Chapter 9

1075 Words
Natigilan naman si Sandro De Vera sa narinig. Kaya napansin ito ni Juan Miguel. “Bakit, sir. Kilala mo ba ang grupo na ‘yon?” kunot noong tanong nito. “Oo sir. Isa— Hindi na natapos ang sasabihin nito dahil sumabat na ang dalawang pulis na si Lito Ortega at Rey Panganiban. “Naku Sir Ramos baka may atraso ka sa grupo na ‘yon,” bulalas nito at ngumisi ng mapait. Nagulat naman ito sa sinabi ni Lito. “Sino ang grupo na ‘yon? Kahit kelan wala pa akong nakakaaway!” inis na anas nito sa kausap na pulis. “Ang alam ko isang tao lang ang nagmamay-ari ng grupo na ‘yon. Pero walang nakakaalam kung sino siya,” anas nito at hinawakan siya nito sa balikat at bumulong. “Dito dapat alam mo kung kanino ang loyalty mo. Kapag hindi baka hindi ka na masinagan pa ng araw,” muling banta nito saka ngumisi at tumalikod. Nanlaki naman ang kanyang mata at napatiim bagang muli at kasabay ng pagkuyom ng kamao nito. Palunok-lunok naman si Sandro De Vera dahil alam na niya kung sino ang may pakana ng pagpapaulan ng bala kay Manuel Ramos. Umuwi ito na salubong ang kilay. Ngunit ng mahagip nito ang magandang dalaga na nakangiti sa kanya ay biglang nawala ang init ng ulo nito. Kaagad itong sinalubong ng yakap ni Mika kaya nabigla ito. Nahihiya man ay tinugunan niya rin ng yakap ang dalaga. “Pinagluto kita Manuel. Bungad agad nito at hinila na ito papasok sa loob. Nawala lahat ng pagod at galit nito dahil kay Mika. Sinalubong rin ito ng ina at niyakap. “Mano po inay.” Anito niya at nagmano sa kanyang inang kanina pa nakangiti dahil pinagmamasdan niya pala si Mika at ang binatang anak. “Kumusta ang araw mo anak?” ngiting tanong ng kanyang ina. Naalala nito ang nangyari sa kanya kanina ngunit hindi nito pinahalata. “Maayos naman po nay,” pagsisinungaling nito at kasabay ang paglunok. “Maupo kana diyan at kanina pa excited itong si Mika para matikman mo raw ang niluto niya minudo.” Nakangiting aniya nito at kumuha na ng pinggan. Hinili ni Mika ang isang silya at pinaupo si Juan Miguel. Napakamot na lang ito sa ulo kasabay ng pag-iling nito. “Para naman akong seniorito sa inyo eh,” pabirong anas nito. Sinandok na ni Mika ang niluto nitong minudo at inilapag sa lamesa. “Tikman mo bilis,” ngiting aniya nito habang tinitingnan ang gwapong binata. Napangiti muli ito bago kinuha ang kutsara at tinikman ang luto ng dalaga. “Ang sarap,” aniya nito at bigla itong nakaramdam ng gutom kaya walang habas itong nagsandok ng kanin at nilantakan ang lutong minudo ni Mika. Tuwang-tuwa naman ang ina ni Juna Miguel at si Mika habang pinagmamasdan nila ang binata na tila nagutuman. Isang lingo na mula ng makitira sa kanila si Mika. Ngunit wala pa rin siyang alam kung sino ang dalaga. Ayaw rin nitong mag imbistiga kung sino talaga ang dalaga dahil alam niyang mabuting tao ito. Mahal na rin nito ang dalaga at ganon na rin si Mika sa kanya. Isang lingo na rin ang nakalipas ng atakihin siya ng mga armadong lalaki ngunit lahat ng kasamahan niyang pulis ay lahat sila tikom ang bibig. Kaya nabuo sa kanyang utak na siya na lang ang mag-aalam kung sino ang grupo na ‘yon at baka may kaugnayan ito kay Carlos