(Saskia) 2 years later.... Naiwan na naman kaming dalawa ni Amari, pumanaw na si tiyang. Inataki ito hindi na gumaling. Kahit hindi namin naramdaman ng aking kakambal ang pagmamahal ni tiyang pero gumasto talaga kami sa pagpapagamot sa kanya at umasa kami na gagaling pa sya pero kinuha din sya mula sa amin. 18 na kami ni Amari at grumadwet narin ang aking kakambal. Sa susunod na pasukan, ako na naman ang papasok sa paaralan habang si Amari naman ang magtatrabaho. Plano ng aking kakambal na pumasok bilang cashier sa isang mall na nasa lungsod. Sa ngayon, inaalagaan muna nya si donya Guardia, ang may- ari ng malaking hacienda dito sa San Martin. Nasa may talampas ako ngayon, ang lugar kung saan madalas kong pinupuntahan pag may dinaramdam ako. At madalas na talaga akong nandito mula nung

