Savino Davin Montreal, one of the well- known Montreal Triplets. Sya ang gitna sa kanilang tatlo. He is the CEO of Montreal Airlines. MA is not a part of Montreal Corporation. This is his father owned business. Mahilig kasi ang kanyang ama sa mga eroplano at pangarap nga nitong maging piloto nung kabataan nito, pero dahil nag- iisang anak lang ito kaya kailangan nitong talikuran ang pangarap na maging piloto para e- manage ang negosyo ng pamilya nito.
Ipinagkatiwala ng kanyang ama sa kanya ang sarili nitong negosyo dahil sa kanilang anim na magkakapatid na lalaki, sya lang naman ang may hilig din sa mga eroplano. Sa katunayan, isa syang piloto. Maliban pa dito, isa din syang sikat na car racer.
Mahilig sya sa mga sasakyan. Ito ang dahilan kaya marunong syang magmaneho sa kahit anong klasing sasakyan, mapahimpapawid, mapadagat at mapalupa. He is almost physically perfect, with a towering height of 6 feet and 2 inches. Skillfull din sya at talented. Never mind nalang sa ugali nya. Mahirap syang pakisamahan at mainitin ang kanyang ulo.
Dahil sa taglay nyang kaguapuhan, marami talaga ang nagka- crush sa kanya at nagpaplano na pikutin sya, pero walang kahit sino man babae ang nakalapit sa kanya, dahil titig palang nya ay para na syang si Hitler na gusto lagi ng giyera.
Oops! Meron na pala. At hindi nya matanggap na nagawa syang utuin ng isang 16 years old na babae na halos sambahin na nya. Isang gold digger na babae. He was 24 years old at that time.
He is now 26 years old at hanggang ngayon, hindi parin nya makakalimutan ang pangyayari na yon sa kanyang buhay. Naikuyom nya bigla ang kanyang kamay nang naalala na naman yon.
-----
(Savino)
Kasalukuyang nasa conference room ang buong pamilyang Montreal na nasa loob lamang ng Montreal mansyon o tinatawag ng iba na Montreal white house.
A tree storey white mansion, that consist of 20 rooms, 5 guest room, 3 servants quarter, two living rooms, 1 big dining room and a dirty kitchen. Big conference room, study room and a library. Entertainment room, kung saan nandun ang isang napakalaking television screen, na parang nanonod ka lang ng sine, at kumpleto sa mga entertainment appliances.
Meron din napakalaking swimming pool at magandang hardin, ang kinatitirikan ng mansyon. May landing area ng chopper plane ang rooftop ng mansyon. Montreal is a multi- billionaire after all.
Our family is on top of real- estate business, land and property development business, construction and architectural firm. We owned chopper planes, speedboats, ships and yacths. We also have our own island.
Pero, bakit nga ba kami nandito sa conference room ng aking pamilya?
Pinatawag kasi kami ng aming mga magulang. May mahalagang usapin na naman siguro kami na pampamilya. Me and my brothers are living separately now. May mga kanyang- kanya buhay na kaming magkakapatid.
My brother Seighfred, he is once a married man, pero naghiwalay na ito at ang asawa nito. He has an adopted daughter. He is the CEO of the Montreal Corporation.
While my brother, Saven, is a married man. He has one daughter, Sandy. His wife, Faith, is a model who doesn't much time for her family. He is a doctor and he didn't engaging his self to our family business.
The third in line, my brother Simon Nicollo, when he was 18, nasunog ang kalahati ng kanyang mukha dahil sa isang aksidente. And just one year ago, he undergo a special operation para maibalik sa dati ang kanyang mukha. And he's back as Nicollo Castellejos, he is using his 2nd name and the family name of our mother. He is a lawyer, and a CEO of his own business. Sa aming magkakapatid, sya ang may pinakamalaking network.
And last, we triplets, Sancho is the oldest, the playboy one, the Casanova. Santinir is the youngest, pinakamasunuring anak pero pinaka- perfectionist din. Me, well, ako lang naman ang pinakaguapo sa aming tatlo. Walang kokontra dahil yan ang totoo.
Triplets man kami at halata iyon, but I am different from the two, I am darker and they are lighter. Sancho and Santinir are much look alike with my mother, while much look alike naman ako sa aming ama. Kaya sa kasamaang palad, kamukha ko ang mga kuya ko na sina Seighfred at Simon. Mainit pa naman lagi ang dugo ko sa kanilang dalawa, dahil makapal ang kanilang mukha na katulad ko.
Dumating na ang mga magulang namin kasama ang isang private investigator.
"What is this all about mom and dad? At kailangan ko pang isakripisyo ang date ko." tanong ni Santinir.
