Isang linggo na ang nakakalipas ngunit wala pa rin makuhang clue si Juan Miguel kung sino ang kumakalaban sa mga Sebastian. Kaya naisip muli nitong bumalik sa mansion ng mga Sebastian. Muli na nama nitong nakita ang nakaparadang sasakyan malapit sa mansion ng mga Sebastian. Kaya palihim niya itong pinagmasdan lumapit ito ng dahan-dahan para lalo nitong mamukhaan ang mga estranghero.
Ngunit wala itong kaalam-alam na may isa pala nakakubli sa likod ng puno kaya kapagtyembre agad ito sa kasama. Walang habas nilang sinakluban ng itim na plastik ang ulo ni Juan Miguel at pinatulungan hanggang sa mawalan na ito ng malay. Dinala nila sa isang abandunadong building ang binata saka iginapos sa upuan. Napabalikwas na lang ito ng buhusan ito ng isang timbang tubig ng isang lalaki habang tumatawa.
“Bata, mukhang nagkamali ka nang minamanmanan!” anito ng isang lalaki habang ngumisi-ngisi pa. Kaya nagsitawanan rin ang iba pa nitong kasamahan.
“Sino, kayo?! Bakit niyo ako dinala dito?! Pakawalan niyo ako!” pasigaw na wika nito sa mga estranghero habang pilit na nagpupumiglas sa pagkakatali.
“Hindi namin pwedeng gawin yan! Bata!” pangisi-ngising anas nito at hinawakan siya nito sa baba saka inangat ang mukha. “Panu kung tauhan ka ni Carlos Sebastian? Di nabisto kami!” dagdag pa nito at nagsitawan ulit ang mga lalaki.
Nagulat naman si Juan Miguel sa sinabi ng lalaking kausap.
“Kung ganon tama nga ang hinala ko,” bulong nito sa sarili. “Kung ganon kayo pala ang may lakas na loob na kalabanin ang mga Sebastian?” anas rin nito sa lalaki at ngumisi rin ng mapait.
Nagulat naman ang estranghero sa ginawang pagngisi ni Juan Miguel kaya kwenilyuhan niya ito.
“Anong sabi mo? Kung ganon nga tauhan ka ni Carlos Sebastian?!” sigaw nito sa kanya at sinuntok sa tagiliran.
Ngunit imbes na masaktan ay tumawa pa ng bahagya si Juan Miguel kaya lalong nang gigil sa galit ang estrangherong lalaki pati ang mga kasama nito. Tatadyakan pa sana ng lalaki si Juan Miguel ngunit isang malakas na boses ang umalingaw-ngaw sa likuran nila.
“Tama na yan?!” sigaw ng lalaki sa likuran nila.
“Boss!” sabay-sabay nilang sambit sa lalaking dumating.
Napatingin naman si Juan Miguel sa deriksyon ng tinig ngunit hindi niya ito maaninag dahil nasisilaw ito ng liwanag na galing sa may ulo nito. Lumapit naman ang lalaki kay Juan Miguel.
“Sino ka at bakit mo kami minamanmanan? Tauhan kaba ni Carlos Sebastian?” anito ng lalaki na may edad sixty years old.
Nanlaki ang mata ni Juan Miguel sa tinig ng lalaki. Tila pamilyar sa kanya ang tinig na yun. Kaya dahan-dahan nitong inangat ang ulo at tinitigang mabuti ang lalaki. Biglang nangulap ang mata nito nang makumperma kung sino ang nasa harap nito. Ang Angkel Ninong niya. Ang kapatid ng mommy niya. Kaya nagulat naman ang lalaki dahil sa nakitang reaksyon sa binata.
“Angkel Ninong! Kayo ho ba yan?” anas nito at tuluyan nang bumagsak ang luha na namuo sa kanyang mga mata.
Nagulat naman ang lalaki sa lumabas sa bibig ng binata.
“Buksan niyo ang ilaw! Bilis!” bulyaw nito sa mga tauhan. Kaagad naman nilang sinunod ang amo. At tumambad sa kanya ang binatang nakagapos at duguan.