Sebastian. Naisip ni Juan Miguel na pasukin ang Hacienda El Jackson nagbabasakaling may makuha itong impormasyon. Pasado alauna ng madaling araw ng mga oras na ‘yon. Nakasuot ito ng itim na manipis na jacket at itim na pantalon nakatakip rin ang mukha nito. Kahit matagal na itong hindi nakakaapak sa lugar ay kabisado pa rin nito ang pasikot-sikot sa lugar. Papasokin sana nito ang lihim na lagusan kung saan siya dumaan dati nang ito ay makatakas noon ngunit napansin nito ang isang sasakyan na nakaparking malapit sa gate ng mansion kaya pinagmasdan niya ito. Nakita nito ang isang lalaki na nakasandal sa pintuan ng sasakyan habang naninigarilyo kaya kumubli ito sa isang malaking puno at dahan-dahan nitong nilapitan ang sasakyan. Kahit madilim sa lugar ay tinandaan nito ang lalaking nakasandal. Nakita rin nito ang plate number ng sasakyan kaya muli itong kumubli sa damuhan. “Sino kayo?” bulong nito. “Kakampi ba kayo o isang kaaway?” Maya-maya ay humarorot na ng takbo ang sasakyan. Umalis na rin siya sa lugar dahil malapit ng mag umaga. Pagdating nito sa bahay natutulog pa ng mga kasamahan nito pati na si Mika. Pasado alasingko na ng umaga kaya naisip nito na magluto na lang ng agahan nila. Sakto naman na nagising na rin si Mika at ang nanay nito. “Aga mo nagising nak,” bungad agad ng in nito na papikit-pikit pa ng mata. Ngiti lang ang isinagot nito habang nagsasangang ng kanin. “Tulungan na kita,” ani naman ni Mika na nahihikab pa. Kaagad itinali nito ang mahaba nito buhok. Natutulala naman si Juan Miguel at palunok-palunok lang ng kanyang laway habang pinagmamasdan si Mika. Para itong naakit ng masilayan nito ang mapuputing leeg ni Mika. Pagkatapos nila mag-agahan ay naunang umalis sina Mika at ang kanyang ina para mamalengke para sa paninda nila sa karenderia. Habang ikinakabet nito ang mga butunes ng kanyang uniporme at nakaharap sa salamin. Bigla nitong naalala kung ano ang nakita nito kagabi nang pumunta ito sa kanilang dating mansion. “Aalamin ko ang katutuhanan!” anas nito at kinuha ang kanyang susing kwentas at isinuot. Kinuha rin nito ang isang maliit na kahon na iniwan sa kanya noon ng kanyang ina bago ito tumakas noon. “Ito na ang tamang oras Mom! Dad,” bulong nito habang hinihimas ang kulay gintong maliit na kahon. “Magbabayad ang dapat magbayad sisiguraduhin ko sainyo ‘yan,” kasabay ang pagkuyom ng kamao nito habang nagngingit-ngit ang kanyang mga bagang. Sa kabila ng kanyang poot sa dib-dib na nararamdaman, ay bigla naman nitong naala kung sino ang grupo na nagpaulan ng bala sa kanya kahapon. “Mahahanap ko rin kayo!” anas nito habang natitig pa rin sa salamin at nanlilisik ang mata. Pagkatapos ay mabilis na nitong tinago ang kanyang maliit na kahon. Dali-dali na rin nitong sinukbit ang maliit na baga at naglakad na papuntang prisento ng Poblacion El Jackson. Masama na naman ang titig sa kanyang ng grupo nila Lito Ortega habang pangisi-ngisi pa ito sa kanya. Kahit na nag-iinit ang kanyang mukha sa tuwing nakikita niya ang trydor ng bayan ay hindi na lang nito pinansin alang-alang sa kanyang misyon.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD