“Bakit ang init na naman ng ulo mo Honey? Kanina pa ako nahihilo kababalik-balik mo diyan.” Pagtatakang wika nang asawa nitong si Carlos habang nagsasalin ng wine sa kupita.
Panu ‘yang magaling mong anak! Nag-ala Superhero na naman kanina,” galit na saad nito sa asawa.
“Hindi ka pa ba nasanay sa anak mo?” Wika nito at binigay ang isinalin niyang wine sa asawa. “Hayaan mo na lang siya. Ang importante pinapakinabangan natin ang mga tauhan natin.” Dag-dag nito at tumunga ng alak sa kupita pagkatapos inilapag sa maliit na table katabi ng lampshade.
Niyakap ni Carlos ang asawa habang nakalikod ito sa kanya at pinulupot ang kamay sa tiyan ng asawa.
“Hay naku Honey, kung hindi ko lang mahal ‘yang anak natin baka kung ano ng nagawa ko sa kanya.” Salubong nitong kilay na saad sa asawang si Carlos kasabay ang pagtunga ng alak sa kupita na binigay sa kanya. “Hindi niya ba alam na para sa kanya lahat ng ginagawa natin,” dag-dag pa nitong sumbong.
“Sshhhh, hayaan mo na lang siya balang araw matatauhan din ang anak natin.” Pagpapakalma nitong wika sa asawa kasabay ang paghalik nito sa noo. “Buti pa Honey, mag shoping kana lang o kaya mag-paparlor para mawala ang stress mo.” Pag kukumbinsi nito asawa.
“Parlor Carlos?” Seryoso ka?” Balik nitong tanong. Sa tingin mo may gana pa ako mag-paparlor sa lagay na to?”
Kinuha ulit ni Carlos ang na kupita at tumungga ulit saka hinalikan ang asawa sa batok.
“Calm down, Honey!” Inikot nito ang asawa at pinaharap sa kanya. “Pinapasaya lang kita.” Tugon nito.
“Isa pa yan!” Panu ako kakalma kung hindi mo pa nahahanap ang kaisa-isang anak ng Jackson.” Galit naman nitog wika sa asawa kaya nanlaki ang mata ni Carlos Sebastian..
“Ano, may balita kana ba sa anak ni Emilio, at Juana?” Madiing tanong nito sa asawang si Carlos.
“Wala pa Honey, pero wag kang mag-alala dahil hindi tumitigil ang mga tauhan natin para mahanap siya,” seryoso rin sagot nito.
Maslalong nadagdagan ang galit ni Donya Teresa, sa narinig sa asawa. Kasabay ang isang mapait na halakhak.
“Bwesit! Ano ‘bang ginagawa ng mga bobo mong tauhan!”Pasigaw nitong tinig. “Kailangan mahanap na siya sa lalong madaling panahon!” Baka mamaya bigla na lang siyang sumulpot at kunin niya lahat ng meron tayo!” Dag-dag pa nitong bulyaw sa asawa.
“Pwede ba kumalma ka nga Honey, hindi niya magagawa ‘yon dahil patay na lahat ng may hawak ng ducumento na nagpapatunay na siya ang tunay na may-ari ng hacienda na ito.” Aniya sa asawa na hindi pa rin kumakalma.
“Siguraduhin mo lang! Dahil hindi ako makakapayag na mauwi lang lahat sa wala ang mga pinaghirapan natin.”
Napaisip naman si Carlos sa sinabi ng asawa kaya tinawagan niya ang mga tauhan niya para suyurin ang buong Pilipinas mahanap lang ang nag-iisang anak ng mag asawang Jackson.
Samantala habang nasa palengke si Miguel at ang nanay nitong si Erma, ay hindi pa din mawala ang galit na nararamdam nito ng marinig ang lugar na pinanggalingan niya.
“Kunting-tiis na lang Mommy, Daddy. Maipaghihiganti ko na rin kayo!” Bulong nito sa sarili habang pinipigil ang galit na nararamdam.
Nasa palengke rin ng mga oras na ‘yon si Mika, para magpatanggal ng init ng ulo nito sa Hacienda.
“Ang gaganda talaga nang mga bulaklak dito,” bulong ni Mika, habang pinag-mamasadan ang mga panindang bulaklak sa palengke.
Ito lang kasi ang tanging lunas para sa kanya sa tuwing nag-aaway sila ng Mommy niyang si Donya Teresa.
“Nak, saglit lang kukunin ko lang ang order kong mga gulay kay Aling Susan. Hintayin mo na lang ako dito. Sandali lang ako.” Bilin ni Nay Erma, kay Manuel.
“Opo,Nay.” Mabilis rin nitong sagot sa kinalakihang ina..
