos, hanggang in-assume na niyang 'yon ang babaeng nakatadhana sa kanya." Napangisi naman ako at napailing.
Who have thought? Na, magiging ganito ang lalaking ito sa babaeng sa panaginip niya lang naman nakita.
"Naku, lagot! Ngayon ko lang nahalata malalim pala 'yang hiwa sa pisngi mo. Sigurado, mag-aalala si Nay Daisy, niyan, hanapin ko lang kung may band-aid ako!" Nag-aalalang turan ni Thirdy nang mapatitig sa mukha ko.
"Ay, oo nga pala! Baka sobra na iyong nag-aalala!" Napakagat sa labi. Mabilis kong kinuha ang cellphone sa bag ko para i-text ulit si Nanay Daisy. Malakas pa rin kasi ang ulan kaya hindi pa kami makaalis.
Pinindot ko ang power on button pero ayaw magbukas. Patuloy kong diniin, pero wala pa rin.
"Ayaw ba?" tanong ni Thirdy. Iniabot ko naman sa kanya. Diniinan niya rin itong pinindot pero ayaw pa rin magbukas.
"Mukhang lowbat na. Hindi siguro na-i-charge," sabi niya.
Nawawalang pag-asang napaupo ako. Habang hinalughog ulit niya ang kanyang bag.
Napakamot siya sa ulo. "Wala akong band-aid, naubos na siguro. Ace, baka me--" hindi na naituloy ni Thirdy ito.
Dahil tila kabuteng biglang lumitaw sa harapan ko si Ace at maingat na nilalapat sa pisngi ko ang isang band-aid.
Hindi ko mapigilang titigan siya habang seryosong nilalagay ito.
When he is serious and near me. I feel like, he is not Ace but my Grant.
The way his lips twisted while focusing, is so like Grant.
Mabilis akong napaiwas ng tingin at kinuyom ang palad para pigilang haplusin ang mukha niya.
Shan, you are getting emotional again! Stop it!
Sigaw ng isip ko. Kung bakit kasi magkapareho sila ni Grant?
"O, ayos na mukha ni Tulips! Wala ka nang dapat ipag-alala, Tita Shannelle," nag-aasar niyang sabi.
"Huwag mo nga akong tawaging Tita!" inis kong sigaw. Agad nabura ang kakaibang naramdaman ko kanina at napalitan nang inis.
Nang-aasar na tumawa lang ito na parang walang narinig at nakangising inilapit ang mukha sa akin.
"Wala naman sigurong masama kung tawagin kitang Tita Shannelle, tita. Kasi hindi po ba? Sabi mo, 30 years old ka na." Binagalan niya pa ang pagsasalita na parang bata. Talagang inaasar pa lalo ako.
"Hoy, lalaki! Para sabihin ko sa'yo kahit 30 years old ako. Hindi hamak na mas matanda pa rin kayo sa akin. Dahil noong 2005, 5 years old pa lang ako. Naintindihan mo? 5...years...old," sabi ko sabay tapat sa mukha niya ang palad ko at inilayo ang mukha niya sa akin.
Napataas ako ng kilay. "Habang kayo? Ilang taon na ba, huh?" Pang-asar na hamon ko.
"16," sagot naman ni Thirdy. Na tila naguguluhan pa habang pinagmamasdan kami.
"16 years old na pala, eh! So, literally, mas matanda kayo sa akin ng 11 years!" Sigaw ko.
"Eh, kahit na! Basta 30 years old ka nang mapunta rito! Habang kami 16 years old pa lang. So, mas matanda ka pa rin, Tita Shannelle..." nakangising pang-iinis niya lalo.
"Aba't!" Sisipain ko na sana siya nang pumagitna sa amin si Thirdy.
"Tama na nga 'yan!" Awat niya sa amin. "Ang isipin dapat natin kung paano tayo uuwi."
Tama siya.
Dapat hindi ko na pinatulan itong mapang-alaskang kutong lupang 'to. Huminga muna ako ng malalim para kumalma.
"May cellphone kayo hindi ba? Tawagin niyo si Spade." Suhestyon ko.
"Oo nga 'no!" masayang sabi ni Thirdy at agad kinuha ang cellphone niya.
Napabuntong-hininga naman siya kalaunan. "Wala pala akong load," laglag balikat niyang sabi at binalingan si Ace. "Ikaw, Ace?" tanong niya.
Hinalughog naman ni Ace ang bag niya. Pinanood lamang namin siya, umaasang may magagamit na kami para tawagan si Spade.
"Hindi ko pala naidala cellphone ko," sabi niya.
Sabay-sabay kaming napabuntong-hininga. Ang malas naman namin!
"Magpaulan na tayo, mukhang hindi na titila ang ulan," sabi ni Ace. Wala rin kasi akong dalang payong.
"May payong ba kayo?" tanong ko. Sabay naman silang napailing.
"No choice, magpaulan na tayo!" yaya ko at tumayo na.
Pero hindi pa kami tuluyang nakakalusong sa ulan ay may kotse nang tumigil sa harapan namin. Bumukas ang pinto nito at nakita na nga namin si Spade na may dalang malaking payong.
Hay! Sa wakas, may maganda ring nangyari.