“Sino ka? Bakit mo ako tinawag na Angkel Ninong?” gulat na wika sa binata na halos humagulhol na ng iyak.
“Angkel?! Ako to si Juan Miguel! Natatandaan mo pa ba ako?” sagot nito sa kausap.
“Ano pang hinintay niyo?! Kalagan niyo siya?!” bulyaw nito sa mga tauhan at nagsimula na rin bumuhos ang luha ng matandang kausap.
Kaagad tumayo si Juan Miguel at mahigpit na niyakap ang kanyang Angkel at napalalas ang hagulhol nito.
“Kayo nga Angkel,” sambit nito habang nakasubsob sa matandang kausap.
Hindi na rin napigil pa ng matanda ang pagkagalak ng muling masilayan ang pamangking inakala niyang patay na.
“Patawarin mo si Angkel! Hindi man lang kita na protektahan noon,” anito ng matanda habang panay pa rin ang agos ng luha nito.
“Mis na mis ko na ang mommy ninong. Wala man lang akong nagawa noon para iligtas sila,” usal nito habang panay pa rin ang buhos ng luha.
“Ssshhh, wag kang mag alala nandito na si Angkel. Hindi kita pababayaan! Ipaghihiganti natin ang mommy mo!” anito nito sa binata at napakuyom ang isang kamay. “Kung alam ko lang na buhay ka noon pa lang pinahanap na kita.” Dagdag pa nito.
Ang dapat sana na kamatay para kay Juan Miguel ay nauwi sa luhaan sa muli nilang pagkikita ng kanyang Angkel Ninong. Kaagad dinala si Juan Miguel sa mansion ng kanyang ninong at ginamot ang mga sugat. Sinabi rin nito na doon muna siya hanggang hindi pa gumagaling ang kanyang mga sugat at para hindi rin mag alala ang kanyang mga magulang kapag nakita nila ang kalagayan ng binata. Tumawag na rin ito sa kanyang ina upang hindi mag alala sa kanya.
“May regalo ako sayo iho! Magagamit mo ito sa misyon mo!” wika ng kanyang Ninong Arman saka tinapik ang kanyang balikat at ngumiti.
“Talaga po ninong!” masayang anito nito.
“Halika kana! Puntahan na natin ang regalo ko sayo,” anas nito sa binata.
Paika-ikang sumunod ang binata sa kanyang ninong patungo ng garahe. Tumambad sa harapan niya ang isang dukati na motor ng tanggalin na nito ang saplot. Biglang nanlaki ang mata ng binata sa nakita.
“Akin to ninong,” masayang aniya nito at kaagad niya itong inangkasan.
Napahalakhak naman ang kanyang ninong sa kanyang naging reaksyon.
“Nagustuhan mo ba ang regalo ko sayo?” nakangiting tanong nito sa binata at nagsindi ng tabaco at humithit.
“Opo ninong ang ganda!” at bumaba sa inikot-ikutan ang motrsiklo habang hinimas-himas.
“Hindi lang yan ang regalo ko sayo iho,” muling sambit nito.
Kaya natigilan ang binata at napatingin sa kanyang ninong.
“Nakikita mo ba yang katabi niyang may saplot din? Buksan muna!” at humalakhak ulit ng tawa.
Kaya dahan-dahang lumapit ito saka tinaggal ang nakatakip at tumabad ang isang kulay itim na sports car. Lalong nanlaki ang mata ng binata sa nakita.
“N-ninong? Seryoso po kayo?! Sakin din ito?” sunod-sunod na tanong nito dahil sa pagkamangha.
Inakbayan si Juan Miguel ng kanyang ninong.
“Lahat ng iyan ay galing sa mommy at daddy mo ng nabubuhay pa sila. Tinulungan nila ako noon kaya ako nandito sa kinatatayuan ko ngayon. Kaya kung sino man ang dapat makinabang sa pinalago ko galing sa kanila ay walang iba kung hindi ikaw,” mahabang lintiya nito sa binata at muling humalakhak na habit na ata nito sa tuwing masaya ito.