(Saskia) Hindi ko mapigilan ang aking sarili at iginiya ko ang aking mga mata sa buong paligid. Manghang- mangha ako sa lugar na pinasukan ng kotse kung saan nakasakay kami ngayon ni Amari, kasama ang kanyang mga magulang na nakaupo sa driver seat. Nakasunod naman sa amin ang isa pang kotse kung saan nandun nakasakay si Mr. Harold. Napahawak kamay kaming dalawa ni Amari at nagkatinginan kami sa isa't- isa. Dito na nagbabago ang buhay naming dalawa. Bakit nga ba ako napasama? Pag- uwi namin ni Amari kanina, naabutan na namin ang mga magulang nya. Nakiala na namin ang dalawa nung pina- DNA test kaming dalawa ni Amari. Nagulat nalang ako nung sinabi nila na isasama nila ako at plano nila akong ampunin at mananatili kaming kambal ni Amari. Nag- iiyakan kami ni Amari sa sobrang saya. Buong ak

