“Sino kaya ang lalaking ‘to?” bulong nito. “Baka may masama itong balak sakin kailangan maunahan ko siya,” dag-dag pa nito. Kaya bigla itong bumangon at mabilis na tumakbo papunta sa direksyon ng lalaki at pinaghahampas niya ito ng unan.
“Teka, Mika! Aray!” bulalas nito habang sinasalag ng kanyang matipunong braso ang bawat hampas sa kanya ni Mika upang hindi matapon ang dala nitong tray na may lamang pagkain ng dalaga.
Natigilan naman si Mika ng marinig ang boses ng lalaking nagsalita parang pamilyar sa kanya ang boses at lalong nanlaki ang mata nito nang buksan na ng binata ang ilaw ng kanilang silid. Kaya napatakip si Mika sa kanyang mukha ng maaninag kung sino ang lalaking kaharap. Tumambad sa kanyang harapan ang lalaking may makisig na pangangatawan at may malalaking braso na may dalang tray na may lamang bowl na may sabaw. At maslalong nanlalaki ang mata niya ng ibaba pa nito ang paningin at nakita nito na naka boxer lang na suot ang binatang kaharap kaya bigla itong nakaramdam ng hiya at napatalikod ito sa kaharap sabay subsob ng kamay sa kanyang mukha. Nakaramdam din ito ng panunuyo ng lalamunan kaya panay ang lunok nito.
“Pasensya kana Mika, gising kana pala? Mukhang nagulat kita,” anito ng binata na nakahalata sa pamumula ng pisnge ng dalaga kaya bahagya itong napangisi.
“P-pasensya na rin. Akala ko kasi masamang tao ka,” sagot rin nito at dahan-dahan bumalik sa kama at naupo. “Anu bang ginagawa mo Mika ang tanga mo.” bulong nito at napakagat labi ito dahil sa hiyang nararamdam sa ginawa sa binata.
“Nagdala ako ng mainit na sabaw para makahigop ka at bumalik na ang lakas mo.” At dahan-dahan itong lumapit sa kama at naupo saka inilapag ang tray na may bowl na may sabaw ng bulalo.
“S-salamat ha. Pasensya na sa ginawa ko akala ko kasi masamang tao ka,” hinging paumanhin nito sa binata at napayuko.
“Okay lang ‘yon. Ang mahalaga maayos na ang pakiramdam mo,” at napangisi ito nang maalala ang ginawa sa kanya ni Mika.
“Bakit ka tumatawa? Nakakatawa ba ha?” inis na turan nito.
“Hindi ako tumawa ha! Baka namalikmata ka lang,” pagsisinungaling nito.
“Hindi daw!” bulong nito at napataas kilay ito sa lalaking kaharap.
“Siya nga pala. Pinagluto ka ni inay ng sabaw para daw bumalik agad ang lakas mo,” anito niya at ibinigay ang kutsara at tinidor.
“Oo nga at mukhang masarap sa amoy palang,” at kinuha ang kutsara sabay higop sa sabay. “Sarap talaga ng luto ni Nay Erma. Pakisabi sa kanya maraming salamat ha,” tugon niya sa binata habang panay ang higop ng sabaw at tila nagutuman na naman dahil sa bilis nitong kumain.
“Dahan-dahan lang Mika baka masamid ka,” anas ng binata at napakamot sa ulo.
Ngunit nginitian lang ito ni Mika habang naka sungal-ngal sa kanyang bibig ang kutsa. Maya-maya ay naubo ito kaya tudo himas ang binata sa kanyang likod.
“Sabi kasing dahan-dahan lang eh,” turan nito habang natataranta sa pagkasamid ng dalaga. Nakalimutan nitong magdala ng tubig kaya kaagad itong napatakbo palabas ng silid upang kumuha ng maiinom.
Kahit nauubo pa rin si Mika ay napatawa ito dahil sa pagkataranta sa kanya ni Juan Miguel. Mabilis din na nakabalik ng silid ang binata dala ang isang basong tubig saka binigay kaagad naman itong ininom ng dalaga.
“S-salamat,” ani Mika.
Napatawa na lang ang binata kasabay ang pagtikhim at pagkamot nito sa ulo na ikinatawa ni Mika.
Pasado alas-nwebe na ng gabi ng mga oras na ‘yon kaya nagpaalam na si Juan Miguel kay Mika na lalabas na siya at doon na lang siya matutulog sa labas sa kanilang sofa. Ngunit nahiya si Mika kaya sinabi nito doon na lang matulog.
“Okay lang Mika. Sa labas na lang ako,” anito sa dalaga.
Pero hindi pumayag si Mika dahil alam niyang silid iyon ng binata. Kaya walang nagawa ang binata kung hindi kumuha ng lang ng comporter sa kanyang kabenit at isang unan saka kumot at inilatad sa baba ng kanyang kama saka nahiga.
“Salamat,” ani ng dalaga sa nakahigang binata.
“Salamat saan?” pabalik na tanong nito.
“Dahil nakita mo ako kanina. Kung hindi mo ako nakita kanina baka ano ng nangyari sakin,” malungkot turan nito sa binata.
“Ah ‘yon ba? Wala ‘yon,” usal din nito. Sege na matulog kana para bumalik na ang lakas mo,” dag-dag pa nito.
Kaya pinikit na rin ni Mika ang kanyang mga mata. Pinikit na rin ng binata ang kanyang mga mata mabilis itong nakatulog. Ngunit bigla itong nagising ng may marinig itong tinig na umiiyak. Kaagad itong bumangon at tiningnan si Mika dahil galing sa kanya ang tinig ng babae na umiiyak. Sinilip niya ang natutulog na dalaga na panay ang tulo ng luha nito kahit natutulog. Nakaramdam ito ng kirot sa kanyang puso at napaisip kung anu ba talaga ang mayron sa dalaga dahil nahihiwagaan na siya rito.
“Ano bang nangyayari sayo Mika?” pabulong na tanong nito habang panay ang titig nito sa lumuluhang dalaga. Pero bigla itong napatigil ng magsalita ito habang umiiyak.
“Wag, daddy!” anas nito. “Wag mo silang papatayin! Waagggg…. Sigaw nito at napabalikwas ito ng bangon kaya laking gulat ng binata sa nangyari sa dalaga.
Mabilis nitong niyakap ang dalaga na halatang takot na takot dahil panay ang hagulhol nito.
“Ssshhhh, tama na Mika. Panaginip lang ‘yon,” anito ng binata habang nakakulong ang dalaga sa kanyang mga bisig.
Napatakbo rin sa kanilang silid ang mga magulang ni Juan Miguel na kapwa na alimpungatan sa sigaw ng dalaga.
“Anong nangyari anak?” nag-aalalang tanong ng ina nito at nakita nila na yakap-yakap ng binata si Mika na parang takot na takot.
“Hindi ko po alam inay. Bigla na lang po siya bumangon na panay ang iyak at takot na takot.” Paliwanag nito sa kanyang mga magulang na parihas nag-aalala.
Nilapitan nila si Mika at hinipo ang noo.
“Kumusta ka iha? May masakit ba sayo?” may pag-aalalang tinig na tanong ng ina ng binata.
“A-ayos lang po ako Nay Erma. Masamang panaginip lang po isang masamang bangungot na ayaw ko na pong balikan pa,” aniya at napasubsob ito sa kanyang kamay at muling humagulhol ng iyak. “Kahit ano pong gawin ko hindi maalis sa isip ko ang masamang bangungot ng nakaraan,” dag-dag pa nito.