Sumama si Mika, kina Erma at Juan Miguel. Habang naglalakad sila hindi maiwasan ni Juan na sulyapan si Mika ng mga oras na’yon. Napansin naman ito ni Mika na panay titig sa kanya ni Juan Miguel kaya hindi nito maiwasan ang pagpula ng makikinis nitong pisnge.
“Nak, ikaw na muna ang bahala kay Mika ha. Ipagluluto ko lang siya ng sisig. “Saad ni Erma kay Miguel habang inaayos ang mga pinamalengkeng gulay at karne para sa maliit nilang karenderia.
Pagkarinig ni Mika ng sisig ang bigla itong natuwa dahil paborito talaga ni Mika ang sisig.
“Opo, Nay.” Sagot naman nito sa ina.
Nagkwentuhan muna si Juan Miguel at Mika habang hinintay ang sisig na niluto ni Erma.
Nanlaki ang mata ni Mika ng makita nito na dala-dala na ni Erma ang sisig na niluto nito. Lalo na ng ilapag na ito ni Erma sa lamesa.
“Wow! Ang bango-bango naman po nito Nay Erma at talaga mukhang masarap po.” Wika nito habang titig na titig sa sisig na nasa lamesa.
Kumuha si Juan Miguel ng plato para kay Mika. Kaya nilantakan agad ni Mika ang sisig na nasa harap nito. Para siyang nagutuman ng mga oras nayon. Ni hindi man lang ito nakaramdam ng hiya sa binatang kaharap. Napakamot na lang sa ulo si Juan Miguel at napangiti ng makitang sarap na sarap si Mika sa sisig na gawa ng Nanay Erma nito.
“Ang sarap po talaga Nay Erma. Babalik-balik po ako dito ha.” Saad nito habang nakangiti.
“Oo naman iha. Kahit anong oras pwede kang pumarito at ipagluluto kita ng sisig.” Sagot naman nito kay Mika.
Natuwa naman si Juan Miguel sa narinig niya kay Mika na babalik-balikan nito ang sisig ng Nanay Erma niya. Ilang saglit pa ay nagpaalam na si Mika na uuwi na kaya hinatid ito ni Juan Miguel sa sakayan ng trycle.
“Salamat, Manuel ha. Ingat ka pauwi.” Tugon ni Mika kay Juan Miguel na panay parin ang tingin sa kanya.
“Ikaw din Mika ingat ka.” Sagot din nito at kinaway niya ito.
Maya-maya ay umandar na ang trycle kaya naiwan si Juan Miguel na pinapasadahan ng tingin ang papaalis ng si Mika.
Pagkatapos bumalik na ito sa karenderia nila at tinulungan ang Nanay Erma niya sa karenderia. Marami na naman kasi silang costumer ng mga oras na’ yon.
“Ang sarap talaga ng luto niyo Aling Erma.” Wika ni Lando habang panay ang nguya ng inorder nito sisig at paksiw.
“Salamat Lando.” Nakangiting sagot nito habang nagsasandok ng kanin.
“Mukhang marami ka na naman costomer mahal.” Sabat naman ni Pedro ang kinalakihang Tatay ni Juan Miguel.
“Tay, nandiyan na po pala kayo. Mano po.” Salubong ni Juan Miguel sa Ama.
“Salamat, Anak.” Tugon naman ni Pedro.
“Naku mahal maupo ka na rin diyan at kumain ka na rin! Alam kong gutom kana.”
Kaya kumuha na din ng plato si Juan Miguel para sa Tatay niya.
“Siya nga pala Mahal. Kumusta ang lakad niyo?” Sambit ni Erma sa asawa habang kumakain.
“Ayos naman Mahal. Kaso masama ang ugali ng may-ari ng Hacienda na’yon.” Sagot nito sa asawang si Erma.
Narinig naman ito ni Juan Miguel habang naghahatid ng mga order ng kanilang mga costomer. Kaya hindi niya maiwasan na hindi makinig sa pinag-uusapan ng mga magulang niya. Maya-maya ay sumabat din si Lando. Ang isa sa mga costomer nila.
