“Kapag nalaman ko kung sino ang sumasabutahe sa negosyo ko! Isinusumpa ko na pag sisisihan mo ito,” bulong nito habang nanlilisik ang mata kasabay ang paghakbang nito palabas ng pabrika.
Pauwi na sana si Juan Miguel bit-bit ang maliit na bag nito ng hindi sinasadyang marinig niya ang usapan ng grupo nila Major Diaz.
“Tumawag sakin si Don Carlos. Kailangan raw natin malaman kung sino ang sumasabutahe sa kanyang negosyo,” anito ni Lito sa isa sa mga kasamahan nito.
Palihim na kumubli si Juan Miguel sa likod ng pinto at bahagyang pinakinggan ang pinag-uusapan ng dalawa.
“ Anong plano niyo sir?” tanong ng kausap nitong isa ring pulis.
“Anu pa edi dating gawi.” Anito niya at ngumisi silang dalawa ng nakakaloko.
Napaisip naman si Juan Miguel. Kailangan niyang mahanap kung sino ang sumasabutahe sa mga Sebastian bago pa ito matunton nila. Pagkatapos ay dahan-dahan na itong tumalikod at tuluyan ng lumabas. Habang naglalakad siya malapit sa park ay maynahagip siyang babae na pamilyar sa kanya habang nakatitig sa mga naggagandahang bulaklak ng park. Kaya dahan-dahan niya itong nilapitan sakto naman na aalis na sana si Mika kaya bumangga ang mukha nito sa matipunong katawan ni Juan Miguel kaya nanlalaki bigla ang mata nito. Dahan-dahan nitong inangat ang mukha niya para masilayan kung sinong estranghero ang nabangga niya. Pagkaangat nito ng mukha ay bigla na lang itong hinimatay sa harap niya buti na lang ay mabilis niya itong nasalo. Tinapik-tapik niya ang namumulang pisnge nito ngunit hindi ito magising kaya tumawag na ito ng trycle upang dalhin sa Ospital.
“Anong nangyayari sayo Mika?” bulong nito habang kalong-kalong niya ito sa loob ng trycle. “Bilisan niyo po manong,” wika nito sa trycle driver.
Malapit na sana sila sa pinakamalapit na Ospital ng biglang gumalaw si Mika.
“Malapit na tayo sa Ospital, Mika.” Pag-aalalang anas ni Juan Miguel.
Ngunit hinawakan ni Mika ang braso ni Juan Miguel at sinabing wag na siyang dalhin sa Ospital dahil maayos naman na ito. Ayaw sana pumayag ng binata ngunit mapilit si Mika kaya sinabi na lang ni Miguel na sa bahay na lang nila muna siya magpahinga dahil nag-aalala siya sa dalaga. Napansin rin nito na namumugto ang mga mata nito na halatang galing ito sa pag-iyak. Pumayag naman si Mika para hindi mag-alala sa kanya ang binata. Kalong-kalong ni Juan Miguel si Mika pababa ng trycle kaya kaagad naman itong napansin ng kanyang ina na nakaupo sa kanilang karendirya kaya kaagad itong napatakbo upang salubungin sila.
“Anong nangyari anak?” pag-aalalang tanong ng ina nito at hinawakan ang noo ni Mika na ngayon ay inaapoy na ng lagnat.
“Hindi ko po alam inay! Bigla na lang po siyang natumba kanina sa plaza dadalhin ko sana siya sa ospital pero ayaw niya,” usal nito sa ina na bakas na rin ang pag-aalala sa dalaga.
“Dalhin mo muna siya anak sa kwarto mo at magpapainit lang ako ng tubig,” tarantang anas ng ina nito.
“Sege po nay!” kaya dali-dali nitong inakyat si Mika sa kanyang kwarto at inihiga sa kanyang kama. Ano bang nangyayari sayo Mika?” bulong pa nito at hinawi ang buhok nito para hindi matakpan ang mukha nito.
Hindi maiwas ng binata na titigan ang napakagandang mukha ng dalagang kaharap. Unti-unti ng nahuhulog ang loob niya dito kahit pangalawang beses niya palang itong nakikita. Ramdam nito na may mabigat na pinag-dadaanan ang dalaga kaya hindi niya mapigil na hindi mag-alala sa dalaga.
“Sino ka ba talaga Mika? Bakit pakiramdam ko ay nagkita na tayo noon?” Anas niya sa dalaga na wala pa rin malay tao. Hinawakan niya ang kamay ng dalaga at idinampi niya ito sa kanyang labi. Nagulat na lang ito sa biglaang pagbukas ng pinto kaya kaagad niya itong binitawan.
“Anak, ako na muna bahala kay Mika! Lumabas ka muna,” ani ng kanyang ina na may dalang maliit ng batya na may bimbo at gamot.
“Sege, po nay!” mabilis na sagot nito. Pero sa loob nito ay ayaw niyang iwan ang dalaga dahil subra itong nag-aalala sa kanya. Labag man loob ay dahan-dahan na nitong inihakbang ang paa palabas ng pinto.
Pagkalabas nito ng pinto ay naupo ito sa sofa at isinubsob ang kanyang kamay sa mukha. Hindi rin ito mapakali kaya panay ang tayo nito upang silipin ang pintuan ng kanyang kwarto upang tingnan kung lumabas na ang kanyang ina para malaman na nito kung ano nang lagay ni Mika. Ilan sandali pa ay narinig na nito ang pagbukas ng pintuan ng kanyang silid kaya dali-dali nitong sinalubong ang ina na may pag-aalala.
“Nay, kumusta po si Mika? Ano pong lagay niya?” sunod-sunod na tanong nito sa ina.
“Kumalma ka nga anak! Napagod lang siguro siya kaya siya nilagnat. Pero maayos na siya paginga na lang ang kailangan niya,” aniya ng ina nito.
Nakahinga naman ng maluwag ang binata sa sinabi ng ina.
“Hayaan mo muna siyang makapagpahinga para bumalik agad ang lakas niya,” dag-dag pa nito.
“Opo, nay.” Sagot rin nito.
“Sege na at ipagluluto ko muna siya ng sabaw para kapag nagising na siya ay makahigop siya para kaagad bumalik ang lakas niya,” usal pa nito saka tumalikod papuntang kusina.
Nabawasan ang pag-aalala ni Juan Miguel sa dalaga kaya pumasok muna ito sa kwarto ng kanyang ina upang doon magpalit ng pambahay na damit. Buti na lang dahil nandon pa ang mga damit niyang hindi pa natutupi ng kanyang ina kaya kinuha nito ang kanyang manipis na sando at isinuot. Kitang-kita mo ang kakisigan ng kanyang katawan sa suot nitong sando. Pagkatapos lumabas ito para tulungan ang kanyang ina nito para ipaghanda ng mainit na sabaw si Mika.
Bigla naman nakaramdam si Mika na parang naiihi siya kaya nagising ito. Nagulat ito dahil hindi ito ang kanyang silid kaya iniikot niya ang kanyang paningin sa kabuuhan ng silid. Nanlaki bigla ang mata nito dahil hindi niya alam kung nasaan siya. Bigla itong napatayo habang natataranta. Lalo itong nagulat ng may biglang tumunog ang doorknob ng pinto kaya kaagad itong bumalik sa paghiga at tumalukbong ng kumot. Dahan-dahan nitong sinilip ang lalaking nakatalikod habang sinasarado ang pinto. Medyo madilim sa kwarto pero tanging lampshade lang ang nagbibigay liwanag sa kabuuhan ng silid kaya nakikita pa rin ni Mika na lalaki ang pumasok sa kanyang silid.