Chapter 8

1219 Words
Binantay ni Juan Miguel si Mika hanggang sa muli itong makatulog. Wala siyang magawa kung hindi pagmasdan ang maamong mukha ng dalaga habang panay pa rin ang tulo ng luha nito. Hindi na nito namalay na nakatulog na pala ito sa katabi ng dalaga. Nagulat na lang ang dalaga ng magising ito na nakasubsob ang kanyang mukha sa matipunong dib-dib ng binata kaya nanlalaki na naman ang kanyang mata. Amoy na amoy niya ang napakabangong dib-dib ng binata na nanonoot sa kanyang ilong. Bigla itong nakaramdam ng hiya sa sarili. Kaya dahan-dahan itong kumalas sa pagkakayapos ng binata pero bigla na lang itong nagising. “P-pasenya na,” anas ng dalaga at bahagya itong lumayo at bumangon. “Kumusta ang pakiramdam mo? May masakit pa ba sayo?” tugon din ng bata at mabilis itong bumangon at tumayo. “Maayos na ang pakiramdam ko. Salamat.” Aniya nito. “Sege magbabanyo lang muna ako,” paalam nito. “Sege,” nahihiyang tugon ng dalaga at sinundan na lang ng tingin ang gwapong binata habang papasok ng banyo. Habang hinintay ng dalaga ang paglabas ng binata sa banyo ay bigla nito naalala ang mga nangyari kagabi. Gabi-gabi pa rin itong binabangungot ng nakaraan. Nakaraan na gusto na nitong ibaon sa limot ngunit hindi nito magawa sa tuwing nakikita nito ang kanyang mga magulang. Napahikbi na lang ito habang iniisip kung paano nito makakalumutan ang isang masamang bangungot ng kahapon. Natigil na lang ang pag-iisip ng malalim nito ng bumukas na ang pintuan ng banyo at inayos nito ang sarili upang hindi mahalata ng binata. “Sege na ikaw naman! Pagkatapos mo sumunod ka na lang sa baba para makapag agahan na tayo at para maihatid kita ng maayos sainyo,” anas ng binata. Ngunit biglang nalungkot ang dalaga sa narinig. “Bakit? May nasabi ba akong hindi maganda?” may pagaalalang tanong ng binata. Ngunit bigla na lang umiyak si Mika kaya nataranta ang binata. “B-bakit ka umiyak?” Anito nito at muling naupo sa tabi ng dalaga. Hinawakan nito ang mukha ng dalaga na namumugto pa rin ang mata. “Manuel! Ayaw ko munang umuwi sa bahay. Pwede bang dumito muna ako sainyo?” aniya nito habang panay pa rin ang paghikbi nito. Wag kang mag alala tutulong ako sa gawaing bahay. Tutulong ako kay Nay Erma sa karenderia. Basta ayaw ko lang umuwi samin,” pagmamakaawang turan nito. “Sigurado ka ba Mika?” pagtatakang tanong nito. Nagtataka man ay napa oo ito sa dalaga. Sabay silang bumaba at naabutan nila na naghahanda na ng agahan ang kanyang ina. Sinabi na rin ni Juna Miguel sa kanyang ina na ayaw pang umuwi ni Mika sa kanila. Natuwa naman ang kanyang ina dahil meron na siyang makakausap sa tuwing wala ang kanyang mag-ama. Ilang saglit pa ay naggayak na rin ang binata para pumasok sa trabaho. Kaya naiwan si Mika kasama ang kanyang ina sa bahay. Papasok na sana sa loob ng prisento ang binata ng harangin ito ng dalawang pulis na si SPO1 Lito Ortega at SPO2 Rey Panganiban. “Ikaw pala ang baguhang pulis ng Polabcion El Jackson.” Bulalas ni Lito kay Juan Miguel at ngumisi ito ng mapait. “Mukhang mabait naman ito sir,” anito rin ng isang pulis at sabay silang nagtawan. Napatiim bagang nitong tiningnan ang dalawang pulis na kaharap kasabay ang pagkubi ng mga kamay nito. Ngunit ng maalala nito ang kanyang mismo ay inayos nito ang sarili at ngumiti pabalik sa dalawang pulis. “Magandang umaga mga sir,” ngumiti ito sa dalawang pulis at inihakbang ang mga paa para lagpasan ang dalawa. Nainsulto naman ang dalawa sa inasal ng binata kaya napatiim bagang din si Lito at hinawakan nito sa balikat si Juan Miguel at bumulong. “Mag-iingat ka sa mga sasamahan