(Saskia) Naalimpungatan ko na parang may mga matang nakatutok sa akin. Agad kong ibinuka ang aking mga mata at nakahinga ako ng maluwag nang walang kahit anong masamang nilalang ang sumalubong sa aking paningin. Bahagi lang siguro iyon ng aking panaginip. Napapihit ako patagilid at napasigaw ako bigla nang may nakita ako na nakatayo sa gilid na tila pinagmamasdan ako. Nakahalukipkip ito habang nakasandal sa dingding. Mabilis akong napaupo. Natatakot ako pero dapat kong balewalain ang takot ko. "S- Sino kang maligno ka?" kinakabahan kong tanong nito. Madiin ko syang tinititigan para maaninag ko ang kanyang mukha kahit pa may kadiliman ang buong paligid. "S- Savino?" "Yes baby, may iba ka pa bang ini- expect na papasok dito sa kwarto mo?" umaayos sya sa pagkakatayo at humakbang sya pala