“Totoo po ‘yon Mang Pedro. Masama po talaga ang ugali ni Donya Teresa.” Sabat nito kina Erma at Pedro.
“Ay kaya nga eh. Naawa ako doon sa isang matandang trabahador na nakabasag ng isang kahong alak. Ni walang habas niyang pagsalitaan ng masasakit.” Wika niya kasabay ang pag-iling.
“Ay talaga Mahal. Ay napakasama naman pala ng ugali ng Donya Teresa na yan. Akala mo naman sa kanya talaga ang Hacienda na’yon.” Saad naman ni Erma sa dalawang kausap.
Tahimik lang na nakikinig si Juan Miguel sa pag-uusap ng tatlo. Biglang nag-igting ang panga nito sa mga narinig. Napakuyom na lang ito sa kanyang kamao habang nakikinig.
“Nasaan na ba kasi ang nag-iisang Anak nila Don Emilio at Donya Juana? Siya lang ang makakapigil sa mga kawalang hiyaan ng mag-asawang Carlos at Teresa Sebastian.” Sambit naman ni Lando.
“Kaya nga eh. Saan na kaya napunta ang bata na’yon.” Tugon ni Pedro. “May mga bali-balita rin na kumakalat na kapag hindi daw nakukuha ang gusto nila ay pumapatay sila ng tao. Isa pa! Hawak nila ang batas sa buong Poblacion El Jackson. Kaya walang sinuman ang naglakas ng loob na kalabanin sila.” Mahabang wika ni Pedro.
Lalong nagalit si Juan Miguel sa mga narinig. Hindi na nito kaya pang marinig ang mga sasabihin nila kaya nagpaalam bigla ito sa Nanay Erma niya na aakyat muna sa kwarto niya dahil sumama ang kanyang pakiramdam. Kaagad naman itong pinayagan ng Ina. Patiim bagang itong humarap sa salamin at nanlilisik ang mga mata.
“Mga hayop kayo! Antayin niyo ang pag babalik ng isang Jackson,” anas nito habang nakakubli ang mga kamao nito sa gigil.
Habang nakatitig ito ng masama sa salamin narinig nitong tumunog ang kanyang cellphone. Kaagad niya itong sinagot at bumungad agad sa kanya ang magandang balita na natanggap na ito sa inaplayan niyang prisento sa Poblasion El Jackson. Labis-labis ang kanyang pagkagalak dahil ito na ang matagal nitong hinintay mapapalapit na siya sa lugar kung saan siya lumaki at unti-unti na nitong matutuklasan ang lihim na bumabalot sa lugar na kanyang iniwan noon.
Kaagad niyang ibinalita sa Nanay Erma niya at Tatay Pedro kaya labis din ang tuwang nararamdaman nila para kay Juan Miguel.
“Congrats, anak.” Masayang wika sa kanya ni Erma at napayakap ito ng mahigpit at hindi mapigilang maluha.
“Congrats, sayo anak.” Anas din ng ama nito at napayakap rin sa kanya dahil sa tuwa. “Masaya kami ng nanay mo para saiyo,” dag-dag pa nito at tinapik niya ito sa balikat.
“Salamat po sainyong dalawa, Nay! Tay. Dahil po sainyo lahat ng ito. Wag po kayong mag-alala gagawin ko po ng matuwid at maayos ang trabaho ko para po maipagmalaki niyo po ako.” Usal niya habang ikinukubli ang tunay na dahilan kung bakit siya nag pulis.
“Ano ka ba anak. Lalo mo lang pinapaiyak si nanay eh,” aniya ng ina na kanina pa namumuo ang luha dahil sa saya na nararamdaman para sa anak. “Ngayon pa lang pinagmamalaki ka namin ng tatay mo,” at muli nila itong niyakap mag-asawa at hindi na napigilan pa ng bawat isa na maluha.