(Saskia) "Ano bang gagawin natin dito?" kunot- noong tanong ko kay Savino nang inihinto nya ang kotse na sa tingin ko parking area ng isang malaking building. Nabuhay na naman ang matinding takot ko sa kanya. Naisip ko na naman na may gagawin syang masama sa akin. "Tayo na." "Ayaw ko." tanggi ko, sinabayan ko ng iling at isiniksik ko ang aking sarili sa gilid na bahagi ng kotse. Narinig ko ang kanyang pagbugtong- hininga. "Ilang beses ko bang kailangan sabihin sayo na wala nga akong gagawin masama sayo?" "Wala akong tiwala sayo, Savino. Iyan ang totoo. Pagkatapos ng ginawa mo sa akin ay hindi na kita kayang pagkatiwalaan pa." "Fine. You asked me to do this." naiirita nyang sambit, saka pabigla nya akong hinila. Hindi ko napaghandaan ang gagawin nya kaya agad nya akong nahila at