"Hindi ko alam Bro na kawalan na sayo ngayon ang hindi makapunta sa date mo." natatawa kong sambit. Hindi naman talaga ako masyadong loner, off lang minsan ang sense of humor ko.
" Baka naman natamaan na 'yan ng sakit. Sakit na dala ni kopido." Ani ni Sancho. Naka- recline ito at pangiti- ngiti.
"You shut up, moron!" Inis na bulyaw ni Santinir sa aming dalawa ni Sancho. Pareho lang kaming napatawa.
"Boys----" putol ng mommy namin sa asaran naming tatlo"---pinatawag ko kayong lahat, dahil may mahalaga kaming sasabihin ng daddy nyo sa inyo.".
"What is it mom?" si Saven.
" We finally found, Safara." Masayang bulalas ng ina namin. Basang- basa ko ang kasiyahan sa kanyang mga mata.
Napatitig lang ako sa kanya. I know I am happy, but doubted din at the same time. Paano kung false hope na naman to?
I was just 9 years old when my family lost Saffara, who is just one year old at that time. Our mother almost died in depression because of that. And after 17 years of searching, God finally answered our prayer.
"Not until, we get the DNA result of the two girls." Ani ng daddy namin
" Sigurado ako na isa sa dalawang babae si Saffara. Naramdaman iyon ng puso ko, Samuel."
" Anong ibig nyong sabihin, dad?" kunot- noo na tanong ng panganay namin na si Seighfred.
"Harold will explain." Ani ng daddy namin. Tinapik nya ang balikat ni Harold, bago sya umupo katabi ni mommy.
Harold is a handsome self- rich private investigator. He is skilled of his work. Sa tingin ko, kaedad lang nya si Seighfred.
May ibinigay na isang folder si Harold sa bawat isa. Agad kong binuklat ito. And there, tumambad sa paningin ko ang close up picture ng dalawang magandang babae, na hawig sa isa't- isa. Mestisa lang ang isa, at medyo light brown ang isa. Meron din mga ibang documento.
Naikuyom ako ang aking palad nang nakilala ang isa sa mga babae na nasa picture. Agad kong naramdaman ang sobrang galit. Nag- init bigla ang aking ulo nang naalala ko na naman ang babaeng iyon. Ang babaeng naglakas- loob na paikutin ako.
" They are Amari and Saskia Monica Santos. They practically grown together as fraternal twins." Simula ni Harold.
No way! Hindi ako papayag na ang Saskia ito ay si Saffara. At hindi din ako papayag na kapatid ito ng aking nawawalang kapatid.
"Saffara don't have a twin sister." Hindi ko mapigilan sambit.
"I know." Ani ni Harold, took a deep breath, saka sya nagsalita muli. "Ayon sa source ko, isang ampon ng mag-asawang Santos ang isa sa kambal. Nakita daw nila ito sa isang kalsada, na malapit sa pinangyarihan ng isang aksidente. I guess, that said accident is same sa aksidenteng nangyari 17 years ago, kung saan nabangga at nasunog ang kotse sinasakyan ninyong mag-asawa." Ang tinutukoy nya ay ang mga magulang ko. "Walang nakakaalam kung sino sa dalawa ang ampon, patay narin ang mag- asawa, kaya hindi natin matanong ang mga ito. Ang tanging solusyon nalang ay ang DNA test."
"Then, what are we waiting for. Let's do the test. With money, mapadali natin ang prosesso." Ani ni Simon.
"I have a friend who can do the test and can fast the result." Ani naman ni Saven.
"Kailangan pa natin kausapin sina Amari at Saskia. Hopefully, papayag sila." Ani ni Harold, saka sya napabugtong- hininga." Nung huli ko silang kinausap, they decline. Ayaw nilang tanggapin pareho na hindi sila tunay na magkakambal. Sa tingin ko, kung kayo mismong kapamilya ang kakausap sa kanila, baka makumbinsi ninyo sila."
Nagkatinginan ang bawat isa, saka sumang-ayon sa sinabi ni Harold.
"I guess Amari is our little Saffara. I can't see Saskia as my little sister." Hindi ko matatanggap na si Saskia ang kapatid ko. Dahil kinamumuhian ko ang babaeng ito.
"I guess so... She is mesteza just like mom. And between the two, mas kamukha sya ni mommy." Sang-ayon naman ni Sancho.
" I can see Sandy in Amari's face." Ani naman ni Saven. Si Sandy ay ang anak nya na kamukha nya. Si Saven kasi at si Saffara ang sobrang magkamukha, dahil kamukha ang mga ito sa aming ina.
Hanggang sa natapos ang usapang pampamilya namin.
Papunta ako sa aking kwarto dito sa mansyon. Napagpasyahan ko na dito na magpalipas ng gabi, medyo napagod ang aking isip at nakisabay ang aking katawan, dahil naalala ko na naman ang babaeng iyon. Lagi nalang pabalik- balik sa isip ko ang babaeng iyon kahit dalawang taon na ang nakakalipas.
Napahinto ako. Sabi ko na nga ba, kakausapin ako ng dalawang ito.
"Bro, diba, yong si Saskia, iyon yong babae na pinupormahan mo nung sa San Martin. Yong babae na bumasted sayo. Naalala ko pa, para kang pinagsakluban ng langit at lupa nung." si Santinir.
Mainit na nga ang ulo ko, ngayon mas lalo pang uminit.
"Sana kinalimutan mo na yon, at nag- move on kana. Dalawang taon na ang nakakalipas. Maging pormal ka sana, kasi baka maging bahagi na ng pamilya natin si Saskia." si Sancho.
I look at them with so much displeasure.
"Saskia is not Saffara."
Paninindigan ko ito. At kung sakali man na si Saskia at Saffara ay iisa lang, itatakas ko ito dahil hindi ako papayag na maging kapatid ko si Saskia.
"Kahit hindi nga sya si Saffara, there is a possibility that our parents will adopting her." si Sancho. "Narinig mo naman siguro kanina, na ulilang lubos na sina Saskia at Amari, at ayaw maghiwalay ng dalawa. Kung saan si Amari, nandun din si Saskia."
"So, you have to accept that even though Saskia is not Saffara, she'll going to be our sister, too. At umaasa kaming dalawa, na wala kang gagawin masama doon sa babae dahil kami ang makakalaban mo kung saka- sakali." matigas na sambit ni Santinir.
"Tigilan nyo ako, asshole. Wag nyo akong pakialaman dahil buhay ko 'to." naiirita kong sambit. Nilampasan ko silang dalawa. Mas mabuti nang umalis na ako, bago ko sila tuluyang masapak.
Ang lakas ng loob nilang pagsalitaan ako. They didn't know the whole story. They didn't know how it affects me. And they didn't know, how much I hated that young woman. And that hatred still torturing me until now.
I've found a woman who totally owned my heart but she is a f*cking golddigger.
And until now---- God! F*ck! I still can't get her out from my f*cking head!
Pagpasok ko sa aking kwarto, agad na sumalubong sa aking paningin ang aking gitara na nasa ibabaw pa ng aking kama.
Noon paman, libangan ko na ang kumanta habang naggigitara. Sa aming magkakapatid, kaming dalawa lang ni Nicollo ang magaling kumanta, ito ay namana pa namin sa aming ina. Pareho din kaming marunong maggitara ni Nicollo.
Lumapit ako sa aking kama, umupo ako at kinuha ko ang gitara. Hanggang sa natagpuan ko nalang ang aking sarili na tumugtog at kumanta sa isang musika na angkop sa aking nadarama. Pero, hindi ko matanggap na hanggang ngayon ganito parin ako.
-
'Di kita malimutan
Sa mga gabing nagdaan
Ikaw ang pangarap
Nais kong makamtam
Sa buhay ko ay
Ikaw ang kahulugan
-
Pag-ibig ko'y
Walang kamatayan
Ako'y umaasang
Muli kang mahagkan
-
Ikaw pa rin ang hanap ng pusong ligaw
Ikaw ang patutunguhan at pupuntahan
Pag-ibig mo ang hanap ng pusong ligaw
Mula noon bukas at kailanman
-
Ikaw at ako'y
Sinulat sa mga bituin
At ang langit
Sa gabi ang sumasalamin
Mayroong lungkot
At pananabik
Kung wala ka'y kulang ang mga bituin
-
Aasa ako (aasa ako)
Babalik (babalik)
Ang ligaya aking mithi (sa kin mata)
Hanggang sa muling (hanggang)
Pagkikita (pagkikita)
Sasabihin mahal kita (mahal kita)
-
Ikaw pa rin ang hanap ng pusong ligaw
Ikaw ang patutunguhan at pupuntahan
Pag-ibig mo ang hanap ng pusong ligaw
Mula noon bukas at kailanman
-
Frustrated akong napatigil. Hindi ko napigilan ang aking sarili at naihampas ko ang gitara sa dingding. Sakto ang pagkasira nito.
I shouldn't think for her, but she's always in my f*cking mind ever since. Her memories, her sweet smile and even the taste of her lips, it doesn't leave me. It's always with me. And I don't like it. I hate it.
Okay fine. You what to be a part of my family. Fine. But I swear to you, I will make your life a f*cking hell, just like what you did to my life for two years now.