“Habang naghihinatay si Manuel sa Nay Erma, nito ay napansin nito ang mga magagandang bulaklak na paninda. Kaya dali-dali siyang lumapit para tumingin ng bulaklak para iregalo sa Nay Erma nito at Tatay Pedro nito. Kukunin niya na sana ang kulay pulang rosas ng may bigla rin may humablot dito. Kaya ‘yong kamay ng babae ang nadakma niya. Biglang nanlaki ang mata niya nang tumambad ang makikinis nitong kamay. Nang makita niya ang itsura ng babaeng, may maamong mukha na napakaganda at may matangos na ilong at mapupulang labi. Hindi nito maiwasan hindi matulala sa babaeng kaharap.
“Napukaw na lang ito ng biglang nagsalita ang babae.
“Y-‘yong kamay ko,” nauutal nitong tugon kay Manuel.
“P-pasenya na,” nahihiya nitong saad at napayuko na lang ito.
“Ngunit isang matamis na ngiti ang isinukli ng babaeng kaharap.
“Okay lang, hindi mo naman sinasadya eh.” Nakangiting wika nito. “Sege sayo na lang ‘yang bulaklak, may pagbibigyan ka ata.” Tugon nito kay Manuel at ngumiti ulit ng matamis.
“Tinamaan nang hiya si Manuel, sa magandang strangherang kaharap.
“Wag na, sayo na lang ikaw naman ang nauna eh,” nahihiya pa rin nitong saad.
“Sayo na, wag kanang mahiya mukhang may pag-bibigyan kang importanting tao.” Nakangiting wika nito sa binatang kaharap.
Napakamot na lang sa ulo si Manuel, at napailing.
“Sa Nanay ko sana ibibigay Anniversary kasi nila ni tatay.” Aniya nito sa babae na bakas sa mukha ang hiya.
“Wow ang sweet mo naman pala,” nakangiting wika niya kay Juan Miguel.
Namula naman ang gwapong mukha ng binata habang pinapasadahan pa ito ng tingin ng babaeng kausap.
“Hindi naman. Ganon na kasi ang nakasanay nila Nanay at Tatay, sakin tuwing anniversary nila.” Paliwanang niya sa dalagang kausap.
Nakaramdam naman nang inggit sa puso si Mika ng mga sandaling ‘yun. Ni minsan kasi hindi niya pa nabigyan ng bulaklak ang mga magulang nito tuwing anniversary ng mga ‘to. Gawa nga sa galit niya dito dahil sa nasaksihang pagpatay ng Daddy niya sa totong may-ari ng Hacienda El Jackson, labing tatlong taon na ang nakakalipas.
“Siguro maswerte ang magulang mo sayo, dahil may anak silang katulad mo.” Malungkot na wika nito.
Napansin naman ni Juan Miguel na parang nalungkot ang estranghera kausap. Natahimik bigla ang dalawa kaya nagpakilala ng lang si Juan Miguel sa kanya.
“Ako nga pala si Manuel,” wika nito sa kausap na babae at naglahad ito ng kamay tanda ng kanyang pagpapakilala.
“Napangiti naman ang estrangherang babae sa ginawang pagpapakilala ni Manuel sa kanya kaya inabot rin nito ang kamay at nagpakilala rin sa estrangherong lalaki.
“Mika. Mika, ang pangalan ko,” nakangiti niyang wika.
Hindi maiwasang matulala ni Juan Miguel kay Mika ng sandaling ‘yon. Lalo kasing gumaganda si Mika kapag ngumingiti kaya hindi nito maiwasang mamula..
Biglang rin namula ang maganda at makinis na pisnge ni Mika, sa ginagawang pagtitig sa kanya ni Juan Miguel. Hindi niya tuloy matingnan nang maayos ang binata dahil para itong natutunaw sa bawat titig sa kanya nito. Habang nagkaka-titigan ang dalawa ay may bigla bumasag sa sandaling katahimikan na bumabalot sa dalaga at binata.
“Nandito ka lang pala anak, kanina pa kita hinahanap,” basag ng Nanay Erma niya.
Sabay silang napalingon sa deriksyon ng babae nagsalita.
“Sino yan kasama mo anak?” Pagtatakang tanong nito sa anak. “Ang ganda niya naman anak, at ang kinis pa parang mayaman.
Natawa naman si Mika sa inasal ng ina ng binata. Samantalang maslalong nahiya si Manuel, kay Mika nang mga sandaling ‘yon.
“Nay siya po si Mika,” nahihiya nitong pag-papakilala sa dalaga.
“Hay Mika. Ako si Erma, ang Nanay ni Manuel.” Aniya nito sa dalaga. “Taga dito ka lang ba?” Kuno’t noong tanong nito sa dalaga.
“Opo nay, diyan lang po ang bahay ko sa malapit,” nakangiting sagot nito.
“Naku anak, mabuti pa isama mo na lang ‘yang si Mika, para makapag-meryenda sa bahay.” Wika nito kay Manuel.
“Nay, baka po may gagawin pa po si Mika.” Nahihiya padin nitong saad.