mo! Dito kami ang batas kung hindi ka makikisama ng maayos hindi ka tatagal dito!” madiing banta nito. Napangisi naman ang binata sa sinabi ni Lito kaya lalo itong napikon sa kanya. Diritso na itong pumasok na nakakuyom pa rin ang isang kamay nito. Naiwan naman ang dalawa na parehong masama ang tingin sa kanya. “Hindi niya ata kilala kung sino ang babangain niya,” anas naman ni Rey kay Lito na kanina pa nagtitimpi kay Juan Miguel. “May kalalagyan sa’kin ang hambog na ‘yan,”salubong ang kilay na turan nito. Padabog na nilapag ni Juan Miguel ang kanyang maliit na bag sa kanyang table. Napansin naman ng kanyang katabing pulis ang pagbagsak nito ng kanyang gamit sa lamesa nito kaya lumapit ito sa kanya. “Mainit ata ulo natin sir ha,” anito ng isang pulis. “Sandro De Vera sir,” at inilahad ang kamay nito tanda ng pagpapakilala nito kay Miguel. Kahit salubong ang kilay ay bahagya ito napangiti at tinugunan ang kamay ng kausap. “Pasenya na sir. Manuel Ramos, may nakasalubong lang kasi akong dalawang hambog sa labas.” Sambit nito. “Nakita ko nga sir,” sagot rin nito. “Wag mo na lang pansinin malakas lang ang kapit sa taas kaya kala mo kung sinong magaling,” at napatingin sa labas kung nasaang deriksyon ang dalawang pulis na kausap ni Juan Miguel kanina. Nakaramdam na naman init ng dugo ang binata sa narinig ngunit hindi ito pinahalata sa kausap. Naupo na ito sa kanyang upuan at sinimulang buklatin ang mga papel na nasa ibabaw ng kanyang lamesa. Habang binabasa nito ang mga papelis na hawak ay nahagip ng mata niya ang mga drawer na lagayan ng mga lumang papelis. Kaagad itong tumayo at tinungo ang drawer tiningnan nito ang mga petsa na nakadikit dito. Nahagip ng mata nito ang taon kung kaylan napatay ang kanyang mga magulang. Dalawang libo at walo kaya kaagd nitong binuksan at inilabas ang mga papelis. Ngunit ni isang krimen na nag uugnay sa kanyang mga magulang ay wala itong makita. “Talagang nilinis mo lahat. Carlos Sebastian.” galit na bulong nito sa sarili. Kung inaakala mo na mababaon mo ang lahat sa hukay nagkakamali ka!” dag-dag pa nito habang nakatitig kung saan at nagngingit-ngit ang ngipin sa galit. Lumipas ang araw na wala siyang nakitang impormasyo na makakatulong sa kanya upang mapagbayad si Carlos Sebastian. Isa lang ang pumasok sa isip nito. Kailangan nitong matunton kung sino man ang sumasabutahe ng negosyo ng mga Sebastian baka sakaling may kinalaman ito sa kanyang mga magulang. Naglalakad ito pauwi ng mapansin nito na tila may sumusunod sa kanyang sasakyan. Nakita nito ang pagtutok ng baril sa kanyang deriksyon kaya kaagad ito yumuko at gumulong kaya hindi ito tinamaan ng paputukan ito ng mga nakasakay sa isang van na itim. Kumubli ito sa malaking puno at nakita na nitong kumaripas ng takbo ang isang van na itim dahil may malapit na pulis mobil ang rumuronda sa lugar na ‘yon. Kaagad itong lumabas at pinara ang pulis mobil at dali-daling sumakay. “Sir, habulin niyo!” wika nito sa dalawang pulis na nakasakay doon. Kaya hinabol rin nito ngunit bigo silang maabotan ang naturang itim na van. Napasabunot ito sa kanyang buhok at pinagtatadyakan ang gulong ng pulis mobil. Dumating na rin ang mga kasamahan nitong pulis para mag imbestiga. “Sir, nakita mo ba ang mukha nila?” tanong sa kanya ni Sandro De Vera. “Hindi ko nakita dahil nakatakip ang mga mukha nila. Pero may napansin ako sa kamay niya,” anito niya sa kausap na pulis. “Anong napansin mo sir?” seryosong tanong nito habang nagsusulat. “Isang tatto ng scorpion na may kurona sa ulo,” sagot nito.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD